LOGINDahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ni Freya at iyon ay ang ipagkaloob ang isang sarili sa estranghero. Handa na sana niyang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon kaya lang ay muling nagkrus ang landas nila ng lalaking iyon dahil siya pala ang CEO ng kanilang kumpanya na ni minsan ay hindi pa niya nakikita sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya roon. Ang masakit pa ay tandang-tanda siya nito at hindi lang iyon, kinuha siya nitong personal na sekretarya ngunit front lang pala nito iyon para mapalapit sa kaniya. Mukhang wala itong balak na basta na lang kalimutan ang gabing namagitan sa kanila. Sa likod ng pagiging boss at sekretarya ay may isang relasyon ang mabubuo sa pagitan nila. Pero paano kung sa kalagitnaan ng relasyon nila ay bigla na lang silang subukin ng tadhana dahil maaksidente si Dalton at hindi na siya maaalala? Paano niya magagawang harapin ang sitwasyon lalo pa at buntis siya?
View MoreNANIGAS si Stacey sa kanyang kinatatayuan at hindi nakagalaw. Nanlalaki ang kanyang mga mata na napatingin kay Angelo na noong mga oras na iyon ay nakapikit na at feel na feel ang paghalik sa kaniya. Awtomatikong tumaas ang kamay niya at humawak sa dibdib nito, ang nasa isip niya ay itutulak niya ito dahil buo na nga ang desisyon niya na tapusin na ang kalokohan niya ngunit nang gumalaw ang mga labi nito at ipinasok ang dila sa loob ng bibig niya ay hindi naman na niya magawang itulak ito.Bagkus ay bumuka ang bibig niya para papasukin ang dila nito sa loob ng bibig niya hanggang sa unti-unti na niyang sinagot ang bawat paggalaw ng labi nito. Ilang sandali pa ay dahan-dahan ng pumikit ang kanyang mga mata. Ang kamay niya na nasa dibdib nito kanina ay unti-unti ng umakyat patungo sa leeg nito ay ipinulupot.Nang magdikit ang mga katawan nila ay parang sinilaban siya. Ramdam na ramdam niya ang unti-unting pagbalot ng init sa katawan niya lalo na nang gumalaw ang mga kamay ni Angelo at d
PAGKATAPOS ng meeting ni Angelo sa labas ay bigla siyang napatingin sa kanyang relo na suot niya. Halos mag-aalas otso na pala ng gabi. Sinulyapan niya si Stacey na tahimik na naglalakad sa tabi niya at pagkatapos ay sumakay sa kotse.Kanina pa ito tahimik sa totoo lang at hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit sa huli ay napabuntong hininga na lang siya. Wala naman siyang kapangyarihan para basahin ang isip nito.SAMANTALA, simula pa kaninang umaga ay pinag-isipan na ni Stacey ang lahat. Kung tsismis lang naman pala ang kumalat na balita tungkol sa pagiging engaged ng kanyang boss ay wala na siyang dahilan pa para ipagpatuloy ang kasunduan nila kaya nga lang ay paano niya sasabihin dito?Kanina pa siya humahanap ng tamang pagkakataon para sabihin dito ang tungkol dito ngunit hindi siya makahanap ng tamang oras para kausapin ito. Wala kasi itong tigil simula pa kaninang umaga. Puro ito meeting at ngayon pa lang natapos ang huling meeting niya. Napabuntong hining
APAT na taon na simula nang maging sekretarya niya si Stacey at hindi maiiwasan na magkaroon ng tsismis sa likod niya at nito. Pero dahil na rin sa pagsisipag ni Stacey ay mabilis din naman naglalaho ang mga ganung tsismis lalo na at nakita naman ng iba na talagang focus lang siya sa kanyang trabaho.Halos araw-araw ay magkasama silang dalawa sa loob ng apat na taon at kung sasabihin niya na ni minsan ay hindi niya napansin ang ganda nito sa loob ng ilang taon na iyon ay isa iyong kasinungalingan. Pero dahil nakikita niya na mahal nito ang trabaho nito ay talagang hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin, naglagay siya ng isang pader sa pagitan nilang dalawa lalo na at ayaw niyang ma-tsismis ito.Pero…“Kung anong gusto ko?”Patuloy ang pagtuloy ng tubig sa kanyang ulo habang inaalala ang lahat.“Will you sleep with me?”Napapikit siya ng mariin at napahawak sa dingding ng banyo para kumuha ng suporta at pagkatapos ay natawa sa kanyang sarili ng wala sa oras. “She’s driving me crazy…” bu
KASALUKUYAN ng lulan si Stacey ng taxi na si Angelo mismo ang tumawag pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan nilang dalawa. Pagkasara ng pinto ay muling ibinaba ni Stacey ang salamin ng kotse at tiningnan si Angelo na nakatayo pa rin sa harapan ng sasakyan. “Uhm, sigurado ba kayo sir na hindi ko na kailangang sumama sa meeting niyo ngayong gabi?” tanong niya rito.Nag-aalangan siya sa totoo lang dahil kung tutuusin ay kaya niya pa namang pumunta sa meeting kung siya lang ang tatanungin kaya lang kasi ay nagpumilit ito na huwag na raw siyang pumunta. Bahagya naman itong ngumiti nang marinig ang sinabi niya. “Okay lang, kaya ko na. Tyaka, pasensya ka na kung hindi kita maihahatid ngayon pauwi.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. “Don’t worry, I’ll be fine kaya huwag kang mag-alala. Isa pa, kailangan mong magpahinga.” sabi nito sa kaniya na may kinang sa mga mata at halos mag-init naman kaagad ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.“Lalo na at sinabi mo sa akin kanina na halos wal











![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore