SAVI'S POV
Kinunutan ko ng noo si Blue. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano dahil sa mga ikinikilos niya. Kalalabas ko lang galing sa kwarto niya. Nagpalit kasi ako ng damit na pinabili pa niya sa pinsan niyang babae na ilang minuto nang nakaalis. Nagngitngit pa nga ako kanina kasi akala ko babae na niya at sinusugod ako dahil hinahalay ko siya. Pinsan pala niya. Buti na lang talaga.
Pagkatapos ko kasing iwan si Blue sa dining ay sakto namang tumunog 'yong doorbell kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Binuksan ko agad iyong pintuan. And to my surprise, bumungad sa'kin ang nakabusangot na mukha ng isang babae na parang kaedaran ko lang pero kalaunan ay napaawang ang kanyang mga labi kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata nang mapatitig sa'kin. Hindi ko alam kung may nakakatakot ba sa mukha ko o nagandahan lang siya sa mala-dyosa kong mukha. O dahil dito sa suot kong damit ni Blue. O baka naman sa hitsura kong mukhang katatapos lang sa alam niyo na- magchukchakan.
She's wearing a purple off-shoulder dress at 4 inches heels. Tapos may nakasukbit sa kanang balikat niya na isang sling bag na kulay pink. Ang feisty ng dating ng mukha niya, but she's gorgeous. Gray rounded eyes. Long thick eyelashes. Pointed nose. Natural red lips. Maganda rin ang kulay ng balat niya. Tanned skin. Her long hair is slightly wavy that compliments her face. At sa tantya ko ay magkasingtaas lang kami without her heels. Overall, she's almost perfect.
At bago ko pa siya matanong ay nagsalita na si Blue mula sa likuran ko na hindi ko namalayang nakasunod na pala sa'kin.
“Miracle, did you buy what I told you?” Tanong ni Blue sa babae.
Mukha naman siyang natauhan at agad na bumaling kay Blue. “O-Oh, yeah. Here.” Iniabot niya kay Blue ang isang kulay pink na paper bag na hindi naman kalakihan.
Naningkit ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang paper bag.
Ano kaya 'yon?
“Thanks, M.” Humarap siya sa'kin kaya di ko maiwasang taasan siya ng kilay. Napakamot siya sa batok at parang di alam ang sasabihin. “Ahm, Savi, this is Miracle Kim, my cousin.”
Umawang ang mga labi ko bago itinikom din. Naknang! Magpinsan pala, Savi! Masyado kang selosa. Nyeta!
Nilingon ko si Miracle na nakataas ang kilay sa'kin. Siguro ay napansin niya ang pagsama ko ng tingin dahil sa pag-aakalang babae siya ni Blue.
I poker faced. Hindi ako nagpahalatang napahiya sa inasal.
Tinaasan ko rin siya ng kilay. “May problema ka?” I asked.
Ayaw magpatalo. Sa huli, siya rin ang sumuko. Ngingisi na sana ako nang matulala sa sunod niyang ginawa.
Hindi niya ako sinampal.
At hindi rin sinabunutan.
Tumili lang siya at ang sakit sa tainga.
“Kyaahh! I like you na, cousin-in-law!” She shrieked.
Dinambahan pa niya ako ng yakap na akala mo ay walang bukas at muntik pa kaming matumba. Buti na lang ay nakaalalay sa likuran ko si Blue na naririnig ko pang tumatawa at nagsabing, 'Easy, M. Baka masapok ka niyan.' Nakikipagbakbakan na sana ako sa sahig ngayon.
Putcha! Hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya. Hanggang sa kumalas siya sa pagkakalingkis- hindi naman kasi matinong yakap 'yon- sa'kin at nakangiting humarap.
“You are so fierce and gorgeous. I like you for Blue, cousin-in-law.” Sinserong saad niya.
Napangisi ako sa sinabi niya. Matagal ko nang alam na maganda ako, Miracle. You don't have to remind me. At bakit parang ang sarap pakinggan 'yong huli niyang sinabi? Cousin-in-law raw mga tsong. Mwehehe.
