Share

CHAPTER 04

Author: janeebee
last update Last Updated: 2023-02-25 13:41:52

" Archer? " halos lumuwa ang mata ko nang makita ang isang guwapong binata sa harap ko. " Anong ginagawa mo rito? "

" Nag r-relax. Katatapos lang ng shooting namin malapit dito, " anito saka kumaway sa mga kasama ko. " Kanina pa kayo rito? "

" Hindi naman masyado.Kasisimula pa lang namin. Tara dito, maupo ka sa table namin. May mga kasama ka ba? " tanong ni Ruiz, saka tinapik ang natitirang space sa tabi niya pero sa gilid ko naupo si Archer. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Ruiz at Jana pero pinandilatan ko lang sila. Tumingin ako kay Terrence na saktong napatingin rin saakin, bago ko ilipat ang tingin kay Moira na muntik ko ng malimutan na kasama pala namin. Abala ito sa pagkain ng buffalo wings, mukhang ito lang ang dahilan kaya sumama siya saamin.

" Ako lang mag-isa ngayon. Tumakas lang kay Manager Cha, ayaw kasi akong payagan lumabas, " ani Archer, " Tapos naman ng makunan 'yong lahat ng scene ko sa movie kaya akala ko marami na akong time mag unwind, pero ayaw naman ako payagan ni Manager. Tatlong buwan rin akong halos walang pahinga, sa tingin ko deserve ko naman 'to. "

" Alam mo kasi, artista ka, Archer. Kailangan mong ingatan ang image mo kapag nasa public places ka kagaya nito. Natural lang na ayaw kang payagan ng Manager mo kasi baka kung anu-ano ang gawin mo kapag na sa labas ka, " pangaral ni Jana saka nagsalin ng alak sa isang baso para ibigay ito kay Archer. " Pero tama, deserve mo rin ang magliwaliw matapos ng three months na wala kang pahinga. Bottoms up! "

Balak kong kuhanin 'yong baso kay Jana pero nakuha na ito ni Archer na agad na ininom 'yong alak na walang pag aalinlangan. Napailing na lang ako at pinandilatan si Jana na nagkibit balikat na lang at tumango-tango saakin. 

" Archer, alam mo kung ako sa'yo, i-text mo si Manager Cha. Sabihin mo kung nasaan ka dahil siguradong nag-aalala na 'yon sa'yo. " Pagkuha ko sa atensyon ng katabi ko, " Tsaka ang daming tao ngayon dito sa resto bar. Mamaya may mga mag picture nang palihim sa'yo, baka mag trending ka bukas at gawan pa ng issue 'tong paglabas mo. "

Natatawa itong umakbay at tumapik sa balikat ko. " Zenaida, hindi naman ako ganoon kasikat para pag-usapan ng lahat. Nagsisimula pa lang ako sa showbiz. Hindi pa ganoon kaingay ang pangalan ko sa publiko. Baka nga sa loob ng resto bar na'to, kayo lang ang nakakakilala saakin. "

" Pa-humble effect ka pa riyan, Archer. May one million followers ka nga sa mga social media account mo, eh! Imposibleng kami lang ang nakakakilala sa'yo dito, " saad naman ni Jana. " Tignan mo sa kabilang table, may mga nakatingin dito sa gawi natin. Gusto yatang magpa-picture sa'yo, oh. "

Napatingin naman kami sa table na tinutukoy ni Jana at nakita ang ilang kababaihan na tila ba biglang nahiya nang mapatingin kami sa lahat sa gawi nila.

" In fairness, pretty silang lahat, " sabi ko at sinadya ko talagang iparinig 'yon sa katabi ko. " Lalo na 'yong short hair. Ang cute ng face niya. "

" Mas maganda ka naman sa kanila, " bulong ni Archer sa tainga ko.

Tumikhim bigla si Terrence kay naalis ang tingin namin sa mesa sa kabila. " Archer, pakitanggal 'yong kamay mo sa balikat ni Zenaida, kung ayos lang? Mahirap na, baka iba ang isipin ng mga makakakita at pagmulan 'to ng issue tungko sa'yo. "

" Walang problema saakin 'yon. Kung magkakaroon man ako ng dating rumors, mas mabuti ng kay Zenaida, " sagot ni Archer dahilan para tapikin ko ang kamay niya sa balikat ko.

