MasukMasyadong malinaw pa sa alaala ni Dashiel kung paano noon ay halos magmakaawa si Addison para lang mapansin niya.Kung paano nito hinihingi ang kahit kaunting atensyon mula sa kanya.At kung paano nito tinatanggap ang kahit anong ibigay niya… kahit anong gawin niya rito.At ngayon?God.Hindi. Hindi siya puwedeng mawalan ng kontrol. Kailangan niyang manatiling kalmado. May dahilan kung bakit siya pumunta sa Luminous City.Kailangan niyang malaman ang katotohanan. At kapag nalaman na niya iyon, haharapin niya si Addison sa paraang dati na niyang ginagawa.Kung kailangan niyang kaladkarin pabalik si Addison sa Mayumi City gamit ang sarili niyang kamay, gagawin niya.Kung ano man ang mangyari roon, wala na siyang pakialam.Isang bagay lang ang sigurado siya. Kapag kinuha niya si Dustin, ibig sabihin ay mahihiwalay ang bata sa ina nito.At ayaw ni Dashiel na mawala ang saya sa mukha ng bata. Bibigyan niya si Dustin ng maayos na buhay.At si Addison? Hindi magiging mahirap na map
“Bukod sa pagiging founder ng Luminous Foundation na sumusuporta sa maraming schools, si Mr. Carter Mercado ay may-ari rin ng ilang mahahalagang assets na dahilan kung bakit isa siya sa pinakamayayamang bachelors sa Luminous City. Hindi man siya nagpapatakbo ng malaking commercial empire tulad ng dalawa niyang nakababatang kapatid, hindi rin dapat maliitin ang influence ni Mr. Carter dito sa Luminous City.”Sandaling tumahimik sa kabilang linya si Leo.Nanatiling tahimik si Dashiel habang nakatayo sa may bintana, pinagmamasdan ang tanawin ng Luminous City sa ilalim ng night sky.Kung wala lang sana siyang kailangang asikasuhin na business meeting kasama ang mayor ng lungsod, baka dumiretso na siya para alamin kung nasaan sina Addison at Dustin.Matagal na rin niyang pinaghihinalaan iyon. Pero ang pagkakataong iyon na makita niya si Dustin… maaaring hindi na maulit.Dapat pala sinamantala na niya ang sandaling iyon para makakuha man lang ng kahit anong clue, kahit maliit na bagay n
“Ready ka na ba?” tanong ni Carter habang papasok siya sa living room ng bahay ni Addison.Sa totoo lang, hindi niya maalis ang tingin sa babae.Ngayong gabi, parang iba ang dating ni Addison.Suot niya ang isang sage green na midi dress na may eleganteng A-line na bagsak hanggang kalagitnaan ng binti. Gawa ito sa malambot na satin na tela kaya maganda itong sumasalamin sa ilaw sa paligid, pero hindi naman mukhang sobrang bongga o flashy.Ang square neckline ng damit ay lalong nagbigay diin sa linya ng kanyang collarbone, habang ang maliliit na puff sleeves ay nagdagdag ng simple pero feminine na dating.Half-up ang ayos ng buhok niya, may maliit na pearl clip sa isang gilid. Simple lang din ang makeup niya, soft nude tones at warm blush lang na lalong nagbigay ng natural na glow sa pisngi niya.Hindi naman siya nagbihis para mang-impress.Pero marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit siya mas lalo pang kapansin-pansin.“Damn,” mahina pero natatawang sabi ni Carter. “You look
“Masaya talaga ako sa naging desisyon mo ngayon, Addison.”Halatang hindi maitago ni Luna ang tuwa sa boses niya.Kakatapos lang ikuwento ni Addison ang lahat, kung ano ang nangyari at kung anong desisyon ang ginawa niya sa huli. Wala rin naman siyang balak itago iyon kay Luna. Hindi lang dahil hindi niya kayang magsinungaling dito, kundi dahil higit pa sa kaibigan ang turing niya rito.Sa mundong ito, dalawa lang ang tunay na malapit kay Addison.Si Luna. At si Dustin.Kaya nang mailabas niya ang lahat ng nasa dibdib niya, nakaramdam siya ng kakaibang gaan. Isang tahimik na ginhawa na hindi niya maipaliwanag nang buo.“Sa tingin mo ba… tama ang naging desisyon ko?” mahina niyang tanong.Nakayuko siya habang pinipisil ang mga daliri niya sa kandungan. Halata pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.Ngumiti si Luna at bahagyang lumapit sa kanya sa couch. Paminsan-minsan ay sumisilip siya sa labas ng bintana.Nandoon si Dustin sa bakuran, masayang naglalaro kasama si Sunshin
