Share

Chapter 5

Pagmulat ko ng mg mata ko ay agad akong napatingin sa orasan. Nakita kong alas onse na ng gabi at nakatulog ako ng halos dalawang oras.

Naks!

Matapos kong magpanggap na nahimatay kanina no'ng tinanong ni Kuya kung sino ako ay totoong nakatulog ako nang 'di ko inasahan. Grabe! Wala na akong maisip na idea kanina kung papano ko matakasan ang tanong niyang 'yon kaya umarte na lang ako na hinimatay. Buti na lang at natakasan ko ang tanong niyang 'yon.

Bumangon ako at inayos ang sarili ko habang napapaisip kong anong ginagawa niya ngayon.

Tulog na kaya siya?

Hmm... Maybe yes, maybe no.

Pero what if itatanong niya ulit sakin kinabukasan kung sino ako? Maaaring natakasan ko ang tanong niyang 'yon ngayon. Pero papano kung bukas o sa makalawa itanong niya ulit sakin 'yon? Ano na ang isasagot ko?

Hays. Bakit pa kasi humantong ang lahat sa ganito?

Ang tanga ko rin kasi. Hindi ko naman inexpect na gagawin niya 'yon para mahulaan kung may amnesia ako o wala. Ang tanga ko talaga.

Nawala sa isip ko na may amnesia ako kunware. Dapat umarte rin ako na hindi ko alam ang birthday niya.

Pero wait— hindi pa naman siya siguradong hindi talaga ako si Kendall dahil wala naman siyang proof. Kaya pwede ko pang malusutan lahat ng 'yon at ipapangako kong hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikaka-duda niya.

Lumabas ako ng kuwarto ko para uminom ng tubig dahil bigla akong nakaramdam ng pagka uhaw. At nang napadaan ako sa balcony ay napansin kong parang may tao kaya naman sumilip ako ng kunti at do'n ko siya nakitang naka upo at nakita ko siyang umiinom ng—ALAK?!

Seriously?

Anong problema ng isang 'to at nagpapakalasing siya ng ganitong oras?

Ayoko sana siyang lapitan kasi baka tanungin lang niya ulit ako sa kung sino ako pero itong makulit kong mga paa ay basta basta na lang umandar at dinala ako sa kanya. At no'ng napatingin siya sakin ay nilapag niya 'yong baso ng alak na iniinom niya sa table na nasa harap niya tsaka ako kinausap.

"Oh, you're here." pabungad niya.

Wala naman akong choice kundi ang nagkunware na sinadya ko talagang lapitan siya rito para kausapin.

Kunware nandito ako para mag sorry sa kanya.

Umupo ako sa harap niya at napatingin sa alak na iniinom niya. Pero bago ko pa man itanong sa kanya kung bakit siya umiinom ay nag sorry muna ako.

"Kuya, I'm sorry kung lagi na lang kitang ginagalit. Hindi ko naman sinasadyang gumawa ng mga gano'ng kalokohan. Hindi ko na uulitin... Promise."

Sa loob ko habang sinasabi ko 'yon ay hinihiling ko na sana hindi niya ibalik ang tanong na tinanong niya sakin kanina. Sana lang kalimutan na niya 'yon dahil hindi pa ako nakapag isip ng magandang rason para malusutan 'yon.

Kinuha niya 'yong baso ng alak at ininom 'yon bago nagsalita.

"I'm sorry din kung masyado akong nagiging mahigpit sayo." aniya.

Napatingin ako sa mismong mukha niya. Nakita kong parang problemado siya ngayon base sa itsura niya. Siguro may problema siya at 'yon ang dahilan kung bakit siya umiinom ngayon.

Pero kahit ganito siya, cute pa rin siya.

Hays. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? At may oras pa talaga ako para titigan siya at i judge kung cute siya o hindi. Samantalang kanina muntik na akong mapalayas dito. Kung hindi lang talaga ako nagkunwareng nahimatay, siguro wala na ako ngayon dito sa bahay nila.

Napatitig siya sakin na parang may sasabihin ulit kaya naman umiwas ako ng tingin. Nakakahiya naman kasi kung magkakatitigan kami. Basta, nahihiya talaga ako kapag nakatitig ako sa mata ng isang taong hindi ko kaano-ano. Ang awkward lang.