" Umayos ka nga, baka may makainig sa'yo. Gusto mong lamutakin ko 'yang bibig mo? "

" Okay lang, basta bibig mo rin ang ipanglalamutak mo. "

Nagpalakpakan sina Jana at Ruiz sa sinabi ni Archer. Sinabayan pa ng hiyawan at kantyawan na para bang kahanga-hanga ang binitawan nitong salita. Tumingin ako kay Terrence na kagaya ko ay hindi magawang tumawa o makisabay sa mga kasama namin sa mesa.

" Kakainin niyo pa ba 'to? " Natigil ang lahat nang magsalita si Moira. Nakaturo ang daliri nito sa dalawang piraso ng pizza. " Saakin na lang. Order na lang ulit ako ng dalawa pa. "

Minsan, parang gusto ko na lang na maging si Moira. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid, pagkain lang, ayos na sa kaniya. 

***

Alas diyes na ng gabi, nandito pa rin kami sa resto bar. Si Jana ay nasa mini stage, kumakanta kasama si Ruiz na ka-duet niya.  Naiwan kaming apat sa mesa nina Terrence, Moira at si Archer na lumabas saglit nang tawagan siya ng driver niya. 

Palagay ko ay may tama na ako dahil nakararamdam na ako ng antok pero gusto ko pang uminom hanggang sa bumagsak ako. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung anong mangyayari saakin next week dahil siguradong wala na akong trabaho noon. Absent si Chief kaya malamang na sa Lunes niya pa ako ire-report at ipatatangal sa trabaho. 

" Zen, okay ka lang? " Napatingin ako kay Terrence na nasa harap ko. " Gusto mo ng umuwi? "

Umiling ako at kinuha ang bote ng alak bago ako muling magsalin sa baso. " Iniisip ko lang kung ano ang gagawin ko sa Lunes. Hindi puwedeng malaman nila Mama na wala na akong trabaho next week, kaya dapat lumakad na rin ako bukas para makapaghanap ng bagong trabaho. "

" Bakit hindi mo subukang mag sorry kay Chief, baka sakaling magbago ang isip niya? " suhestiyon ni Terrence na agad kong tinutulan.

" Bakit ako mag s-sorry kung deserve naman niya 'yong nangyari kagabi? Kasalanan rin naman niya 'yon dahil napaka toxic niyang nilalang. Pati ang personal kong buhay, pakikialaman niya. " Dire-diretso kong ininom 'yong alak na sinalin ko sa baso saka napadighay nang malakas.

" Hindi ka naman bibitawan agad ng kompanya, Zenaida. " Napatingin ako kay Moira na nakapanghalumbaba sa mesa. " Isa ka sa pinakamahusay na journalist ng Updated. Malaking kawalan kung aalisin ka, kaya siguradong gagawa sila ng paraan para mag stay ka. "

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Moira. Kahit papano nagbigay 'yon ng kaluwagan sa dibdib ko, pero kung ang paraan na sasabihin saakin ay ang paghingi ko ng tawad kay Sir Joaquin, mas gugustuhin kong maghanap na lang ng ibang trabaho. 

" Masyado kasing insicure si Sir Joaquin. Bakit kasi hindi na lang siya manahimik sa isang tabi dahil wala namang may gusto makinig sa opinion niya? Hindi naman porque anak siya ng CEO ng kompanya natin, dapat na rin tayong makinig sa kaniya. I mean, may posisyon nga siya pero hindi naman niya 'yon magamit nang tama, " hindi ko mapigilan ang sarili ko na maglabas muli ng saloobin dahil isa talagang malaking tinik sa lalamunan ang Chief Editor namin. " Napakahigpit pa niya sa oras, pero kapag siya ang na-late, bawal tayong magsalita? "

" Oh, hanggang ngayon mainit pa rin ang ulo mo, Zenaida? " tanong ni Ruiz na kababalik lang sa mesa namin. Akay-akay niya si Jana na mukhang tinamaan na ng alcohol ang utak.

