Beranda / Romance / One Night Of Mistake With The Ceo / Chapter 3 MAD AT EACH OTHER

Share

Chapter 3 MAD AT EACH OTHER

Penulis: LichtAyuzawa
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-05 09:47:21

MJ point of view

Pagdating sa Consull Bar ay sinalubong kami ng maingay na paligid at mga lasing na nagsasayawan sa gitna ng dance floor kasabay ng iba't-ibang kulay ng ilaw na nanghahalina. Nakaramdam ako ng kagustuhan na magsayaw sa gitna ng dance floor pero hinanap ko muna ang kapatid ko at nung matanaw ko ito sa bar counter at may kausap ay hinayaan ko nalang ito.

Excited na tinignan ko si Brent at hinila ko ang kamay nito patakbo sa dance floor. "Let's get wasted!" Sigaw ko ng maakarating kami sa dance floor kung saan maraming nagsasayaw. Kaagad na nahawi at naghiyawan ang kumpol sa dance floor pagkakita sa'min ng kaibigan ko, "woohoo!" sigaw ko at nagsimulang sumayaw at inumin ang mga alak na inaabot ng mga kakilala ko maging mga hindi ko kakilala ay inaabot ko iyon at deretsong iniinom.

Abala sa pagsasayawan ang mga tao ng tumigil ang musika kaya naman parang may dumaang anghel na nagsitahimik ang mga tao at sabay-sabay ang mga itong tumingin sa DJ na ngayon ay nakataas ang kamay bilang pagsuko. Binalingan ako ng DJ na ikinataka ko, "anong gusto mong music Miss Dela Constancia?" umalingawngaw na tanong nito sa microphone na gamit nito.

Nakaramdam ako na parang may nanunusok na tingin ang diretso ang bagsak sa'kin, imbes na sagutin ko ang dj na matiyagang naghihintay sa'kin ay nagsimula akong igala ang paningin ko sa buong bar hanggang sa bumagsak iyon sa entrance nitong bar kung saan nakatayo ang dalawang lalaki, ang isa dito ay ang lalaking dahilan ng paglalasing ko.

Magkakasunod akong napalunok at kinilabutan ako sa paraan ng pagkakatitig nito. Galit at pandidiri. Umiling ako at hilaw na napangisi, humarap ako sa DJ na naiinip na yata kakahintay sa'kin, "MR DJ Twerk it like MILEY!" Malaki ang ngising sigaw ko na kaagad sinunod ng DJ.

Pumailanlang ang kanta ni Miley sa buong bar at nagsimulang magkagulo ang mga tao sa pagtatawanan ng may isang babae ang pumunta sa gitna at lumuhod at nagsimulang mag-twerk. Kaagad kaming lumikha ng pabilog at paisa-isa namang pumasok sa bilog ang mga gustong magpakitang gilas.

Nang makita ko na wala ng nagsasayaw sa gitna ay hinila ko si Brent, "let's go sissy!" sigaw ko at ang loko game na game na nag-twerk sa harapan ko. Brent is my best friend at kilala siya na gay but everyone here respect us.

"Woahh!" namamanghang sigawan ng mga tao, maging ako ay namangha sa galing ng kaibigan kong sumayaw. Kaagad naman na bumagsak ang nanghahamong tingin ng mga tao sa'kin maging si Brent ay nakangisi ding tumingin sa'kin. Dahil sa dami ng alak na nainom ko ay wala na akong takot at hiya na nararamdaman, naglakad ako palapit dito at handa na sanang sumayaw ng may humila sa'kin paalis sa gitna ng dance floor dahilan para mapasigaw ako dahil sa gulat, "AAH!"

Everyone eyed me at ang kung sinoman ang humila sa'kin pero hindi rin nagtagal 'yon dahil bumalik din ang mga ito sa ginagawa. Hinanap ng mga mata ko si Brent para humingi sana ng tulong pero nakita ko itong abala na ngayon sa pakikipag-usap sa lalaking kasama ng unexpected announcement ng parents ko kanina lang.

