My Stepbrother's "BIG" Secret
Tatlong buwan matapos mamatay ang kanyang ama, napilitang lumipat ang dalawampu't dalawang taong gulang na si Celine Rivera sa Hacienda Villafuerte sa Moncada, Tarlac—ang tahanan ng bago niyang stepfather at ng lalaking unang araw pa lang ay gusto na niyang layuan.
Sa unang gabi, dahil sa nakaawang na pinto ng lumang library, aksidente niyang nasaksihan ang isang pribadong eksenang hindi niya dapat nakita.
Mula noon, tuwing magkakaharap sila, gusto na lang niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang hiya.
Ang mas malala?
Ang lalaking iyon ay si Allister Dela Rosa—ang guwapo, dominante, at kilalang playboy na itinuturing ng lahat bilang ampon ng kanyang stepfather.
Habang nauuwi sa walang tigil na asaran ang bawat pagkikita nila, napapansin ni Celine na may mga bagay tungkol kay Allister na hindi maipaliwanag.
May mga gabing bigla itong nawawala.
May mga armadong lalaking yumuyuko at tumatawag dito ng "Supremo."
At kahit hindi ito kilala ng publiko, may mga makapangyarihang tao na tila nanginginig sa pagbanggit ng codename nitong...
White Demon.
Ngunit ang pinakamalaking sikreto...
Hindi aksidente ang pagpasok ni Allister sa Hacienda Villafuerte.
Pitong taon na siyang nagpapanggap na ampon ng lalaking pinaghihinalaan niyang pumatay sa kanyang mga magulang.
Pitong taon na siyang naghihintay ng pagkakataong pabagsakin ang imperyong itinayo sa kasinungalingan, dugo, at nakaw na kayamanan.
Ngunit habang papalapit siya sa katotohanan, may natuklasan siyang hindi niya inaasahan.
May isa na namang pamilyang unti-unti nang nahuhulog sa parehong bitag na minsang sumira sa kanyang buhay.
At sa pagkakataong ito...
Kasama roon si Celine Rivera.
Paano kung ang lalaking una niyang kinaiinisan...
Siya rin palang misteryosong bilyonaryong namumuno sa kinatatakutang underground organization na White Demons?
At paano kung ang "malaking sekreto" na una niyang nasaksihan sa library...
Ay iyon pa lang ang pinakamaliit na lihim na itinatago ni Allister?