" Paanong hindi iinit ang ulo ko? Kapag naririnig ko nga lang iyong pangalan ni Chief, kumukulo na 'yong dugo ko. " Napabuga ako sa hagin, " Alam niyo, dapat pala noon pa man ay gumawa tayo ng sistema sa opisina na kung saan, mayroon tayong kalayaan na sabihin ang mga hinanaing natin. Isusulat natin 'yon sa isang papel at ilalagay kung para kanino 'yon. Tiyak,  maraming matatanggap na letter si Chief kapag nangyari 'yon. "

" At malamang lahat 'yon ay galing sa'yo. " Natatawang saad ni Jana na nakahilata na sa sopa. Nakapikit na ang mga mata pero nagagawa pang magsalita at tumawa. 

" Aba, malamang. Kulang ang isang papel saakin para isulat ang lahat ng hinanaing ko sa kaniya. Baka nga ipa-billboard ko pa para mabasa ng lahat kung gaano ka-toxic ang boss natin. "

" Bakit hindi mo gawin? "

" Talagang gagawin ko siya. Ipakakalat ko 'yon sa buong mundo nang malaman ng lahat kung gaano kahangin ang utak ng isang Joaquin Delgado..." Napahinto ako sa pagsasalita nang ma-realized ko na ang nagsalita ay nasa kabilang mesa sa likuran ko. Base sa reaksyon ng mga kasama ko, tila ba alam ko na ang sunod na mangyayari dito. 

" Bakit huminto ka? Ituloy mo. Gusto kong marinig, " saad nito kaya agad akong lumingon sa mesa sa likuran namin at doon, nakita ko si Sir Joaquin. 

" Wow, nandito rin kayo? What a coincidence. " Napailing ako at sa kabila ng hilong nararamdaman ko, tumayo ako para harapin siya. " Talagang hanggang dito, makikita ko ang pagmumukhang 'yan? "

" Zenaida, " rinig kong tawag saakin ni Ruiz at Terrence pero hindi ko sila nilingon. Siguro nga, tinamaan na ng alak ang sistema ko dahil parang lalong lumakas ang loob ko makipagsagutan ngayon.

" Kaunting-kaunti na lang ay iisipin kong destiny 'to. " Sarkastiko akong natawa saka ipinag-krus ang braso ko. " Bakit kung kailan gusto ko ng katahimikan, nakikita ko ang pagmumukha niyo? Kagabi, nandoon kayo sa restaurant at sinira niyo ang gabi ko. Ngayon, pati ba naman dito, Chief? Wow."

" Iniisip mo bang sinusundan kita? " Nakangising tanong nito saka ibinaba sa mesa ang basong hawak niya na may lamang alak. " Para sa kaalaman mo, ang resto bar kung nasaan ka ngayon ay pagmamay-ari ng kaibigan ko. Siya ang pinunta ko rito, hindi ikaw. "

" May kaibigan ka pala? " Napairap ako. " Aminin mo na lang na stalker ka. "

" Anong pakialam ko sa'yo, Miss Zenaida? May mapapala ba ako kapag sinundan kita? " tanong niya saka tumayo dahilan para magkapantay ang tingin naming dalawa. " Tsaka baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa saakin. Sa tingin mo ba palalampasin ko na lang ang pambabastos na ginawa mo saakin kagabi? "

" Deserve mo 'yon. Actually, kulang pa nga 'yon, eh. " Tumalikod ako at kinuha ang natitirang bote ng alak sa mesa namin. Sinubukan akong pigilan ng mga kasama ko pero iwinasiwas ko ang mga kamay ko sa kanila para lumayo saakin at pagewang-gewang na lumipat sa kabilang mesa para malapitan si Sir Joaquin. Taas-noo ko siyang hinarap, kahit nahihilo ay pilit akong tumayo nang tuwid. " Alam kong insecure kayo saakin kaya palagi niyo akong pinag-iinitan sa office. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan niyo pang gumawa ng paraan para mawalan ako ng trabaho? Sobrang...laki ba talaga ng galit niyo saakin? "

" Unang-una sa lahat, hindi ako insecure sa'yo, Miss Zenaida. Anong dapat kong kainggitan sa'yo? "

" Aba malay ko sainyo, Chief! Ano nga ba ang dahilan at bakit palaging mainit ang ulo niyo saakin? " Tinapik-tapik ko ang balikat niya pero sinagi niya ang kamay ko na para bang isa ako alikabok. Natawa na lang ako nang bahagya saka inangat ang bote ng alak sa harap niya. " Kung ano man ang ikinagagalit niyo, sabihin niyo saakin ngayon nang diretso. Hindi ako mag so-sorry sa ginawa ko sainyo kagabi dahil deserved niyo naman kasi talaga 'yon, pero para maging patas, ibuhos niyo rin saakin itong alak para naman gumaan kahit papano ang pakiramdam niyo. "

Kita ko ang gulat sa mukha niya at sa totoo lang, ganoon rin ako. Hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko pero puñeta, mahal ko talaga ang trabaho ko at ayokong tanggalin ako nang ganoon-ganoon na lang, kaya bahala na si Lord. 

