LOGINONE NIGHT PLEASURE
EPISODE 4
GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.
HINDI ko alam kung ano ang pumasok sa aking ulo at agad kong niyakap si Alaric. Siguro ay dahil na rin sa sakit na aking nararamdaman? Shit! Hindi ko maalis sa aking isipan kung gaano siya kabango ng yakapin ko siya. Para siyang amoy baby na ewan. Ang sarap niyang amuyin at hindi nakakasawa.
“Hoy, Vivi! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!”
Napakurap-kurap ako sa aking mga mata ng marinig kong magsalita ang aking pinsan na si Kyle. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako rito ngayon sa aking kinauupuan.
“Y-Yes, Kyle? I’m sorry, may iniisip lang ako,” sabi ko at nagkakamot sa aking ulo.
Naningkit ang kanyang mga matang nakatingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng aking kilay.
“Ano na naman?” tanong ko sa kanya.
“Sino ‘yang iniisip mo? Hmm, si Coleman na naman ‘yan?!” mapang-asar niyang sabi.
Tinignan ko siya ng masama. “Hindi ko iniisip si Ric, okay?! Kusa lang siyang nanggugulo sa isipan ko ngayon, Kyle” inis kong sabi.
Natigil naman ako sa aking pagsasalita ng ma-realize ko kung ano ang akong sinabi. Napatakip ako sa aking bibig at umiwas ng tingin kay Kyle.
Humalakhak siya sa tawa.
“Sabi ko na nga ba! Mahuhulog ka rin sa bunsong Coleman eh! Bakit ka pa kasi dun sa panganay? Doon ka sa bunso dahil mas sure winning!” nakangising sabi ni Kyle.
Sa sobrang inis ko sa aking pinsan ay kumuha ako ng throw pillow at literal kong hinagis ito sa kanyang mukha at tumayo na ako at padabog na umalis at iniwan na tumatawa pa rin si Kyle sa may living room ng bahay namin.
Nakakainis! Bakit ko ba iniisip ang lalaking ‘yun? Siguro may gayuma ang perfume na gamit niya para magkagusto ako sa kanya?! Bwisit talaga ang Coleman na ‘yun. Sabing hindi ko siya gusto eh!
“A-Alaric! Anong ginagawa mo rito sa labas ng bahay namin?”
Sabado ngayon at nagtaka na lang ako ng sabihin ng kasambahay namin na may naghahanap daw sa akin na kaklase ko sa labas. Paglabas ko ng bahay ay agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Alaric na may dalang bouquet na puno ng chocolates. Paano nya alam na gusto ko ng chocolates?!
“H-Hello, Vivi. Busy ka ba?” nauutal nitong sabi. Nakita kong bahagya pang nanginig ang kanyang labi ngayon. His lips… mukhang ang soft din ng lips nya—sandali, bakit ko na iniisip ang lips nya?!
Napa iling-iling ako at bahagyang napakagat sa aking labi.
Nababaliw na ata ako!
“Buti naman at hindi ka busy, Vivi. tamang-tama talaga ang pagpunta ko rito,” nakangiting sabi ni Alaric habang nagkakamot sa kanyang ulo.
Napaawang ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Wait lang! Akala niya ay sagot ko ‘yung pag iling ko kanina sa tanong niya sa akin? Oh my Gosh—no!
“H-Huh? Anong pinagsasabi mo riyan—”
“Wow! Alaric Archer Coleman, is that you?! Wow! A Coleman in our house! What a great honor to be visited by a Coleman,” narinig ko na sabi ng aking pinsan na si Kyle at bigla niya na lang inakbayan si Alaric. Sandali nga, bakit bigla na lang sumusulpot ‘tong pinsan ko?!
“H-Hello po, Kuya Kyle,” nahihiyang pagbati ni Alaric sa pinsan ko.
Bahagya akong napangiwi habang nakatingin sa kanilang dalawa ngayon. At tinawag pa na Kuya Kyle ni Alaric si Kyle like ew!
“Nako! ‘Wag ka na mag Kuya sa akin, Ric. One year lang naman ang agwat ng mga edad natin. Ang pinsan ko ba ang pinunta mo rito? Halika, pasok ka na sa bahay namin,” nakangiting sabi ni Kyle at pinapasok na niya sa bahay namin si Ric habang akbay niya pa rin ito.
Ako naman ay hindi makagalaw dito sa aking kinatatayuan at parang nag lo-loading pa ang utak ko ngayon sa mga nangyayari.
Alaric Archer Coleman is in our house right now! Napahilamos ako sa aking mukha at huminga ako ng malalim.
“Genevieve, kumalma ka lang. Kaya mo ‘to,” sabi ko sa aking sarili bago ako naglakad palapit kay Ric at kay Kyle na nakaupo na ngayon sa may couch.
Dinadaldal ni Kyle ngayon si Alaric habang ang nerd naman ay parang walang maintindihan sa sinasabi ng pinsan ko dahil tungkol sa basketball ang pinagsasabi nito ngayon. Ano namang alam ng nerd na ‘to sa basketball?! Hindi nga ata maka-shoot ‘to eh. Si Matthias my love lang naman ang magaling mag basketball dahil vasity ito.