“Well, I'm Savi 'the badass' Cortez, at his service anytime.” I winked at her at humagalpak siya ng tawa.
“Fuck! You're so bold, Savi.”
Ngiting aso lang ang itinugon ko sa kanya at humarap kay Blue na nakakunot ang noo na parang pinipilit intindihin ang ibig sabihin noong sinabi ko. Gusto ko tuloy matawa sa hitsura niya. My, my, ang cute niyang pagmasdan.
Tinaas ko ang isang kamay at dinala sa noo niya. Hinimas ko iyon para mawala ang pagkakakunot. “Wag mong isipin, baka mabaliw ka.” Awtomatikong tumuwid iyon at inosenteng tumingin sa'kin. I gave him my famous 'makabuhay ng ulo' smile.
“Oh my. Aalis na nga ako, baka makaistorbo pa ako sa inyo. Anyways, I want a boy nephew! Bye!” Paalam niya.
Gusto ko pa sanang pigilan siya dahil marami akong itatanong pero mabilis na siyang nakaalis. Di bale, sa susunod na lang na magkita uli kami.
I slightly bit my lower lip dahil sa sinabi niya. Damn. She wants a boy nephew? Paano ko sasabihing 'ready-made' na ang gusto niyang pamangkin?
Ipinilig ko ang ulo para mawala ang iniisip. Ready na nga ang pamangkin na gusto niya pero hindi pa ako ready na sabihin sa kanila iyon. Matapang ako, oo, pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa maaaring mangyari kapag sinabi ko kay Blue na nagkaanak kami.
Sigurado akong kamumuhian niya ako dahil limang taon... limang taon kong tinago at itinatago sa kanya ang katotohanan. Limang taon hanggang ngayon ay ipinagkakait ko pa rin sa kanya ang pagiging ama sa anak niya. At iisipin ko pa lang na galit siya sa'kin at kinamumuhian ako, parang dinudurog na ang puso ko. Hindi ko kaya... hindi ko kakayanin.
Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa balikat. “May problema ba? Iniisip mo ba 'yong sinabi ni M?” He sighed. “Wag mong seryosohin iyong sinabi niya. She's just joking.” Mataman siyang nakatitig sa'kin.
Ngumiti ako ng mapait. Kung sana nga joke na lang talaga iyong sinabi niya. Pero hindi, e. Nandito na. Nauna na bago pa man niya nasabi. Pero hindi ko naman iyon pinagsisisihan. Mahal ko si Aiken. Mahal ko ang anak ko- namin.
“Anyways, I asked M to buy you clothes. Here. You can change in my room.”
Kinuha ko iyong paper bag at walang imik na nagtungo sa silid niya.
So, ayun nga 'yong nangyari kanina. Nagpalit ako ng damit na pinabili pa niya sa pinsan niya. Medyo nahiya pa nga akong isuot iyong damit at short dahil kita ko iyong tag price na nakalagay pa. Juskopo! Ang mahal noong price. Pati iyong panty at bra na magkapares.
Tapos pagpunta ko sa salas ay naabutan ko siyang prenteng nakaupo at mukhang inaabangan akong makalabas. Naupo ako sa pang-isahang sofa. Kinuha ko iyong remote at binuksan iyong TV dahil pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikan.
I change the channel in a fast manner hanggang sa tumigil iyon sa isang action movie.
“May sasabihin ka ba?” Tanong ko sa kanya dahil kanina ko pa ramdam ang panininitig niya sa'kin.
Hindi ko siya nililingon pero kita ko sa sulok ng aking mata ang bahagya niyang paghimas sa batok. “Ahm, y-you look beautiful. Buti na lang bumagay sayo iyang napili ko.”
Mabilis akong napalingon sa kanya. He's biting his lower lip na parang nahihiya. Namula ako sa sinabi niya kaya agad din akong bumalik sa panonood para di niya mahalata. Shit! So siya ang pumili nitong suot ko at si M lang ang pinabili niya? What the... parang gusto ko tuloy lumubog sa ilalim ng lupa sa kaisipang sinabi niya kay M ang sizes ko. Tamang-tama kasi iyong size nung bra at panty ko sa'kin. Kainaman!
