Share

Chapter 4: I Was With You

I'm a mess.

My life has turned into a mess...

They bashed me, they cursed me, they belittled me. My life has been trampled on and I honestly can't blame them because it was my fault. I made a mistake. I did this to myself... I was a slut.

"Goodness, Yzobelle! Why did you do that? Oh my God!" napasapo si Mom sa noo niya. She's frustrated.

I looked down. Nahihiya ako and I can't even look at her. Sobra ako nilulukob ng kahihiyan. "Nagkulang ba ako sa pagpapalaki sa'yo, Kae? Why did you drink too much? Bakit nagpakalasing ka? And..." inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong tumalikod siya at hinilot ang sentido niya. "Jesus christ!"

"I'm... I'm sorry po." I uttered.

She looked at me again. Nag-aalala ang mga mata niya. She bit her lip and walked towards me. "Kae, I did not raise you to be like this. You made a mistake so you have to face the consequences. Don't worry, I got your back. I'm here for you." She then kissed my forehead and hugged me.

Bumagsak ang luha ko. Naalala ko kasi ang masasakit na sinabi sa akin ng mga tao. Lahat sila galit sa akin. Lahat sila nandidiri sa akin dahil nakipag one night stand ako sa isang lalaki. Hindi ko siya kilala. I don't have any idea about him. Hindi ko rin alam kung mabuti ba siyang tao o hindi.

"Mom, where's Dad?" I asked her as I faced her.

She took a deep breath and caressed my cheeks. Ngumiti siya---mali. Pagod siyang ngumiti. "I'm sorry, anak. Your Dad---"

"Busy po." I smiled at her. Tumayo ako mula sa pagkakaupo kaya nabitawan niya ang mukha ko. Huminga ako ng malalim at nakakunot noo siyang hinarap. "Mom, are you two okay? Bakit hindi ka na-bo-bother sa ginagawa ni Dad?"

She became silent. I knew it! I was like her. If we became silent, the answer was already yes. Yes. Damn. Yes. They're not okay. What's happening? Masyado na ba akong nag-focus sa trabaho? Sa pag a-artista?

"We're... We're okay, anak! Your Dad was just busy running the company. C'mon, Kae. He's not our problem. You have to face your prob---"

"Mom, stop. I don't want to defend myself. It was my fault so please. I just wanna stop this career. Ayoko nang maging artista. Mom, I'm sorry. I'm sorry. This career isn't for me. I'm sorry." Paulit-ulit kong sambit. I wiped my tears. Nandidiri na rin ako sa sarili ko.

Wala akong ka-ide-ideya kung sino ang lalaking nakakuha ng virginity ko. I didn't even see his face that night because I was drunk. I can't believe my virginity was gone. I am not virgin anymore.

Nahihirapan akong maglakad because of what happened last night. That was bi---nevermind.

"Are you sure, Kae? Are you sure? Clear your nam---" She stood up and walked towards me.

"Yes, Mom. I'm sure. Una pa lang naman ayoko na nito 'di ba? This isn't for me. Tatanggapin ko na lang po ang galit sa akin ng mga tao. Kahit naman magpaliwanag ako, may mga tao pa rin na sarado ang isipan dahil naka-focus sila sa mali kong ginawa. I won't waste my time defending myself because people who don't like me won't believe in me. Dito ko makikita kung sino talaga ang naniniwala at totoong umiidolo sa akin kaya hindi na ako mabo-bother. Uulitin ko po, kasalanan ko naman." I smiled at her. I want her to know that I'm okay.

Kaya ko 'to.

That was just a scandal. Mas kilala ko ang sarili ko at hindi ako ang tipo ng babae na iniisip nila. Hindi ako gano'ng klase. Ako 'to. Kilala ko ang sarili ko.

Nagkamali lang ako.

Mom held my hand and smiled at me. "I'm proud that you are my daughter. What are your plans?"

