author-banner
Josie M
Josie M
Author

Novels by Josie M

One Night Pleasure

One Night Pleasure

“You cannot escape from me, Genevieve. Mukhang alam mo na rin naman ang mangyayari sayo, diba? You’re going to marry me and you have no choice but to accept the reality.” The innocent and mysterious Alaric Archer Montenegro Coleman will give you the best one-night pleasure. Genevieve Maia Echeverria dreams of marrying one of the Coleman boys someday. Matagal na siyang may gusto kay Matthias Archer Coleman na gustong-gusto rin ng karamihan sa kanilang eskwelahan. Pero walang pag-asa si Vivi na mapansin siya ng lalaki. Masyado siyang malayo kay Matthias para maiparamdam niya dito na may gusto siya sa lalaki. Pero kahit na hindi siya mapansin ni Matthias ay may isa namang Coleman na gustong-gusto siya... Si Alaric Archer Montenergo Coleman, ang bunsong kapatid ni Matthias. Matagal ng may gusto si Alaric kay Vivi pero ang problema ay hindi siya kagaya ng kapatid niya na si Matthias na gwapo at magaling sa lahat ng bagay. Alaric is a nerd. May pimples sa mukha, hindi marunong mag-ayos ng sarili, walang confident sa sarili, at mahina. Vivi will never likes him. Vivi only likes Matthias, nothing else. Pero paano kung darating ang araw na matupad ang matagal nang pinapangarap ni Vivi na maging isang Coleman? Pero hindi kay Matthias maikasal kundi kay... Alaric Archer Coleman na ayaw na ayaw niya? Tatanggapin niya kaya ito? Because of a one-night pleasure, everything has changed. Will Genevieve accept her destiny?
Read
Chapter: CHAPTER TWENTY
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 20GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.KASAL na talaga kaming dalawa ni Alaric at hindi pa rin ako makapaniwala na sa apat na linggo ko rito sa Pilipinas ay kinasal na ako… sa lalaking hindi ko pa mahal.“Bakit hindi ka pa nagbibihis diyan? Hindi ka pa rin ba makaniwalang natupad na ang pangarap mo na ikasal sa isang Coleman?”Matalim kong tinignan si Alaric nang sabihin niya iyon. Nandito kami ngayon sa villa na binook ng mga magulang ni Alaric para sa honeymoon namin. Nandito kami ngayon sa Palawan at isang linggo rin kami rito. Hindi na rin naman mangyayari iyong nangyari sa amin ni Alaric—hindi na ako makakapayag. Ang swerte niya naman kung makaisa na naman siya sa akin.“Alam mo, ang assuming mo na ‘no? Hindi ka naman ganyan dati,” inis kong sabi sa kanya.Mahina siyang tumawa at humakbang siya palapit sa akin.“Bakit hindi mo na lang kaya paligayahin ang asawa mo ngayon?” mapang-akin niyang sabi.Bahagya akong napatalon sa gulat sa kanyang sinabi. Kinuha ko an
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: CHAPTER NINETEEN
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 19GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.NILOKO? Ako? Niloko ko siya? Hindi ko siya niloko! “W-What? Niloko? Ric, hindi kita niloko! It’s been nine years, naniniwala ka pa rin na niloko kita? How? In what aspect? Naging totoo ako sayo!” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Hindi ako makapaniwala na all this years, iyon pa rin ang pinaniniwalaan niya? Na niloko ko siya? Mas naniniwala pa akong nasaktan ko siya kaysa naloko. I hurt his feelings because I was crushing his older brother. Pero iyon lang ‘yun, wala nang iba. Hindi ko siya niloko dahil hindi ko siya kayang lokohin.Mabilis na umiwas ng tingin sa akin si Alaric at nilampasan na niya ako ng hindi siya nagsasalita pabalik. Muli akong humarap sa kanya at nagsalita ako kahit na naglalakad na siya palayo sa akin at paakyat siya ngayon sa hagdan, mukhang mag-uusap silang dalawa ni Dad.“Hindi kita niloko, Alaric! Sige, ipagpatuloy mo ‘yang galit-galitan mo sa akin! Galit din ako sayo!” sigaw ko h
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: CHAPTER EIGHTEEN
