首頁 / Romance / One Night, Forever Mine / Chapter 2 : Job Hunt

分享

Chapter 2 : Job Hunt

作者: BelleNocturne
last update publish date: 2026-09-15 09:26:58

6:33 sa may C5. Mainit na kahit mag alas syete pa lang. Yung apartment nila ni Athena at Malaya, maliit pero malinis na. Isang bintana, , isang lamesa na may laptop na secondhand na binili nila gamit yung natirang pera. Isang kwarto na may double deck bed.

Si Athena, nakaupo sa sahig, hawak yung laptop. Buhok nakatali, naka simpleng white shirt na pinlantsa, at may kape na 3-in-1. Si Malaya, nasa tabi niya, naka shorts at naghahanap din sa phone.

"Bes, wala pa rin nagre-reply sa mga inapplyan natin kahapon," sabi ni Malaya, napapagod na mag scroll sa JobStreet.

"Maghahanap pa tayo. Hindi pwedeng maubos tong pera natin na walang pumapasok. Pang isang taon lang to kung matipid tayo," sagot ni Athena, mata nasa screen pa rin.

Tatlong araw na silang nag-aapply. Lahat ng company sa Manila, inapplyan na nila. Accounting, marketing, secretary, kahit encoder. Pero laging sagot "We'll call you." At hindi naman tumatawag.

Si Athena, cum laude, Business Administration. Magaling sa analysis, magaling sa presentation. Pero sa resume niya, walang work experience maliban sa OJT sa isang maliit na bank sa lugar nila At sa panahon ngayon, hindi sapat yun.

"Bes, tingnan mo to," sabi ni Malaya, pinakita phone niya. "Imperial Holdings Inc. Naghahanap ng Executive Secretary for CEO. 35k starting. Business Ad graduate. Must be intelligent, can handle pressure, can keep secrets. Ang taas ng qualifications ah."

Binasa ni Athena yung post. Imperial Holdings Inc. BGC. Malaking building sa picture. Hindi nakalagay pangalan ng CEO. Mailap daw sa media, sabi sa comments. Walang picture ng CEO, logo lang ng company.

"35k? Ang taas ah, at saka malapit lang, ang mahal ng pamasahe," sabi ni Athena.

"Bes, 35k kaya! Isang buwan lang dun, bayad na upa natin ng apat na buwan! At saka Business Ad hinahanap, ikaw yun! Cum laude ka pa!"

"Ako lang mag-aapply? Paano ka?" nakataas ang kilay na tanong niya

"Sabay tayo mag-aapply! Diba Business Ad din ako? Hindi nga lang cum laude, pero maganda ako! Baka yun habol nila!" biro niya.

Tiningnan ni Athena ulit yung post. Imperial Holdings Inc. Hindi familiar sa kanya yung pangalan. Hindi niya alam na yun pala yung company ng lalaking iniwan niya sa BGC na may kwintas niya. Hindi niya alam na yung building sa picture, yun mismo yung building na pinanggalingan niya nung madaling araw na yun.

"Sige, apply tayo," sabi ni Athena. "Pero Malaya, ayusin natin resume. Walang kalokohan." seryoso ng sabi niya

"Oo naman! Professional tayo!" natatawang sbai ni Malaya

Alas otso ng gabi, tapos na sila mag send ng resume. Si Athena, naglagay ng totoong pangalan niya, Athena Sebastian, kasi trabaho na to, hindi na isang gabi lang. Hindi na Irish.

Sa kabilang parte ng Manila, sa 32nd floor ng Imperial Tower, si Gregory Imperial nakaupo sa harap ng tatlong monitor. Suot pa rin suit kahit gabi na. Katatapos lang ng board call.

Pumasok si Alexzander, may dalang tablet.

"Greg, may update ako sa hinahanap mong Irish. Wala pa ring Athena Sebastian na lumalabas sa social media, pero may dalawang nag-apply sa company mo kanina. Isang Athena Sebastian at isang Malaya Quinto. Parehong Business Ad, parehong taga Sampaloc address ngayon."

Tiningnan ni Greg yung tablet. Resume ni Athena Sebastian. Picture niya, yung totoo niyang mukha, hindi yung madilim sa penthouse. Cum laude. 21. At yung address, Sampaloc, malapit lang sa University.

"She applied in my company," bulong ni Greg, hindi makapaniwala.

"Oo. At hindi niya alam na ikaw CEO. Kasi hindi naman nakalagay name mo sa hiring post, diba? Mailap ka sa media, remember? Genius ka nga pero ayaw mo magpa picture." tukso ni Alexzander

Tahimik si Greg. Hinawakan niya yung kwintas na letter A na nasa table niya.