“Sus, ayaw mo pang aminin na nasisiyahan ka lang dahil malaya mong nasisilayan ang aking legs.” That came out from my mouth suddenly, but normally.
Umawang ang bibig niya at agad na napayuko.
Ngalingali kong kutusan ang sarili. Wala talagang filter ang bibig mo minsan, Savi! Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo dahil inosente iyang kasama mo. Hindi tulad mo!
Napakagat ako sa labi. “Hey,” Tumayo ako at naupo sa tabi niya. I lifted his chin and met his innocent eyes. “I'm sorry. Inaasar lang kita. You don't have to be shy nor feel guilty. Pwede mo naman akong pagnasaan any time you feel basta't ako lang. Others are restricted.”
Oh fuck! Seriously, Savi? Ang landi mo talaga.
Napahalakhak na lang ako sa sariling sinabi.
“You are really so bold like what M said earlier.” Nangingiti niyang sabi.
“And you are really so cute when you blush.” Agad siyang namula sa sinabi ko kaya hindi ko mapigil ang pagtawa. Fuck! He's so cute. Just like Aiken. May pinagmanahan talaga.
And speaking of Aiken...
Mabilis na hinanap ng mga mata ko ang phone pero hindi ko iyon makita. Hinarap ko si Blue.
“Did you see my phone?” I asked.
“Nasa kwarto ko-”
Hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil mabilis na akong nakatakbo paitaas papunta sa kwarto niya. Agad kong sinuyod ang kwarto niya at nakitang nasa ibabaw ng mesa sa gilid ng kama ang phone ko. Napamura ako ng mahina nang makitang ang daming text and missed calls galing kay Empress. Nakalimutan ko nga pa lang magpaalam sa kanya na may gagawin ako. Hindi pa rin niya alam na tinanggal ako sa team for Rusty's case sa NBI and nakalimutan ko pang kamustahin ang anak ko. Shit naman talaga oh.
“Thanks God you called, Savi. I've been calling you last night. Hindi mo naman sinasagot.” Bungad ni Empress nang sagutin ang tawag ko.
“Pasensiya na, Em, nawala sa isip ko.” I sighed exasperatedly. “You know, I was kicked out yesterday in NBI's Head office because of that 'pabida' man-”
“Wait, wait... you were what? Kicked out? What the fuck?” Humagalpak siya ng natawa sa nalaman. Naknang! Imbes na damayan ako ay tinawanan pa ako ng baliw. Kaibigan ko nga siya. Hinintay ko siyang kabagin sa kakatawa pero siyempre charot lang 'yon. “Sorry, sorry. Hindi ko lang ma-imagine na tinanggal ka- shit!” Nagpipigil pa rin ng tawa ang bruha.
Napasimangot ako. “So ayun nga, umuwi ako diyan kahapon and then Cali called. Hindi raw ako nagsabi na dadating ako.” Ikuwinento ko sa kanya ang nangyari kahapon hanggang sa pagkikita namin ni Blue sa Club Hell na pagmamay-ari ni Evans Lockhert.
I was there kasi may pinasubaybayan sa'kin si Cali na isang high-profiled drug dealer-slash-businessman. I don't know the middle-aged man, but Cali asked me to keep an eye on him and infiltrate his illegal and dirty business. So far last night, I heard kung nasaan ang shabu laboratory niya.
And I will work that today.
“So, kamusta naman ang performance natin diyan, Savi? Wild ba?”
“What the fuck, Em? Wag ka ngang ano diyan.”
Akala ko kung ano na iyong performance na tinutukoy niya. 'Yong literal na 'anuhan' pala namin ni Blue kagabi. I thought 'yong pinapagawa ni Cali ang kinakamusta. Siraulo 'to.
She snorted. “Sus, painosente pa ang bruha. If I know, hinahalay mo na siya riyan sa isip mo.” Tumawa siya.
