Share

Chapter 6: Congratulations

"Is this still available?"

Pinasadahan ko ng tingin ang diamond necklace na ibibigay ko para sa nalalapit na birthday ni Mommy. Next month pa naman ang birthday niya pero gusto ko na siyang bilhan ng regalo.

"Yes, ma'am." The lady smiled at me and I was shocked because she just smiled. I mean—-lahat sila ay galit at nandidiri sa akin pero ang babaeng ito ay ngumiti?

"A-ah. I want to buy this one." I pointed my index finger on the necklace I wanna buy.

She smiled again sweetly. "Sure, ma'am." Natulala na lang ako sa kanya nang kinindatan niya ako. What was that for?

Pinagmasdan ko ang sales lady na inaasikaso ang napili kong diamond necklace. Ramdam ko ang titig sa akin ng mga tao pero ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Here, ma'am," for the nth time, she smiled again.

Pilit na lang akong ngumiti. I don't have any idea why she's acting like this---she's kinda weird.

I paid the necklace. Itinago ko 'yon sa dala kong Balenciaga na shoulder bag at lumabas. I was about to enter my car when someone pulled my hair. Dahil sa ginawa niya ay nabitawan ko ang shoulder bag na dala ko.  "Walanghiya ka!"

Napapikit ako sa sobrang sakit. What did I do? Parang gustong bumagsak ng luha ko pero wala nang bumabagsak. "Let me go!" I shouted.

Marami sila. Hindi ko alam kung anong ginawa ko pero pinagtutulungan nila ako.

"Ah, talaga? Bitawan? Bitch! Inagaw mo si Brylle sa akin!" Sigaw ng babae at tinulak ako kaya napaatras ako. Ramdam ko ang pag gasgas ng palad ko dahil sa ginawa nila sa akin.

"I-inagaw?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumawa siya na parang naiirita at nilapitan ako kasama ng mga babae. Napalunok ako. Hindi ko kayang labanan ang mga taong nilalamon ng galit. "Wala akong inaagaw sa'yo." I whispered.

She crazily laughed together with her friends. "Kaya pala may nangyari sa inyo? You are a slu---" napayuko ako at napapikit nang itinaas niya ang palad niya para sampalin ako. Oh my God!

Ilang segundo ang lumipas pero walang bumabagsak na palad sa pisngi ko kaya inangat ko ang paningin ko at napakunot ang noo ko nang makita ang lalaking nakatalikod sa akin. Sinalo niya ang kamay ng babaeng dapat ay sasampal sa akin. Napalunok ako.

He was wearing a fitted brown long sleeve shirt and jeans. Malaki ang katawan niya at lalaking lalaki.

"W-who are you?" She's trembling. Sino ba ang lalaking ito?

"Get..." kinilabutan ako sa boses ng lalaki. Sobrang lalim at seryoso. "the... fuck... out... of... my... fucking... sight." Mabagal, mariin, seryoso at malamig niyang sambit sa babae at binitawan ang palapulsuhan nito.

Bahagyang napakunot ang noo ng babae. "Why would I---"

"Get the fuck out of my fucking sight." Diretso nitong sambit kaya mabilis na umalis ang mga babae.

Napalunok ako. Who is this man?

Hinintay ko siyang lumingon sa akin pero nalaglag na lang ang panga ko nang unti-unti siyang naglakad palayo. Kumunot ang noo ko, I wanna call him, stop him, thank him and ask him why did he help me but I kept my mouth shut. Mas lalong napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang misteryosong lalaki na naglalakad palayo sa akin dahil...

"Familiar..."

I just shook my head. Pinulot ko ang bag ko at pumasok sa kotse ko. Bago ko pinaandar ang kotse ay napatingin ako sa dalawang palad ko na may gasgas na. I took a deep breath and started the engine.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Yana na naghihintay sa harap ng malaking gate namin. Bumaba ako at tinawag siya kaya napatingin siya sa akin. "Hmmm?" I smiled.

"Kae!" She suddenly hugged me. Umiyak siya habang yakap yakap ako and I don't know why she's crying right now.

"Hey, hey. What happened, Yana?" I tried to calm her down but she keeps on crying on my shoulder.

"Mikaela..." she sobs.

Humiwalay ako sa kanya at hinarap siya. I caressed her cheeks and smiled. "What happened? Tell me."

