Share

Chapter 26

Penulis: MikasaAckerman
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-05 10:06:32

WALANG umiimik sa aming dalawa habang nasa loob ng kotse. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Napaka awkward tuloy ng hangin sa kanilang dalawa dahil sa nangyari. Isa pa ay gusto niyang sabunutan ang sarili niya dahil hinayaan niya itong halikan siya. Ano na lang ngayon ang iniisip nito? Na gusto niya ang nangyari?

Napakagat-labi na lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Gabi na ng mga oras na iyon. Panigurado na ihahatid na niya ako sa aking apartment. Alam naman na niya siguro kung saan niya ako ihahatid diba? Hindi na lang ako nagsalita at nanatili na lang tahimik habang nakaupo.

Hindi ko namalayan ay bigla na lang tumigil ang kotse at nang tingnan ko kung saan ito tumigil ay doon ko pa lang napansin na hindi pala iyon ang apartment ko sa halip ay isa itong restaurant. Mabilis siyang nakababa ng kotse at nagulat na lang ako nang bigla niya akong pagbuksan. Tiningnan niya ako ngunit agad akong nag-iwas ng tingin mula sa kaniya dahil parang hindi ko siya kay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 105- Huwag mo na siyang hanapin pa, wala na siya

    NAGSILABASAN na ang mga ugat sa noo ni Dalton dahil sa matinding galit habang nakaharap kay Philip ng mga oras na iyon. Halos sakalin ko na ito sa poot nararamdaman ko ng mga oras na iyon. “Saan mo dinala si Freya?!” nagtatagis ang mga bagang na tanong ko sa kaniya.Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng tinanong sa kaniya iyon ngunit hindi lang siya sumasagot sa halip ay nakangiti lang siya sa akin na mas lalo pang nagpapatindi ng galit ko. Kung ako lang ang masusunod ay buburahin ko ang mayabang na ngiti niya sa labi pero sa dami kasi ng pulis na nagbabantay sa amin ay hindi ko iyong magawa.“Bingi ka ba?! Saan mo siya dinala?!” ulit ko na namang tanong sa kaniya. Kuyom na kuyom ang mga kamay ko habang nakapatong sa mesa at halos bumaon na rin ang mga kuko ko sa aking palad.Hindi ko na ininda pa ang hapdi ng mga sugat ko at dumiretso kaagad sa presinto dahil ang akala ko, kapag nahuli na siya ay magsasalita na siya kaagad at ituturo kung saan niya dinala si Freya pero nagkakamal

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 104- Pag-aresto

    NAG-angat ako ng aking ulo nang bumukas ang pinto at pumasok si Kian. sa likod niya ay naroon ang dalawang pulis kahapon. Agad akong umayos ng upo at itiniklop ang aking laptop. “Kamusta ang imbestigasyon sir?” tanong ko kaagad.Hapon na ng mga oras na iyon at mabuti na lang, safe naman si Eros. kasama na nito sa bahay ko ang nag-aalaga ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita. Sinabi ko kasi kay Kian na idiretso niya na lang ito doon dahil baka mamaya ay mahawa pa ito ng sakit sa ospital. Mainam na ang nag-iingat.“Na-trace na namin kung sino ang nagmamay-ari ng number na huling kausap niya nitong mga nakaraang araw at napag-alaman naming ito ay si Philip Angellini.” sabi sa akin ng isang pulis na ikinakuyom ng mga kamay ko.Ibig sabihin ay nagsabwatan silang dalawa para lang kidnapin si Freya? Pero bakit? Anong dahilan? Hindi ba galit si lola sa pamilyang iyon dahil sa pagpatay ng mga ito sa aking ina? Kaya bakit? Wala akong maisip na ibang dahilan. Sapat na ba ang gal

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 103- Walang nakakaalam na ako ang dumukot kay Freya

