Ang apartment niya ay may mumunting sala na para sa apat na tao, may isa ding CR at kusina. Ngunit isa lang ang kanyang kwarto. Hindi niya alam kung ilang square meter ang kabuuan nu’n pero sigurado siya na times three ng laki ng apartment niya ang opisina ng kanyang CEO.
Pagkapasok niya sa opisina ay hindi agad makikita ang CEO’s office table, kung hindi ang good for five person na hallway. Ang nasa kanang bahagi niya ay ang glass panel ng sariling conference room ng CEO. Mahigit sampung metro din ang haba nu’n, saka iluluwa ang munting sofa ng opisina, at sa pinakadulo ang office desk ng kanilang CEO.
Natigil siya sa paghakbang nang magtama ang kanilang paningin ng lalaki na marahil ang best friend ng kanilang CEO. Naka-dekwarto itong nakaupo sa swivel chair ng kanyang CEO habang hawak-hawak ang phone nito.
Kitang-kita niya kung paano siya nito pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, saka muli siyang pinakatitigan sa kanyang mukha. Daig pa niya pa ang walang saplot sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya.
Ang hugis ng makinis nitong mukha ay ang younger version na bad boy look ni Brad Pitt. Squared-face kaya napaka-masculine ang impact, very dominating, and his angled jawline makes him a hyper-attractive face. His straight nose bridge and narrow nostrils complement his strong aura.
Ngunit almond-shape ang mga mata nito na pinaresan ng makakapal at itim na itim na eyelashes, at bumagay rin ang makapal nitong eyebrow na straight shape. Mas kissable ang mga labi nito kaysa kay Brad Pitt.
Hindi nga niya masisi ang naging reaksyon at komento ni Ellen tungkol sa lalaking katitigan niya ngayon. Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi nito at tila slow motion na tumayo, habang nakatitig pa rin sa kanya.
She plastered on her business-like smile. Hindi niya pwede ito tarayan o bastusin, dahil maliban sa suot niya ang kanyang uniporme at nasa loob mismo ng opisina ng CEO, ay matalik na kaibigan ito ng kanyang boss.
Ibinulsa nito ang isang kamay habang humahakbang palapit sa kanyang kinatatayuan. Kimi pa nitong sinuklay ang buhok gamit ang isang kamay, animo’y nagpapa-cute sa kanya at ang mga mata nito tila nang-aakit, naghahalina.
Kung hindi siya nagkakamali mas matangkad ito kaysa sa kanyang binatang CEO. Mariin niyang naikuyom ang isang kamao upang mapigilan ang sarili na hindi ito irapan. Nanggigigil siya sa dating nito—ang yabang lang at gwapong-gwapo sa sarili.
Ayaw na ayaw niya talaga sa mga lalaking katulad nito, na ang pakiramdam ay natatanging nilalang sa mundo. She moistened her lips and swallowed hard to contain the annoyance coursing through her veins.
“Perhaps you are Margarette?” he said charmingly when he was only three steps away from her.
Tinanguan niya ito ng ilang beses bilang sagot sa tanong nito. Hindi niya na ikinataka pa ang naging katanungan nito dahil sa pag-intercom phone ni Rhea kanina.
“Good morning!” maiksi niyang bati saka binigyan ito ng business-like smile.
“Never did I expect my morning here to be this great after seeing you, Margarette,” he said softly, winking at her seductively.
Kusang tumirik ang isa niyang kilay sa narinig mula rito.
Sabi na nga ba, may kulang din na turnilyo ang utak nito,
Even yet, she manages to alter her face by giving him a glimpse of her innocence.
“Pardon, Sir?” she asked innocently.
Napangiti ito na tila nawiwili sa naging takbo ng kanilang usapan. Bahagya nitong ibinaba ang mukha upang magpantay ang kanilang mga mata. Hanggang balikat lang siya ng lalaki. Nakasuot siya ng three-inch heels kaya tantya niya talagang hanggang kili-kili lang siya nito.
“Are you still single?” he asked softly, seductively.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa direktahan nitong tanong. Hindi pa nga nito nagagawang ipakilala ang sarili ay ganun ito agad kung makatanong.
“Margarette,” tawag ng lalaki mula sa kanyang likuran.
Napapitlag siya nang makilala ang boses na iyon. Nakagat niya ang kanyang labi dahil sa pagbangon ng magkahalong kaba at excitement sa kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
“Let’s get started, kaya pumasok ka na,” ma-awtoridad nitong sabi nang magtama ang kanilang mga paningin.
“Wait, Bro!” awat naman ng preskong lalaki kaya muli siyang napaharap rito.
Nakakalokong ngiti ang gumuhit sa maninipis nitong mga labi na nakipagtitigan sa kanyang Boss. Nakakibit-balikat na ito at mabilis siyang kinindatan nito, saka muling binigyan ng pilyong ngiti at tingin ang kanyang CEO na si Miguel.
“Introduce me first to this beautiful woman,” he demanded.
Napakurap si Marga sa bluntness nitong taglay. Hindi niya tuloy magawang harapin ang kanyang boss. Naramdaman niya ang pagkawala ng malalim na paghinga ng kanyang amo, kaya mas lalo siya nakadama ng kaba.
“Marga,” malambing na tawag ng kanyang boss.
Lumunok muna siya bago hinarap muli ang amo. Halos mapigil niya ang kanyang hininga sa tila pagdilim ng anyo nito. Hindi niya alam kung nagagalit ba ito sa kanya o sa kaibigan nito.
Ganitong-ganito ang anyo nito kapag nagagalit. Nagsalubong ang tila arched-shaped na makakapal nitong kilay. At kahit galit itong tingnan ay napakagwapo pa rin nito para sa kanya. Kasing amo ng mukha nito ang idol niyang si Rico Yan, pero mas gwapo at malakas ang sex appeal nito kaysa sa kanyang idolo.
“Pumasok ka na. Huwag mo ng pansinin ‘tong kaibigan kong si Xander,” mariin nitong utos sa kanya.
Hindi na nag-atubili pa ang dalaga at mabilis na sinunod ang utos ng kanyang Boss. Ngunit bago pa man niya nagawang ihakbang ang kanyang paa, naramdaman niya ang mahigpit na kamay na pumigil sa kaliwang braso niya.
Halos manigas ang kanyang leeg sa kakaibang epekto ng balat nito sa bawat himaymay ng kanyang kalamnam. Tila libo-libong bultahe ng kuryente ang biglang dumaloy ng mabilis sa kabuuan ng kanyang sistema.
Kusa siyang napaharap sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. Akmang babawiin niya ang kamay mula rito, ay mabilis siyang hinapit palapit sa katawan nito. Mabilis niyang naitukod ang hawak-hawak na laptop, upang hindi tuluyang masubsub sa malalapad at matikas nitong dibdib.
“Not so fast, Baby. I wanted to know if you could be mine,” he whispered seductively in her ear.
Natigalgal ang dalaga sa bigat ng tanong ng amo. Para bang nanlamig ang kanyang mga daliri at nanuyo ang lalamunan niya. Wala siyang agad na maapuhap na salita upang maibalik ang sagot, tila naipit sa pagitan ng kaba at pagkagulat. Halos hindi niya magawang ikurap ang mga mata; gusto man niyang umiwas sa matalim na titig ni Miguel ay tila ba nakagapos siya roon. Paano niya sasagutin ang tanong na iyon? Alam naman niyang darating ang sandaling haharapin niya ito—lalo na matapos ang lahat ng nangyari noong nasa Zamboanga sila. At ngayong narito na, pakiramdam niya’y wala siyang matatakbuhan kundi ang bigat ng sariling damdamin. Lalo na’t bakas sa mga mata ni Miguel ang hayagang paghihintay ng kasagutan, tila ba bawat segundo ng pananahimik niya’y lalo lamang nagpapatindi sa katanungang nakabitin sa pagitan nila. Sasabihin na ba niya rito ang totoo—na nakikipaghalikan na siya sa matalik nitong kaibigan kahit wala pa namang malinaw na relasyon? Na para kay Xander ay tila opisyal