I looked at her. Seryoso akong nakatingin sa kanya hanggang sa bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin. I took my shoulder bag on the table and looked at her again. "Mom, stay here. I will not end this career. Magpapahinga muna ako at kapag kaya ko nang magpakita sa kanila, kapag malamig na ang mga ulo nila, babalik ako. I will continue this. Sa ngayon po, hahanapin ko muna 'yong sarili ko." I hugged her before I left.

Ayaw na ni Mich na maging manager ko? It's okay. Babalik ako kapag maayos na ang lahat. Balang araw, malilinis ko rin ang pangalan ko.

Napapikit ako nang may biglang tumulak sa akin paglabas ko ng condo ko. Maraming tao. They were all looking at me. Lahat sila ay galit at nandidiri.

"Isa kang artista tapos binigay mo lang ang sarili mo sa hindi mo kilala? Malandi!" She pushed me again.

Napaupo ako sa lupa pero hindi ako lumaban. Galit sila pero ayokong lumaban. Kung lalaban ako, wala na akong pinagkaiba sa kanila.

"Pokpok ka siguro 'no? Baka kaya binigay mo 'yang sarili mo kagabi ay dahil gawain mo talaga 'yan? Santa santita pa kunwari pero nasa loob ang kulo? Wow! Ganyan ba dapat ang tutularan namin? Mag pokpok?" Napayuko ako.

That was foul.

"Oh ano, Mikaela Luxury? Baka bayarang babae ka rin?" Napa-angat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Seryoso ko siyang tiningnan. I wasn't hurt because I knew I was not like that. Nasasaktan ako para sa kanya dahil masasama at maling salita ang lumalabas sa bibig niya. Nakakaawa siya.

I stood up and I was about to say something when someone came and slapped her. Napalunok ako dahil sa gulat. Lahat ay natahimik dahil sa ginawa niya.

"A-ariana..." I said as I held her arm.

"Pokpok? Kilala mo na ba siya? Pangalan niya lang ang alam mo kaya itikom mo 'yang magaspang mong bunganga. Get out of my way." Malamig at mabilis na sambit ni Yana.

After they left, Yana faced me. Alalang-alala ang mukha niya at agad akong niyakap. "Goodness, Kae. Bakit ka lumabas? Look at your fucking scratches!" Hinawakan niya ang braso ko at may mga gasgas 'yon.

I was just looking at her seriously. "Hey! Are you listening? Lutang ka na nam---"

"Where did you go last night? I was looking for you but I didn't see you. Umuwi ka ba agad? Nalasing ka ba? Okay ka lang ba?" Nakakunot-noong tanong ko.

Natahimik siya kaya hinaplos ko ang pisngi niya. "Yana, are you okay?"

"Yes, Kae. I was also looking for you last night. Naiinis ako ngayon sa'yo dahil bigla kang nawala. Sumasayaw lang ako pero pagtingin ko sa gilid ko wala ka na. Ang tigas talaga ng ulo mo kapag nalalasing."

I smiled. "I'm sorry. Pupunta muna ako sa company. Sasabihin kong ititgil ko na ang pag a-artista ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Kae! No. Don't do that!" She held my hand when I was about to enter my car.

"Please, Yana. Let me go. I know what I am doing. I got myself." I smiled at her and removed her hand. Pumasok ako sa kotse at huminga ng malalim bago ko pinaandar papunta sa company.

Seryoso akong naglalakad. Ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga tao pero wala akong pakialam. I know they're thinking that I'm a slut but I don't care. Isipin na nila kung anong gusto nilang isipin sa akin basta kilala ko ang sarili ko.

I won't please anyone to like me. Mabuti na rin na nangyari 'to dahil dito ko nalaman kung sino talaga 'yong mananatili sa tabi ko sa mga panahon na pinaglalaruan ako ng mundo.

"What are you doing here, Mikaela? Wala ka na ba talagang hiya?" binitawan niya ang papel na hawak niya at tumingin sa akin.

