"Magz, pinapapunta ka ni Boss sa office niya," boses ni Ellen ang umalingawngaw sa kabuuan ng operation department.
Napatingin siya sa direksyon ni Ellen na siyang kakapasok lamang ng kanilang opisina. Unlike other departments, where each one has a dedicated cubicle, their department office is different.
Pagkapasok mo ay isang malaking round table meeting na good for 20 persons ang bubungad sa'yo. Nasa kanang bahagi ng pinto naman ang malaking organizer shelves na nakalaan sa bawat district team. Sa kabilang bahagi naman ay ang mga office supplies na nakalaan sa department nila at iba pang office equipment. At sa kaliwang bahagi ang malaking TV LED screen na nagsisilbing stage para sa presentation.
Sinadya ang design dahil ang department nila ay hindi naman madalas sa opisina. Nasa field, nasa branch sila sa buong limang araw ng isang linggo. Napapadpad lamang sila ng kanilang opisina sa tuwing monthly or urgent meeting, product rollout or training, contract signing or franchise meeting, opening of new branch conference, liquidation submission and or worst makakatanggap ng summon.
“May restricted bonus siguro matatanggap ang isang ito,” nagbibirong saad ni Shaira.
Napangiti ang dalaga sa tinuran ng kapwa district manager. “Si OM ba andun din?” tanong niya kay Ellen na humahakbang na patungo sa napag-iwanan nitong upuan.
Malapad ang ngiti na gumuhit sa labi nito saka mariin na tumango. “Nandun din iyong gwapong best friend ni Boss,” kinikilig nitong sabi.
Napangiti na lamang si Magz habang napapailing sa narinig. Sa isang buwan halos dalawang beses lang sila nagkakasama-samang apat na district manager kaya hindi talaga nila maiwasan na ma-miss ang isa’t-isa.
“Kinikilig ang buntis! Behave yourself, Ell!” si Desiree ang sumita kay Ellen.
Napasimagot si Ellen at pinakatitigan ng masama si Desiree. “Hoy, Des! Normal iyan sa’tin na mga babae kapag nakakakita ng vitamin sa mga mata. Eh, kahit kayo! Talagang malo-loose thread ang panty pag makakita ng ganung kagwapo, ano!” kastigo nito sa kasama.
“Wow! Talagang malo-loose thread iyong panty ko?” pang-aasar na turan ni Desiree. Nasa mukha nito ang matiniding pagpipigil na hindi matawa sa reaksyon ng buntis.
Napailing na lamang si Magz habang inaayos ang mga documents na kaka-print niya lang at dadalhin sa 10th floor sa opisina ng kanilang CEO.
Malakas na tawanan na ang humari sa kabuuan ng kanilang opisina.
“Believe me mga madam, super hot at gwapo talaga ng best friend ni Boss. Ang chikka sakin ni Rhea kababalik lang daw nun last monday from States at halos araw-araw daw iyon dito. Pinauwi ng pamilya dahil ikakasal sa alam niyo na, isa din sa mga anak ng bilyonaryo dito sa Pilipinas,” kwento ni Ellen.
“Kaya pala ang tagal mo bago nakabalik. Naki-tsismis ka pa pala roon,” komento ni Shaira.
“Hindi pa kasi agad ako pinapasok ‘no! At isa pa, si Rhea ang nag-open up tungkol dun sa best friend ni Boss. Kaya nga bothered at curious na curious ako na makita iyong gwapong iyon nung pinapasok na ako,” depensa ni Ellen.
Ang Rhea na tinutukoy ni Ellen ay ang sekretarya ng kanilang binatang Boss.
“Magz, baka magka-chance ka mamaya na makunan iyon ng picture, ipakita mo samin agad,” bungad ni Desiree nang makalapit siya ng kanilang round table.
Napatingin ang dalaga sa kinaroroonan ni Desiree saka umiling ng ikatatlong beses. “Huwag niyo na nga ako idamay sa kung anumang kalokohan ang naglalaro dyan sa isip niyo,” nakangiti niyang angal sa mga ito.
“Hoy, Marga! Masyado kang seryoso sa life! Tigilan mo iyang bisyo na iyan, hindi iyan nakakabuti! Lalo na sa’yo na dalaga pa. Dapat hindi ka lang parate nasa mundo ng trabaho natin. Habang single ka pa, enjoy your life, dai!” pangaral ni Shaira.
Sa kanilang apat si Shaira ang senior district manager nila, at ang pinakamatagal na rin sa kompanya. Assistant manager pa ito nang magsimula sa kanilang kompanya na pinagtatrabahuan hanggang sa na promote.
Lahat naman silang apat ay parehong na-promote. Si Elle ay mahigit fifteen years na rin. Habang sila ni Desiree ay halos batchmate lang nang magsimula sa kompanya ngunit galing sila sa iba’t-ibang district.