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 18GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“Akin ka lang, Vivi.”Tinawag niya ulit akong Vivi… he kissed me. Si Alaric ba talaga iyong lalaking ‘yun? Bakit sobrang nag-iba na siya? Ibang-iba na ang kanyang pananalita—ang kanyang mga galaw. Magugulat ka na lang na ang kamay niya ay humahaplos na sa iyong katawan. Sobra na niyang mapanganib. “I missed you so much, Vivi! I’m so sorry kung hindi kaagad kita nadalaw sa inyo huh? Alam mo naman, sobrang busy ko rin at hindi kami in good terms ng pinsan mo.”Ngayon ay nakipagkita ako sa kaibigan kong si Marianne, ang ex-girlfriend ng pinsan ko. Naintindihan ko naman kung bakit hindi siya kaagad makapunta sa akin dahil iniiwasan niya si Kyle. Hindi kasi sila bati at parang galit pa rin ang pinsan ko sa kanya dahil ang sama ng tingin ni Kyle kanina sa akin nang sabihin ko na magkikita kami ni Marianne.“I missed you too, Marianne. Naintindihan ko naman kung bakit hindi ka kaagad makadalaw sa akin eh. Congrats pala dahil successfu
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: CHAPTER SEVENTEEN
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 17GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. NEXT week na ang kasal namin ni Alaric at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ikakasal kaming dalawa pero walang makakaalam na iba—iyan ang sabi niya sa akin ngayon.“Gusto mo akong pakasalan pero dapat walang ibang makaalam? Kahit ang pamilya mo?” tanong ko sa kanya habang tinaasan ko siya ng aking kilay. Iniwan na muna kami ni Dad at ni Kyle rito sa may living room ni Alaric upang makapag-usap kami na kami lang dalawa. Ngumiti siya sa akin at tumango. Kanina pa siya nang-aasar sa akin. Alam kong nang-aasar siya sa kanyang mga ngiti at tingin sa akin dahil halatang-halata naman ito. Bwisit. Naiinis talaga ako sa kanya!“Bakit, disappointed ka ba dahil hindi mo maipagmalaki sa iba na naikasal ka sa isang Coleman?” mayabang niyang sabi.Tinawanan ko siya. “Ang assumming mo rin, ‘no? Ayaw ko ngang makasal sayo eh!” inis kong sabi sa kanya.Muli siyang ngumisi at bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha ka
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: CHAPTER SIXTEEN
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 16GENEVIEVE’S POINT OF VIEW.“VIVI, kagabi pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Ang sabi ni Kyle ay nagkasagutan daw kayo ng Dad mo kahapon kaya umalis ka sa inyo. Ano bang nangyari? Pwede mo akong kausapin tungkol sa gumugulo sa isipan mo ngayon, babe. Nandito lang naman ako para sayo.”Napapikit ako sa aking mga mata at nakaramdam na naman ako ng guilt para sa boyfriend ko na si Carlos. Nandito ako ngayon sa condo unit ni Carlos at nakipagkita ako sa kanya dahil alam kong sobrang nag-aalala siya sa akin dahil hindi ko nasagot ang kanyang mga tawag at hindi niya ako ma-contact.Sobrang naiinis din ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko na ang lalaking nagmahal sa akin ng totoo at ang lalaking hindi talaga ako iniwan at sinuportahan ako sa lahat ng gusto ko. Pero alam ko rin naman na wala ng patutunguhan ang relasyon na ito dahil gagawa ng paraan si Dad para lang matuloy ang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko naman mahal… kay Alaric—sa lalaking naka
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: CHAPTER FIFTEEN
ONE NIGHT PLEASUREEPISODE 15GENEVIEVE’S POINT OF VIEW,“ARE you free right now? I think I need a company in my condo unit.”Sh-t! Sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Naglasing ako kagabi at pumunta ako sa isang bar para makalimutan ko ang mga sinabi ni Dad sa akin. Hindi ko akalain na malalasing ako ng bongga at ngayon ay parang binibiyak ang ulo ko.Nasaan ba ako ngayon? Nandito na ba ako sa aking kwarto? Bakit parang…bakit parang iba ang amoy ng kwarto ko. Hinay-hinay kong iminulat ang aking mga mata at napakusot ako upang mas luminaw ang aking paningin. Bahagya akong nagulat ng makita kong wala ako sa aking kwarto. Where am I? Bakit hindi ko maalala ang nangyari sa akin kagabi?“Ouch!” daing ko at napahawak ako sa aking balakang.Napadaing ako nang bigla akong makaramdam ng sakit sa aking baba… sa private part ko. Napatingin ako sa aking sarili at nanlalaki ang aking mga mata ng makita ko na iba na ang aking suot at… at wala na akong suot na bra! Sandali… parang alam ko na ang nangya
