首頁 / Romance / One Night, Forever Mine / Chapter 1 : The Day She Lost It All

分享

Chapter 1 : The Day She Lost It All

作者: BelleNocturne
last update publish date: 2026-09-15 09:26:28

Alas singko ng madaling araw sa Makati.

Si Athena Sebastian lumabas ng isang building na hindi niya alam ang pangalan. Yung Imperial Tower, 32nd floor, penthouse. Hindi niya binasa yung pangalan sa lobby kagabi kasi madilim at nagmamadali siya. Naka black dress na gusot, takong na halos hindi na niya maisuot dahil nanginginig tuhod niya, at hawak ang isang brown envelope na makapal.

Hindi niya alam ang pangalan ng lalaking iniwan niya sa kama.

At hindi rin alam ng lalaking yun ang tunay niyang pangalan.

Kagabi, nung tinanong siya kung anong pangalan niya, sabi niya, "Irish." Yun ang pangalan ng kaibigan ng pinsan niya na nasa Canada. Safe. Hindi totoo. Hindi siya.

At yung lalaki, hindi rin nagpakilala. Walang "Ako si..." Walang small talk. Pagpasok niya sa penthouse, sinalubong lang siya ng tingin na matalino, dominant, at malamig. Yung klase ng tao na sanay na nakukuha lahat ng gusto niya pero hindi maingay. Mailap sa tao. Workaholic daw sabi nung guard sa baba, halos walang lumalabas na picture sa media, halos mga mayayaman lang nakakakilala sa mukha niya.

Perpekto. Kasi kung hindi nila alam pangalan ng isa't isa, walang habulan pagkatapos.

Akala niya.

Sumakay siya ng taxi. "Jose Reyes Hospital po, Tayuman. Bilisan niyo po."

Buong biyahe, hawak niya envelope. Hindi niya binuksan. Hindi niya binilang. Alam niyang 500k laman nun, sabi ni Alexzander, yung lalaking nagbook sa kanya. Isang gabi, 500k, no strings attached.

Habang nasa taxi siya, nag-vibrate phone niya. Si Malaya.

"Athena, nasaan ka na? Kanina pa kita tinatawagan, si Tita Mely nahihirapan na huminga, hinahanap ka niya," boses ni Malaya sa kabila, kinakabahan.

"Malaya, papunta na ako. May pera na ako. Sabihin mo kay Mama hintayin niya ako, may 500k na ako, ooperahan na siya," sagot ni Athena, pabulong.

"Saan ka kumuha ng 500k? Athena, anong ginawa mo?"

"Wag mo na tanungin. Basta papunta na ako."

Binaba niya tawag at tumingin sa labas. Ang bilis ng takbo ng taxi, pero pakiramdam niya mabagal pa rin.

Pagdating sa hospital, tumakbo siya sa Ward 3B. Bukas ang p***o. Pero pagpasok niya, wala nang tao sa kama. Nakatupi ang kumot. Wala na yung dextrose stand. Wala na yung monitor na maingay buong linggo.

Nakatayo sa gilid si Malaya at si Tita Baby, hawak rosaryo.

"Malaya?" tawag ni Athena, mahina.

Lumapit si Malaya at niyakap siya ng mahigpit.

"Wala na si Tita Mely, Athena. Alas tres ng madaling araw. Inatake. Tinawag ka namin pero hindi ka sumasagot. Hinintay ka niya, tinawag pangalan mo bago siya mawala."

Nalaglag yung brown envelope sa sahig. Nagkalat yung pera sa puting kumot na wala nang tao. Limang daang libo. Buo. Pero huli na.

Si Athena hindi sumigaw. Hindi nagwala. Napaluhod lang siya sa sahig ng hospital, yakap si Malaya, tahimik umiiyak. Yung balikat lang niya nanginginig. Walang boses.

"May pera na ako Ma, bakit wala ka na? Sorry Ma, wala ako," bulong niya paulit ulit.

Yakap lang siya ni Malaya. Walang sinasabing okay lang, kasi hindi okay.

Kinabukasan, burol sa maliit nilang apartment sa Tondo. Isang kabaong sa gitna, may kandila, may electric fan na maingay. Si Athena nakaupo lang sa tabi, tulala.

Lumapit si Aling Nena, kapitbahay na chismosa.

"Athena, anak, saan ka kumuha ng pampalibing? Ang ganda ng kabaong ah, mukhang mahal?"

"May natira pa po sa pera, Aling Nena," sagot ni Athena, mahina.

"Ay may natira pa? Ang yaman mo na pala! Sabi ng anak ko nakita ka daw sa BGC naka dress, ganda mo daw, parang artista!"

