Share

Chapter 27

last update Tanggal publikasi: 2026-11-16 21:43:06

Soleia POV

Pagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.

Nakakainis! Sobrang nakakainis!

Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.

Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!

Ganoon lang?

Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?

Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba pu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 32

    Zenjiro POVNakasukbit na sa balikat ko ang bag ko at hawak ko na rin ang susi ng motor nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sa labas ng clinic.“Seriously?”Napahinto ako sa may pintuan at napatingin sa kalangitan. Kanina lang ay maaliwalas pa ang panahon. May kaunting ulap, pero hindi naman mukhang uulan. Kaya hindi na ako nagdala ng kapote o payong dahil ang akala ko ay makakauwi ako nang walang aberya.Pero heto ako ngayon, nakatayo sa harap ng clinic habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.Parang may bagyo!Napakamot ako sa ulo. Paano ako makakauwi nito? Naka-motor pa naman ako. Kahit magdala ako ng payong, wala rin akong magagawa dahil tiyak na mababasa pa rin ang kalahati ng katawan ko. Ayokong umuwi nang basang-basa, lalo na at malamig ang panahon.Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng clinic.“Maghihintay na lang muna ako,” bulong ko sa sarili.Isinara ko ang pintuan at iniwan ang mga susi sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay nagtungo a

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 31

    Zenjiro POVWala nang tao sa clinic ko nang matapos kong asikasuhin ang huling medical record ng pasyente ko.Napatingin ako sa wall clock. Alas singko na ng hapon. Medyo marami ang naging pasyente ko ngayong araw, pero mabuti na lang at wala namang seryosong kaso. Karamihan ay mga batang may lagnat, sipon, at ubo lang.Inayos ko ang mga papel sa ibabaw ng lamesa at isinara ang laptop ko. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung may mga bagong message ba galing sa mga emergency patient. May ilang notification mula sa mga magulang ng pasyente, pero wala namang kailangang sagutin ka agad.Nang maisilid ko na ang mga gamit ko sa bag, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.Napangiti ako nang makita ang pangalan sa screen.Aurelia is calling...Video call pa, kaya dali-dali ko iyong sinagot.“Hello, baby!” Agad na bumungad sa screen ang magandang mukha ng girlfriend ko. Nasa loob siya ng ospital at mukhang nasa nurse station. Nakasuot siya ng puting uniporme, may nakasabi

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 30

    Soleia POVNakakainis kasi ang dami ng tao nang makarating ako sa tapat ng sikat na bilihan ng inihaw na manok dito sa Savaya Town.Pagkababa ko pa lang ng tricycle, agad kong napansin ang napakahabang pila sa labas ng tindahan. Halos umabot na sa gilid ng kalsada ang mga taong naghihintay. May mga pamilyang bibili ng ulam, may mga naka-motor na halatang pauwi na galing trabaho, at mayroon ding mga kagaya kong nagmamadaling makabili bago maubusan.Napangiwi ako. Naku! Ang haba naman ng pila! Sumilip ako sa loob ng tindahan. Nakita kong abala ang mga empleyado sa paglalagay ng bagong ihaw na manok sa mga lalagyan. Mabango ang amoy ng litson na manok, lalo na kapag naaamoy mo ang timpla ng marinade at ang usok mula sa ihawan.Pero hindi iyon ang pangunahing problema ko.Si Zenjiro! Tiyak na malapit na siyang umuwi mula sa clinic niya, at kung magtatagal pa ako rito, baka maabutan niya akong wala pa sa bahay. Gusto ko sanang maihanda ang hapunan bago siya dumating.Iyon ang request niya

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 29

    Soleia POVAlas tres na ng hapon nang magising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Akala ko ay nananaginip pa ako. Akala ko sa pinapanuod ko kanina sa TV ko. Pero hindi kasi totoong nanggagaling sa labas ang ingay na iyon.“Delivery! Hello! May tao ba diyan? Hi, kanina pa po ako rito, yohoooo!!”Kasabay niyon ang sunod-sunod na pagpindot sa busina ng motor. Napaka-ingay. Napangiwi ako at pilit na dinilat ang mga mata. Ang sarap pa naman ng tulog ko. Katatapos ko lang ding managinip nang bigla akong ginising ng kung sinong napakaingay sa labas.Nakakabulaho na rin siya ng ingay sa mga kapitbahay.“Delivery po! May delivery! May tao po ba diyan? Hello po!”Napabuntong-hininga ako. Sino ba naman ang nag-order? Wala namang nabanggit sa akin si Zenjiro na may parcel siyang parating? Kung sa kaniya ito, malalagot talaga siya sa akin. Panira siya ng tulog.Bumangon na ako mula sa kama at inayos ang gulo-gulo kong buhok. Hindi ko na rin pinag-abalahan pang magpalit ng damit dahil pantulog l

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 28

    Soleia POVHabang kumakain kami ni Zenjiro ng tanghalian, hindi ko maiwasang mapansin na parang sanay na sanay na siyang makatanggap ng kung anu-anong pagkain mula sa mga pasyente niya.Kanina pa kasi ako nakikinig sa mga kuwento niya tungkol sa clinic. May mga batang nagpapatingin, may mga magulang na kung anu-anong tanong ang itinatanong, at mayroon ding mga nanay na nagdadala ng pagkain bilang pasasalamat daw sa kaniya.Napaisip tuloy ako.“Zenjiro.” Napatingin siya sa akin habang nagsasandok ng sabaw.“Oh?”“Totoo bang maraming nagdadala sa ‘yo ng pagkain sa clinic o mga order mo iyon?”Natawa siya sa tinanong ko. Alam ko naman na kasi kung ano ‘yung totoo. Wala lang, gusto ko lang makausap siya habang nandito pa. “Oo. Bakit?”“Anong mga pagkain?”“Kung anu-ano. Minsan cake, minsan tinapay, may mga nagdadala rin ng prutas. May mga nanay na nagluluto pa ng ulam at ipinapadala sa clinic.”Napataas ang kilay ko. “Wow! Ang dami naman pala talaga.”Napakamot pa siya bigla sa ulo. Ewan

  • Oh, Tukso, Layuan Mo Ako!   Chapter 27

    Soleia POVPagkauwi ko sa bahay, hindi ko maiwasang mapasimangot habang isinasara ang gate.Nakakainis! Sobrang nakakainis!Nag-effort pa naman akong pumunta doon, tapos ganoon lang mapapala ko.Pinauwi lang ako at sinabihan pang hindi pambatang pagamutan iyon!Ganoon lang?Wala man lang tanong kung gaano kasakit ang ulo ko? Hindi man lang nag-alok na tingnan ako? Hindi man lang nagsabing magpahinga muna ako sa clinic niya?Pambata nga ang clinic niya, pero doktor pa rin naman siya! Hindi ba puwedeng bigyan niya ako ng gamot doon?Napailing ako habang naglalakad papasok sa bahay.Pogidok nga pero ang cold naman pala kapag nandoon na sa clinic niya.Pagdating ko sa sala, ibinaba ko ang dala kong bag sa sofa. Nasayang lang ang dala-dala kong tinolang manok at kanin.Pagkatapos ay dumiretso ako sa dining area para uminom ng tubig. Naupo ako sa silya at sumandal.Ano ba naman kasi ang inaasahan ko?Hindi naman kami magkasintahan. Hindi niya obligasyong alagaan ako o mag-alala sa akin. Is

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status