Realization hit me kaya naman nagsimula akong magmatigas sa paghila nito, "masasaktan ka kapag pinagpatuloy mo ang pagmamatigas mo." galit na pagbabanta nito. Wala akong naramdamang takot kahit konti pagkarinig sa pagbabanta nito, kung mayroon man akong naramdaman hindi takot iyon kundi galit.

Winaksi ko ang kamay nito, "sino ka para pagbantaan ako!?" Singhal ko dito, wala na akong pakialam kung may makarinig sa'min. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito tumalikod na ako para bumalik sa mga kakilala ko pero pinaharap ako nito at walang pag-iingat na dinakma gamit ng isang kamay ang pisngi ko at piniga iyon, "a-aw!" napadaing ako at nangilid ang luha ko dahil sa sakit pero hindi ko ito hinayaang tumulo sa halip ay matapang ko itong tinitigan.

"Ako lang naman si Arisson ang mapapangasawa mo so don't do anything stupid to ruin my family's name," galit na wika nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Pakiramdam ko ay mababalian na ako ng braso kapag nagtagal pa itong nakahawak sa'kin kaya naman bago pa mangyari ang bagay na'yon ay winaksi ko na ang kamay nito. "Mapapangasawa? Tingin mo ba ay hahayaan ko na mangyari ang bagay na 'yon? There's no way, so don't you fucking hurt me without my consent!" Pinagdiinan ko ang mga huling sinabi ko bago ko ito tinapakan sa paa at tinalikuran para bumalik sa pakikipag-inuman.

I blend in sa group ng mga kakilala ko at palihim ko itong tinanaw at napahalakhak nalang ako ng makita ko itong namimilipit sa sakit ng pagtapak ko dito. "Serves you right!" Nakangising wika ko at kaagad na kinuha ang isang shot ng tequila na inaalok sa'kin ni Brent.

"Body shot! Body shot! Body shot!" I was about to drink the tequila when I heard them na mag body shot daw kaya naman ginala ko kaagad ang paningin ko sa paligid para maghanap ng prospect ng makita ko hindi kalayuan ang kasama ni Arisson kanina sa entrance. Napangisi ako ng makaisip ako ng kalokohan, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nito, "hi!" bati ko at dahil sa nakatalikod ito ay hindi ko makita ang mukha nito. Unti-unti itong humarap pagkarinig sa pagbati ko at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang familiar nitong mukha. "M-Marlon..." tawag ko dito ng may hindi makapaniwalang tingin. Ngumiti ito, "long time no see Jomei!" Nahigit ko ang paghinga ko ng marinig ko mula dito ang nickname na tanging ang kuya lang nitong si Sebastian ang tumatawag sa'kin.

"Brad you know my fiance?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang binitawang salita ni Arisson. "M-Marlon can we talk?" pag-aagaw ko sa atensiyon nito pero hindi ito humarap sa'kin binalingan nito si Arisson na ngayon ay naglalakad na patabi sa'kin at walang pagdadalawang isip na inakbayan ako.

"Fiance bro? Akala ko ay si Brenda?" Alam ko na wala sa intensiyon ni Marlon ang makasakit per hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon.

"Marlon!" Mas malakas ng tawag ko dito, saka lang ito tumingin sa'kin. Sinenyasan ko ito na mag-usap kami sa labas tumango naman ito at nauna ng naglakad. Susunod na sana ako ng mariin akong pigilan ni Arisson. "Where do you think you're going!?" Matalim na tanong nito. "Why do you care!" I snapped at him at inalis ang kamay nito na nasa balikat ko at tinalikuran ko na ito para sumunod kay Marlon.

Tahimik akong sumusunod dito palabas ng bar, I am tempted to ask him a lot of questions pero nahihiya ako at nagi-guilty. Pero pagkalabas namin ng bar ay hindi ko na napigilan ang sarili ko, "Marlon, can we talk?" Ramdam ko na nanigas ito sa kinatatayuan pero kahit hirap ay tumango pa rin ito. Naglakad kami papunta sa kotse nito at kagaya ng madalas nitong gawin ay ipinagbukas ako nito ng pinto bago nagtungo sa drivers seat.