Si Malaya biglang sumingit, "Aling Nena, night shift po siya sa call center, pang American client po kaya naka dress, yung pangalan niya dun Irish!"

Si Athena at Malaya nagkatinginan. Buti na lang Irish pa rin lumabas na pangalan, hindi Athena.

Kinabukasan, libing sa North Cemetery. Maulan pero hindi baha. Tahimik lang. Walang eksenang naghihilaan. Pagkatapos, umupo sila ni Malaya sa puntod.

"Bes, anong plano mo?" tanong ni Malaya.

Tiningnan ni Athena yung natira sa envelope. 500k minus 30k sa balance ng hospital, minus 40k sa kabaong at libing, may natira pang 430k.

"Lilipat tayo," sabi ni Athena.

"Saan?"

"Sa may C5. May nakita akong apartment dun na mura, malinis, malapit sa sakayan. Gamitin natin tong pera para makapag simula, hindi para isoli sa lalaking yun. Hindi niya alam tunay na pangalan ko, hindi ko alam pangalan niya. Irish lang alam niya. Transaction lang yun. Tapos na."

Tumango si Malaya. "Tama. Hindi ka niya mahanap. Safe tayo."

Pero hindi alam ni Athena, sa penthouse na iniwan niya sa BGC, gising na yung lalaki. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang isang bagay na naiwan ni Athena sa bathroom nung nagmamadali siya. Hindi ID. Isang maliit na kwintas na may letter A. At isang student ID na nahulog sa bag niya, pero natakpan ng buhok kaya hindi niya napansin na may nakasulat: A. Sebastian, Business Ad, Cum Laude.

Si Gregory Imperial, 32, CEO ng Imperial Holdings Inc., mailap sa media, heartless, genius, dominant, workaholic. Halos walang nakakakilala sa mukha niya sa labas ng boardroom. Pero lahat ng tao sa business world, takot sa pangalan niya.

Nakatayo siya sa harap ng bintana, hawak yung kwintas, at tinawagan si Alexzander.

"Find her," sabi ni Greg, boses malamig pero may diin. "Her name is not Irish. Her real initial is A. She said she's a Business Ad student. Find all cum laude Business Ad graduates this year with initial A. And trace the number I sent the money to" utos niya ng may desididong boses.

Sa kabilang linya, si Alexzander "Greg, isang gabi lang diba? Bakit mo pa hahanapin?"

"Because she left before I could ask if she's okay. And she left her necklace. And I don't like things left unfinished."

Binaba ni Greg tawag.

Gabi, nasa bagong apartment na sila sa Sampaloc. Maliit pero malinis. May isang electric fan, dalawang banig. Si Malaya nagluluto ng itlog, si Athena nakaupo sa sahig, tinitignan yung kwintas niya na wala na.

"Bes, nasaan kwintas mo na letter A?" tanong ni Malaya.

"Naiwan ko yata," sabi ni Athena, kinakabahan.

"Dun sa, hay!! indi ko alam. Basta naiwan." sabi niya lang.

Hindi niya sinabi kay Malaya na kinakabahan siya. Kasi naalala niya yung mata ng lalaki. Hindi mata ng lalaking isang gabi lang habol. Mata ng lalaking sanay makuha lahat ng gusto niya at hindi sanay na may umaalis ng hindi nagpapaalam.

"Bes, bukas mag-aapply tayo trabaho," sabi ni Athena para ibahin usapan. "Graduate ako, cum laude ako. Hindi na ako magbebenta ng sarili. Gagamitin ko utak ko" determinado niyang sabi.

At habang sinasabi niya yun, hindi niya alam, sa laptop ni Greg sa BGC, may resulta na.

Search results: Athena Sebastian, 21, Business Administration, Cum Laude, University of Manila.

At sa phone ni Athena, may unknown number na nag-text.

You left your necklace, Irish. - G

Nabitawan ni Athena ang phone.

Paano niya nakuha number niya? At bakit Irish pa rin tawag niya? Ibig sabihin hindi pa niya alam tunay na pangalan niya.

Pero malapit na.

At sa penthouse, si Greg nakatingin pa rin sa labas, hawak kwintas na letter A, at bulong niya sa sarili.

"I'll find you, Irish. And next time, you will tell me your real name."