Ang kaibahan nga lang niya sa tatlong kasama, maliban siya ang pinakabata, maaga siyang na-promote, hindi nagsimula sa assistant manager na position. Hired siya as branch manager, at tatlong taon pa lamang siya sa kompanya ay na-promote agad siya sa pagiging area manager. At pagkatapos ng tatlong taon mula nung una siyang na-promote ay nag-level up din agad siya sa position niya ngayon.
“Naku, ate Des, this way ko nae-enjoy ang single life ko, okay?” sagot niya habang hinahanda ang dadalhing laptop.
“Iyong ganitong usapan niyo ha, alam na alam ko na talaga saan ang punta nito,” natatawa niyang banta sa mga ito.
Napahagikgik naman ang tatlo sa sinabi niya. Aside na siya ang pinakabata sa kanilang apat ay siya na lang din ang single. Kaya sa tuwing nagkikita silang apat, siya ang madalas na topic ng mga ito para ma-chill sa heavy pressure ng kanilang trabaho.
“Lambingin niyo na lang si IT sa 8th floor para masilip iyang lalaking pinag-uusapan niyong iyan,” suhestiyon niya bago tinahak ang distansya palabas ng kanilang opisina.
Nahagip pa ng kanyang peripheral vision na nagkapalitan ng tingin ang tatlo. Tila na-realize ng mga ito ang sinabi niya bago siya tuluyang lumubas ng pinto.
Mahigit walong taon na siya sa kompanya. Ang assigned district or region niya ay ang buong region ng Mindanao. Si Desiree naman sa Visayas samantala pinaghatian nina Shaira at Ellen ang Luzon.
Depende sa ilang branch meron sa isang lungsod o region ang handle nilang Area Manager. Ang ginawa niya sa kanyang district, ang twelve branch nila sa Davao ay hinati niya sa kanyang anim na area manager, at binigyan ng assign region ang bawat isa.
“Hello, Madam Marga! I miss you so much!” bati sa kanya ni Rhea nang mapatingin ito sa kanyang direksyon.
She pouted her lips in hesitation. Hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng iba’t-ibang compliment mula sa mga katrabaho. Kung hindi tungkol sa kanyang performance ay mas madalas sa taglay niyang physical appearance.
“Miss you din, Madam. Pwede na ba akong pumasok?” direkta niyang tanong dito.
Kahit ilang beses niya ng nakaka-face-to-face meeting ng solo ang binata nilang CEO ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing nakakaharap ito. Maliban kasi sa kaba ay pinagsisikapan niyang hindi mahalata na kinikilig siya sa tuwing nakikita ito.
“Sandali, Ganda. Itatanong ko muna. Nasa conference iyon ngayon kasama ang OM niyo, training at marketing head. Iyong hot niyang best friend ang una mong makikita pagkapasok mo sa pintong iyan,” nakangiti nitong pahayag sabay turo sa pinto ng opisina ng kanilang CEO saka nag-dial sa intercom phone nito.
Natigalgal ang dalaga sa bigat ng tanong ng amo. Para bang nanlamig ang kanyang mga daliri at nanuyo ang lalamunan niya. Wala siyang agad na maapuhap na salita upang maibalik ang sagot, tila naipit sa pagitan ng kaba at pagkagulat. Halos hindi niya magawang ikurap ang mga mata; gusto man niyang umiwas sa matalim na titig ni Miguel ay tila ba nakagapos siya roon. Paano niya sasagutin ang tanong na iyon? Alam naman niyang darating ang sandaling haharapin niya ito—lalo na matapos ang lahat ng nangyari noong nasa Zamboanga sila. At ngayong narito na, pakiramdam niya’y wala siyang matatakbuhan kundi ang bigat ng sariling damdamin. Lalo na’t bakas sa mga mata ni Miguel ang hayagang paghihintay ng kasagutan, tila ba bawat segundo ng pananahimik niya’y lalo lamang nagpapatindi sa katanungang nakabitin sa pagitan nila. Sasabihin na ba niya rito ang totoo—na nakikipaghalikan na siya sa matalik nitong kaibigan kahit wala pa namang malinaw na relasyon? Na para kay Xander ay tila opisyal
She quietly drew in a deep breath, pushing down the tangle of emotions within her, before slipping on her business-like smile mask, hiding the conflict she refused to show. "Good morning, Boss!" masigla niyang bati saka bahagyang niyuko ang ulo. Marga swallowed hard, trying to suppress the uneasiness twisting inside her. She forced herself to keep her smile steady, not wanting to appear shaken under Miguel’s piercing gaze. Yet, the longer his eyes lingered—cold, unreadable, and quietly dominant—the more her composure wavered. A part of her wanted to look away, but pride rooted her in place, silently daring herself not to break under the weight of his stare. Still, a question gnawed at her. What was he thinking behind those unreadable eyes? Was he angry, amused, or hiding something far more complicated? The silence between them pressed heavily, fueling her curiosity and leaving her restless for answers she couldn’t yet grasp. "Ma-may problema ba, Boss?" Tanging naisip niyang
Napahawak ng mahigpit ang dalaga sa kanyang munting vanity table. Ang ganitong gawi ng binata ang hindi niya kayang sunggaban. Gusto niyang mainis rito pero ang kabilang bahagi ng sarili niya ay lihim na natutuwa at tila kinikilig pa gayung batid niya na maaaring kasinungalingan lamang ang lahat. Wala na siyang nasabi kundi magpakita ng kunot-noong reaksyon na tila sinusubukang intindihin ang sinasabi ni Xander. Iyon lang ang naisip niyang pinakaligtas na paraan ng pagtugon—hindi mabigyan ng ibang kahulugan ng binata na sumasang-ayon o sumasalungat siya, at higit sa lahat hindi na naman siya nito da-dramahan. "Kailan ba kasi uwi mo?" pag-iiba niya ulit sa usapan sa mahinahon na boses. Ayaw niya naman na mabosesan ng binata na parang nangungulit at atat sa pagbalik nito. Lalong lumapad ang pilyo na ngiti sa binata at bahagya pa nito nakagat ang pang-ibabang labi. Nangusot naman ang noo ng dalaga sa nakitang reaksyon sa binata. Alam na alam niya na ang sunod na sasabihin nito.
