Share

One Night, One Mistake
One Night, One Mistake
Author: Soju

CHAPTER I

“SIGURO nga ay may ibang lalaki ang asawa mo, Elijah! Hindi naman siya manlalamig ng walang dahilan, e!” Ang mga salitang iyon ng kaibigang lalaki ni Elijah ang umaalingawngaw sa loob ng utak niya habang hinahalikan niya ang napakaganda at maalindog na si Selena.

Nasa isang mamahaling kwarto silang dalawa sa 5-star hotel na iyon. Hindi na rin niya matandaan kung paano ba sila napunta roon dahil sa kaniyang kalasingan. Mapusok at palaban ang mga halik ng babae. May pagsipsip pa ito sa kaniyang dila at halos lamunin na nito nang buo ang kaniyang bibig. Uhaw na uhaw ito.

Tila totoo ang tinuran nito kanina sa bar na matagal na itong walang nakakaniig na lalaki. Mukhang siya ang gagamitin nito upang mapatid ang uhaw na matagal na nitong tinitiis.

Nakatayo pa sila noon sa tabi ng malaking kama at kapwa pa may saplot sa katawan. Malikot ang kamay ni Selena. Nakapasok na iyon sa loob ng kaniyang polo at humahaplos sa kaniyang mabalahibong dibdib na mas lalong nagpapataas ng init ng kaniyang katawan.

Sandaling humiwalay si Selena sa kaniya at humiga ito sa kama. Mabilis nitong inalis ang suot nitong damit at doon na niya napagmasdan ang malalaki at tayong-tayo nitong dibdib na para bang isa iyong masarap na putahe na naghihintay sa kaniya para kainin niya.

Namumungay ang mga mata na sumunod si Elijah kay Selena. Pumaibabaw siya rito at muli itong hinalikan sa labi habang ang isa niyang kamay ay pinagpapala ang isa nitong dibdib. Sumagi sa isip niya ng sandali si Celeste—ang kaniyang asawa. “Selena, this is wrong… I’m married…” anas ni Elijah.

“One mistake is okay. Pwede mo na akong kalimutan after this night…” tugon ni Selena.

THREE MONTHS EARLIER…

     MALUNGKOT na bumaba ng kotse si Celeste matapos niya iyong ma-i-park sa parking space ng kanilang bahay ng asawa niya na si Elijah. Sino ba namang misis ang malulungkot kung sa second wedding anniversary ninyo ay hindi kayo nagkita ng iyong mister?

She planned everything ahead. One week before their anniversary ay pinaghandaan na niya ang celebration ng special day na iyon para sa kanila ni Elijah. Alam niya kasi kung gaano ka-busy ang kaniyang asawa last month pa kaya siya na ang nag-asikaso ng lahat. Nagpa-reserve siya sa paborito nilang fine dining restaurant. Bumili siya ng bagong dress at sapatos. Nagpa-salon din siya three days bago ang araw na iyon. Tapos, malalaman niya sa kaniyang asawa na meron itong kailangang puntahang event.

Isang sikat na celebrity-romance novel writer at painter ang kaniyang asawa na si Elijah dela Torre. Ang pagiging artist nito ang unang naging dahilan para mabighani nito ang kaniyang puso.

Noong una ay isa lamang si Celeste sa napakaraming fans nito. Kinokolekta niya ang mga books nito at nagpupunta siya sa mga booksigning event nito kahit pa malayo. Ganoon level ang paghanga niya kay Elijah dahil talagang nasusungkit nito ang kilig niya sa bawat libro na isinulat nito. Wala siyang pakialam kahit wala nang matira sa sinasahod niya noong nagtatrabaho siya bilang isang HR sa isang manufacturing company basta makita niya lang si Elijah at mapapirmahan niya ang copy ng book nito na meron siya.

Bukod sa paghanga sa husay ni Elijah sa pagsusulat ay nagkaroon din siya ng pagkagusto sa lalaki. Sino ba namang babae ang hindi mabibighani sa simpatikong si Elijah dela Torre. Matangkad, mestiso at maganda ang katawan. Meron itong mga mata na palaging nangungusap at parang ang daming nais na ipahayag. Tila ang sarap makiliti ng pinong balbas at bigote nito. Bukod pa roon, magiliw ito sa mga fans at hindi suplado. Kahit ilang oras na itong nakaupo at pumipirma ng mga aklat ay hindi mo ito makikitang sumimangot at magreklamo.