"Pino-protektahan lang kita dahil ayoko nang maulit ang aksidenteng nangyare." pagpapaliwanag niya. "If you hate me dahil sa nagiging over protective ako, then, ayos lang sakin."

Wow! Ang sweet naman ng Kuya niya. Sana lahat may ganitong Kuya.

Bago pa man ako tuluyang kiligin ay nag response na ako sa sinabi niya.

"Hindi ako nagagalit sayo dahil lang sa nagiging over protective ka, Kuya." sagot ko.

Hindi naman kasi ako nagalit sa kanya. Though, nakakatakot nga lang siya magalit. Pero cute naman siya.

Kinuha niya 'yong bote ng alak na nasa harap namin at nilagyan 'yong baso niya.

"Someday, mamanahin natin ang nasimulan ng parents natin." sabi niya habang nilalagyan ng alak 'yong baso niya.

Natahimik naman ako at pinakinggan siya.

"Kailangan nating pag aralan kung papano nila pinapatakbo ang negosyong meron tayo. At kailangan nating ingatan ang reputasyon ng family natin." dagdag pa niya.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Tahimik lang ako habang nakatitig sa ibang lugar, kunware iniisip ko ang sinabi niya ngayon lang.

Ang lamig ng simoy ng hangin ngayong pero pinagpawisan siya samantalang ako parang dadapuan ng sakit dahil sa lamig ng panahon.

"Hindi dapat tayo gumawa ng mga kalokohan dahil ayaw nilang masira ang pangalan natin." dagdag pa niya. "Alam mo kasi, someday, gustuhin man natin o hindi ikakasal pa rin tayo sa taong gusto nila para satin."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya ako biglang napalingon sa kanya nang may nanlalaking mga mata.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.

"Oo nga pala, nawala ang memories mo. And I'm sure nakalimutan mo ang mga sinabi nila sa'tin noon."

Tumango naman ako. Tapos in-explain niya sakin kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Maraming beses nang nasabi satin 'to nina Mommy. Na balang araw ikakasal tayo sa taong kagaya natin."

Kumunot 'yong noo ko, "Kagaya natin?"

"Kagaya nating may malaking business din." sagot niya. "Gustuhin man natin o hindi, wala pa rin tayong magagawa. Kasi kapag business ang pag uusapan, hindi nila tayo papakinggan at susundin nila ang kung ano man ang gusto nila."

"You mean, ikakasal tayo sa kagaya nating may mataas na hierarchy?"

Tumango si Kuya, "Gano'n nga."

Napa isip ako bigla.

Hindi rin pala masaya ang maging isang anak ng mayaman. Kasi hindi lahat magagawa mo at hindi lahat nasusunod. Kasi basta pera ang usapan wala silang pakialam sa mga bagay na gusto mo. Ang kumplekado ng ganyang sitwasyon. Siguro kung ako ang nasa posisyon ng isang anak ng mayaman na ikakasal, baka maisipan kong tumakas na lang at mamuhay bilang normal na tao na malayang gawin ang lahat ng bagay. Nang sa gano'n ay malaya akong mahalin ang taong totoong mahal ko talaga at hindi 'yong ina-rrange marriage lang. Ano 'yon, sapilitan?

Muli niyang nilagyan ng alak ang baso niya kaya do'n na ako napatanong kung bakit nga ba siya umiinom ngayon.

"Bakit ka nga pala nagpapakalasing dito?"

Parang gusto kong lagyan na lang ng stapler 'yong bibig ko dahil hindi siya agad sumagot sa tanong kong 'yon.

Ang awkward.

Dapat pala hindi ko na lang tinanong 'yon.

Nilagok niya 'yong alak na 'yon at babawiin ko sana ang tanong kong 'yon nang bigla niya akong sagutin sa tanong ko.

Dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. At least alam kong hindi siya galit dahil tinanong ko ang bagay na 'yon.

"Tumawag sakin si Dad kanina. And they wanted me to meet my fiancee tommorow." sagot niya.