Ngumiti ako at binigay sa kanya ang kontrata. "You can't file me a case, Mich. Ikaw ang mismong sumuko sa akin." I said. Tinalikuran ko na siya pero bago ako makalabas ay narinig ko pang may sinabi siya.

"No problem, Mikaela. May nahanap na akong kapalit mo. Hindi katulad mo, hindi pokpok."

I did not look at her. Nakagat ko ang labi ko at binuksan ang pinto para makalabas sa opisina niya at paglabas ko ay narinig kong pinagbubulungan ako ng mga tao.

Dire-diretso akong lumabas at bumalik sa kotse ko. Napayuko ko sa manibela at pumikit. It's okay, Mikaela. You still have your Mom and your bestfriend. Nawala man ang mga fans at supporters ko, alam kong hindi mawawala si Mom and Yana.

Kinagabihan ay pinaalis ko na si Mommy. Ayaw niya pa sanang umalis pero sinabi kong ayos lang ako. Hindi naman ako nag o-open ng cellphone kaya hindi ko makita at mabasa ang pang ba-bash sa akin ng mga tao.

While I was staring at the ceiling, one question was inside my mind. I can't take it away from my mind and curiosity was killing me.

Who was that man?

Sigurado akong alam niya ang nangyari dahil trending ako. Alam kong makikilala niya ako pero bakit tahimik pa rin siya? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap tungkol sa nangyari sa amin?

We need to talk. Bakit niya sinamantala ang kalasingan ko? Alam kong alam niya rin na artista ako pero bakit tinuloy niya pa rin kagabi? Bakit hindi niya ako pinaalis?

Sarkastisko akong natawa habang umiiling. Mga lalaki nga naman.

My phone vibrated. Kinapa ko 'yon malapit sa ulo ko at tiningnan kung sino ang nag text. My social media accounts were deactivated kaya alam kong text 'yon.

My forehead automatically creased when I saw the message. It was from 'that' stranger again. Wrong sent pa ba ito o sinasadya na?

'I hatr my lifw.'

I don't know but I suddenly smiled bitterly. Napansin ko na sa tuwing tine-text niya ako ay typo siya palagi. Maybe he was drunk? Naglalasing siya dahil mapait ang buhay niya.

I started to type a message. Sabi nila, mas magandang maglabas ng sama ng loob sa hindi mo kakilala dahil sila, hindi ka nila huhusgahan. Minsan talaga mas masarap na lang kumausap ng stranger, e.

'I have a problem too but I don't hate my life. Pero siguro sumabog ka na 'no  kaya ka nagpapakalasing?'

He did not reply. Umabot pa ng kalahating minuto pero hindi na siya nag reply kaya natulog na lang ako. Kinabukasan ay nakikita ko na sa balita ang sarili ko.

Pinag-uusapan na ako mg mga tao dahil sa ginawa ko. Natural lang na ibabalita dahil umingay ng sobra ang pangalan ko last year noong pumasok ako sa pag a-artista kaya ngayon ay pinagpi-piyestahan nila ang tungkol sa akin.

Naglakad ako papunta sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Ininom ko 'yon at pumunta sa harap ng T.V para kunin 'yong remote at patayin. Nakalimutan kong patayin 'to kagabi kaya magdamag pala 'to.

The issue was still fresh pero lumabas pa rin ako pagkatapos kong magawa ang morning routines ko. I was wearing a cap, black Balenciaga oversized shirt, tokong shorts and black super king Dolce Gabbana sneakers. Nakatali ang straight kong buhok at simple lang ang ayos ko dahil pupuntahan ko sila Carla.

I could hear people whispering and talking about me while I was walking. Hindi ko na lang pinansin at dire-diretso akong sumakay sa kotse ko. Hindi na ako lalaban dahil mali ako sa ginawa ko at tumatanggap ako ng pagkakamali.

