Share

Chapter 5: Mistress

Tahimik.

Isang buwan ang lumipas at natahimik ang buhay ko. Tinigil ko ang pag-aartista at nag focus ako sa bagay na talagang gusto ko---ang painting.

I'm staying at my parent's house kahit wala si Dad. He was too busy and I'm tired of begging him to stop doing his work. Ni hindi na nga namin siya nakasama noong birthday niya. Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya.

"Mom, are you going to work?" Inilapag ko ang paint brush na hawak ko at tinanggal ang apron na suot ko. Inilapag ko rin 'yon sa maliit na table.

She looked at me and nodded. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Anong oras ka po uuwi? I'll cook for you," I said as I fixed my hair. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga.

"You don't have to do that, Kae. Baka bukas pa ako makakauwi." She said as she caressed my face. Ngumiti siya.

"Bukas? Saan ka matutulog?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"At your Dad's place. Don't worry, I'm safe. We'll be back tomorrow morning. Love you." She then kissed me and did not wait for my response.

I inhaled a large amount of air. Muli akong tumingin sa pini-paint ko. It's a girl and it's my Mom. I automatically smiled and continued what I was doing a while ago.

My phone rang so I took it on the table and it was from Ariana. Sinagot ko 'yon at napag-alaman kong lasing siya because of her voice. "Where you at? I'll fetch you." I said in a cold tone. Bakit ba nagiging hobby na niya ang pag-inom?

She laughed crazily. I was just silent while listening on the phone and she was just laughing crazily. What happened to my bestfriend? "K-kae..." she laughed again.

"Nasaan ka ba? You're drunk, Ariana. Baka kung ano pang mangyaring masama sa'yo." I said.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mainis sa kanya sa tuwing naglalasing siya. She's still an actress and the most important thing is, she's a girl. Baka mabastos lang siya.

"I'm gonna fetch you, Yana. Tell me your address." I said as I stood up. Malapit na rin namang matapos ang pini-paint ko at pwede ko itong tapusin bukas. I just wanna make sure that my bestfriend is okay.

I took my key in my pouch and went out. Binuksan ko ang kotse ko habang hinihintay pa rin si Yana na magsalita.

"Kae..." she laughed for the nth time.

"Ariana, tell me where—"

"Stop it, Kae. Stop it." She said in a serious tone and that made me stop. What does she mean?

"Stop what?" I asked out of curiosity.

She did not answer me and she just laughed again crazily. Nabaliw na ba ang kaibigan ko o lasing lang talaga siya? Geez. She's creeping me out. Nakakakilabot ang boses niya.

"Ariana..." I said, almost whispering. Even myself didn't hear what I've said.

"Kae..." she called me back. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tawa niya. Parang nasiraan, e.

"Where are you?" I repeated.

"I'm fine. I'm not drunk don't worry. I'm just tipsy. Huwag mo na akong puntahan, kasama ko naman si Brylle. We're okay. Just take a rest."

"Are you sure? Nasa kotse na ak—" she cut me off.

"Yes! Sige na 'wag ka na pumunta rito." The last word she said at naputol na ang linya.

Anong mayroon at umiinom na naman siya? Napailing na lang ako at muling kinuha ang susi ko at bumaba ng kotse. Kapag si Brylle na ang pinag-uusapan, nananahimik na ako. Galit pa rin ako sa kaniya at hindi ko alam kung kailan ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa akin.

Tinapos ko ang ginagawa kong painting. I was just smiling while looking at my work because it's my mother. Ilalagay ko muna 'to sa kwarto ko bago ko idikit sa dingding rito sa bahay.

I took a bath, dried my hair and wore a gray Balenciaga big sweater, fitted jeans and a pair of gray Balenciaga sneakers. I then tied my hair up and it looks like a messy bunn. Bago ako lumabas ay kumuha ako ng lollipop.

Mabuti na nga lang at nanahimik na ang mga tao tungkol sa issue sa akin kasi syempre, may panibagong issue na. Pero may parte pa rin sa kanila na kung tingnan nila ako ay nandidiri sila sa akin.

Sumakay ako sa kotse at pinaandar 'yon papunta sa drive thru. Wala naman akong ibang gagawin. Marami akong binili dahil mag-iikot ako sa Manila. Gusto kong bigyan ng pagkain ang bawat namamalimos para mabuhay.

I was smiling while giving them foods. Nakakatuwa dahil sobrang saya nila, parang sa ganoon lang, buo na ang araw nila and that is what I want—-to make them happy.

Binisita ko sila Carla and Carlo pati na rin ang Mama nila and I'm glad they're fine. Maayos na sila.