Hinintay ko itong makapag-settle bago ako nagsimula, "it's been awhile," panimula ko. Ngumiti ito ng malaki na para bang naalala nito ang nakaraan. Tinignan ko ito at napansin na ang laki na ng pinagbago nito, ibang-iba ito sa Marlon na iyakin na nakilala ko 10 years ago. He's more matured now than he was before, "yeah, 10 years." maikling sagot nito.

Nakagat ko ang gilid ng labi ko at pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa uneasiness na nararamdaman ko. "You've changed a lot, hindi kita namukhaan kanina kaya hindi kita nabati." nakita ko ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata nito pero panandalian lang iyon dahil napalitan din ng ngiti, "everyone deserves to change, even you, you've change a lot too." tipid akong ngumiti dito ng may maalala akong itanong dito.

"Buti naman naisipan mong bumisita?" Tanong ko dito at tahimik na hinintay ang isasagot nito. "Nakatanggap kasi ako ng balita na ikakasal ang kaibigan ko so umuwi ako para umattend, hindi ko alam na ikaw pala ang mapapangasawa niya." Sagot nito.

Kinabahan ako sa isipin na baka magalit ito sa'kin dahil ikakasal na ako pero nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sa mga mata nito ang kapayapaan. But hearing his words bring tears to me as I remember the most important person in my life. "Ayoko Marlon, hindi ko pa siya kayang pakawalan," lumuluhang wika ko dito, tipid itong ngumiti at ipinatong ang kamay sa ulo ko bago ginulo ang buhok ko. "He's been gone for 10 years Jomei, give yourself a break. Kuya Sebastian won't be mad if you fall in love again." hearing his name after 10 years bring back all of our memories together, mga panahon na wala kaming problema.

Kasabay ng pagbalik ng mga masasaya naming ala-ala ay nanariwa din sa'kin ang araw na nawala siya. That day supposed to be the happiest moment of my life because it was my birthday and we always celebrate together pero ang araw na 'yon ay sinumpa ko because it was the day Sebastian died, in my arms. We we're stab to death by some drunk teens and I am the only one survived.

"Marlon, pwede mo ba akong ihatid?" Nagbabakasakaling tanong ko dito, tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami pauwi ay tahimik lang kaming dalawa. Diretso ang tingin nito sa kalsada habang ako naman ay nakatingin lang sa madilim na paligid ng biglang basagin nito ang katahimikan, "hindi ka ba nagugutom?" tanong nito. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko dahil mula pa kagabi ay wala na akong kain puro alak lang, hindi din naman ako nakakain kanina sa restaurant dahil umalis ako kaagad. Tumango ako at malawak na ngumiti, "drive thru?" tanong nito at kaagad na nagningning ang mga mata ko dahil sa naramdamang excitement.

Humalakhak ito pagkakita sa expression ko, "some things never change huh!" wika nito. Napangiti nalang ako at hinintay na makarating kami sa mcdo, pagpasok namin sa drive thru ay nag-order lang ito ng isang large fries, big mac at sprite. Kaagad akong natakam at nakaramdam ng gutom pagkakita ko sa mga in-order nitong pagkain. Natutuwang pinanood naman ako nitong kumain, "you always love fast-food specially mcdo." wika nito. Tumango-tango ako habang nginunguya ang burger na nasa bibig ko, "ikaw lang naman ang may ayaw sa fast-food," pang-aasar ko dito.

Marlon Scnider is not a fan of fast-food kahit nung mga bata pa kami ay hindi na ito kumakain sa mga jollibee or mcdo, anito'y hindi daw healthy ang mga pagkain doon kaya hindi siya kumakain.

