Bawi ako after finals po.
Katatapos lang ni Claudette maligo. Basa pa ang buhok niya at may suot na simpleng loose shirt at pajama. Habang pinupunasan niya ang buhok gamit ang tuwalya, narinig niya ang sunod-sunod na pagtawag mula sa labas ng silid.“Mommy Clau!”“Mommy Clau! Where are you?”“Mommy Claaaaau!”Napapikit siya sa inis. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya habang mariing kinagat ang ibabang labi. Pigil na pigil ang sarili na ‘wag mapikon—pero halata sa mga mata niya na tila ilang ulit nang ginawa ito ni Killian.“Isa pa, Killian, isusumpa kita,” bulong niya sa sarili, sabay marahas na hagod ng tuwalya sa buhok.Lumakad siya papunta sa pinto, hawak pa ang tuwalya sa balikat, handang pagalitan ang makulit na binata.Ngunit pagbukas ng pinto, agad siyang napahinto.Nakatayo si Killian sa tapat ng pintuan—ngiting-ngiti, may hawak na bouquet ng pulang rosas sa isang kamay at box ng pizza sa kabila.“Surprise!” masiglang bati ni Killian. “Sorry kung nabulabog ka, pero I figured… if you’
Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang sumilip sa manipis na kurtina ng silid. Banayad ang hangin mula sa bukas na bintana, may dalang malamig na simoy na amoy dagat at damuhan. Sa gitna ng katahimikan ng umaga, unti-unting iminulat ni Claudette ang mga mata..Nakatagilid pa rin siya, at ang una niyang naramdaman ay ang bigat ng isang braso sa baywang niya.Napakurap siya, saglit na nalito, ngunit agad din siyang natauhan nang maalala ang nangyari kagabi. Ang mahigpit na yakap at ang hindi niya maintindihang desisyon na… lumapit. Sumiksik. At matulog sa piling ng lalaking ilang araw lang ang nakalilipas ay sinumpa niyang hindi na muli niyang pagbubuksan ng puso.Maingat niyang inalis ang braso ni Killian. Dahan-dahan, para hindi ito magising. Ayaw niyang harapin muna ang sarili—ang katotohanang piniling muli ng katawan at damdamin niya ang lalaking ilang ulit na niyang itinulak palayo.Pagkatayo niya, napalingon siya sa natutulog pa ring si Killian.Nakahilata ito sa kama, malalim ang tu
Ilang oras ang lumipas. Madilim na. Tahimik ang buong paligid.Pumasok na si Killian sa loob ng silid. Hawak niya ang tuwalya at isang bag ng gamit. Napatigil siya sa pintuan, lalo na nang makita si Claudette na nakaupo sa gilid ng kama, nakatingin sa sahig.“Okay lang ba 'to?” tanong ni Killian, dahan-dahang humakbang papasok. “Pwede akong sa sahig. May kumot naman ako—”“Just… take the other side,” malamig na sagot ni Claudette, hindi tumitingin.Hindi umimik si Killian. Tahimik siyang lumapit at inilagay ang bag sa sahig. Maingat siyang umupo sa kabilang dulo ng kama, ilang dangkal lang ang layo mula kay Claudette. Ramdam nila pareho ang katahimikan. Nag-ayos ng unan si Claudette. Tapos ay humiga siya nang patalikod kay Killian. “Lights off mo na lang ‘pag tapos ka na,” mahina niyang sabi.Hindi agad gumalaw si Killian. Pinagmasdan niya ang silhouette ng babaeng mahal niya—ang babaeng minsang sinaktan niya sa paraang hindi matutumbasan ng kahit ilang sorry. Pero sa kabila ng lahat
Nakaupo si Claudette sa veranda ng maliit nilang bahay, ang mga mata ay nakatitig sa malayo habang banayad na hinihimas ang bahagyang bumibilog niyang tiyan. Nasa kusina naman si Caleigh, abala sa paghahanda ng hapunan. Masarap ang amoy ng nilulutong sinigang na baboy, ngunit wala si Claudette sa mood. Para bang habang lumalalim ang araw, mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya alam kung dahil ba sa napipintong pagdating ni Killian… o dahil sa kinikimkim pa ring damdamin para rito.“Clau, kain na!” tawag ni Caleigh mula sa loob.Dahan-dahan siyang tumayo at tumalikod sa veranda upang tumungo sa loob. Ngunit sa paglingon niya sa may daan, napahinto siya.Ang puso niya ay biglang bumilis ang pagtibok.Papalapit sa bahay ay isang lalaking pamilyar ang tindig. May dala itong backpack sa likod, isang maleta sa kamay, at ang buhok ay magulo, tila ba buong araw itong bumyahe. Pawisan. Pagod. Pero ang mga mata ay hindi kailanman nawalan ng direksyon.Halos hindi makagalaw si Claudette nang m
Third Person's POVSa tahimik na hotel room na tinutuluyan ni Claudette, tanging tunog lang ng mahinang ulan sa labas at ang marahang tik-tak ng wall clock ang maririnig. Nakaupo siya sa gilid ng kama, yakap-yakap ang tuhod habang pinipigilan ang muling pagdaloy ng luha.Hindi siya sigurado kung pagod lang siya o talagang ubos na. Sa dami ng sugat na iniwan ng mga nakaraan, wala na siyang lakas para maniwala, lalo na kay Killian.Hanggang sa may kumatok.Pagbukas niya ng pinto, bumungad ang pamilyar na mukha ng kapatid niya—si Caleigh. May dala itong maliit na overnight bag, at may bakas ng seryosong intensyon sa mga mata.“Ate Caleigh?” tanong ni Claudette, bakas ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?”“Can I come in?”Tahimik siyang tumango.Pagkapasok ni Caleigh, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Umupo siya sa silyang kaharap ng kama, at diretso sa mga mata ni Claudette tumingin.“Nakausap namin si Killian,” panimula niya.Napapitlag si Claudette. Halos mabalewala ang init ng ts
Killian Nicolaj "Ano'ng sinabi n’yo?" mariin kong tanong, pilit pinapakalma ang sarili. Tumindig si Lolo Rafael mula sa kanyang upuan sa study ng mansion. Mabagal ang kilos niya, pero matalas ang tingin, parang laging may hawak na baraha na siya lang ang nakakaintindi. At ngayon, ang mga salitang binitiwan niya ay para bang isang bala na dumiretso sa sentido ko. “Tatanggalin namin si Claudette sa Adamson.” Umigting ang panga ko. Napasuntok ako sa lamesang nasa harapan namin. “You’re crossing the line!” "Hindi ba’t matagal na naming sinasalo ang lahat ng kahihiyan mong ginawa, Killian? Ngayon, buntis mo pa ang dating asawa ng kapatid mong si Larkin. Anong gusto mong gawin ko? Palakpakan ka?" "Si Claudette ang babaeng mahal ko. Anak ko ang dinadala niya!" sigaw ko, halos hindi ko na ma-control ang galit. "At iyon nga ang problema." Umikot siya sa paligid, parang isang matandang hari na pinaplano ang huling hakbang ng laban. “Ayokong maging katatawanan ang pamilyang ‘to. Kung mana