Share

Chapter 68 

Third person point of view

Inihinto ni Arisson ang kotse niya sa entrance ng isang malawak na mansiyon.

Tinignan niya ang cellphone niya para siguraduhin na tama ang address na napuntahan niya at nung makasiguro na ay saka lang siya bumaba.

Kasabay sa pagbaba niya ay ang pagdating ng sampung magkakasunod na sasakyan.

Sa pinakaunang sasakyan ay bumaba ang Daddy niya at Daddy ni Joana Mei, sa ikalawa at ikatlong kotse ay ang mga tauhan nila kasama si Kaloy na nagising na pala mula sa pagkaka-comatose.

Sa ikaapat na kotse ay bumaba si Lauren at ang isang lalaki, tinignan niya si Lauren at nakita niya na puro galos at sugat ang mga braso nito at mukha.

Kaagad siyang nagtaka kung ano ang nangyari dito dahil maayos naman ito ng iwan niya kanina.

Sa ikalimang kotse ay bumaba si Lancellot Wy na masamang tingin kaagad ang ipinukol sa anak.

Napailing siya dahil mukhang itong mag-ama ay magpapatayan na.

Imbes na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay nilapitan nalang niya ang kaniyang magulang.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status