" Anong pinagsasasabi mo, Miss Zenaida? Hindi ako baliw kagaya mo para gawin ang ginawa mo saakin kagabi, " aniya, " at kung iniisip mo na ito ang paraan para patawarin kita sa ginawa mo saakin, nagkakamali ka. "

" Hindi ko hinihiling na patawarin niyo ako. Ang point ko rito ay gusto kong maging patas tayo. Baka kasi sobra kong nasaktan ang ego niyo kagabi kaya naman bibigyan ko kayo ng chance na gantihan ako. Sige na, huwag na kayong mahiya. Kung gusto niyo, pati 'yang alak na nasa mesa niyo ay ibuhos niyo na rin saakin. "

" Sorry to disappoint you, pero hindi ako kagaya mo—" Mabilis kong kinuha ang kamay ni Sir Joaquin para ipahawak ang bote ng alak sa kaniya. Agad ko itong itinuwad sa ibabaw ng ulo ko dahilan para matapon saakin ang natitirang laman. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Office Romance: Who's your Daddy?   EPILOGUE

    Bastos, mayabang at walang modo. Iyon ang mailalarawan ko sa isang empleyado ng kompanya na palaging naglalakas loob na kalabanin ako. Sa lahat ng opinyon ko, palagi siyang may komento. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya at pakiramdam niya, alam na niya ang lahat. Alam kong isa siya sa mga mahuhusay na mamamahayag na kinikilala ng Updated, kaya kung ipatatanggal ko siya sa trabaho, alam kong maraming tututol, kaya naman ako na ang gumagawa ng paraan para siya mismo ang sumuko at mag resign. Anong silbi ng mahusay na mamamahayag kung bastos at mayabang naman? " Miss Zenaida, mayroon tayong freedom of speech pero hindi sa ganitong paraan mo gagamitin 'yon. Kung kalokohan lang naman ang gusto mong isulat, sa social media ka na lang sana nagkalat. " " Excuse me? " Gumuhit sa mukha niya ang insulto sa sinabi ko. " Chief, grabe naman kayo kung makapagsalita. Unang-una, wala po akong alam kung bakit nag puro symbol ang fonts ng aticle ko. Alam ko sa sarili ko na pulido ang ga

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 59

    " Dawn, ibaba mo 'yan..." Nanginging ang boses kong pakiusap kay Dawn ngunit bumungisngis lang siya sa harap ko at humakbang palapit saakin dahilan ng pag-atras ko. " You are funny as hell! Bakit takot na takot ka? Wala pa naman akong ginagawa! " tila tuluyan ng nawala sa sarili si Dawn dahil halos hindi na siya makahinga sa pagtawa niya. Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin saakin habang nakahawak sa kaniyang tiyan. " Chill, bakit ba paatras ka nang paatras? Baka naman mahulog ka sa hagdan? " Lumingon ako sa likuran, may tatlong hakbang mula sa aking kinatatayuan bago ako makarating sa tuktok ng hagdan. Binalik ko ang tingin kay Dawn. " Paano mo...paano mo nagawang makapasok rito sa bahay? " " Natural sa pintuan! Ang stupid naman ng tanong mo. " Naiiling niyang sagot. Sumandal siya sa railings habang patukoy na pinapaikot sa kamay niya 'yong balisong. " Kawawa ka naman kagabi. Mag-isa ka lang sa kama, ano? Malandi ka kasi, eh. Kung sino-sino na lang talaga pinapatulan mo." Sandali

