Share

Chapter 362

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-10-05 22:15:30

Nakatayo sa hallway ng condominium ni Larkin ang limang tao mula sa team ni Killian—two security operatives, isang forensic accountant, si Atty. Mendoza, at si Mr. Romano. Tahimik silang pumihit ng susi at dahan-dahang binuksan ang pinto. Wala nang tao sa loob; alam nilang umalis si Larkin bigla.

Pagpasok nila, agad nilang nakita ang kahon sa ilalim ng kama. Maliit lang ang liwanag ng lamp pero kitang-kita ang bundok ng cash na naka-plastic wrap. May mga enveloped checks, relo, at ilang malalaking alahas. May mga hard drives din sa drawer at mga dokumento na may pirma ng mga tao sa kompanya.

“Secure everything,” maikli ang utos ng security head, si Ramos. “Huwag hawakan nang hindi naka-gloves. Kailangan chain of custody natin solid.”

Kumuha si Atty. Mendoza ng evidence bags. “Kunin natin ang lahat at i-document. Photos, video, inventory list. Kakailanganin natin ito sa forfeiture petition at criminal complaint.”

Lumuhod ang forensic accountant, si Ms. Reyes, at sinuri ang mga serial n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 368

    Naglalakad si Larkin sa makipot na eskinita, pawis na pawis at halatang puyat. Bitbit niya ang lumang bag na puno ng mga damit. Halos isang linggo na siyang palipat-lipat ng tinutuluyan para lang makaiwas sa mga taong may utang siya. Kahit sa mga motel, hindi na siya makapagtago nang matagal. Mabilis kumalat ang balita — hinahanap siya ng mga loan shark na dati niyang pinangakuan ng malaking tubo.Habang naglalakad, bigla niyang narinig ang sigaw mula sa malayo.“Hoy! Siya ‘yun! Si Larkin Trump!”Nataranta siya at agad tumakbo. Mabilis ang tibok ng puso niya habang naririnig ang mga yabag ng mga taong humahabol. Pagliko niya sa kanto, napasok siya sa isang bakanteng gusali. Humihingal siyang umupo sa sahig, hawak ang dibdib.“Damn it... dahil ‘to kay Killian!” bulong niya, galit na galit. “Kung hindi lang siya bumalik sa Pilipinas, ako pa rin sana ang namumuno sa Nicolaj Group. Ako dapat ‘yung nasa TV, ako dapat ‘yung pinupuri ng lahat!”Habang nagsasalita siya mag-isa, sumilip sa pin

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 367

    Ilang buwan ang lumipas, tuloy-tuloy ang pagganda ng takbo ng mga negosyo ng Nicolaj Group. Lahat ng proyekto na binuksan muli ni Killian ay unti-unting nagbunga—mula sa supermarkets hanggang sa mga hotel na dati ay isinara ni Larkin. Sa mga press releases at balita, pangalan ulit ni Killian Nicolaj ang pinupuri. Maging mga investors at business partners na dati’y lumayo, isa-isa nang bumabalik.Sa kabilang banda, ibang-iba ang buhay ni Larkin ngayon. Nasa isang maliit at maruming apartment siya, kasamang si Vanessa, ang babaeng itinuring niyang “lucky charm” pero ngayon ay tila malas na sa kaniya. Nakaupo siya sa sahig habang nagbibilang ng ilang natitirang dolyar sa isang lumang envelope. Pawis na pawis, iritado, at kitang-kita sa mukha ang galit.“Damn it!” sigaw niya habang hinahagis sa dingding ang envelope. “Ito na lang natira sa lahat ng pinagpaguran ko? Wala man lang akong ma-withdraw sa mga bank accounts ko!”Lumabas si Vanessa mula sa maliit na kwarto, suot ang lumang t-shir