She let out a deep sigh. Tinanggal niya ang dalawang kamay ko sa pisngi niya. "Kae, I'm really sorry. T-tinaggap ko 'yung offer na maging... kapalit mo."

My forehead creased after hearing her. Dahil do'n ay umiiyak siya? Unti-unti akong napangiti at niyakap siya. "It's okay, Yana. I'm not mad. I'm proud." I said. "Nandito ka na. Ito na, Yana. You are now the star. I'm so proud of you, Ariana." I faced her. "Don't feel sorry. Hindi ako galit." I smiled at her.

Bahagya pa siyang nagulat pero unti-unti na rin siyang napangiti. "Talaga? Sorry, ha? Pinilit kasi ak---"

"Tara sa loob?" Tanong ko. Ayoko na kasing pag-usapan ang manager ko noon.

Ngumiti siya at tumango. Nasa kwarto lang si Mommy kaya nagtataka si Yana kung bakit hindi siya lumalabas kaya kinuwento ko na lang sa kanya kung anong nangyari sa pamilya ko. Dadamayan niya pa sana ako pero ayoko nang magdrama.

Lumipas ang ilang oras ay umalis na rin si Yana, busy rin kasi siya. Pagkatapos ng ilang araw ay maayos naman ang buhay ko. Hindi na namin kinulit si Daddy at sinabi ko rin kay Mommy na tigilan muna si Daddy. Kaya ko namang pasiyahin ang nanay ko.

I was wearing a blue jeans, white long sleeve polo and a pair of black heels. Naka half ponytail ang buhok ko at balak kong dalawin si Yana sa taping niya kaso iniisip ko na baka makagulo lang ako.

Why do I have this feeling that someone is following me? Parang kahit saan ako mapunta ay may nakasunod sa akin, may nakatingin sa akin. I'm not sure, maybe I'm just tired.

Tumigil ang kotse sa harap ng coffee shop and as usual, everyone's looking at me. Sanay na ako. Umorder ako ng kape at pagkatapos ay umupo sa sofa. Ito na naman ang pakiramdam ko na parang mayroong nakatingin sa akin.

"Oh my God!" agad akong napatayo dahil natapunan ng malamig na kape ang hita ko.

"Opps! Sorry,"

Umangat ang tingin ko sa babae at siya 'yung babae noong isang araw. Naniniwala talaga siya na inagaw ko si Brylle?

Mabilis ang bawat paghinga ko. Nagtitimpi ako kahit nakakagalit ang ginawa niya. Nakita ko ang pag vivideo sa akin ng mga tao pero hinayaan ko lang sila dahil hindi ko naman sila maaawat.

Tumawa ang babae at pumalakpak. "Look at her! She's Mikaela Yzobelle Luxury, a woman who stole my boyfriend! Sinadya niya ang lahat ng nangyari at ginusto niyang magkaroon ng scandal! And guess who was that man?" she laughed again. "My boyfriend! Brylle Villaroza!"

Mas lalong nagsilapitan sa amin ang mga tao at nag tuloy-tuloy ang pag click ng camera. Sumasakit ang ulo ko. Gusto kong gumanti sa pinag gagawa niya dahil sumusobra na siya. I didn't steal her boyfriend! That scandal wasn't planned and I did not plan it!

Tumagilid ang mukha ko nang sinampal niya ako at mas dumarami na ang mga tao. Ngumiwi ako at pinunasan ang mukha ko dahil tinapunan niya ako ng kape sa mukha.

Tumitig ako sa kanya. "Bagay lang sa'yo 'yan, Luxury. Mang-aagaw ka. Bitch! Slut!" She smirked.

I let out a small sarcastic laugh as I wiped my face. Siguro kahit isang araw lang ipagtanggol ko naman 'yung sarili ko. Ayos lang naman siguro 'yon?

I took my hot coffee on the table. Binuksan ko 'yon at hinarap siya. "Bitch? Slut?" I smiled. "Wala akong inagaw, ako ang inangkin." Sumimsim ako sa kape at lahat ay nagulat nang itinapon ko 'yon sa damit niya kaya napatili siya.