Napigil niya ang kanyang hininga nang magtama ang kanilang mga mata—parang biglang tumigil ang oras. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Tatakbo na ba siya? O haharapin ito at isusumbat ang lahat, diretsahan? Wala siyang nakitang anumang kilos na kaduda-duda mula rito. Maging ang mga mata nito, tila ba ngumingiti nang taos sa puso. Pero isang bahagi sa kanya ang kumakabog sa pag-aalinlangan. O baka naman… mahusay lang talaga ito manloko? Ilang segundo rin silang nagtitigan bago iyon tuluyang naputol sa muling pagtunog ng cellphone ng lalaki. Mabilis itong nagpaalam sa kanya, sabay talikod upang sagutin ang tawag. Hindi maipaliwanag ni Marga kung bakit kusa siyang napailing, kahit pa binalot ng kaba, takot, at pagdududa ang kanyang dibdib. Para bang may kung anong bumubulong sa kanya na maghanda… o tumakbo. Muling napalingon si Marga sa Van—at agad siyang kinilabutan. Huminto ito… eksaktong nasa tapat nila, sa kabilang panig ng kalsada, para bang may hinihintay. 'Rel
Napapitlag sa gulat ang dalaga at natigil sa paghakbang nang maramdaman ang kamay na tumapik sa kanyang kanang balikat. "I'm sorry, Miss, kung nagulat kita," bungad sa kanya ng lalaki nang magtama ang kanilang paningin. Bahagyang nangunot ang kanyang noo dahil pakiramdam niya nakasalamuha na ito noon, hindi nga lang niya maalala. "Yes?" Takang-tanong niya rito. "Gusto ko lang sanang itanong kung saan banda ang Purok 16," anito sa mahinahong tinig, kasabay ng pag-angat ng isa nitong kilay na tila nahihiwagaan. "Parang malalim ang iniisip mo kanina kaya hindi mo ako narinig," dagdag pa nito habang bahagyang napapailing at may kunot ang noo—halatang nag-aalalang baka nakasagasa ng damdamin. "Pasensya na kung nagulat ka sa pagtapik ko," pahabol pa nito sa malumanay at paumanhing tinig, sabay ng alanganing ngiti at bahagyang pagyuko bilang tanda ng paggalang. "Ahhh!" Tanging salita na lumabas sa kanyang bibig habang pilit na iginuguhit ang ngiti sa labi. Hindi niya maikakai
Pabagsak na napaupo si Jhadie saka malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Halatang pagod na pagod ang mukha nito, at bahagyang napapikit habang pinapawi ang tensyon. "Salamat naman at natapos din tayo sa isang 'to!" aniya sa inis-halakhak na tono, kasabay ng pag-ikot ng mga mata at pilit na ngiting may halong pagod. Naipikit ni Marga ang mga mata at lihim na nagpapasalamat sa maykapal na natapos din ang malaking unos na kinaharap nila for almost three days. Tatlong araw pa lamang mula nang magbukas ang kanilang branch ay agad silang nakatanggap ng reklamo mula sa isang customer kaugnay ng umano’y food poisoning. Ayon sa reklamo, nakaranas daw ng matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka ang customer ilang oras matapos kumain ng pagkaing binili sa kanilang restaurant. Bilang patunay, nagpakita rin ang customer ng medical laboratory result na nagpapakita ng findings na posibleng may kaugnayan sa kinonsumo nitong pagkain. Dahil dito, nag-demand ang customer ng danyos bilang