“Kung totoo iyon… kung talagang anak ko si Dustin,” tahimik na sabi ni Dashiel, “ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”Bahagyang yumuko si Alfie.Hindi niya alam kung paano sasagot. Pero hindi rin naman niya puwedeng balewalain ang tanong ni Dashiel.“I think… kailangan niyo munang makasigurado, Mr. Dashiel,” maingat niyang sabi. “Kasi… to be honest, kahit sabihin nating anak ni Miss Addison si Dustin, sigurado ba tayong anak niyo rin siya?”Napatingin si Dashiel sa assistant niya. May bahagyang emosyon sa mga mata niya na mahirap basahin.Hindi niya masisisi si Alfie kung ganoon ang iniisip nito.Tutal, noong panahon na kasama niya si Addison, halos wala naman talaga silang pinagsamahan.Isang beses lang. Iyon lang.At kahit iyon, nangyari lang dahil pinagbigyan niya ang isang hiling ni Addison na para sa kanya ay napakababaw. Biglang bumalik sa isip niya ang boses nito.“Give me thirty days. Be my husband, truly. You know what I mean, don’t you?”Parang umalingawngaw iyon
Nakatayo si Dashiel na nakatalikod sa buong silid habang nakatanaw sa napakalaking floor-to-ceiling window ng opisina niya.Sa labas, kitang-kita ang buong lungsod ng Mayumi City.Abala ang kalsada sa tanghali. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan, naglalakad ang mga tao sa magkabilang bangketa, at nagtataasang gusali ang pumupuno sa skyline ng lungsod. Parang walang tigil ang galaw ng buhay sa ibaba.Pero kahit ganoon ka-vivid ang tanawin, halos wala itong epekto kay Dashiel.Malayo ang isip niya. Nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon, habang mahigpit ang pagkakakuyom ng panga niya.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang report ni Leo. Hindi dahil kumpleto iyon.Kundi dahil kulang. Hindi man lang nakalapit si Leo kay Dustin. Kahit simpleng DNA test, hindi nila nagawa.At mas lalo pang nakakabahala ang isang bagay.Biglang nawala ang lahat ng records ng kapanganakan ni Dustin sa Luminous City.Parang may nagbura sa lahat. May nagtatago ng katotohanan. At hindi
“Sobrang sarap nito, Mom!” masayang sigaw ni Dustin habang isinusubo ang malaking tinidor ng baked macaroni. Agad na lumiwanag ang maliit niyang mukha, sabay taas ng hinlalaki bilang papuri.“Agree ako diyan, little champ,” dagdag ni Carter na may kasamang tango, halatang naa-appreciate ang pagkain
“Miss na miss na kita, Mom,” pabulong na sabi ni Addison, halos matabunan ng hangin ang boses niya. “Sorry kung ngayon lang ako nakabalik.”Sa likod niya, nakatayo si Luna habang hawak ang payong, sinisilungan sila mula sa unti-unting pag-init ng araw. Paminsan-minsan, napapatingin siya sa relo per
“Kailangan ko pa bang magpaalam?” tanong ni Addison sabay bitaw ng mapait na tawa.Pagbaba niya ng sasakyan, napatingin siya sa bahay na tinirhan niya sa loob ng halos isang taon. Hindi man ito puno ng masasayang alaala, naging parte pa rin iyon ng buhay niya. At kahit paano, nagpapasalamat siya, l
“Parang masyado kang nag-eenjoy, hmm?”Pantay ang tono ng boses ni Dashiel, pero may matalim na diin na hindi maitago.Nagulat si Addison at agad na humarap sa kanya. “Dashiel, this is—”“Is that true, my wife?” putol ni Dashiel, malamig at diretso ang mga salita.Halatang nalito ang lalaking ka







