"Good morning po ma'am and sir. Welcome to Escueza Luxury Hotel. If you need something, please don't hesitate to call us for assistance," bati ng magandang staff ng hotel kina Jacob at Diana. Pulang-pula ang pisngi nito dahil sa blush on.
Nginitian ni Diana ang staff ng hotel. "Thank you. We will call you if we need something," she said. Her eyes were smiling too.
Siniko ni Diana si Jacob pero talagang dedma lang ito.
"Welcome to Escueza Miss and Mr. Gray," bati ng manager ng hotel.
"Where's Mr. Clinton?" Jacob asked. Hindi man lamang niya binati ang manager ng hotel.
"He's still attending a meeting but he will arrive later, Sir Jacob. For now, let me take you to your respective rooms. After that, I can tour you around if you want to," sambit ng manager habang pilit na ngumingiti.
"Give us our room cards. Kaya na naming hanapin ang aming mga rooms. We have here our bodyguards to assist us. Another thing, we are exhausted. We need to take a rest first," prangkang sagot ni Jacob.
Matapos noon ay dire-diretso nang naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator ang magkapatid kasama ang kanilang mga bodyguards. Naiwang napapakamot sa ulo habang napapailing ang manager at mga staffs ng hotel sa may counter.
"Ang sungit mo talaga kahit kailan," angil ni Diana sa kaniyang stepbrother.
"Hindi ka pa rin ba sanay?" tanong ni Jacob.
"Sanay na. Hindi ka pa rin ba nananawa sa pagiging ganiyan? Anyway, ano palang nakain mo at nakasuot ka ng ganiyan?" Nakataas ang kilay ni Diana habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Jacob. Nakasuot ito ng isang loose shirt,jogger pants at tsinelas.
"Tinanghali ako ng gising eh. Pagdating ko sa room ko, doon na ako liligo at magbibihis ng ayos," paliwanag ni Jacob.
Tumawa si Diana, "takot ka rin palang maiwan 'no? Don't worry, guwapo ka pa rin naman kahit ganiyan ang suot mo," aniya.
Tiningnan nang masama ni Jacob si Diana.
"Ikaw? Bakit ganiyan ang suot mo? Mukha kang tatalon sa pool anumang oras eh," pang-aasar naman ni Jacob. Nakasuot kasi si Diana ng white long sleeves with black sports bra inside at rugged shorts naman sa pang-ibaba. Idagdag pa ang suot nitong black shades.
"Wala ka talagang alam sa latest fashion trend. At least, hindi ako mukhang kababangon lang sa kama," depensa ni Diana.
Nagpipigil ng tawa ang dalawang bodyguards nila sa kanilang likuran. Nasaksihan nang mga ito ang paglaki nina Diana at Jacob at hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa magkapatid. Naging libangan na talaga nila ang asarin ang isa't-isa. Minsan ay napagkamalan pa silang magkasintahan dahil sa closeness nilang dalawa.
"Room 309," bulong ni Jacob.
"Actually, sa room 209 ka dapat pinalitan ko lang. Mas maganda kasi ang view sa silid na iyon," ani Diana.
"Ikaw? Saan ang room mo? Baka mamaya kasama mo pala ang boyfriend mo rito ha? Tatamaan ka sa akin," banta ni Jacob. He's always protective when it comes to Diana.
"Nasa Cebu po ang boyfriend ko KUYA," sambit ni Diana sabay irap ng kaniyang mga mata.
"Hey, watch her every moves. Kapag nalusutan ako ng magkasintahan at nabuntis 'yang babaeng 'yan nang wala sa oras, mapapatay ako ni papa. Papatayin naman kita kapag nangyari 'yon. Maliwanag ba?" wika ni Jacob sa bodyguard ni Diana.
"Yes sir! Babantayan ko po nang maayos si Ma'am Diana!"
"Dapat lang!" ani Jacob.
Unang lumabas ng elevator sina Diana at ang kaniyang bodyguard. Magkatabi ang silid nilang dalawa. Saka lang napansin ni Jacob ang ibang lulan ng elevator. Nagtaka siya kung bakit nakatalikod sa kaniya ang isang babae. Yakap-yakap nito ang isang batang lalaki at may dalawang maleta silang dala-dala. Hindi rin nagsasalita ang mga ito.
