Mag-log inPAGKATAPOS ng meeting ni Angelo sa labas ay bigla siyang napatingin sa kanyang relo na suot niya. Halos mag-aalas otso na pala ng gabi. Sinulyapan niya si Stacey na tahimik na naglalakad sa tabi niya at pagkatapos ay sumakay sa kotse.Kanina pa ito tahimik sa totoo lang at hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit sa huli ay napabuntong hininga na lang siya. Wala naman siyang kapangyarihan para basahin ang isip nito.SAMANTALA, simula pa kaninang umaga ay pinag-isipan na ni Stacey ang lahat. Kung tsismis lang naman pala ang kumalat na balita tungkol sa pagiging engaged ng kanyang boss ay wala na siyang dahilan pa para ipagpatuloy ang kasunduan nila kaya nga lang ay paano niya sasabihin dito?Kanina pa siya humahanap ng tamang pagkakataon para sabihin dito ang tungkol dito ngunit hindi siya makahanap ng tamang oras para kausapin ito. Wala kasi itong tigil simula pa kaninang umaga. Puro ito meeting at ngayon pa lang natapos ang huling meeting niya. Napabuntong hining
APAT na taon na simula nang maging sekretarya niya si Stacey at hindi maiiwasan na magkaroon ng tsismis sa likod niya at nito. Pero dahil na rin sa pagsisipag ni Stacey ay mabilis din naman naglalaho ang mga ganung tsismis lalo na at nakita naman ng iba na talagang focus lang siya sa kanyang trabaho.Halos araw-araw ay magkasama silang dalawa sa loob ng apat na taon at kung sasabihin niya na ni minsan ay hindi niya napansin ang ganda nito sa loob ng ilang taon na iyon ay isa iyong kasinungalingan. Pero dahil nakikita niya na mahal nito ang trabaho nito ay talagang hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin, naglagay siya ng isang pader sa pagitan nilang dalawa lalo na at ayaw niyang ma-tsismis ito.Pero…“Kung anong gusto ko?”Patuloy ang pagtuloy ng tubig sa kanyang ulo habang inaalala ang lahat.“Will you sleep with me?”Napapikit siya ng mariin at napahawak sa dingding ng banyo para kumuha ng suporta at pagkatapos ay natawa sa kanyang sarili ng wala sa oras. “She’s driving me crazy…” bu
KASALUKUYAN ng lulan si Stacey ng taxi na si Angelo mismo ang tumawag pagkatapos ng mainit na sandali sa pagitan nilang dalawa. Pagkasara ng pinto ay muling ibinaba ni Stacey ang salamin ng kotse at tiningnan si Angelo na nakatayo pa rin sa harapan ng sasakyan. “Uhm, sigurado ba kayo sir na hindi ko na kailangang sumama sa meeting niyo ngayong gabi?” tanong niya rito.Nag-aalangan siya sa totoo lang dahil kung tutuusin ay kaya niya pa namang pumunta sa meeting kung siya lang ang tatanungin kaya lang kasi ay nagpumilit ito na huwag na raw siyang pumunta. Bahagya naman itong ngumiti nang marinig ang sinabi niya. “Okay lang, kaya ko na. Tyaka, pasensya ka na kung hindi kita maihahatid ngayon pauwi.” paghingi nito ng paumanhin sa kaniya. “Don’t worry, I’ll be fine kaya huwag kang mag-alala. Isa pa, kailangan mong magpahinga.” sabi nito sa kaniya na may kinang sa mga mata at halos mag-init naman kaagad ang pisngi niya dahil sa sinabi nito.“Lalo na at sinabi mo sa akin kanina na halos wal
TUMIGIL si Angelo sa paghalik sa kaniya at bahagyang lumayo sa kaniya kaya bigla siyang natigilan. Napatitig siya rito. Napuno din ng pagkadismaya ang kanyang mukha dahil sa ginawa nito. Tumitig ito sa kaniya at pagkatapos ay nagsalita. “Stacey, sigurado ka ba talaga rito?”“Kapag sinabi mong hindi ay titigil ako…” dagdag pa nitong sabi sa kaniya kahit na bakas sa mukha nito ang matinding pagnanasa. Ang mukha nito ay namumula na at ang mga mata nito ay namumungay na. Napalunok siya at napatitig sa gwapong mukha nito.Ngayon pa ba siya aatras pagkatapos ng lahat? Nandito na sila sa sitwasyong iyon kaya hindi na dapat pang umatras siya. Mabilis niyang itinaas ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay ikinawit sa may leeg nito bago niya ito hinila palapit sa kaniya. “Hindi. Huwag kang tumigil sir.” sabi niya rito habang nag-iinit ang kanyang pisngi.Nakita niya kung paano nagtaas baba ang adam’s apple nito dahil sa naging sagot niya na para bang naging dahilan iyon para mawalan ito ng kontr
NASA loob na silang dalawa ng elevator ng mga oras na iyon. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo kanina at sundan ito. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakita niya ngang may message nga ito sa kaniya na hindi nga niya napansin.Kasabay nito ang pagkatanggap niya ng mesagge sa kaniya ni Maureen. “Nagseselos siya girl!” iyon ang nakalagay sa message nito na nagpop up lang sa screen ng kanyang cellphone. Napaismid na lang siya nang mabasa ito. Imposible!“Stacey, anong oras ang meeting ko with the other construction company?” bigla niyang narinig ang tinig ng kanyang boss na tinatanong siya. Bigla niyang itinago sa kanyang likod ang kanyang cellphone at nilingon ito.“Uhm, 6 ngayong gabi sir.” mabilis na sagot niya rito.Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Dahil na rin sa sinabi niya kanina ay halos hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito, hiyang-hiya siya sa totoo lang kaya agad siyang nag-iwas ng kanyang mga mata. “Importante ba ang tawa
NATIGILAN si Angelo nang marinig niya ang sinabi ni Stacey. Agad na nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay at hindi makapaniwalang napatingin dito na para bang isang malaking pagkakamali ang kanyang narinig.“Stacey, what? Seryoso ka ba?” hindi niya alam kung ano ang dapat niyang itanong dahil sa sinabi nito.Samantala, sunod-sunod naman ang naging paglunok ni Stacey. ‘Shit, ano bang ginawa ko? Bakit ko ba sinabi iyon?’ hindi niya napigilang sabihin sa loob-loob niya.Akala niya ay sa sarili niya lang iyon nasabi ngunit hindi niya akalain na nasabi niya talaga dito iyon. Halos mamula ang kanyang mukha sa sobrang kahihiyan. Mabilis siyang napayuko at napatakip sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay. Hiyang-hiya talaga siya. “Pa-pasensya na po kayo sir. Uhm, kunwari ay hindi niyo na lang iyon narinig. Medyo, nawawala kasi ako sa katinuan ko ngayon kaya ko nasabi iyon.” sabi niya at pagkatapos ay mabilis na tinalikuran ito.Ramdam niya ang labis na pag-iinit ng kanyang mukha. Na