Natigilan ako matapos niyang sabihin 'yon.

Fiancee??

Ibig sabihin magkakaroon na siya ng fiancee?

Sayang naman. Magiging taken na siya.

Pero bakit parang base sa nakikita ko parang hindi siya masaya?

Sa sobrang curious ko kung bakit parang hindi siya natutuwa na i me-meet niya bukas ang finacee niya ay napatanong na ako.

Ang kulit ko rin, ano? Pero bahala na. Curious ako, e.

"Hindi ka ba masaya na makikilala mo siya?" tanong ko at umiling naman siya.

"Bakit naman ako matutuwa?" natahimik ako matapos niyang sabihin 'yon tsaka ko tinanong ang sarili ko kung bakit nga ba hindi siya matutuwa?

Bakit hindi? Ikakasal siya sa babaeng mayaman kagaya niya. I'm sure maganda 'yon kasi mayroon siyang kumportbleng buhay kagaya nito.

Ang swerte naman ng magiging fiancee niya.

Napatingin ako sa kanya at naglabas ng isang ngiti. Kunware, masaya ako para sa kanya. Pero deep inside hinihiling ko na sana ako na lang 'yong nasa posisyon ng babaeng magiging Finacee niya. Sana biglang mag reset ang buong mundo at papipiliin tayo kung anong buhay ang gusto natin. Kapag nangyare 'yon, pipiliin ko talaga ang mapa sa lugar ng magiging Finacee niya.

"Why are you smiling?" tanong niya nang makitang ngumiti ako sa kanya.

Siyempre ako na best actress ay nakaisip agad ng magandang linya para sagutin ang tanong niya.

"Masaya lang ako para sayo." sagot ko. "Ang bilis lumipas ng panahon, ano? Parang dati lang naglalaro pa tayo pareho. Pero ngayon tingnan mo, magkakaroon ka na ng Finacee."

Sounds like parang fino-force ko pa siya na matuwa dahil magkakaroon siya ng Finacee though, obvious naman na parang ayaw niya.

"Thank you." sabi niya tapos bigla siyang napa yuko. "Pero hindi ako sang ayon sa gusto nila Daddy."

"Bakit naman?"

"Matutuwa lang ako kung mahal ko talaga 'yong taong papakasalan ko balang araw." sagot niya.

May point siya.

Sino naman kasing matutuwa kung ikakasal ka sa taong hindi mo naman mahal?

"Pero ayaw mo man lang ba siyang makita?" tanong ko pa. "Malay mo, maganda pala siya."

Tapos medyo natawa siya sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung bakit siya natawa kaya naman pinakinggan ko ang kung ano mang sasabihin niya.

"Hindi naman porket maganda siya, magugustuhan ko na agad siya. Ang feelings nararamdaman 'yan ng kusa at hindi nakikita sa physical na anyo. Kaya kahit sino pa 'yan, maganda man o hindi basta pinatibok niya ng kusa ang puso ko, mamahalin ko pa rin siya."

Naks! Taray! Parang familiar 'yong mga ganitong linya.

Linya 'to ng walang hiya kong Ex, e.

Ganito ba kayong mga mayayaman?! Ito ba favorite lines niyo?

Napatitig ako sa mukha ni Kuya sabay sabi sa utak ko ng, 'Sayang, pogi ka sana pero kung magkasing ugali kayo ng ex ko, automatic uncrush agad kita.'

Pero dibale na, ayoko namang pangarapin ang isang 'to kasi ang layo layo ng agwat namin. Talagang hindi siya magiging akin lalo na't ma e-enggage na siya.

Besides, ayoko nang magmahal ulit dahil nakakatrauma na.

"Kaya ka ba nag lalasing dahil sa nalaman mong magkakaroon ka na ng finacee?" tanong ko pa.

Parang gusto ko na lang lagyan ng scotch stape 'tong bibig ko dahil sa sobrang daldal. Scotch tape, stapler at kung ano pang pang-lock para lang matahimik na 'tong madaldal kong bibig. Hays. Nakakahiya naman at tinanong ko 'yon sa kanya. Ano ba kasi ang pakialam ko kung umiinom siya ngayon?

Pero hindi ko kasi talaga mapigilang hindi magtanong sa kanya. Sana lang hindi siya ma inip sakin.

At muli akong makahinga ng maluwag no'ng tumango siya sa tanong ko.

Buti na lang talaga at hindi siya na inip sakin.

"Gano'n na nga." sabi niya sabay lagok ng alak at muling napatitig sakin. "Pwede mo ba akong tulungan?"

Hindi ko alam kung anong klaseng tulong ba ang gusto niyang gawin ko pero nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya napatango ako kahit na wala pa akong idea kung ano nga bang klaseng tulong ang gusto niya.

"Papano ba kita matutulungan?" tanong ko sa kanya.

Tapos kinuha niya 'yong bote ng alak. Akala ko lalagyan niya ng alak 'yong baso niya 'yon pala ino-offer niya ako ng alak.

"Gusto mong uminom?"

Umiling agad ako.

Nakita ko pa sa itsura niya na natatawa siya matapos kong mabilis na umiling para tumanggi.

"Binibiro lang kita." natatawa niyang sabi.

Pero natigilan ako no'ng sinabi niyang...

"Ang cute mo talaga."

Hala! Lasing ba siya o ano?

Nag blush ako do'n pero iniwas ko 'yong mukha ko para hindi niya mapansin.

"Ah Kuya, tingin ko lasing ka na. Tigilan mo na kaya 'yan."

"Wait, hindi ko pa nasasabi sayo ang gagawin mo bukas."

Tumango ako sabay sabing, "Sige. Sabihin mo para alam ko kung papano kita matutulungan."

Napalunok siya ng laway bago nagsalita.

"Bukas... Pwede ka bang magpanggap bilang girlfriend ko?"

Nagulat ako sa tanong niyang 'yon.

Hindi ko alam kung bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko matapos niyang sabihin 'yon pero isa lang ang masasabi ko.

Natutuwa ako ngayon sa hindi malamang dahilan.

Pero may karapatan ba akong matuwa dahil lang sa nag request siyang mag panggap ako bilang girlfriend niya?

Like, anong nakakatuwa do'n kung pagpapanggap lang naman?

Pero sabagay, wala namang pumipigil sakin na hindi ako matuwa. Kaya pwede akong matuwa hangga't gusto ko.

Hays. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko sa utak ko?

Bahala na nga.

"Pero Kuya... Kapatid mo'ko, hindi ba? I'm sure alam ng fiancee mo 'yon."

Umiling siya.

"Alam niyang may kapatid ako, oo. Pero hindi ka pa niya nakikita. Kaya sure ako na hindi ka niya makikilala kapag nagpanggap kang girlfriend ko."

Natigilan ako habang iniisip kung papayag ba ako sa gusto niya o hindi.

Pero wala namang masama kung tulungan ko siya, hindi ba?

Mas okay nga na nakaktulong ako sa kapwa ko. Lalo na sa kanya.

Tumango ako sa kanya, "Okay, sige." sagot ko.

Tapos nakipag high five siya sakin sabay sabing, "Nice!"

Nakipag high five na rin ako no'n pero ang tagal bago niya bitawan ang kamay ko. Siguro mga mahigit sampong segundo rin 'yon bago niya binitawan ang kamay ko.

Muli siyang napa inom ng alak bago ulit nagsalita.

"Alam mo... Minsan naiisip ko na ibang tao ka."

Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon. Biglang umihip ang malakas na hangin at biglang natahimik ang paligid at para bang tumigil ang ikot ng mundo ng mga ilang segundo.

Napaisip ako bigla. Masyado ba talagang obvious na hindi ako ang kapatid niya?

Kasi kung hindi, bakit niya sinasabi sakin 'to?

Dahil lang ba sa lasing na siya?

O baka naman magkaibang magkaiba nga talaga kami ni Kendall. Hawig nga ang itsura namin pero kung kilos ang pag uusapan, baka ibang ibang ako sa kanya at napapansin 'yon ni Kuya kaya niya nasasabing parang ibang tao ako.

Alam kong lasing siya ngayon, pero sabi nga nila, kapag lasing ang isang tao nagsasabi 'yon ng totoo. At pakiramdam ko kaya sinasabi ni Kuya 'to dahil kinukutuban siyang hindi ako si Kendall.

Pero wala akong nagawa kundi ang nag isip para malusutan 'to.

Tumawa ako na kunware hindi ko sineryoso 'yong sinabi niya at inakala kong nagbibiro lang siya.

"Kuya... Anong sinasabi mo d'yan?"  natatawa kong sabi.

Pero ang seryoso pa rin ng mukha niya kaya unti unting nawala ang tawa sa mga labi ko.

"Para kasing... Ibang tao ka at hindi ikaw ang kapatid ko." dagdag pa niya.

Natahimik ako at napatitig sa baba.

"Gano'n ba ka obvious?" bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya kasi sumagot siya.

"Oo." sagot niya. Bigla akong kinabahan pagkatapos. "Pero exag naman kung hindi ikaw ang kapatid ko. Kamukha mo siya, kaya alam kong ikaw 'yon." tapos bigla siyang nakatulog sa mga braso niyang nakapatong sa mesa.

Do'n ko napagtanto na lasing na nga siya.

Hiniling ko pa na sana bukas ay hindi niya matandaan ang mga sinabi niya. Para hindi na ako mahirapang sagutin siya kung sakaling tanungin niya ako ng mga gano'ng bagay.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog siya. Ang gwapo pa rin niya kahit lasing siya. Naalala ko tuloy kanina kung papano niya ako binuhat at dinala sa kuwarto ko no'ng umarte akong hinimatay.

Sa totoo lang, nakangiti ako habang buhat buhat niya ako kanina. Pero hindi ko naman masyadong pinahalata dahil ayoko namang mabuking niya ako na nagkukunware lang akong hinihimatay kanina.

Na amoy ko pa 'yong mabango niyang pabago kanina habang buhat buhat niya ako. Grabe! Ang bango talaga niya. Pakiramdam ko hahanap hanapin ko ang amoy niyang 'yon habang buhay.

Yuck! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Kadiri naman, o! Bakit ko ba iniisip ang mga ganitong bagay? Ugh!

                              ***

Kinabukasan, sinama niya ako sa kung saan sila mag me-meet ng finacee niya. Ang plano kasi namin e magpapanggap akong girlfriend niya sa harap ng Finacee niya at sasabihing nabuntis niya ako para hindi na matuloy ang engagement nila. Ang panget pakinggan sa part na nabuntis niya ako like, baka kung ano-ano isipin ng magiging Finacee niya na sa edad namin ginagawa na namin ang mga bagay na hindi pa naman dapat gawin kasi hindi pa ito ang tamang oras like, mga gano'n?

Pero sa nakikita ko, mukhang effective naman kung sasabihin namin 'yon para tiyak na hindi na matutuloy ang engagement nila.

At sana lang magtagumpay kami.

Siyempre nagtago muna ako at siya raw muna ang haharap sa finacee niya. Pero hindi ako literal na nagtago. Nakaupo lang ako sa kabilang table habang nakatitig sa menu na nakatakip sa mukha ko. Hihintayin ko lang daw 'yong signal niya kung kailan ako tatayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila tsaka magpanggap bilang girlfriend niya at sasabihing nabuntis niya ako.

Hindi ko alam kung magagawa ko ng maayos 'to dahil kabado ako ngayon habang hinihintay ang signal niya na lumapit ako sa kanila. First time kong gagawin 'to sa tanang buhay ko kaya sana naman magawa ko ng maayos.

Bahala na mamaya.

Habang nag uusap sila ay pinagmamasdan ko ng maigi ang magiging fiancee niya. Maganda naman siya at may itsura. Mahaba at medyo curly ang buhok niya, napakatangos ng ilong at ang ganda pa ng pilik mata niya tapos ang ganda ganda ng katawan niya at ang puti ng balat niya.

May mga tao talagang pinagpala at meron ding pinagkaitan kagaya ko.

Ang swerte naman ng babaeng 'to. Siguro no'ng umulan ng kagandahan at kayamanan nasalo niya lahat.