Last Updated: 2026-08-10
The Mayor's Sinful Affair

The Mayor's Sinful Affair

At 28 years old, Aubrielle Allison Caballero returns to Andalucia carrying a name that commands power, fear, and influence. Born into the province’s most dominant political dynasty, her future was meant to be written in government halls—but Aubrielle chose a different path. Determined to become a doctor, she comes home hoping to rebuild her life on her own terms. Now 29, Emilio Fidel Valencia has transformed into a respected and formidable leader. Once a quiet boy watching from the sidelines, he now stands at the forefront of a town determined to rise from years of political control. But behind his strength lies a past deeply scarred by the Caballero name. When fate forces Aubrielle and Emilio back into each other’s lives, unresolved emotions ignite beneath layers of pride, anger, and unfinished history. What begins as tension slowly becomes something far more dangerous—a love neither of them planned, yet neither can deny. As political ambitions clash and long-buried truths threaten to surface, they must choose between loyalty to their legacies and the undeniable pull of their hearts. In a province ruled by power and haunted by the past, love may be the only thing strong enough to change everything.
Read
Chapter: KABANATA 56
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 56AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. “W-What did you say?” Hindi ko makapaniwala na nasabi ko iyon sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Emilio sa akin. Sigurado ba talaga siya na ang mga magulang ko ang may kagagawan no’n sa lola niya?“Sigurado ka ba na ang mga magulang ko ang may gawa no’n?” muling tanong sa kanya. Nakita ko na nagsalubong ang kanyang mga kilay na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. “Sigurado ka rin ba na hindi kayang gawin ng mga magulang mo ang pinaparatang ko sa kanila?” tanong niya rin pabalik sa akin. Naniningkit na rin ang aking mga mata ngayon at hindi ko nagugustuhan kung saan patungo itong pag-uusap naming dalawa ngayon. I don’t want us to fight. I missed him so much. I want us to fix whatever misunderstandings that we had in our relationship. “Emilio, can we stop talking about it? Can we talk about our problem in the relationship instead?” mahinahon kong sabi sa kanya.Hindi siya nagsalita; naka
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: KABANATA 55
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 55AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. PAPAUWI NA kami ngayon sa Pilipinas at sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, makakauwi na ako sa Pilipinas at makikita ko na talaga si Emilio. Ilang beses ko na siyang tinatawagan o tini-text, pero hindi niya nirereplyan ang mga messages ko sa kanya, at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kailangan kong malaman kung bakit hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Sobrang saya ko na rin talaga ngayon dahil makakalaya na rin ako kay Sean. Araw-araw niya akong binubuwisit doon sa New York, at wala akong choice kundi pakisamahan siya dahil kasama rin namin ang kanyang mga magulang. May mga pagkakataon na pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal namin ni Sean, pero agad ko itong iniiwasan sa usapan dahil hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon. Ngayon ay pauwi na ako sa Pilipinas at magkikita na ulit kami ni Emilio. “Mia!” napatili ako sa sobrang saya nang makita
Last Updated: 2026-06-08
Chapter: KABANATA 54