Nakakatuwa sila kasama dahil ang saya saya nila. Kapag nasa bahay ako, hindi ako makatawa ng ganito dahil si Mom lang naman ang nakakasama ko—-busy pa siya dahil kay Dad.

We were talking and laughing when Carlo suddenly spoke. "Ate, bakit niyo po kami tinulungan?"

And that made me look at him. Bakit ko nga ba sila tinutulungan? Wala. Gusto ko lang. Hindi naman ako humihingi ng kapalit, e.

"Gusto ko lang." I shrugged.

Natahimik sila at ngumiti. "Ate, saang paraan ba kami makakabawi sa'yo?" Carla asked me.

Mabilis akong umiling. "Hindi ako humihingi ng kapalit, Carla. Gusto ko lang kayo mapasaya. Gusto ko lang kayo tulungan." I smiled at her.

I don't know how my day ended. Basta natagpuan ko na lang 'yong sarili ko na bagsak sa kama. The day was tiring yet fun. Bukod kasi sa nakatulong ako, natawa pa ako sa mga jokes ni Carla at Carlo.

Hindi pa ako nakakapagbihis. Nakatulala lang ako sa kisame at hindi ko na alam ang gagawin. Wala si Mom dahil nag stay siguro siya sa condo unit ni Dad.

I can't sleep and I want to do something. Naboboring ako. Sanay na akong mag-isa at tahimik pero naboboring ako ngayon. Siguro dahil nasanay ako na laging nasa taping? I don't know.

Tumayo ako at naglakad-lakad. Nakalabas na ako ng village at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglalakad lang ako hanggang sa binuksan ko ang cellphone ko dahil may nag text and it was from a stranger again.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ito ang nag te-text sa akin. Sino naman ito ngayon? Should I change my cellphone number? Mukhang marami na ang nag te-text sa akin.

I opened her or his message and my forehead creased again. Sorry? Bakit humihingi siya ng tawad? Na wrong send ba siya o talagang para sa akin 'to?

I just shrugged my shoulders. Hindi ko naman alam kung para sa akin ba 'to at isa pa, baka nagkamali lang siya. Nananahimik na ang buhay ko ngayon at wala akong alam na may atraso sa akin maliban na lang kay Brylle.

I know Brylle and he'd never do this. Kung mag sosorry siya, kukulitin niya ako. Hindi 'yong dadaanin niya pa sa ganito.

Pumasok ako sa convenience store at inilagay ang cellphone ko sa likod ng bulsa ng jeans na suot ko. Kumuha ako ng C2 at ibinigay 'yon sa counter. Ramdam ko ang pagka-ilang sa akin ng babaeng nag-aasikaso sa binili ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Thank you." I said and smiled at her but she did not response. It's okay.

Binuksan ko ang C2 at nagsimulang inumin 'yon habang papalabas ako ng convenience store at napaatras ako nang may bumangga sa aking lalaki. Nagulat ako sa nangyari kaya saglit akong natulala dahil natapon ang iniinom kong C2 sa suot ko at ngayon ay basa na ako.

Napatingin ako sa nakabanggaan ko at nakita ko ang isang lalaking naka suot ng kulay itim na fitted t-shirt at pantalon. He did not look at me and he just continued walking away from me. Natahimik ako.

Hindi man lang ba siya mag sosorry?

Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang titig sa akin ng mga tao. Hindi na ako naka-imik pero tumingin ulit ako sa lalaking papalayo sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at humingi ng tawad sa mga nasa counter pati na rin sa guard dahil sa kalat ko. Lumabas na ako at nag decide na umuwi na lang.

What's with that man? Bakit hindi man lang siya nag sorry? Nagmamadali ba siya?

I shook my head. Kinabukasan ay bumungad sa akin ang balitang si Ariana na pala ang pumalit sa pwesto ko. Siya na ang bida...

Natigilan ako. Ang naaalala ko ay ayaw tanggapin ni Ariana 'to dahil magkaibigan kami at tama siya, ang pangit tingnan. Why did she accept the offer?

"Oh, c'mon, Mikaela!" napasapo ako sa noo ko. Wala namang masama kung tinanggap niya 'yon, walang kaso sa akin—pero bakit sinabi niya noon na hindi niya tatanggapin ang offer na 'yon?

She should not have said that. Dapat ay sinabi na lang niya na pag-iisipan niya but it's okay. Wala naman akong interest sa pag a-artista kaya ayos lang na siya na ang pumalit sa akin kesa ibang tao.

Napangiti ako nang makita siya sa T.V. Nakangiti rin kasi siya.