“Ikaw, ano ba ang hobbies mo? Nag ba-basketball ka rin ba kagaya ng kapatid mo?” tanong ni Kyle kay Ric.
Napataas naman ang aking kilay at hinintay ko rin ang sagot nito sa aking pinsan. Nakalapit na ako sa kanila at umupo rin ako sa bakanteng couch. Sumulyap sa akin si Alaric bago siya muling tumingin sa aking pinsan at nagsalita.
“M-Mahilig akong magbasa ng mga libro,” mahinang sabi ni Alaric at bahagyang napayuko.
Napairap ako sa aking mga mata. Magtataka pa ba ako sa sinagot niya ngayon? He’s a nerd! Wala nga atang alam na sports ang lalaking ‘to eh.
“Wow! A bookworm. Alam mo bang nagbabasa rin ng mga libro ‘tong pinsan ko?”
Bigla akong nagulat sa sinabi ni Kyle ngayon. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at umiling-iling. Oh my God! Don’t you dare expose my secret to Ric! Patay talaga si Kyle sa akin—
“T-Talaga? Nagbabasa ka rin ng mag libro, Vivi?” tanong ni Ric sa akin at nakita ko ang ngiti niya habang nakatingin sa akin ngayon.
Napalunok ako sa aking laway at ilang segundo akong natulala sa kanyang ngiti sa akin. Bakit ang cute niya? What the heck, Vivi?!
Umiwas ako ng tingin sa kanya at mabilis na umiling.
“H-Hindi…. Hindi ako mahilig magbasa ng libro,” malamig kong sabi.
“Anong hindi mahilig?! Sus! ‘Wag kang maniwala diyan, Ric. Marami nga ‘yang mga libro sa kwarto niya eh—mga erotic novels nga lang!”
“Kyleee!” napatili ako at patakbong lumapit sa kanya pero mabilis din siyang nakaalis habang humahalakhak.
“Bye, cousin! Enjoy kayo ni Ric dyan!” tumatawa niyang sabi at umakyat na sa may hagdan at tuluyan na akong iniwan kasama si Ric dito mag-isa sa may living room.
“V-Vivi….”
Napapikit ako sa aking mga mata at huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking sarili bago ako humarap kay Alaric. Pinilit ko na ngitian siya ngayon kahit na sobrang nahiya ako sa ginawa ng pinsan ko kanina. Bwisit ang Kyle na ‘yun! Patay ‘yun sa akin pag nakaalis na ‘to si Alaric.
“Y-Yes, Ric? Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya.
Humakbang siya palapit sa akin at tumigil siya sa aking harapan. Bahagyang kumunot ang aking noo ng makita kong seryoso ang kanyang tingin sa akin.
Tinaasan ko siya ng aking kilay.
“What?”
“Gusto ko lang sabihin sayo ngayon na hindi masama na magbasa ka ng erotic novels. May matututunan ka naman sa mga ‘yan eh. Kaya wala kang dapat ikahiya kung iyan ang binabasa mo,” sabi ni Ric na ikinanganga sa aking bibig sa gulat.
Mapapatay ko talaga ang pinsan ko na si Kyle.
Nakakahiya kay Alaric!
Bwisit!
TO BE CONTINUED...
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 20GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.KASAL na talaga kaming dalawa ni Alaric at hindi pa rin ako makapaniwala na sa apat na linggo ko rito sa Pilipinas ay kinasal na ako… sa lalaking hindi ko pa mahal.“Bakit hindi ka pa nagbibihis diyan? Hindi ka pa rin ba makaniwalang natupad na ang pangarap mo na ikasal sa isang Coleman?”Matalim kong tinignan si Alaric nang sabihin niya iyon. Nandito kami ngayon sa villa na binook ng mga magulang ni Alaric para sa honeymoon namin. Nandito kami ngayon sa Palawan at isang linggo rin kami rito. Hindi na rin naman mangyayari iyong nangyari sa amin ni Alaric—hindi na ako makakapayag. Ang swerte niya naman kung makaisa na naman siya sa akin.“Alam mo, ang assuming mo na ‘no? Hindi ka naman ganyan dati,” inis kong sabi sa kanya.Mahina siyang tumawa at humakbang siya palapit sa akin.“Bakit hindi mo na lang kaya paligayahin ang asawa mo ngayon?” mapang-akin niyang sabi.Bahagya akong napatalon sa gulat sa kanyang sinabi. Kinuha ko an
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 19GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.NILOKO? Ako? Niloko ko siya? Hindi ko siya niloko! “W-What? Niloko? Ric, hindi kita niloko! It’s been nine years, naniniwala ka pa rin na niloko kita? How? In what aspect? Naging totoo ako sayo!” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ako makapaniwala na all this years, iyon pa rin ang pinaniniwalaan niya? Na niloko ko siya? Mas naniniwala pa akong nasaktan ko siya kaysa naloko. I hurt his feelings because I was crushing his older brother. Pero iyon lang ‘yun, wala nang iba. Hindi ko siya niloko dahil hindi ko siya kayang lokohin.Mabilis na umiwas ng tingin sa akin si Alaric at nilampasan na niya ako ng hindi siya nagsasalita pabalik. Muli akong humarap sa kanya at nagsalita ako kahit na naglalakad na siya palayo sa akin at paakyat siya ngayon sa hagdan, mukhang mag-uusap silang dalawa ni Dad.“Hindi kita niloko, Alaric! Sige, ipagpatuloy mo ‘yang galit-galitan mo sa akin! Galit din ako sayo!” sigaw ko h