Kahit alam noon ni Celeste na suntok sa buwan na mapansin siya ni Elijah sa dami ng fans nito ay gumawa pa rin siya ng paraan para personal silang magkakilala. Nang magpapirma siya rito sa isang booksigning nito ay binigyan niya ito ng sulat kung saan nakalagay ang pagpapahayag niya ng paghanga rito. Inilagay niya rin ang kaniyang cellphone number kahit duda siya na kokontakin siya ni Elijah.

Sino ba naman siya? Isang hamak na fan lang siya nito.

Ngunit para siyang jumackpot sa lotto nang isang araw makalipas na ibigay niya ang sulat kay Elijah ay merong tumawag sa kaniya. Si Elijah. Nakipagkilala ito sa kaniya. Natuwa pala ito sa nilalaman ng sulat niya at inimbitahan pa siya para mag-dinner. Nasa opisina pa siya ng oras na iyon at nang matapos ang pag-uusap nila ni Elijah ay talagang napatili siya sa sobrang kilig!

And the rest is history. After ng dinner nila ni Elijah ay nagtuloy-tuloy ang kanilang communication. Nanligaw ito sa kaniya at sinagot niya ito. Makalipas ang apat na taon bilang magkasintahan ay nagpropose ito sa kaniya. Sa mismong 26th birthday iyon ginawa ni Elijah. At ngayon ay dalawang taon na silang mag-asawa.

Nagpakawala si Celeste ng malalim na paghinga habang pumapaso siya sa bahay. Ang bahay na iyon ay ipinatayo ni Elijah sa sarili nitong pera. Isa iyong two-storey modern house na si Elijah mismo ang nag-design. Malaki at napakaganda. Meron iyong apat na kwarto sa itaas at isa sa ibaba para sa kanilang nag-iisang kasambahay.

Hindi sa pagiging mayabang pero mayaman talaga si Elijah. Kahit ang pamilyang pinanggalingan nito ay ubod ng yaman dahil sa mga business ng mga ito. Minsan na ring nasabi ni Elijah sa kaniya na disappointed ang parents nito dahil sa tinahak niyang landas. Ang nais kasi ng mga ito para kay Elijah ay maging businessman. Wala raw pera sa pagsusulat at pagpipinta. Ngunit pinatunayan ni Elijah na mali ang mga magulang nito dahil nagawa nitong maging mayaman sa pagiging artist nito.

“Ate, nandiyan na pala kayo. Akala ko ba ay may date kayo ni kuya,” sabi ng kasambahay nilang si Madel nang lumabas ito mula sa kusina.

“Hindi natuloy, Madel. May pinuntahan si Elijah. Siguro, pagdating na lang niya kami magce-celebrate.” Malungkot niyang wika.

“Naku, sayang naman! Ang ganda-ganda niyo pa naman lalo ngayong gabi, ate. Sayang at hindi makikita ni kuya ang kagandahan mong mala-dyosa ngayon!” Palatak ni Madel.

Matipid siyang ngumiti. “Binola mo pa ako! Pero, thank you. Sige na, magpahinga ka na. Late na.”

“Okay, ate. Happy anniversary sa inyo ni kuya.”

“Thank you, Madel.”

Nang pumasok na si Madel sa silid nito ay napatingin si Celeste sa malaking salamin sa sala na nakasabit sa dingding. Pinagmasdan niya ang sarili mula roon. Matangkad siya. Maputi at sexy. Ang buhok niya na umaabot sa beywang niya ay may natural na malalaking kulot. Marami ang nagsasabi na ang labi niya ay maihahalintulad sa aktres na si Angelina Jolie. Matangos ang ilong niya at ang mata niya ay may kalakihan. Malalantik at mahaba ang kaniyang pilik-mata.

Noon ay madalas siyang isinasali ng nanay niya sa beauty contest kahit ayaw niya. Pangarap kasi ng nanay niya na magkaroon ng anak na beauty queen. Pero ayaw niya sa pangarap nito para sa kaniya. Ayaw niya na umaakyat sa stage. Ayaw niya na maraming tao ang nakatingin sa kaniya. Hindi siya kumportable sa ganoon.

Maya maya ay umakyat na si Celeste sa kwarto nilang mag-asawa. Pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kaniya ang kadiliman. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa may tabi ng pintuan at sa pagbaha ng liwanag ay napanganga siya sa kaniyang nakita.

May mga petals ng red roses ang nakakalat sa sahig. May isang boquet ng pinagsamang white and red roses sa ibabaw ng malaking kama. Mula sa kanilang balcony ay lumabas si Elijah na may simpatikong ngiti. Napaka gwapo nito sa suot nitong suit habang naglalakad palapit sa kaniya.