    “Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta?” kaagad na tanong ng kanyang ina sa kaniya nang makita siya nito. Bumuntong-hininga lang ako. “May inasikaso lang ako.” sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tumingin sa nakahigang matanda sa kama na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa pala nagigising. “Anong balita sa kaniya?” Huminga ng malalim ang aking ina bago sumagot. “Nairaos naman ng maayos ang operasyon kaya nga lang ay hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising.” Agad ko siyang nilingon. “Hihintayin mo pa ba siyang magising Mommy?” Hindi naman siya makapaniwalang napatingin sa akin habang nalalaki ang mga mata. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya sa akin.Naglakad ako palapit rito. “Well, baka mas mainam kung hindi na siya gumising pa?” tanong ko at akma ko nang tatanggalin sana ang life support nito nang bigla na lang niya akong piningilan.“Anong ginagawa mo? Ama mo pa rin siya! Nahihibang ka na ba talaga Philip? Paano kung may makaalam? Sa tingin mo ba ay

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 102- Hihintayin ko siya, ililigtas niya ako

    “Anong ibig niyong sabihin? Nasa state siya ng coma?” tanong ko sa doktor ng aking lola. Kanina nang mawalan siya ng malay ay agad siyang isinugod sa ICU. Tinubuhan ito at kung ano-anong aparato na ang nakalagay sa katawan niya. Mula sa labas ng ICU ay kitang-kita ko ang itsura niya. Tumango naman ang doktor. “Mahina na ang puso niya at ngayon dahil sa halo-halong emosyon ay biglang nabarahan ang ugat ng puso niya.” sabi niya sa akin dahilan para mapakuyom ng mahigpit ang aking mga kamay.So ibig sabihin ay hindi pala ito nagsisinungaling nang sabihin nito na may sakit siya sa puso. Habang nakatayo at nakatingin sa kaniya na nakahiga sa kama ay kinakapa ko ang sarili kong damdamin.Ngunit kahit na anong kapa ko ay tanging galit lang ang nararamdaman ko. Nagtagis ang mga bagang ko. Paano pa namin malalaman ngayon kung nasaan si Freya kung wala naman na itong malay? Tanging ito lang sana ang makakapagturo kung nasaan si Freya pero bigla naman itong nagkaganun.“Salamat Dok.” sabi ko na

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 101- Paalam?

    NANGINGINIG ang buo kong katawan habang nakatayo sa tapat ng tumutulong tubig. Napakalamig ng tubig ngunit parang hindi ko ito maramdaman. Manhid ang buo kong katawan. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.Ang akala ko kanina ay hahalayin niya na ako ng tuluyan ngunit mabuti na lang ay tumigil siya. Kinuha niya nga lang ang aking mga damit at hinayaan niya akong magtatakbo nang wala man lang saplot sa aking katawan. Sa takot ko ay agad kong ini-lock ang pinto pagkapasok ko sa silid.Kasabay nang pagbagsak ng tubig mula sa aking ulo ay ang pagbagsak din ng aking mga luha. Napakagat-labi ako.“Dalton…”“Eros…” Naisip ko bigla ang mukha ng anak ko. Marahil tiyak na umiiyak na ito dahil hinahanap na ako. Ito pa lang ang unang beses na napalayo ako sa kaniya kaya tiyak na sobrang naninibago ito. Anong oras na. Ilang oras na ang nakalipas simula nang kidnapin ako ni Philip pero wala pa ring bakas ni Dalton.Wala ba talaga itong

  • One Night Stand With My Domineering Billionaire Boss   Chapter 100- Wala akong alam!

    “Paano nangyari iyon?” malamig na tanong ni Dalton kay Kian.Halos ilang oras na ang nakakaraan nang mag-umpisa silang maghintay kay Freya ngunit wala pa rin ito at hindi pa bumabalik. Dahil dito ay wala na kaming choice kundi ipa-check ang cctv dahil hindi naman naman siya matawagan at iniwan naman nito ang cellphone niya.Sa kuha ng cctv ay nakita itong lumabas ng ospital bandang alas dos ng madaling araw. Sa labas ay palingon-lingon ito na para bang may hinahanap at ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang lalaki. Dahil medyo madilim at may takip ang mukha nito ay hindi kaagad makilala ang mukha nito.Agad na napakuyom ang aking mga kamay. Sino naman kaya ang lalaking iyon at ano ang pakay niya kay Freya?“Wala ka pa rin bang lead kung sino ang taong iyon?” tanong ko kay Kian na puno ng pagkainip. Kung pwede lang akong bumangon ngayon dito sa kama ko at lumabas ay gagawin ko na kasi ay pinagbabawalan pa ako ng doktor na umalis dahil hindi pa magaling ang sugat ko at maging si Kia

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status