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • One Night, Forever Mine   Chapter 46 : Stay Tonight

    ATHENA'S POV :Naglakad kami pabalik ni Gregory mula sa hardin papunta sa sala. Paminsan-minsan lang kaming nagkakatinginan pero pareho kaming nakangiti. Hindi na awkward ang katahimikan at hindi na rin katulad noong una kaming nagkakilala.Pagpasok namin sa sala, nadatnan naming nagtatawanan sina Lolo Gustavo, Lola Elena, Alex, Malaya at Rafael."Heto na yung dalawa!" malakas na sabi ni Lolo Gustavo. "Akala ko nag-elope na kayong dalawa.""Lolo naman, naglakad lang po kami sa garden," napailing si Gregory."Naglakad lang po kami at nagpahangin lang," nahihiya kong paliwanag."E di mas delikado yung naglakad kayo sa garden nang gabi," sagot ni Lolo Gustavo."Lolo!" sabay naming sabi ni Gregory at natawa ang lahat.Tumayo si Malaya at lumapit agad sa akin."Hoy, buhay ka pa ba diyan?" tanong ni Malaya at tinusok ang braso ko."Grabe ka naman magsalita," sagot ko at natawa ako."Akala ko iniwan ka na ng pamilya niya para ampunin ka na dito," dagdag ni Malaya.Napatawa ako. "Feeling ko n

  • One Night, Forever Mine   Chapter 40 : I Think I'm Falling In-love

    GREGORY'S POV :Buong executive floor ngayong umaga at nasa harap ko ang laptop na bukas ang financial report para sa board meeting, pero limang minuto na akong nasa parehong pahina at hindi umuusad ang binabasa ko. Hindi dahil mahirap ang numbers kundi dahil may ibang laman ang isip ko na hindi ko maalis-alis.May kumatok sa pinto at pumasok si Alex na may dalang folder at tablet."Boss, nandito na yung final schedule mo for this week," sabi ni Alex at inilapag niya ang folder sa mesa ko. "Inilipat ko na rin yung meeting with Singapore investors sa Thursday para hindi ka ma-pressure."Tumango ako at kinuha ko ang tablet para tignan ang schedule."Good, mas maganda na sa Thursday na lang yun," sagot ko at sinara ko ang report.May isa pa siyang gustong sabihin at kita ko sa mukha niya na nag-aalangan siya."Ano pa yung gusto mong sabihin, Alex, sabihin mo na," tanong ko at sumandal ako sa upuan.Ngumisi si Alex at umupo siya sa tapat ng mesa ko na parang may binabalak na pang-aasar."

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 32 : Secret Date (SPG)

    ATHENA'S POV :Alas singko pa lang ng hapon nang mag-vibrate ang cellphone ko habang nag-aayos ako ng gamit sa table.Greg: Don't make plans tonight.Napangiti ako habang nakatitig sa maikling mensahe. Wala man lang please at wala ring paliwanag. Talagang utos na naman ang dating.Napailing ako bago nag-type ng reply.Me: Bakit mo naman ako binibigyan ng utos bigla?Ilang segundo lang ay nag-reply agad siya.Greg: Because I'm taking you somewhere tonight.Napailing na naman ako at napakagat sa labi.Me: Napaka-assuming mo naman, Mr. Imperial.Greg: Hindi assumption yan, sigurado akong sasama ka sa akin.Mayabang talaga pero tama naman siya."Ngumingiti ka na naman diyan mag-isa," singit ni Malaya na biglang sumulpot sa tabi ko.Pareho kaming nag-aayos ng gamit sa condo pagkatapos ng trabaho. Nakahiga siya sa sofa habang kumakain ng potato chips at nakatutok ang electric fan sa mukha niya."Hindi ako ngumingiti," tanggi ko at itinago ang cellphone sa bag."Binigyan mo pa ako ng hindi a

  • One Night, Forever Mine   Chapter 20 : Her Place

    "Sometimes, the biggest threat isn't the enemy who hates you... it's the person who believes you already belong to them" ****** *ATHENA'S POV* Pagpasok pa lang namin ni Greg sa Grand Imperial Ballroom, halos lahat ng mata nakatutok na agad sa amin. May mga executives na agad lumapit para bumati kay Greg pagkalagpas namin sa entrance. "Good evening, Mr. Imperial." "Congratulations sa bagong expansion ng Imperial sa Cebu." "Nice seeing you again, Greg." Isa-isa silang kinamayan ni Greg habang ako naman tahimik lang na nakatayo sa tabi niya at nakahawak pa rin sa braso niya. Paminsan-minsan ipinapakilala niya ako sa mga lumalapit. "This is Athena, my executive secretary," sabi niya. Ngumingiti lang ako at magalang na bumabati sa kanila. "Good evening po, nice to meet you." Mabuti na lang at unti-unti nang nawawala kaba ko dahil hindi naman sila masungit. "Athena," tawag ni Greg na mahina habang naglalakad kami papunta sa table namin. Napalingon ako sa kanya. "Yes, Sir?" "R

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status