Natapos akong kumain sakto na nakarating kami sa tapat ng bahay namin, "shit!" mura ni Marlon na pinagtaka ko. Binalingan ko ito ng tingin at nakita ko na may tinitignan ito sa labas kaya naman sinundan ko ng tingin ang tinitignan nito at nagtaka ako dahil may hindi pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay namin. "Gabi na ah, may bisita pa sila Mommy?" Nagtatakang tanong ko at naghanda na sa paglabas sa kotse ni Marlon ng pigilan ako nito, "bakit?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang pagpigil nito sa'kin.

"Hatid na kita sa loob, maghe-hello na din tuloy ako kay Tita at Tito!" Masiglang sagot nito pero napansin ko na pilit lang iyon. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang dahil tuluyan na itong lumabas at naglakad papunta sa gawi ko para pagbuksan ako.

Sabay kaming naglakad papasok sa bahay pero halos hilahin ko ang sarili ko palabas ng mabungaran ko ang lalaki na sobrang sama ng tingin sa'min ni Marlon. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Marlon dahil sa magkahalong galit at takot pero kaagad din akong napabitaw dito ng bumagsak ang tingin ng bisita namin sa magkahawak naming kamay ni Marlon.

Gusto kong magwala at kwestyunin ang ginawang pagpapapasok ni Mommy sa lalaking ito pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako kay Marlon.

"Bro, I didn't know na nandito ka," wika ni Marlon sa seryosong tono. Hindi binalingan nung fiance ko si Marlon, nanatili lang ang masamang tingin nito sa'kin. Kinakabahang ibinaling ko ang tingin ko sa nakangising si Marlon, "Marlon wala yata si Mommy." wika ko na diretso ang tingin sa mga mata nito. Lumapit si Marlon sa'kin at niyakap ako, "ganyan nga maging matapang ka," mahinang bulong nito sa tainga ko. Tumango ako at humiwalay sa pagkakayakap nito sakto naman na narinig ko ang boses ni Mommy.

"Marlon?" Dinig kong tanong ni Mommy mula sa kung saan, hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses at nakita ko itong naglalakad habang may hawak na pitcher ng juice mula sa kusina. Kaagad kong dinaluhan ang Mommy ko para kunin dito ang juice, binigay naman sa'kin ni Mommy ito at nagsimula naman akong lagyan ng juice ang isang baso na nakalagay sa coffee table.

"Aba Marlon ikaw nga! Long time no see!" Excited na wika ni Mommy. Tinignan ko ito at nakita ko na niyayakap na ni Mommy ang kaibigan ko, napatingin ako kay Marlon at napangiti nalang ako ng malaki ng makita sa mga mata ni Marlon ang kasiyahan na makita ang Mommy ko.

"Hi Tita! Na-miss ko kayo ni Tito. Where is he?" Masayang wika ni Marlon at niyakap pabalik ang Mommy ko bago iginala ang paningin sa kabahayan para hanapin si Daddy pero ang loko ay bumagsak ang tingin sa'kin at kinindatan ako. Napangisi ako at dinilaan ito pero ang ngisi ko ay biglang nawala ng makarinig kami ng pagbagsak at pagkabasag. BLAG!

Nagulat ako at kaagad na napaharap dito, para itong na-shock kasi hindi ito kumukurap o gumagalaw manlang at nung natauhan ito ay kaagad itong kumilos para damputin ang mga piraso ng bubog pero maagap akong tumakbo papunta dito para pigilan ito. "Don't!" pigil ko dito at hindi sinasadyang nagdikit ang mga kamay namin. Napaupo ako because I felt electrocuted by a million bolts.

"Kukuha ako ng dustpan at walis, huwag ninyong hahawakan ang bubog." Bilin ni Mommy at tumakbo na papuntang dirty kitchen.

"Okay ka lang ba?" hindi ko naitago ang pag-aalala ko. Tumango ito habang mataman na nakatingin sa'kin, for a moment I thought I saw his eyes and expressions softens pero bumalik din iyon sa pagiging matigas. Naramdaman ko naman na may humawak sa baywang ko at inalalayan akong umupo ng maayos. "Clumsy ka pa din," wika ni Marlon. Napatawa naman ako sa sinabi nito at naalala na ito ang lagi nitong sinasabi sa'kin sa tuwing nadadapa ako noong mga bata pa kami.