Isang matamis na halik ang iginawad nito sa labi niya nang makalapit na ito. “Happy anniversary, Celeste…” paanas nitong bati.

“A-ang a-akala ko ay may event ka?” Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ang asawa. Inexpect na kasi niya na hindi niya ito madadatnan sa kanilang bahay sa gabi ng kanilang anniversary.

“Sinabi ko lang iyon para ma-surprise kita. Hindi pwedeng hindi tayo magkasama sa araw na ito dahil importante ito sa ating dalawa.” Muli siyang hinalikan nito sa labi.

Inaya siya si Elijah sa balcony dahil naghanda pala ito ng dinner nila para sa gabing iyon. Nagluto ito ng steak at meron ding wine. Napaka romantic ng vibes sa kanilang kwarto.

Naluluha pa si Celeste nang umupo siya.

“O, bakit naiiyak ka?” Nakangiting tanong ni Elijah.

“Ikaw kasi! Akala ko ay hindi tayo magkakasama ngayon!” At tuluyan na siyang napahagulhol na parang isang bata na pinaiyak ng kalaro nito.

Agad naman siyang nilapitan ni Elijah upang yakapin.

“Shhh… Tahan na. I am so sorry kung kailangan kong sabihin na may event ako. Gusto ko lang na i-pull up itong surprise ko sa iyo.”

Tumango-tango si Celeste at pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Dapat pala ay inasahan na niya na mangyayari iyon. Mahilig nga palang manorpresa ang kaniyang asawa.

Kagaya noong magkasintahan pa sila. Pinuntahan siya nito sa bahay at ang sabi ay mamamasyal lamang silang dalawa. Hindi niya akalain na dadalhin siya nito sa rooftop ng building na pagmamay-ari ng mga magulang nito at may naghihintay na helicopter sa kanila roon. Sumakay sila roon at dinala siya ni Elijah sa Tagaytay para doon sila mag-date. Noong first wedding anniversary naman nila ay pinag-empake siya nito. Ang sabi ay sa Boracay sila pupunta pero dala pala nito ang passport niya at sa Maldives sila nagpunta.

Masasabi ni Celeste na napakaswerte niya kay Elijah. Bukod sa gwapo ito ay grabe pa ito magmahal. Wala itong ibang babae at kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng pagdududa rito.

“Happy anniversary to us…” Itinaas ni Elijah ang wine glass na may lamang wine.

Kinuha ni Celeste ang sa kaniya. “Happy anniversary, Elijah!” At pinagbunggo nila nang mahina ang kanilang mga baso. Uminom ng kaunti si Celeste at inumpisahang kainin ang steak.

Pinuri niya si Elijah dahil sa masarap nitong luto. “Hindi ko alam kung ano bang ginawa kong mabuti sa past ko at ikaw ang ibinigay ni Lord sa akin. Gwapo, mabait, faithful, artist and a good cook! Wala na akong mahihiling pa!” ani Celeste at napangiti niya nang malaki si Elijah.

“Masyado mo akong binobola Mrs. Celeste Enriquez-dela Torre. Pero kung anuman ang meron ka ngayon ay deserve mo ang lahat ng `yon. You’re such a good and wonderful woman and wife. Anyway, hindi sa gabing ito natatapos ang ating anniversary celebration. We’re flying to Thailand this weekend for our second honeymoon. Two weeks tayo roon kaya magpaalam ka na sa work mo na mawawala ka ng ganoon katagal.”

“Pero, Elijah, hindi ako pwedeng mawala ng ganoon katagal sa trabaho. Siguro, three days ang maximum.”

“Celeste, hindi natin ma-e-enjoy ang Thailand ng tatlong araw. Bitin pa nga `yong two weeks, e. Saka, `di ba, sabi ko sa iyo, kahit hindi ka na magtrabaho. Dito ka na lang sa bahay.”

“Alam mo kung gaano ko kamahal ang trabaho ko bilang HR, `di ba? Saka gusto ko rin na may ginagawa ako para hindi na ako humihingi ng pera sa iyo kapag may gusto akong bilhin.”

“Kaya kong ibili lahat ng gusto mo. I want to spoil my wife.”

“Alam ko. Hayaan mo na kasi ako sa pagtatrabaho ko.”

“Okay. Pero dapat ay payagan ka nila na makapag-bakasyon ka ng two weeks.”

“Susubukan ko. Uubusin ko na lahat ng leave na meron ako para sa taon na ito.”