I stepped forward and looked at her seriously. Tumitili lang siya at nag-iinarte. Wala na akong pakialam sa iba basta maipagtatanggol ko ang sarili ko. "Your boyfriend likes me. Brylle likes me. He likes me, Ms. IDon'tCareWhoYouAre." I said, trying to calm my voice. Humakbang pa ako palapit sa kanya. "I didn't steal him because he was the one who took advantage of me. I was drunk and he wasn't. If I'm prettier than you, it ain't nothing you can do about it so stop hating, you raggedy bitch." I said emphatically before leaving them.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at hindi ko alam kung bakit humagulgol ako. Hindi ko gustong pumatol pero sobra na siya. Parang tinapakan na niya ang pagkatao at pagkababae ko.

"Shit!" sigaw ko nang may nabangga akong kotse. Mabilis akong tumigil at bumaba. Sobrang kinakabahan ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

Natulala ako nang lumabas ang lalaki. He's freaking hot! Sobrang perpekto ng mukha niya kahit halatang galit. He was wearing a white long sleeve polo and tuxedo. Napalunok ako. Sobrang perpekto ng mukha niya at nakakatakot hawakan.

"What the fuck did you just do?" salubong ang kilay na tanong niya kaya nagbalik ako sa ulirat.

"I-I'm sorry." Kinakabahan kong sambit.

"Fucking eat your word! You fucking hit my car, woman!" He yelled.

Bumagsak ang luha ko. Wala na akong maintindihan sa lahat. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil ang dami daming problema.

"B-babayaran ko naman..." Nakayukong sabi ko habang umiiyak.

"I don't fucking need your money, reckless woman." The last word he said. Pumasok na siya sa kotse niya at pinaharurot 'yon palayo.

Lutang akong umuwi. Pagod na pagod ako at hindi ko na bubuksan pa ang cellphone ko dahil alam kong viral na naman ang nangyari sa amin ng girlfriend ni Brylle.

Bumagsak ako sa kama at hindi na nagbihis. Kagaya ng nangyayari sa akin gabi gabi, nakatulala na naman ako sa kisame. I want to make my Mom happy but what can I do if I'm also sad?

I no longer know where this sadness is coming from. I'm just sad. That's it.

Or maybe because of my Dad? Because I knew he never loved his wife, he never loved my mother. Hindi ko tuloy alam kung mahal ba ako ng tatay ko.

Everything was planned. Hindi ako bunga ng pagmamahalan, pilit lang ang pagkakabuhay sa akin.

Mahina akong natawa kasabay ng pagtulo ng luha sa gilid ng mata ko.

I immediately wiped the tears. Hindi ko naman dapat iniiyakan si Daddy. It was his choice—-ang hindi mahalin si Mommy.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit hindi na lang sila maghiwalay? Pwede namang sumama na lang si Dad sa totoong mahal niya, kaya kong pasayahin ang nanay ko.

My phone rang so I answered it lazily. Muli kong pinahid ang luha ko bago sumagot. "Hello?" bungad ko sa kabilang linya.

"Mikaela..."

I automatically sat down when I heard her voice. "Hindi pa ba tayo tapos?" I asked, irritated.

She laughed sarcastically. Hindi ko gawain ang makipag-away pero kung kagaya niyang ako mismo ang ginugulo at halatang sinasadya ang pakikipag-away? Okay. Bring it on.

"I have a secret, Kae. A secret that can destroy you..." she laughed again but I did not focus on her laugh, my forehead creased when I heard what she just said. Sikreto?

"Anong sikreto?" mabilis na tanong ko.

Humalakhak siya pero nanatiling seryoso ang mukha ko. "Girlfriend ka ni Brylle 'di ba? Anong sikreto ang sinasabi mo?" I asked again and this time, she became serious. Halos mabingi ako sa katahimikan niya at ramdam na ramdam ko ang pagiging seryoso niya sa kabilang linya.

"Ariana..."

Goosebumps prickled my skin. Is she insane? Bakit pakiramdam ko baliw ang babaeng ito. Bakit si Ariana na ngayon ang sinasabi niya? What about Ariana?

"Spill it." Matapang kong sambit.

"Your friend spread your scandal. She's my bestfriend, Mikaela. She was the one who spread that goddamn video of yours. Everything was planned. She planned this that's why she asked you to come with her that night. You've been fooled by your oh-so-called bestfriend."

And after that, she ended the called.

Bumagsak ang hawak kong cellphone sa kama. Natulala ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at parang hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang nalaman ko.

W-was that true?

Tears run down my face. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nag-uumpisang mamuo ang galit sa puso ko.

Tumunog ulit ang cellphone ko at nakita kong siya ang tumatawag kaya mabilis kong sinagot 'yon.