"And you always the one who save me," sagot ko.

"Bro okay ka lang ba? Kinabahan ka yata?" Tanong ni Marlon at dinig ko ang pang-aasar sa boses nito.

"Bakit naman ako kakabahan? Eh kayo lang naman 'yan," sagot nito na may halong pang-iinsulto. Napahalakhak si Marlon isang bagay na hindi ko maintindihan, magtatanong palang sana ako ng dumating na si Mommy at nagsimula ng walisin ang mga bubog.

"Marlon nakilala mo na ba ang mapapangasawa ni Joana? Siya si Arisson Brando Concepcion Ilustrisimo, kaagad ka kasing umalis nung lunch date natin." Tanong ni Mommy na sinamahan pa ng pagpapakilala habang nagwawalis.

"Yes Mom, Marlon knew Arisson, right Arisson? Nasaan nga pala ang girlfriend mo, hindi mo yata siya kasama?" Matalim na sagot ko, muling bumalik sa'kin ang ginawa nito kanina. Nahigit ni Mommy ang hininga pagkarinig sa salitang girlfriend pero hindi nag-komento.

Nagtagisan kami ng masamang tingin hanggang sa ako ang unang bumawi dahil narinig ko ang boses ni Marlon. "Tita hindi na po ako magtatagal, baka hinihintay na din po ako ni Mommy." pagpapaalam ni Marlon, kaagad naman nalungkot si Mommy sa sinabi ni Marlon. "Aalis ka na kaagad? Hindi ka manlang ba mag-dinner dito?" Tanong ni Mommy at nagpapaawang tumingin kay Marlon pero umiling ang huli.

"Sorry Tita, maaga po kasi ang flight namin ni Mommy bukas kaya I can't stay late." Sagot nito.

Namutla ako sa sinabi nito, "f-flight? Ngayon pa nga lang tayo nakakapagbonding bakit aalis ka na kaagad?" Naiiyak na tanong ko. Alam ko na ang babaw ng dahilan para umiyak pero ganito ako matapang at jolly lang sa panlabas pero iyakin talaga ako at alam 'yon ni Marlon kaya naman malungkot itong tumingin sa'kin pero may ngiti pa rin, "may mga importanteng bagay lang kami na dapat ayusin pero babalik din ako." wika nito, magkakasunod akong umiling hindi tinatanggap ang paliwanag nito.

"Uso ang messenger at f******k, hindi mo kailangan na iyakan yan." matalim na singit ni Brando sa usapan namin ni Marlon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kagustuhan na banggitin ang pangalan nito pero hindi nun maaalis na masama pa rin ang sinabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin at mabilis kong iniwan habang hila-hila ko si Marlon. Pagkalabas namin ay inabot kami ng ilang minuto sa pagpapaalam sa isa't-isa bago namin pinakawalan ang isa't-isa, bago ko ito pakawalan ay sinigurado ko na mangangako itong babalik at ng tumango ito ay saka lang ako napanatag.

Tahimik kong tinatanaw ang spot kung saan huli kong nakita ang kotse ni Marlon ng may mahigpit na humawak sa braso ko dahilan para mapangiwi ako sa kirot, "a-aray!" hindi ko na napigilan ang mapadaing dahil habang tumatagal ay pahigpit pa ito ng pahigpit.

"Anong karapatan mo na lumandi gayong ikakasal ka na?" madiing tanong nito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," wika ko habang pilit kong inaalis ang mahigpit nitongn hawak sa'kin.

"Huwag mo akong pagsinungalingan dahil kitang-kita ko ang paglalandi mo sa kaibigan ko. Tandaan mo ito babae, dahil sa'yo ay nahihirapan ang mahal ko at dahil sa'yo ay hindi na matutuloy ang kasal namin. Kaya wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw." Ang sakit palang masisi sa isang bagay na hindi mo naman ginusto.