"Schedule her interview tomorrow. 9AM. And Malaya too. I want to see them both." utos niya.

"Greg, hindi ba masyadong halata na hinahanap mo siya? Paano kung matakot siya?" Napapailing na tanong ni Alexzander na nawewerduhan sa kaibigan slash boss

"She's not scared of me. She left me sleeping. No woman has ever done that. So I will interview her myself." he said coldly

Kinabukasan, alas otso pa lang, nasa BGC na si Athena at Malaya. Naka white polo pareho, pero si Athena mas plantsado. Si Malaya, may dalang lipstick na pula.

"Bes, kabahan ako ah, ang taas ng building oh, parang sa mga mayayaman talaga," sabi ni Malaya habang nakatingin sa Imperial Tower

"Malaya, professional tayo ah. Wag ka maingay. Wag mo sabihin na Irish ako o ano," bulong ni Athena.

"Oo naman! Athena Sebastian tayo ngayon, hindi Irish!" natatawa ngunit kinakabahan niyang turan

Pagpasok nila sa lobby, hinarang sila ng guard.

"Interview for Executive Secretary?" sabi n receptionist

"Opo," sabay nilang dalawa.

"32nd floor. CEO himself will interview you. Good luck. Wala pang nakakapasa sa kanya, 20 na- interview last month, lahat luhaan" sabi nito

Nagkatinginan si Athena at Malaya. Kinabahan.

Pagdating sa 32nd floor, tahimik. Malamig aircon. Amoy mamahaling kape. Sa waiting area, wala nang ibang applicant. Sila lang dalawa.

Lumabas yung HR na babae, "Miss Athena Sebastian? You're first. Inside."

Tumayo si Athena, ayos ng polo, at pumasok sa p***o na may nakasulat na CEO OFFICE.

Pagbukas niya ng p***o, hindi niya agad nakita mukha ng CEO. Nakaupo ito nakatalikod, nakatingin sa bintana, hawak ang isang kwintas.

"Good morning Sir, I'm Athena Sebastian, applying for Executive Secretary position," sabi ni Athena, boses buo kahit kinakabahan.

Dahan-dahan lumingon yung upuan.

At doon nakita ni Athena yung mukha na hindi niya makakalimutan. Yung mukha nung gabing yun. Yung lalaking hindi niya alam pangalan. Yung lalaking iniwan niya.

At hawak nito yung kwintas niya na letter A.

Nabitawan ni Athena yung folder na hawak niya. Nagkalat resume niya sa sahig.

"Hello, Irish," sabi ni Gregory Imperial, boses malamig pero may ngiti na hindi niya alam kung galit o natutuwa. "Or should I say, Athena Sebastian? I've been looking for you." Nakangising sabi nito.

At si Athena, hindi makagalaw sa p***o, nahulog niya ang dala niyang resumé sa pakagulat.

Sa labas, si Malaya, naghihintay, hindi alam na yung bestfriend niya, kaharap na yung lalaking nakasama niya nung isang gabi.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • One Night, Forever Mine   Chapter 46 : Stay Tonight

    ATHENA'S POV :Naglakad kami pabalik ni Gregory mula sa hardin papunta sa sala. Paminsan-minsan lang kaming nagkakatinginan pero pareho kaming nakangiti. Hindi na awkward ang katahimikan at hindi na rin katulad noong una kaming nagkakilala.Pagpasok namin sa sala, nadatnan naming nagtatawanan sina Lolo Gustavo, Lola Elena, Alex, Malaya at Rafael."Heto na yung dalawa!" malakas na sabi ni Lolo Gustavo. "Akala ko nag-elope na kayong dalawa.""Lolo naman, naglakad lang po kami sa garden," napailing si Gregory."Naglakad lang po kami at nagpahangin lang," nahihiya kong paliwanag."E di mas delikado yung naglakad kayo sa garden nang gabi," sagot ni Lolo Gustavo."Lolo!" sabay naming sabi ni Gregory at natawa ang lahat.Tumayo si Malaya at lumapit agad sa akin."Hoy, buhay ka pa ba diyan?" tanong ni Malaya at tinusok ang braso ko."Grabe ka naman magsalita," sagot ko at natawa ako."Akala ko iniwan ka na ng pamilya niya para ampunin ka na dito," dagdag ni Malaya.Napatawa ako. "Feeling ko n