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 54AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW.WALA NA AKONG balita kay Emilio, kaya para na rin akong mababaliw dito sa New York. Dalawang araw na siyang hindi nakokontak at nag-aalala na talaga ako nang sobra sa kanya. Kaya ngayon ang ginawa ko na lang ay tawagan ang kapatid ko na si Mia na malapit din kay Emilio. Noong una ay hindi kaagad nasagot ng kapatid ko ang aking tawag. Siguro ay dahil natutulog na ito, o hindi naman ay busy? Umaga kasi ako tumawag sa kanya, kaya probably ay gabi na doon sa Pilipinas.Makalipas ang ilang minuto ng pagtawag sa kapatid ko, sinagot na talaga ni Mia ang aking tawag.“Mia!” Masayang nabanggit ko ang kanyang pangalan ngayon nang masagot niya ang tawag ko sa phone. Matagal na nakakapagsalita ang kapatid ko sa kabilang linya, pero hindi ko na ‘to binigyan ng malisya dahil baka nagising ko siya sa tawag ko.“Hello, Brielle? Kumusta ka dyan sa New York?” tanong ni Mia sa akin sa kabilang linya. Nang itanong iyon ng aking kapa
Last Updated: 2026-03-11
Chapter: KABANATA 53
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 53AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG MISS KO na si Emilio! Wala akong ibang ginawa kundi makipag plastikan sa mga pinsan ko at sa buo kong pamilya. Wala akong close sa mga pinsan ko kahit na magkasing-edad lang kaming lahat. Mas lalo lang din akong nainis dahil katabi ko si Sean sa loob ng eroplano papuntang New York. Ang layo pa naman ng biyahe namin, kaya nakakairita talaga!Mas lalo akong nairita nang makita ko ulit ang pagmumukha ng kapatid ko na si Kuya Hugo. Ilang beses ko na siyang tiningnan, pero iniiwas niya ang tingin sa akin.“Anak, kanina ka pa tahimik…”Napatingin ako kay Mommy nang marinig ko ang kanyang boses. Nandito na kami sa bahay namin sa New York. Mas ginusto kong lumabas na muna sa bahay kaysa naman makipag plastikan sa mga pinsan ko. Ayoko na talaga rito, gusto ko nang umuwi.Kapag kasi nandito ako sa New York ay naaalala ko ang mga karanasan ko noon nang ipinatapon nila ako dito sa New York. Wala akong ibang kakampi
Last Updated: 2026-03-11
Chapter: KABANATA 52
THE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 52AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. NAGPATULOY ANG ganung setup naming dalawa ni Emilio—ang pagpunta niya rito sa aking kwarto ng walang nakakalam na ibang tao maliban sa akin, kay Mia, at kay Kuya Edgar. Oo, kasabwat namin si Kuya Edgar sa aming ginagawa. Kaya malaki rin talaga ang utang na loob namin para sa kanya, at nangako namin ni Emilio na babawi kami kay Kuya Edgar.Ngayon ay term break namin, at isang linggo kaming walang klase. Magiging masaya na sana ako dahil mas may oras na kaming dalawa ni Emilio sa isa’t isa, pero bigla na lang sinabi ni Mommy na pupunta kami ng New York dahil magbabakasyon kami ng pamilya namin. Wala akong magagawa dahil reunion na rin ito ng mga Caballero dahil pupunta rin ang grandparents ko, at ang mga kapatid din ni Daddy.Ayoko sana na sumama dahil mas gusto ko pa na nandito ako sa Andalucia at makasama si Emilio, pero alam ko na hindi papayag ang pamilya ko kapag sinabi ko iyon sa kanila.“Okay lang naman. Is
Last Updated: 2026-03-11
Chapter: KABANATA 51
SA: 511104 wordsTHE MAYOR’S SINFUL AFFAIRKABANATA 51AUBRIELLE ALLISON’S POINT OF VIEW. SOBRANG SAYA ko na makita ko si Emilio dito sa loob ng aking kwarto. Siya na talaga ang gumawa ng paraan para lang makita ako muli, lalo na’t delikado ang sitwasyon ko ngayon at marami akong mga guards na nakapalibot kapag lumalabas ako ng bahay. Noon kasi ay hindi siya mahigpit sa akin, at okay lang sa kanila na si Kuya Edgar lang ang kasama ko. At si Kuya Edgar naman ay mapagkakatiwalaan ko ng sobra kaya walang problema sa akin.At dahil sa nangyari sa akin, mas naging mahigpit na silang lahat. Kaya nagpapasalamat din talaga ako na hindi ako iniwan ni Emilio at nandyan siya para sa akin.“Lumayo na kaya tayo?”Natigilan ako ng sabihin iyon ni Emilio. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon sa akin. May gulat akong ekspresyon sa mukha ng sabihin niya iyon sa akin, pero may excitement din akong nararamdaman ng sabihin niya rin iyon sa akin. Gusto niya ba na lumayo na kami dito? Na
Last Updated: 2026-03-11
You May Also Like
My Professor Loves Me
My Professor Loves Me
Romance · coffeesu
3.6K views
My Love, Annie
My Love, Annie
Romance · GELIN
3.6K views
Hiding The Ceo's Son
Hiding The Ceo's Son
Romance · Lanie
3.6K views
Paid to Say I Do
Paid to Say I Do
Romance · MystiCat
3.6K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status