“Baliw! Tulad mo pa ako sayong hinahalay ang boss.”
“Duh? Ganoon dapat kapag masyadong pakipot ang lalaki para bumigay agad. Pak ganern!”
Natawa nalang din ako sa kabaliwan niya habang naiiling.
“Is Aiken there?” Pag-iiba ko ng topic dahil baka mapunta pa kung saan iyon.
“Oh, nasa loob ng office iyong anak mo. Nakikigulo sa ginagawa ni boss. Gusto raw niyang maging boss paglaki.”
I smiled on that. “Sige na, Em. Pakisabi na lang sa kanya na babawi ako mamaya kapag uwi ko.”
“Copy and good luck.”
Ibinaba ko na ang tawag. Lumabas ako at naabutan kong nanunuod si Blue. 'Yong iniwan kong palabas kanina. Nilapitan ko siya.
“Hey...” Agaw atensyon ko sa kanya dahil mukhang hindi pa niya napapansin ang presensiya ko.
“Hey to you too. May kailangan ka ba?” Ibinaba niya ang hawak na remote tsaka tumayo at humarap sa'kin.
“Ahm,” Napahimas ako sa batok. Paano ko ba 'to sasabihin sa kanya? Taena! Bakit ang hirap magpaalam sa kanya? “Ano, ahm, pwede-”
“Aalis ka na?” May bahid ng lungkot ang boses niya. Ayaw pa yata akong paalisin. Pero kailangan ko nang umalis. May gagawin pa akong trabaho.
Dahan-dahan akong tumango. “Yeah... I have to do some matters.” Bumagsak ang balikat.
“Okay... pero babalik ka ba?” He asked, hopefully.
I bit my lower lip. “Sure. Babalik ako.”
Babalikan kita.
Tumango siya at ngumiti. “Mag-iingat ka. I'll wait for you, again.”
Damn! Mabilis ko siyang sinunggaban ng halik na ikinatigalgal niya. Tumagal ng ilang segundo iyon. Mabilis din akong sumibat paalis dahil baka kung saan pa mapunta 'yon.
Tangna! Ang landi mo talaga, Savi!
I heaved a deep sigh before started opening the letter. Sobrang nanginginig ang mga kamay ko at muntik ko pang mabitawan ito kaya napapamura na lang ako. Damn. I can't help it. Ang lakas din nang tibok ng puso ko na halos mabingi na ako dahil feeling ko ay tibok lang nito ang napapakinggan ko.“Dear Aiden,” Unang basa ko pa lang ay parang may bumabara na sa lalamunan ko. This surely came from my baby. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin gamit ang pangalawang pangalan ko.Umayos ako ng upo tsaka nagpatuloy sa pagbabasa. “Remember the night we accidentally bumped into each other? And you told me you waited me outside the girl's room. I was flattered on that. Kasi, sino nga bang mag-aakala na makikilala ko ang isang tulad mo noong gabing iyon? I was just enjoying my last stay with my besfriends that time. And then you happened. Honestly, I never expected to meet someone as innocent and naive like you. You were a man beyond my imaginations.