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 366

    Maaga pa lang, nasa opisina na si Killian kasama si Claudette. Sa harap nila ay nakalatag ang mga business reports, financial forecasts, at mga proposal para sa relaunch ng mga negosyo ng Nicolaj Group. Tahimik muna silang dalawa habang parehong seryoso sa pagbabasa ng mga dokumento.“Wifey,” sabi ni Killian habang nakatingin sa laptop. “Lahat ng branches ng Nicolaj Supermarket, halos sarado na. Kailangan nating i-check kung alin ang may potential pa to reopen. Sayang naman ‘yung mga locations na maganda ang standing noon.”Tumango si Claudette habang nakatingin sa listahan ng mga branches. “Ito, ‘yung sa Quezon City at Makati. Dati mataas ang sales diyan. Pwede natin silang unahin. Pero kailangan ng bagong strategy. Baka pwedeng i-partner sa mga local farmers para mas mura ang goods.”Ngumiti si Killian, impressed. “That’s a good idea. Gusto ko ‘yan. Organic produce, direct from farmers—maganda ‘yan for marketing. We can rebrand Nicolaj Supermarket as something more community-focused

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 365

    Nasa opisina na sina Killian at Claudette, kahapon lang ay tinapos ang lahat ng legal na proseso para maibalik kay Killian ang Nicolaj Group. Si Claudette ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa Adamson University, habang si Killian naman ay tumitingin sa report ng financial statement at mga inventory ng kompanya.“Clau, tingnan mo ‘to,” ani Killian, hawak ang tablet, habang nakaupo sa kanyang leather chair. “Adamson University needs immediate action. Kailangan natin i-review ang budget, ang projects, at ang mga faculty assignments.”Tumango si Claudette, sinubukang huwag magpakita ng sobrang excitement sa asawa. “Sige, Killi. Gagawan natin ng plan kung paano maayos ang lahat. Pero honestly, ang saya ko lang kasi tuloy na makabalik ka sa kompanya.”Ngumisi si Killian at lumapit sa tabi ni Claudette. “Clau, alam mo ba? I really missed this. Miss ko ‘yung work natin, pero lalo na miss ko ikaw. Ang dami kong gusto sabihin sa iyo, pero hindi ko alam kung saan sisimulan.”Napangiti si Cl

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 364

    Nang araw ng press conference ni Larkin, ramdam na ramdam niya ang kaba sa dibdib. Nakasuot siya ng dark suit, maayos ang buhok, at kumakapit sa podium na parang iyon lang ang huling bagay na kayang hawakan niya sa mundo. Plano niyang sirain ang reputasyon ni Killian, ipakita sa media at sa publiko na siya ang biktima, at pinilit siyang pababain sa kanyang posisyon sa Nicolaj Group.Habang nakapila ang media at mga reporters sa harap, nag-check siya ng notes niya. “Okay… calm down. Kaya mo ‘to. Isalpak mo lahat ng galit mo, Larkin,” bulong niya sa sarili.Ngunit nang pumasok siya sa conference room, napahinto siya. Naramdaman niya ang init ng titig ng mga tao. Lahat ng tao sa loob—ang board members, investors, at maging mga empleyado ng Nicolaj Group ay nakatayo at nakatingin sa kaniya. Ang ilan ay may hawak na mga dokumento.“Mr. Trump,” sigaw ng isa sa mga investors, “bakit mo inabuso ang kompanya? Bakit mo ginamit ang pondo para sa sarili mong kapakanan? Pera namin ito!”Nagulat si

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 363

    Nang dumating si Larkin sa condo, umaabot lang ang dala niyang galit para mabasag ang buong pinto. Binuksan niya ang pinto at pumasok nang mabilis — sinapak ang drawer, sinilip ang closet, sinipa ang mga kahon. Nang itulak niya ang kama at bunutin ang malaking kahon mula sa ilalim nito, nanigas siya.Wala. Walang cash. Wala rin ang mga relo. Wala ang mga hard drive. Ang kahon, parang lagi na lang naging kahon lang — bakante.“Anong—” Napapailing siya at dali-daling kinuha ang cellphone. Tinawagan niya agad si Marco.“Marco! Nasaan ka? Nasaan lahat ng pera ko?” matigas ang boses niya, halos pumutok sa galit. “Sino nagsabi na na-box na ‘yon? Sino ang pumasok sa condo ko?”“Sir—Sir, kalma lang po—” nagpapanik na sagot ni Marco. “Sir, tumatawag na rin si security. Tinitingnan nila ngayon ang CCTV.”“Check it now! Tingnan mo agad ang CCTV. I-play mo lahat ng footage mula umaga!” utos ni Larkin. “Huwag kang magkamali r’yan!”“Okay po, Sir, kino-command na po namin ang security—” pagputol ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status