I took my phone and dialed my Mom's number. Gusto ko lang malaman kung uuwi ba sila ni Daddy.

"Kae!"

"Mom? Uuwi po ba kayo?" I asked her.

"Yeah. I'm with your Dad. Uuwi kami ngayon." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti si Mommy.

"Alright, Mom. Take care. I'll cook for you." I said. Naputol na ang linya. I did my morning routines and started to cook for my parents.

Himala naman na uuwi si Daddy?

After an hour ay natapos akong magluto at saktong dumating si Mommy pero napakunot ang noo ko dahil mag-isa lang siya. She's not even smiling.

"Mom...?" I walked towards her. "Where's Dad? I thought—-"

"Something came up, anak. It's okay. Importante talaga para sa kanya ang trabaho niya. What did you cook? Let's eat." She forced a smile.

"Hindi po ba siya makakahabol sa breakfast natin?" My voice lowered.

Hindi agad siya nakasagot. Ano bang nangyayari sa mga magulang ko?

"Mom?" I called her because it looks like she did not hear me but still, I didn't receive a response from her.

Instead of calling her again, I just hugged her and that made her cry, she burst out in tears. Hearing her cry breaks my heart. Parang gusto kong luhuran na lang lahat ng Santo at magmakaawa sa kanila na sana ako na lang 'yong nasasaktan huwag lang umiyak 'yong nanay ko.

Oh, God. Heal my mother.

"What happened? I'm your daughter, Mom. Sabihin mo sa akin bakit gano'n si Daddy?" Hinagod ko ang likod niya.

"I'm sorry, Kae. I'm so sorry!" paulit-ulit na sigaw ni Mommy.

Kinakabahan ako.

Bakit parang...

W-wala na ba si Dad?

"Oh shoot!" nabigla ako sa pumasok sa isip ko kaya natigilan si Mom. She looked at me.

"M-mom, what happened? Anong nangyari kay Dad? May nangyari bang masama sa kanya?" Tuloy-tuloy na tanong ko. Hindi na ako mapakali.

"Calm down, Kae. Your Dad is fine." Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mommy. "Ano po bang nangyari?"

Pinunasan niya ang mga luha niya at tinitigan ako. She then caressed my face. Saglit akong napapikit nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"I love you and I'm glad that you are my daughter, Mikaela." Pinagdikit niya ang mga noo namin at ngumiti. "I'm glad that I have you." She added.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at hinaplos ang buhok ko. "Mom..." I said. "Where's Dad?" humina ang boses ko.

"Kae, maybe this is the right time..." she smiled again. Parang sa mga ngiti na 'yon ay pinapagaan niya ang loob ko pero kinakabahan ulit ako.

"Spill it, Mom."

"Y-your Dad... he has a mistress..."

Nalaglag ang panga ko at parang nabingi ako sa narinig ko. M-mistress?

"Our wedding was planned by our parents and... he didn't really love me."

Pakiramdam ko ay nabasag ako. Nagtuloy-tuloy sa pagbagsak ang luha ko at natulala na lang ako. "May girlfriend ang Daddy mo noong ikinasal kami. He got me pregnant even though he didn't love me. I'm sorry, Kae. I love you. Mahal na mahal kita..." niyakap niya ako pero nakatulala pa rin ako.

Daddy...

All this time, nasasaktan pala 'yong nanay ko. All this time, sakit lang pala ang dinala ni Dad sa kanya. Damn it.

Tumitig si Mom sa mga mata ko. "I'm sorry, Kae. I'm really really sorry. Nasa pangalawang pamilya ang Daddy mo kaya hindi siya umuuwi rito d-dahil... hindi naman niya ako mahal." Pahina ng pahina ang boses ni Mommy... nakakadurog.

"M-may... may pamilya siya... may anak sila..."

Nabingi na yata ako. Kahit naririnig ko ang sinasabi ni Mommy ay wala na akong maintindihan. Parang tinakasan ako ng lakas. Dad, how could you do this to a woman? Bakit  nagawa mong saktan si Mommy ng ganito katagal?

I hugged my Mom. If I could take the pain away from her, I would take it. Kaya kong maramdaman ang kahit anong klase ng sakit basta ayokong nakikita si Mommy na ganito... nadudurog ako.

My Mom is my weakness...

"It's not your fault, Mom. Don't worry, I will never leave you." I kissed her forehead. "Anong nangyari sa mga pasa mo?" I asked her, angrily.

"He... he hurt me..."

Women should not be treated this way. They must be loved and upheld.  The day you raised your hand to a woman, that's the day you're no longer a man but an animal. He's my father but he is the person I hate the most.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status