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 58

    Sa mga sandaling ito, nababatid kong maraming naglalaro sa isipin ni Joaquin dahil sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. Kumpiyansa ako na wala akong ginawang mali ngunit hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon gayong wala akong maalala. " Anong ibig sabihin nito? " Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa. Gumuhit sa mga mata niya ang sakit ngunit nang ibaling niya ang tingin kay Terrence, madilim na ekspresyon na ang nakita ko sa kaniya. " Joaquin, n-nagkakamali ka. Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isip mo, walang katotohanan 'yan. " Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinangkang hawakan ang braso niya ngunit umatras siya palayo saakin nang hindi inaalis ang matalim na tingin kay Terrence. " Lovato, wala kang balak magpaliwanag? " lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Joaquin. Nararamdaman ko ang tensyon na bumabalot sa buong kuwarto at hindi ko alam kung paano ko ito magagawang pigilan. Nagtama ang tingin namin ni T

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 57

    Walang tao. Wala akong nakitang kahit na ano maliban sa nakasaradong bintana. Napabuga ako sa hangin sa pagkadismaya sa sarili. Siguro nga na pa-praning na nga ako. " May problema ba, Zenaida? " Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ni Joaquin. Buhat niya si Phoebe na humihikab pa at tulad ng ama niya, puno ito ng kalituhan ang mukha niya. Umiling ako at lumapit sa family picture namin na ngayon ay basag ang salamin at sira na ang frame. Lumapit saakin si Joaquin nang ibinaba niya sagit si Phoebe sa kama. " Ito 'yong nabasag? " Inangat niya ang tingin sa pader kung saan ito nakadikit. Naroon pa rin ang pako kaya imposibleng nalaglag ito nang basta-basta, maliban na lang kung may nagtanggal. Hindi ko alam kung dapat ko bang pairalin ang pagiging praning ko pero nararamdaman kong may hindi tama sa bahay na'to. Mas kaya ko pang paniwalaan kung may nangyayaring paranormal activity dito, pero 'yong ideya na may kasama kaming ibang tao sa bahay na'to na hindi namin alam,

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 56

    " Miss Jazmine, tumayo po kayo. " Hinawakan ko sa magkabilang balikat ang matanda upang itayo ito mula sa pagkakaluhod. " Hindi niyo naman po kailangang lumuhod pa para humingi ng kapatawaran. Sapat na po saakin ang paghingi ng tawad na may sinseridad. "Malungkot niya akong tinignan. " Zenaida, hindi ko alam kung gaano kabigat ang pinagdaanan mo sa loob ng apat na taon. Hindi ko alam na nagawa ka pa lang kausapin ni Nicolas at hilingin sa'yo na ipalaglag ang bata. Wala akong alam sa bagay na'yon...patawarin mo 'ko, hindi kita nagawang tulungan noon. "" Hindi ko naman po sinunod ang sinabi niya... at hindi rin naman po sumagi sa isip ko na ipalaglag ang anak ko." Mahinahon ngunit buong kumpiyansa kong sagot sa kaniya. " Apat na taong gulang na po si Phoebe ngayon. Gusto kong kuhanin ang pagkakataong ito para sabihin na wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong buhayin siya. "Sunod-sunod ang tango na ginawa niya habang nanunubig ang kaniyang mga mata. " Mas nauunawaan ko na kung saa

  • Office Romance: Who's your Daddy?   CHAPTER 55

    " Sa isang buwan na agad ang kasal? Ang bilis naman! " Gulat na tanong ni Jana, katatapos lang mabulunan sa kape na iniinom niya. " Isang linggo pa lang kayong engaged, kasalan agad? Ano, excited mag honeymoon? " " Gaga, parang hindi mo naman alam ang dahilan? " Paanas kong tanong sakaniya. Bakit ba kasi sa coffee shop pa namin napiling magkita? Masyadong matinis ang boses ni Jana. Hindi marunong makipag-usap nang may hinahon. " Bakit patatagalin pa kung sigurado naman na sila sa isa't isa? " ani Moira saka isinubo ang huling piraso ng egg tart na pangalawang order na niya. " Wala na ring dapat ika-excite sa honeymoon kung araw-araw naman silang—" " Huy, Moi, bibig mo. Nasa public place tayo, luka. " Pinanlakihan ni Jana ng mata si Moi na inosenteng napatigil sa pag nguya habang nakatingin saamin. "...kung araw-araw naman silang magkasama sa iisang bubong. Wala namang mali sa sasabihin ko, ah? " Kinuha ni Moira ang iced coffee niya. " Linggo bukas, Jana. Baka gusto mo mag simba?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status