I was hurt when my ex cheated behind my back. I was in pain when she just used me for her greediness. Minahal ko siya higit pa sa sarili ko, and that was the biggest mistake I have ever done.Like what I thought.But when I accidentally bumped onto her, everything changed. Hindi ko yata maalis sa aking isipan ang napakaganda niyang mukha. Sa kabila nang pagiging heart broken, pumayag ako sa kagustuhan niya. Nagpadala ako sa agos dahil na rin sa kakaibang nararamdaman ko.Nang gabing may mangyari sa'min, ako na yata ang pinakamasayang heart broken sa mundo. I don't know what happened, alam kung mabilis, but I just found myself loving her unconditionally. Kahit hindi ko siya kilala. Funny how things fall into places.Akala ko, okay na ang lahat. I thought magiging masaya na ako hanggang sa huli. Pero hanggang akala lang pala. Kung kelan handa na akong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman, at k
SAVI'S POVIlang linggo na ang nakalipas mula nang ma-discharge ako sa hospital at mailigtas ni Cali ang anak namin ni Aiden. Hindi ko masyadong nakausap si Cali tungkol sa pangyayaring iyon at mukhang ayaw niya ring ipaalam kung ano na ang nangyari kay Blanca. Wala akong alam kung ano ang ginawa niya sa baliw na iyon at ayaw ko na namang pag-usapan pa iyon. Ayaw ko nang isipin at balikan pa ang araw na iyon dahil nae-stress lang ako sa tuwing sumasagi iyon sa isipan ko.Nagpapasalamat na lang ako dahil maayos na kami ni Aiden at higit sa lahat, wala nang nanggugulo pa sa amin ngayon. Pero hindi pa rin ako kampante kaya humingi ako ng bantay kay Cali. Hindi alam nina Aiden iyon. Ayaw kong mag-alala pa sila sa tuwing lalabas at matutuliro kapag may nakikitang itim na van kaya hindi ko na sinabi. Alam ko kasing iisipin nila na hindi pa rin ligtas ang lumabas sila kapag may nakitang nakabantay sa paligid lang. I admit, mga snipers ang hinin
“No matter how hard I pretend to be okay, I still lose in every way.”BLUE'S POV“Maayos na ang lagay ng mag-ina mo, Mr. Laurel. Mukhang nabigla lang ang misis mo sa di inaasahang pagsipa ng anak niyo lalo pa at stress siya kaya nawalan siya ng malay. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga. And I advice you to take care of your wife and the baby especially that her due date is near. Baka magkaroon ng complications at mahirapan silang parehas.” Bilin ng doctor matapos i-check up ang kalagayan ni Savi.“Thanks, Doc.” Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. Hindi alintana ang maling akala niya sa relasyong mayroon kami ni Savi. I didn't correct him either because I somewhat like what he just called her even though it's not true... or maybe half true because she's somehow a wife to me. Just so complicated.Ngumiti siya. “My pleasure, Mr. Laurel.” Tinapik niya pa ako sa balikat bago lumabas ng kwarto. Hindi si Trieve
SAVI’S POVNapayuko siya. “Baby ko... I'm sorry pero n-nawawala ang a-anak natin.” Mahinang saad niya ngunit sapat na iyon para marinig ko.Para akong nabingi at panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ko dahil sa ibinalita niya. Nanlambot ang mga tuhod ko at muntikan na akong matumba kung hindi lang naagapan ni Em. Rinig ko ang mga pagsinghap at pagmumura sa paligid.“Baby ko!” Agad akong kinabig ni Aiden kaya napasandal ako sa dibdib niya.“S-Sabihin mo sa aking h-hindi iyon totoo...” Nagsimulang magbagsakan ang mga luha ko. Nanginig ang mga labi ko.“Sshhh. I'm sorry, baby ko. I'm sorry.” Pag-aalo niya pero lalo akong napahagulgol sa sobrang pag-aalala.“Hanapin natin si Aiken. Gumawa ka ng paraan, Aiden. Please... hindi ko kayang m-mawala ang anak natin.” Garalgal ang boses ko habang nagsusumamo.“Oo, hahanapin natin si Aiken. For now, don't
SAVI'S POVNakahalukipkip ako habang nakatingin sa human-sized mirror sa kwarto ni Aiden. I'm wearing a black and white bodycon dress kaya halata ang baby bump ko. Pinaresan ko siya ng isang black wedge boot na two inches lang ang taas since bawal na akong magsuot ng matataas na takong kasi buntis ako.Almost seven months na rin ang baby namin kaya kailangan kong mag-ingat. Matibay man ang kapit ng anak namin ay ayaw ko pa ring makampante. Mahirap na, no one knows what will happen later or sooner. Ayaw kong mapahamak ang anak namin.“Baby ko, are you done?” Speaking of... Isang malambing na boses ang nagsalita mula sa kabubukas lang na pinto ng kwarto. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at nag-cross arms tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. I can see admiration, love, and desire in his eyes. Nahuhumaling na naman siya sa kagandahan at kasek