"Sa tingin mo ba gusto ko ang nangyayaring ito?" Pagtataas ko ng boses dito. Ngumisi ito na puno ng pang-uuyam, "bakit hindi ba? Eh may nangyari na nga sa 'tin dalawa."

PAK!

Kaagad na umigkas ang kamay ko para sampalin ito. Puno ng hinanakit na dinuro ko ito, "hindi ako magpapakasal sa'yo tandaan mo yan, kung nakuha ng mga magulang ko na ipakasal ako sa'yo pwes ako hindi. Hinding-hindi!" Galit na wika ko at pinagdiinan ko ang huling salita na sinabi ko bago ko ito tinalikuran.

"M-Mom," kinakabahang tawag ko ng sa pagtalikod ko ay ang namumutla nitong mukha ang nabungaran ko.

"Bukas na bukas din ay ikakasal kayong dalawa." said a serious voice of Mom at tinalikuran na kami.

My heart sank because of pain and disappointment.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
yuuya tenjou
alak pa more
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
Hi po sana ay masuportahan ninyo ang story ni Leslie kapatid ni Joana Mei
goodnovel comment avatar
MISS_25_1992
tipo ng babaeng pinakaayaw ko ang lasinggera.tama lang na tinawag syang slut. deserved nya dahil mukha talaga syang pokpok.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Special Chapter 2

    Third person point of viewSix months later.......Maaga pa lang ay tumulak na papuntang simbahan si Arisson. The same church kung saan sila ikinasal ni Joana Mei.Pagkarating niya sa simbahan ay marami na ang tao, ilan sa mga ito ay pamilyar na sa kaniya dahil sa dalawang dahilan, either nakilala niya dahil sa business or dahil sa family.Habang naglalakad siya papasok ng simbahan ay nakita niya hindi kalayuan sa entrance si Brent kasama si Lauren. Pagkakita niya sa dalawa ay kaagad niyang naalala si Brenda.Brenda got killed right after nitong makipagkasundo sa kanila ni Joana Mei. It was the reason kung bakit pinostpone nila ang kasal.They checked the CCTV footage that time at kaagad nilang nalaman na si Bastien ang dahilan ng pagkamatay nito.Sa loob ng anim na buwan ay ginawa nila ang makakaya nila para mahanap si Bastien pero nung araw na nagkaroon sila ng lead dito ay natagpuan nila itong wala ng buhay sa sarili nitong bahay, may hawak itong isang calibre 45.It was traumatiz

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Special Chapter 1

    Third person point of view"Brenda!" Matalim na tawag ni Joana Mei sa pangalan nito.Ngayon kaharap na niya ito at bumalik na ang mga ala-ala niya ay unti-unti niya ng nararamdaman ang paghuhulagpos ng galit at kagustuhang saktan ito kagaya ng ginawa nitong pananakit sa kaniya.Tumingin ng masama si Brenda sa kaniya pagkatapos nitong marinig ang pagtawag niya at mula sa pagkakatayo nito sa tapat ng nakabukas na pinto ay naglakad ito palapit sa kinaroroonan nila."Galit ako sa iyo-!" Panimula nito.She roll her eyes, "the feeling is mutual!" She commented dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.Mas lalong umasim ang hilatsa ng mukha nito pagkatapos niya iton putulin sa dapat nitong sasabihin."Will you fvcking listen!?" Singhal nito."Brenda! Watch your word!" Arisson shouted angrily.Brenda flinched upon hearing Arisson's words."Coming in here is not a good idea," sambit nito at naiiling na tumalikod."Ano ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Pumunta ka ba dito para pagtawanan ako