My phone rang while I'm driving and it was from Ariana. Kinuha ko ang earpiece ko at sinuot 'yon. "Why, Yana?" I asked her.

She became silent for a seconds so I spoke again. "Is there any problem? Tell me." Sabi ko at kumanan sa daan.

"Kae, kasi... Uhm. How should I say this?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang nahihirapan siya?

"C'mon, Yana. Tell me."

"Kae, I don't want to offend you but Michelle told me that I would be your substitute. Ayokong kunin ang pwesto mo dahil sa'yo 'yon kaya hindi ko tinangga---"

Napa-preno ako. Huminto ako dahil sa sinabi niya. "Yana? Why did you reject her? Ayaw mo bang maging bida? Ikaw na ang magiging star!" I yelled. Oh, God. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Kae naman! Sa'yo 'yon! Pwesto mo 'yon, bakit ko kukunin? You are the star of this industry. At isa pa, magkaibigan tayo, Kae. Ang pangit tingnan kung ako ang papalit sa pwesto mo habang kinukutya ka ng mga tao." She said in a serious tone.

Natahimik ako. She's right. Ang pangit nga naman tingnan. I inhaled a large amount of air as I nodded. "Alright. Ikaw ang bahala. Tama ka naman, e." I said. Bakit ko pa ba siya pipilitin sa bagay na ayaw niya? I wasn't born to please anyone.

"I have to go, Yana. May pupuntahan pa ako." I said.

"Where? Who's with you? You should have told me. Paano kung may---"

"You know me, I can handle myself. Sige na..." I ended the call.

Hindi muna ako nagmaneho. Yumuko ako sa manibela at pumikit. Kahit saan ako magpunta ay masama ang tingin sa akin ng mga tao. Nakilala nila ako bilang isang marangal at malinis na babae pero ganoon lang ang nangyari sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko nang may nag text. My forehead creased when I saw the message.

'Meet me. I have something important to tell you.'

Kinabahan ako. I don't know why. May ti-next ulit siya at 'yon na ang address kaya hindi na ako nag reply. Pakiramdam ko ay sobrang importante ng sasabihin niya. May nagtutulak sa akin na puntahan siya.

Kinakabahan ako habang nagmamaneho. Hindi ko talaga alam kung bakit. What's with me?

Tumigil ang kotse ko sa harap ng mansyon. Hindi ako pamilyar sa mansyon na 'to pero mabuti na lang dahil tahimik at walang tao---walang makakapanakit sa akin.

Nag doorbell ako at agad siyang lumabas. Natahimik ako dahil seryoso ang mukha niya.

"Come in---"

"D-dito na lang..." Mabilis na sagot ko.

Napayuko siya.

"Anong sasabihin mo?" I asked him.

"I'm sorry..." he uttered.

I chuckled. Mas lalo akong kinakabahan.

"W-why?" I asked. Pinisil ko ang isa kong palad.

"I'm sorry... I was with you that night."

My jaw dropped when I heard him. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napalunok ako at napaatras. Siya? Siya ang...

Natutop ko ang aking bibig. "H-how could you do that? Bakit... b-bakit hindi mo na lang ako hinatid pauwi?" nanghina ang boses ko. Hindi ako makasigaw. Nanghihina ako.

"I'm sorry. I just like you. I like yo---" He was about to touch me but I pushed him. I wanted to slap him but I don't wanna hurt him.

"How could you do that? Did you do that on purpose? Did you set that camera? Damn it! You are my friend, Brylle!" I shouted in pain before leaving him.

Gusto kong sumigaw dahil sa galit. 'Yong taong inaasahan kong mag po-protekta sa akin ay ang tao pa na sumira sa buhay ko. Damn it!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbara Manianita
na no bwisit ako sa babaeng tanga-tanga hinahayaan ung ibang tao na saktan sya. bobo bibilhan bwisit.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status