  • One Night, Forever Mine   Chapter 40 : I Think I'm Falling In-love

    GREGORY'S POV :Buong executive floor ngayong umaga at nasa harap ko ang laptop na bukas ang financial report para sa board meeting, pero limang minuto na akong nasa parehong pahina at hindi umuusad ang binabasa ko. Hindi dahil mahirap ang numbers kundi dahil may ibang laman ang isip ko na hindi ko maalis-alis.May kumatok sa pinto at pumasok si Alex na may dalang folder at tablet."Boss, nandito na yung final schedule mo for this week," sabi ni Alex at inilapag niya ang folder sa mesa ko. "Inilipat ko na rin yung meeting with Singapore investors sa Thursday para hindi ka ma-pressure."Tumango ako at kinuha ko ang tablet para tignan ang schedule."Good, mas maganda na sa Thursday na lang yun," sagot ko at sinara ko ang report.May isa pa siyang gustong sabihin at kita ko sa mukha niya na nag-aalangan siya."Ano pa yung gusto mong sabihin, Alex, sabihin mo na," tanong ko at sumandal ako sa upuan.Ngumisi si Alex at umupo siya sa tapat ng mesa ko na parang may binabalak na pang-aasar."

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 35 : Don't Tell Grandpa

    ATHENA'S POV : Ding.Bumukas yung elevator sa executive floor at sabay-sabay silang lumingon."Good morning, Miss Athena!"Tumango ako at mahinhing ngumiti, naglakad diretso sa mesa ko, rining ang tunog ng takong kung tumatama sa sahig. Pero ramdam ko, nakatingin lahat sila sa akin.Yung dalawa sa pantry, biglang tumigil sa pagbulong nung dumaan ako tapos kunwaring nagkakape. Yung isa, nginitian ako ng sobrang tamis na parang may ibig sabihin. Yung isa naman, nung nahuli kong nakatingin sa akin, biglang yuko sa laptop.Hindi pa tapos. Yung tsismis sa charity gala, buhay pa rin. Umupo ako at binuksan ko agad laptop ko para lang may gawin.Tapos may kamay na dumakma sa balikat ko galing sa likod."Good morning sa pinakamaganda kong pinsan!" bungad ng pinsan ko"Ay put— Malaya!Aatakihin ako sa puso sayo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Lakas ng kabog, para akong tumakbo ng ilang kilometro.Si Malaya, nakangisi lang, Umupo sa gilid ng mesa ko na parang kanya. "Ganyan talag

  • One Night, Forever Mine   Chapter 32 : Secret Date (SPG)

    ATHENA'S POV :Alas singko pa lang ng hapon nang mag-vibrate ang cellphone ko habang nag-aayos ako ng gamit sa table.Greg: Don't make plans tonight.Napangiti ako habang nakatitig sa maikling mensahe. Wala man lang please at wala ring paliwanag. Talagang utos na naman ang dating.Napailing ako bago nag-type ng reply.Me: Bakit mo naman ako binibigyan ng utos bigla?Ilang segundo lang ay nag-reply agad siya.Greg: Because I'm taking you somewhere tonight.Napailing na naman ako at napakagat sa labi.Me: Napaka-assuming mo naman, Mr. Imperial.Greg: Hindi assumption yan, sigurado akong sasama ka sa akin.Mayabang talaga pero tama naman siya."Ngumingiti ka na naman diyan mag-isa," singit ni Malaya na biglang sumulpot sa tabi ko.Pareho kaming nag-aayos ng gamit sa condo pagkatapos ng trabaho. Nakahiga siya sa sofa habang kumakain ng potato chips at nakatutok ang electric fan sa mukha niya."Hindi ako ngumingiti," tanggi ko at itinago ang cellphone sa bag."Binigyan mo pa ako ng hindi a

  • One Night, Forever Mine   Chapter 20 : Her Place

    "Sometimes, the biggest threat isn't the enemy who hates you... it's the person who believes you already belong to them" ****** *ATHENA'S POV* Pagpasok pa lang namin ni Greg sa Grand Imperial Ballroom, halos lahat ng mata nakatutok na agad sa amin. May mga executives na agad lumapit para bumati kay Greg pagkalagpas namin sa entrance. "Good evening, Mr. Imperial." "Congratulations sa bagong expansion ng Imperial sa Cebu." "Nice seeing you again, Greg." Isa-isa silang kinamayan ni Greg habang ako naman tahimik lang na nakatayo sa tabi niya at nakahawak pa rin sa braso niya. Paminsan-minsan ipinapakilala niya ako sa mga lumalapit. "This is Athena, my executive secretary," sabi niya. Ngumingiti lang ako at magalang na bumabati sa kanila. "Good evening po, nice to meet you." Mabuti na lang at unti-unti nang nawawala kaba ko dahil hindi naman sila masungit. "Athena," tawag ni Greg na mahina habang naglalakad kami papunta sa table namin. Napalingon ako sa kanya. "Yes, Sir?" "R

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status