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 18GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“Akin ka lang, Vivi.”Tinawag niya ulit akong Vivi… he kissed me. Si Alaric ba talaga iyong lalaking ‘yun? Bakit sobrang nag-iba na siya? Ibang-iba na ang kanyang pananalita—ang kanyang mga galaw. Magugulat ka na lang na ang kamay niya ay humahaplos na sa iyong katawan. Sobra na niyang mapanganib. “I missed you so much, Vivi! I’m so sorry kung hindi kaagad kita nadalaw sa inyo huh? Alam mo naman, sobrang busy ko rin at hindi kami in good terms ng pinsan mo.”Ngayon ay nakipagkita ako sa kaibigan kong si Marianne, ang ex-girlfriend ng pinsan ko. Naintindihan ko naman kung bakit hindi siya kaagad makapunta sa akin dahil iniiwasan niya si Kyle. Hindi kasi sila bati at parang galit pa rin ang pinsan ko sa kanya dahil ang sama ng tingin ni Kyle kanina sa akin nang sabihin ko na magkikita kami ni Marianne.“I missed you too, Marianne. Naintindihan ko naman kung bakit hindi ka kaagad makadalaw sa akin eh. Congrats pala dahil successfu
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 17GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. NEXT week na ang kasal namin ni Alaric at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ikakasal kaming dalawa pero walang makakaalam na iba—iyan ang sabi niya sa akin ngayon.“Gusto mo akong pakasalan pero dapat walang ibang makaalam? Kahit ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng aking kilay. Iniwan na muna kami ni Dad at ni Kyle rito sa may living room ni Alaric upang makapag-usap kami na kami lang dalawa. Ngumiti siya sa akin at tumango. Kanina pa siya nang-aasar sa akin. Alam kong nang-aasar siya sa kanyang mga ngiti at tingin sa akin dahil halatang-halata naman ito. Bwisit. Naiinis talaga ako sa kanya!“Bakit, disappointed ka ba dahil hindi mo maipagmalaki sa iba na naikasal ka sa isang Coleman?” mayabang niyang sabi.Tinawanan ko siya. “Ang assumming mo rin, ‘no? Ayaw ko ngang makasal sayo eh!” inis kong sabi sa kanya.Muli siyang ngumisi at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha ka
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 16GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“VIVI, kagabi pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Ang sabi ni Kyle ay nagkasagutan daw kayo ng Dad mo kahapon kaya umalis ka sa inyo. Ano bang nangyari? Pwede mo akong kausapin tungkol sa gumugulo sa isipan mo ngayon, babe. Nandito lang naman ako para sayo.”Napapikit ako sa aking mga mata at nakaramdam na naman ako ng guilt para sa boyfriend ko na si Carlos. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Carlos at nakipagkita ako sa kanya dahil alam kong sobrang nag-aalala siya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang mga tawag at hindi niya ako ma-contact.Sobrang naiinis din ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko na ang lalaking nagmahal sa akin ng totoo at ang lalaking hindi talaga ako iniwan at sinuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Pero alam ko rin naman na wala ng patutunguhan ang relasyon na ito dahil gagawa ng paraan si Dad para lang matuloy ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko naman mahal… kay Alaric—sa lalaking naka
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 15GENEVIEVE’S POINT OF VIEW,“ARE you free right now? I think I need a company in my condo unit.”Sh-t! Sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Naglasing ako kagabi at pumunta ako sa isang bar para makalimutan ko ang mga sinabi ni Dad sa akin. Hindi ko akalain na malalasing ako ng bongga at ngayon ay parang binibiyak ang ulo ko.Nasaan ba ako ngayon? Nandito na ba ako sa aking kwarto? Bakit parang…bakit parang iba ang amoy ng kwarto ko. Hinay-hinay kong iminulat ang aking mga mata at napakusot ako upang mas luminaw ang aking paningin. Bahagya akong nagulat ng makita kong wala ako sa aking kwarto. Where am I? Bakit hindi ko maalala ang nangyari sa akin kagabi?“Ouch!” daing ko at napahawak ako sa aking balakang.Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa aking baba… sa private part ko. Napatingin ako sa aking sarili at nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko na iba na ang aking suot at… at wala na akong suot na bra! Sandali… parang alam ko na ang nangya







