The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love

The Top-Tier Billionaire I Was Never Meant To Love

last updateLast Updated : 2026-10-23
By:  VelmoraUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dalawang taon niyang ibinaon sa limot ang lalaking minsang naging buong mundo niya. Ngunit sa pagbabalik ni Yrish, isang malamig na pangungusap ang muling dumurog sa pusong pilit niyang pinagaling. “Hindi ko siya kilala.” Iyon ang mga salitang binitiwan ni Damien Cross Montefalco—ang lalaking minsang nagpalipad sa kanya sa langit, bago siya ibagsak sa kailaliman ng sakit. Ngayon, handa nang talikuran ni Yrish ang nakaraan. Ngunit paano kung ang lalaking itinuring siyang estranghero ay siya ring ayaw siyang pakawalan? Sa pagitan ng pag-ibig, pagmamataas, at mga lihim na hindi pa nabubunyag, sino ang unang susuko—ang babaeng natutong lumayo, o ang lalaking huli nang natutong mang-angkin?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Chapter 1

“Nasan ka na ba? Alam mo ba na nalaman ko habang nakikipag-usap ako sa boss ng

Montefalco Media tungkol sa partnership natin? Yung walang kwenta mong jowa, aba sige

lingkis sa arista nilang si Jasmine habang papunta sila sa Revel sa BGC! Alam mo ang kapal

talaga ng mukha ng lalaking ‘yon! Biruin mo ha, ikakasal na kayo pero kung sinu-sinong artista

pa rin ang nilalandi niya!”

Kabababa pa lang ni Yrish ng eroplano nang tawagan siya ng bestfriend niyang si Monica,

halata sa boses nito ang galit na parang sasabog na ang ulo sa inis.

Sa sobang galit nito, halos napamura na ang babae.

“Wala man lang hiya! Kapal ng mukha ha! Hiwalayan mo na nga iyan!”

Si Benjamin ay anak ng may isa ng isang malaking real estate company sa Manila. Kilala siya

sa pagiging casanova at isa sa mga pinakakilalang playboy sa business circle.

Siya ang tagapagmana ng kanyang ama, kilala siya sa pagiging iresponsable at babaero.

Ngunit kahit na ganun ay maraming artista at social media influencer ang nangangarap na

maging asawa siya.

Kahit alam naman nilang may mapapangasawa na ito, marami pa ring dalaga ang patuloy na

nagtatangkang akitin siya.

Kaso nga lang hindi siya marunong tumanggi sa mga babaeng lumalapit sa kanya, kaya naman

sunod-sunod ang mga balitang kinasasangkutan niya at ng iba’ibang babae.

“Ganyan naman talaga ang mga mayaman na lalaki, mahilig sila magpakasaya.”

Habang hinihila ng babae ang kanyang maleta at sa kabilang kamay naman ay ang kanyang

cellphone, naglakad siya patungo sa labas ng airport. May bahagyang ngiti sa kanyang boses

habang kalmado siyang nagsalita.

“Ano ka ba, ilang araw na lang naman. Hayaan mo muna siyang magpakasaya ng ilang araw.”

Sanay na si Yrish sa pambababae ng kanyang nobyo, hindi niya ito pinapansin at hindi rin niya

kailanman kinompronta tungkol dito.

“Alam mo hindi ko na talaga alam kung anong utak meron ka, bakit natitiis mong niloloko ka?”

Sa dalawang taon nilang magkakilala, hindi maintindihan ni Monica kung bakit ganoon na lang

kadaling palampasin ng kaibigan ang panloloko sa kanya.

Ang hindi pa niya maintindihan ay kung bakit ito pumayag na i-arrange marriage siya sa lalaking

‘yon. Eh marami naman na mas pogi at maayos na nanliligaw sa kanya noong nag-aaral pa ito

sa ibang bansa. “Nga pala si Joshua, ang boss ng Beyond the Lens na bumili recently ng script natin, ay nasa

Revel din daw ngayong gabi.”

“Talaga?” kaswal na tanong ni Yrish. “Talagang gumastos siya nang malaki para lang

makapunta roon?”

“Siyempre! Naghahanap siya ng mga investor ngayong gabi. Inimbitahan niya ang boss ng

Montefalco Holdings.”

Nang marinig ni Yrish ang binanggit ng kanyang kaibigan, biglang humigpit ang hawak niya sa

kanyang cellphone. Bahagya siyang natigilan sa paglalakad, saglit ding natigil ang kanyang pag

hinga.

Ang Montefalco Holdings ay malaking bigat sa business industry, isa ito sa mga pinakakilalang

investment company sa bansa. At kabilang din ito sa pinakamataas na antas ng finance

industry.

At ang boss nito ay isang Montefalco, siya si Damien Cross Montefalco.

Ang lalaking anak ng mga Montefalco, isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo ng

negosyo. Nang marinig ng babae ang pangalang iyon, bahagya nang nanginig ang kanyang

puso.

Habang si Monica naman ay patuloy sa pagsasalita sa kabilang linya.

“Ang sabi pa ng mga tao, tatlong buwan daw siyang sunod-sunod na nagpakitang-gilas at

nagpa-alipin para lang makuha ang oras ng taong iyon. Grabe napakalakas ng connection ng

lalaking ‘yon sa investment sector. Kapag nagtagumpay si Joshua na makakuha ng investment,

malamang lalaki rin ang negosyo niya. Malay mo naman, pati ang studio natin umunlad.”

Isang taon na ang nakalipas nang itayo nila ang Narrative House, isa itong studio kung saan

nagsusulat sila ng mga script. Sa loob ng mahigit isang taon, si Yrish ang pangunahing

responsable sa pagsulat ng mga scripts mula sa ibang bansa.

Habang si Monica naman ang namamahala sa halos lahat ng pang-araw-araw na operasyon sa

studio.

Sa nakalipas na ilang buwan, biglang humina ang takbo ng kanilang negosyo at naging kapos

sila sa pera. Naiintindihan naman ni Yrish ang bigat na dinadala ng kaibigan. Bumalik siya sa

realidad nang bigla siyang mabangga ng isang bata.

Nagpatuloy siya sa paglalakad bago muling nagsalita.

“Sana magtagumpay siya.”

Alam ng babae kung gaano kahirap pakisamahan ang lalaking iyon. Mismong siya ay

naranasan niyang pakisamahan ito. “Sandali nga! Nakalapag ka na ba?” saka lamang naalala ni Monica na pauwi na ng bansa ang

kanyang kabigan.

“Ano susunduin ba kita?”

“Hindi na Ate, salamat sa alok pero may nasakyan na rin kasi ako.” huminto ang babae sa tapat

ng isang taxi.

Sa kabilang linya, narinig ni Monica kung anong address ang binigay ng babae sa driver.

Nagulat ito sa kanyang narinig, kaya naman nagtataka siyang nagtanong.

“Huy! Saan ka pupunta? Pupunta ka sa The Revel?”

Umupo ang babae sa likurang upuan ng taxi at inayos ang buhok sa kanyang tenga. Habang

pinagmamasdan niya ang labas ng airport, bahagya siyang ngumiti.

“Oo, pupunta ako para hulihin ang panloloko nila.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status