Pero hindi ko naman masisisi kung ayaw ni Kuya Flynn sa kanya. Kasi kagaya nga ng sinabi niya sakin kagabi, hindi raw siya tumitingin sa physical na anyo dahil kapag mahal niya ang isang tao, panget man o maganda mamahalin pa rin niya 'yon.

May pinag uusapan sila ngayon pero hindi ko man lang mahulaan kung ano 'yon. Ang layo kasi nila masyado mula sa kinauupuan ko ngayon. Kaya hinintay ko na lang ang signal ni Kuya Flynn sakin. Pero natapos lang 'yong pag uusap nila ng finacee niya nang hindi man lang ako nagkaroon ng chance na umiksena sa kanila.

Tumayo na sila pareho at nag shake hands pa.

Ibig sabihin ba no'n, pumapayag na si Kuya na maging fiancee ang girl na kaharap niya ngayon?

Sabi ko na, e. Kapag na meet niya ang magiging fiancee niya, hindi malabong hindi niya 'to magustuhan. May chance pa rin na magkaroon siya ng feelings sa babaeng kaharap niya ngayon dahil sa ganda nito.

Sabagay, kung lalake ako mga ganitong tipo ng babae rin ang gugustuhin ko.

So anong silbi ko rito?

Kung alam ko lang pala na magiging useless ako rito, hindi na sana ako sumama— wait, bakit parang nagseselos ako?

Anak ng!

No! Hindi gano'n 'yon. Hindi ako nagseselos. Kaya lang ako ganito kasi useless lang ang pagpunta ko rito at na sayang lang ang oras ko. 'Yon lang 'yon.

Hays.

No'ng umalis 'yong babae ay sinigurado kong nakalayo na siya bago ako tumayo sa kinauupuan ko at lumipat sa table ni Kuya at umupo sa kung saan nakaupo 'yong finacee niya kanina.

"Gutom ka na ba?" nakangiting tanong niya. "Anong gusto mong kainin? Magsabi ka lang."

At nakangiti pa talaga siya habang tinatanong ako ngayon. Siguro masaya siya dahil nakilala na niya ang magiging Finacee niya.

"Hindi ako gutom." sagot ko. "Bakit mo pa ako sinama rito?" malamig na sabi ko.

"O, bakit parang galit ka?"

"H-hindi ah." mabilis na sagot ko. "Nagtatanong lang, galit agad?"

Tapos ngumiti siya. Hindi ako sigurado kung ano ang dahilan ng mga ngiti niyang 'yon. Pero kung huhulaan ko, feeling ko kaya siya nakangiti dahil inlove siya.

"Nagkasundo na kami." saad niya.

"Na magiging finacee niyo na ang isa't isa?"

Umiling siya, "Hindi. Na wag nang ituloy ang engagement."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa no'ng marinig ko 'yon.

Ibig sabihin hindi na siya ma e-enggage do'n sa babaeng 'yon?

Omg! Hindi ko inexpect 'to. Parang kanina lang kasi no'ng nag uusap sila parang ang seryoso ng pinag uusapan nila. Tapos nag shake hands pa sila pagkatapos nilang mag usap. Hindi ko naman inexpect na hindi na pala nila itutuloy ang engagement.

Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako. At dahil do'n, napagtanto ko sa sarili ko na mukhang may crush na nga ako sa Kuya ni Kendall. Alam ko namang malabong magkagusto rin siya sakin. Pero crush lang naman 'to, mawawala rin naman 'to. At ayoko namang pangarapin ang isang 'to dahil obvious naman na hindi talaga siya mapapa sakin.

"Pero bakit hindi niyo na itutuloy? Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ko pa.

"Pareho naming hindi mahal ang isa't isa. Gaya ko, may iba rin siyang napupusuan. 'Yon ang dahilan kung bakit nag decide kami na wag ituloy ang engagement."

Kung gano'n, may napupusuan na si Kuya?

At sino naman 'yon?

Gusto ko siyang tanungin kung sino kaso lang nahihiya ako at baka sabihin pang nangingialam ako. Kaya mas mabuti nang wag na lang.

Ang importante sa ngayon ay alam kong hindi siya ma e-engaged.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status