"Kae!" masayang bungad niya.

Napalunok ako. Sana... sana hindi totoo ang sinabi ng girlfriend ni Brylle. Please...

"Ariana, magkita tayo." I coldly said as I wiped my tears.

"Huh? Okay!" kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti siya.

"Hintayin mo ako sa bahay mo." Huling sinabi ko bago pinutol ang linya.

Huminga ako ng malalim at sumakay sa kotse. Ayokong magpadalos-dalos. I don't wanna get mad easily kaya tatanungin ko muna siya at paniniwalaan ko kung anong sasabihin niya dahil mas matagal ko siyang naging kaibigan kesa sa girlfriend ni Brylle.

My car stopped as I saw the red light. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong may nag email sa akin kaya binuksan ko 'yon.

"Are you sure about this?" that was the girl's voice—-Brylle's girlfriend.

"Of course, Nathalie. You knew since then that I never treated her as my bestfriend. You are my only friend. She's fucking irritating dahil lahat na lang sa kanya napupunta, e, bago pa lang naman siya! Itong scandal na 'to ang sisira sa career niya so yeah... I'm pretty sure."

Bumagsak lalo ang luha ko sa narinig kong voice record. Nanginig ang kalamnan ko sa galit kaya nabitawan ko ang cellphone ko.

Ariana...

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at nang makitang green light na ay pinaharurot ko ang kotse ko. Galit ako. Galit na galit ako.

Pagdating sa bahay niya ay agad akong pumasok. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang binubuksan ko ang malaking pinto.

Nang mabuksan ko ang pinto ay nagtaka siya habang tinitingnan ang damit kong marumi. Agad akong lumapit sa kanya. "Ariana, did you spread my scandal?" walang prenong tanong ko kaya natahimik siya.

Kumunot ang noo niya. May hawak siyang cake at may nakasulat doon na 'Congratulations Ariana Because You Are Now A Star!' mahina akong natawa sa nabasa ko sa cake.

"K-ka—-"

"Huwag mo akong ma-Kae-Kae dahil tinatanong kita. Oo at hindi lang ang sagot, Ms. Star." Mariin kong sambit.

"I-I don't know what—-"

Natigilan siya nang pinlay ko ang record at nanlaki ang mga mata. Unti-unting bumagsak ang luha ko dahil sa reaksyon niya—-sa reaksyon na 'yon, alam ko na agad ang sagot.

"I-I'm sor—-"

"Pagiging bida lang ba ang gusto mo kaya pinagpalit mo ang pagkakaibigan natin?" I asked her. "Ganyan ka kadesperada?"

"Walanghiya ka! Gusto mo sa'yo lahat! Gusto mo ikaw lagi ang bida! Plastik ka!" sigaw niya at galit na galit na nakatingin sa akin.

Sarkastiko akong natawa habang pinupunasan ang luha ko. "Maging bida pala ang gusto mo, ba't 'di ka na lang gumawa ng sarili mong studio?" tanong ko.

"Get out of my house! Now, you know. Hindi na tayo magkaibiga—-"

"Hindi... na kita kaibigan. You never treated me as your friend, right? For the last time, I wanna ask you, Yana..." lumunok ako. "Kahit kailan ba hindi mo ako tinuring na kaibigan? Kahit... kahit isang araw lang?" bumagsak ang luha ko, hindi ko na mapigilan.

Sarkastiko siyang tumawa at tumango-tango. "Yes, Kae. Hindi kita tinuring na kaibigan. Ginamit lang kita. Hindi naman ako sisikat kung hindi kita kaibigan. Oo nga at nauna akong maging artista pero hindi ako sumikat at ngayong nakuha ko na ang gusto ko, wala na akong pakialam sa'yo. Tapos ka na ba?"

"Hindi pa." Mabilis na sagot ko at kinuha sa kanya ang cake na hawak niya kaya nagtaka siya. Nakita ko ang tinidor sa lamesa kaya kumuha ako ng cake at kinain ang nakuha sa tinidor. "Masarap..." tumango-tango ako.

Binitawan ko ang tinidor at sinampal sa mukha niya ang cake na pinagawa niya kaya gulat na gulat siya sa nangyari. "Congratulations, Ms. Star. Enjoy your career." Peke akong ngumiti at tinalikuran na siya.

Sumakay ako sa kotse ko at unti-unting humagulgol. She was my bestfriend and my sister... but she never treated me that way.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status