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Epilogue

    Third person point of viewOne year has passed..."Love, how are you feeling?" Tanong ni Arisson sa babaeng nakaupo sa kama habang hawak nito ang isang batang lalaki.Nagbuntong hininga si Joana Mei at medyo iritableng tumingin sa kaniya.Nasaktan siya dahil sa inakto nito pero bumalik sa memorya niya yung araw na sinabi ng doctor na hindi sila sigurado kung may magiging side effect ang ginawang operation dito.At ito na ang side effect na sinabi ng doctor. Isang taon. Isang taon na siyang paulit-ulit na nagpapakila at nagpapaalala sa pinakamamahal niyang babae kung sino siya pero isang taon na din siya nagsa-suffer dahil pakiramdam niya ay walang nangyayari. Hindi pa rin siya nito nakikilala.Four weeks after nitong ma-hospital ay nagising ito. Yung araw na iyon ang masasabi niyang isa sa pinakamagandang araw na nangyari sa kaniya sa buong buhay niya dahil wala na sa kapahamakan ang mahal niya pero kasabay ng pagkakahinga niya ng maluwag ay ang pag-guho ng mundo niya lalo na nung tu

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 70

    Third person point of view"Why didn't you let me in with her!?" Singhal ni Arisson sa mga magulang niya. Kanina pa sila dito sa labas ng operating room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor na tumitingin sa fiance niya. Kanina pagkadating nila sa hospital pagkakita pa lang ng doctor kay Joana Mei ay kaagaad na ng mga ito idinala ng operating room si Joana Mei. Hindi niya mapigilan ang magwala dahil hindi siya hinayaan ng mga ito na makapasok sa operating room. "Arisson, will you stop shouting for goodness sake, we're in a hospital!" Madiing pagalit ng Mommy niya. Umigting ang panga niya at hindi niya maiwasan na masaktan dahil sa pananalita ng Mommy niya."Hindi mo naiintindihan Mom, si Joana Mei iyon, yung fiance ko nanganganib ang buhay niya at nandito lang ako at walang ginagawa!" Malakas na wika niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil sa magkahalong takot at frustration."Anong magagawa mo kung nasa loob ka ng operating room? Do

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 69

    Third person point of view"W-What d-did you do to her?" Nahihintakutang tanong ni Lauren.Kanina matapos kumidlat ng malakas ay nakita niya ang pagbagsak ni Arisson kasabay ng pagtama ng liwanag ng kidlat sa kinaroroonan ni Sebastian. Maging siya ay gusto niyang bumagsak nalang dahil sa nakita niya. Hindi niya maiwasan ang maawa kay Arisson lalo na ng pagkatapos nitong tawagin si Joana Mei ay biglang bumukas ang ilaw sa buong paligid at doon ay malaya na nilang nasasaksihan ang hitsura ni Joana Mei.Puno ng dugo ang ulo nito na umagos na hanggang sa mukha nito."H-Hayop k-kayo!" Nanginginig ang boses na sigaw ni Brent.Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito. Noong una ay tinutulungan niya si Brenda dahil malaki ang utang nang loob niya dito pero nung tinraydor siya nito ay nagkaroroon siya ng pagdududa hanggang sa pilit niyang hinahanap sa kaibuturan ng utak niya ang dating Brenda na nakilala niya pero tuluyang naw

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 68 

    Third person point of viewInihinto ni Arisson ang kotse niya sa entrance ng isang malawak na mansiyon. Tinignan niya ang cellphone niya para siguraduhin na tama ang address na napuntahan niya at nung makasiguro na ay saka lang siya bumaba.Kasabay sa pagbaba niya ay ang pagdating ng sampung magkakasunod na sasakyan. Sa pinakaunang sasakyan ay bumaba ang Daddy niya at Daddy ni Joana Mei, sa ikalawa at ikatlong kotse ay ang mga tauhan nila kasama si Kaloy na nagising na pala mula sa pagkaka-comatose. Sa ikaapat na kotse ay bumaba si Lauren at ang isang lalaki, tinignan niya si Lauren at nakita niya na puro galos at sugat ang mga braso nito at mukha.Kaagad siyang nagtaka kung ano ang nangyari dito dahil maayos naman ito ng iwan niya kanina. Sa ikalimang kotse ay bumaba si Lancellot Wy na masamang tingin kaagad ang ipinukol sa anak.Napailing siya dahil mukhang itong mag-ama ay magpapatayan na.Imbes na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay nilapitan nalang niya ang kaniyang magulang.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status