Lumayo si Jacob sa dalawa. "Weird," bulong ni Jacob.
Nang tumunog ang elevator ay lumabas agad si Jacob kasama ang kaniyang bodyguard. Sa room 309 siya nagtungo samantalang ang bodyguard naman niya ay sa room 308.
Magsasara na sana ang elevator nang bigla itong pigilan ni Freya.
"Mom, pwede na po ba tayong magsalita?" tanong ni Yael.
"Oo anak. Pwede na," tugon ni Freya.
"Bakit po ngayon lang tayo lumabas ng elevator?" tanong ulit ni Yael.
"Mas okay kasi anak 'yong huling lumalabas ng elevator para macheck natin kung safe ba 'yong lalakaran nating aisle." Butil-butil ang mga pawis sa noo ni Freya. 'Hanggang dito ba naman makikita ko pa rin siya? Jusko! Mamamatay yata ako sa nerbyos. Mukhang hindi ko ma-eenjoy ang bakasyong ito dahil sa kaniya!' piping sigaw ng isip niya.
"Ganoon po ba? Alam mo mom, hindi pa rin po ako makapaniwala na nandito na tayo sa Escueza! Isa po ito sa mga lugar na nais kong puntahan and God is great dahil hindi lang po ako ang dinala niya rito kung hindi pati na rin po kayo! I feel ecstatic!" Yael screamed. He couldn't contain his happiness.
Hinaplos ni Freya ang mga pisngi ni Yael.
"Thank you anak ha. Pasensya ka na kasi hindi afford ni mommy na dalhin ka sa mga ganitong klaseng lugar. Hayaan mo. Mas lalong magsisikap si mommy para ako naman ang magdadala sa iyo sa iba mo pang dream destinations," naluluhang sambit ni Freya.
"Mom, having you is enough for me. I couldn't ask for more. Masaya na po ako kapag nakikita ko kayong healthy at masaya. Sobrang yaman ko po dahil mayroon akong mommy na gaya mo," wika ni Yael.
"Napakalambing talaga ng anak ko! Manang-mana ka sa a—"
"Kay daddy po ba? Sweet din po ba si daddy?" biglaang tanong ni Yael.
"Ahm, anak saan nga ang room natin? Excited na akong humiga sa napakalambot na kama!" Sa katre lang kasi sila tumutulog ni Yael. Yari iyon sa kawayan kaya medyo masakit iyon sa likod lalo na kung walang sapin.
"Room 310 po mommy. Teka po. 306, 307, 308, 309! Ito mommy! Dito po tayo!" nakangiting turo ni Yael.
Freya swiped her card on the door locked then it opened quickly after.
"Wow! Ang astig!" sabi ni Yael sabay pasok sa loob ng silid.
Naiwan si Freya sa may pintuan dala-dala ang kanilang dalawang maleta. Iniikot niya ang kaniyang mata sa loob ng kanilang silid. Napaawang ang kaniyang bibig sa kaniyang nakita.
"Ganito pala kapag first-class hotel. Grabe, sobrang ganda!" ani Freya.
Nagtatakbo si Yael pabalik kay Freya para kuhanin ang isang maleta sa kamay ng kaniyang ina.
Lumabas si Jacob sa room 309 para kuhanin ang kaniyang extra baggage. Nakita niya ang isang nakatalikod na babae na may hawak na isang maleta sa katapat na silid.
"Teka, siya 'yong babae kanina sa may elevator ah," nakangiting turan ni Jacob. Nahagip nang bahagya ng kaniyang mga mata si Yael.
"Her child is handsome. Kalahati pa lang ng mukha niya, litaw na litaw na ang kaniyang kaguwapuhan," aniya bago niya kuhanin ang kaniyang maleta at tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang silid.
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURN Kabanata 116 - ANG WAKAS “JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia. “Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya. “Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan. Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.” Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi. Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito. "Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay. "How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog sar
Longing for my Ex-Wife's ReturnKabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig ni
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISA
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa
LONGING FOR MY EX-WIFE'S RETURNKabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at iti