Tinapos nila ang kanilang pagkain. Medyo nabitin siya sa steak kasi sobrang sarap niyon. Sandaling tumayo si Elijah at umalis ng balcony. Pagbalik nito ay meron itong dalang kahon na sa hula niya ay alahas ang laman. Ibinigay iyon ni Elijah sa kaniya at sinabi nito na iyon ang anniversary gift nito sa kaniya. Marahan niyang binuksan ang kahon at namangha siya nang tumambad sa kaniya ang isang gold necklace na may pendant na gold rose petals.

“Elijah, this is too much. Hindi mo ako kailangan—”

“Like what I said, I want to spoil my wife.”

Kinuha ni Elijah ang kuwintas at pumunta ito sa likuran niya. Ito ang nagsuot no’n sa kaniya. Tumayo ito sa gilid niya at tumingin siya rito.

“Maraming salamat!” aniya.

“See? Mas lalo kang gumanda. Come here…” Inilahad nito ang isang kamay.

Ipinatong ni Celeste ang kamay niya sa palad ng kaniyang asawa. Iginiya siya nito patayo at hinalikan siya nito sa labi. Sa simula ay padampi-dampi lamang hanggang sa naging mapusok na iyon. Naglaban ang kanilang mga labi at dila. Napaigtad siya nang hawakan nito ang kaliwa niyang dibdib. Alam na niya kung saan pupunta ang tagpong iyon.

Binuhat siya ni Elijah nang walang kahirap-hirap nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Dinala siya nito sa kama at parang isang babasaging kristal na inihiga siya nito. Inumpisahang hubarin ni Elijah ang pang-itaas nito hanggang sa tumambad sa kaniya ang matipuno nitong katawan. May mumunti itong buhok sa dibdib pababa sa pusod nito.

Si Elijah na rin ang nag-alis ng kaniyang dress at panloob. Walang sawa nitong pinagmasdan ang kaniyang kahubdan.

“God! You’re beautiful, Celeste!” anas nito.

Hindi na nakapaghintay pa si Elijah. Maging ang sapatos at pantalon nito ay inalis na nito. Nang ibaba nito ang brief ay umigkas ang matigas nitong pagkalalaki. Agad na pumaibabaw si Elijah sa kaniya at muli siya nitong hinalikan. Hinanap ng kamay ni Celeste ang pagkalalaki ng asawa at hinawakan iyon ng may kasamang pagmamahal. Hinimas niya iyon at dinama ang init.

Bumaba ang halik ni Elijah sa kaniyang leeg. Suot pa rin niya ang gold necklace na regalo nito. Hanggang sa umabot sa dibdib niya ang bibig nito. Hindi niya mapigilan ang mapaliyad sa sarap ng ginagawa ni Elijah sa kaniya.

Nagpalit sila ng posisyon. Si Celeste na ang nasa ibabaw. Muli niyang hinalikan ang malambot na labi ng kaniyang asawa. Bahagyang kumikiskis ang pagkalalaki nito sa kaniyang pagkababae.

“Sit on my face, Celeste…” utos ni Elijah na agad niyang sinunod.

Itinapat ni Celeste ang kaniyang pagkababae sa bibig ni Elijah at hinayaan niya itong paligayahin siya sa ganoong paraan. Dinilaan nito ang kaniyang bukana. Napahawak siya nang mahigpit sa headboard nang ang bagay na nasa itaas ng kaniyang bukana ang pinagtuunan nito nang pansin. Puro ungol na ang kumakawala sa kaniyang bibig. Talagang alam na alam ng kaniyang asawa kung paano siya paligayahin pagdating sa kama!

Halos mabaliw si Celeste sa ginagawa ni Elijah sa kaniyang pagkababae. Hanggang naramdaman niya na malapit na niyang maabot agad ang r***k ng langit.

“I t-think… I’m c-coming…” anas ni Celeste.

Agad siyang inihiga ni Elijah at pinaglayo nito ang kaniyang mga binti. Marahan nitong ipinasok sa kaniyang pagkababae ang pagkalalaki nito. Hindi na naging mahirap para kay Elijah na gawin iyon dahil sa basang-basa na ang kaniyang lagusan.

Nagsimulang umulos si Elijah. Napayakap siya rito nang maramdaman niya ang kahabaan nito sa kaniyang kaloob-looban. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakayakap niya sa kaniyang asawa habang pabilis nang pabilis ang paggalaw nito. Hanggang sa muli niyang maramdaman na malapit na siyang sumabog.

Nauna lang siya ng kaunting segundo kay Elijah at ito naman ang sumunod na sumabog sa kaniyang loob.

Kapwa sila hinihingal nang matapos na silang dalawa. Humiga si Elijah sa tabi niya.

“I love you, Celeste…” anito sa pagitan ng paghingal.

“I love you more, Elijah.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status