She quietly drew in a deep breath, pushing down the tangle of emotions within her, before slipping on her business-like smile mask, hiding the conflict she refused to show. "Good morning, Boss!" masigla niyang bati saka bahagyang niyuko ang ulo. Marga swallowed hard, trying to suppress the uneasiness twisting inside her. She forced herself to keep her smile steady, not wanting to appear shaken under Miguel’s piercing gaze. Yet, the longer his eyes lingered—cold, unreadable, and quietly dominant—the more her composure wavered. A part of her wanted to look away, but pride rooted her in place, silently daring herself not to break under the weight of his stare. Still, a question gnawed at her. What was he thinking behind those unreadable eyes? Was he angry, amused, or hiding something far more complicated? The silence between them pressed heavily, fueling her curiosity and leaving her restless for answers she couldn’t yet grasp. "Ma-may problema ba, Boss?" Tanging naisip niyang
Napahawak ng mahigpit ang dalaga sa kanyang munting vanity table. Ang ganitong gawi ng binata ang hindi niya kayang sunggaban. Gusto niyang mainis rito pero ang kabilang bahagi ng sarili niya ay lihim na natutuwa at tila kinikilig pa gayung batid niya na maaaring kasinungalingan lamang ang lahat. Wala na siyang nasabi kundi magpakita ng kunot-noong reaksyon na tila sinusubukang intindihin ang sinasabi ni Xander. Iyon lang ang naisip niyang pinakaligtas na paraan ng pagtugon—hindi mabigyan ng ibang kahulugan ng binata na sumasang-ayon o sumasalungat siya, at higit sa lahat hindi na naman siya nito da-dramahan. "Kailan ba kasi uwi mo?" pag-iiba niya ulit sa usapan sa mahinahon na boses. Ayaw niya naman na mabosesan ng binata na parang nangungulit at atat sa pagbalik nito. Lalong lumapad ang pilyo na ngiti sa binata at bahagya pa nito nakagat ang pang-ibabang labi. Nangusot naman ang noo ng dalaga sa nakitang reaksyon sa binata. Alam na alam niya na ang sunod na sasabihin nito.
Napigil niya ang kanyang hininga nang magtama ang kanilang mga mata—parang biglang tumigil ang oras. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Tatakbo na ba siya? O haharapin ito at isusumbat ang lahat, diretsahan? Wala siyang nakitang anumang kilos na kaduda-duda mula rito. Maging ang mga mata nito, tila ba ngumingiti nang taos sa puso. Pero isang bahagi sa kanya ang kumakabog sa pag-aalinlangan. O baka naman… mahusay lang talaga ito manloko? Ilang segundo rin silang nagtitigan bago iyon tuluyang naputol sa muling pagtunog ng cellphone ng lalaki. Mabilis itong nagpaalam sa kanya, sabay talikod upang sagutin ang tawag. Hindi maipaliwanag ni Marga kung bakit kusa siyang napailing, kahit pa binalot ng kaba, takot, at pagdududa ang kanyang dibdib. Para bang may kung anong bumubulong sa kanya na maghanda… o tumakbo. Muling napalingon si Marga sa Van—at agad siyang kinilabutan. Huminto ito… eksaktong nasa tapat nila, sa kabilang panig ng kalsada, para bang may hinihintay. 'Rel
Napapitlag sa gulat ang dalaga at natigil sa paghakbang nang maramdaman ang kamay na tumapik sa kanyang kanang balikat. "I'm sorry, Miss, kung nagulat kita," bungad sa kanya ng lalaki nang magtama ang kanilang paningin. Bahagyang nangunot ang kanyang noo dahil pakiramdam niya nakasalamuha na ito noon, hindi nga lang niya maalala. "Yes?" Takang-tanong niya rito. "Gusto ko lang sanang itanong kung saan banda ang Purok 16," anito sa mahinahong tinig, kasabay ng pag-angat ng isa nitong kilay na tila nahihiwagaan. "Parang malalim ang iniisip mo kanina kaya hindi mo ako narinig," dagdag pa nito habang bahagyang napapailing at may kunot ang noo—halatang nag-aalalang baka nakasagasa ng damdamin. "Pasensya na kung nagulat ka sa pagtapik ko," pahabol pa nito sa malumanay at paumanhing tinig, sabay ng alanganing ngiti at bahagyang pagyuko bilang tanda ng paggalang. "Ahhh!" Tanging salita na lumabas sa kanyang bibig habang pilit na iginuguhit ang ngiti sa labi. Hindi niya maikakai
Pabagsak na napaupo si Jhadie saka malalim na buntong-hininga ang pinakawalan. Halatang pagod na pagod ang mukha nito, at bahagyang napapikit habang pinapawi ang tensyon. "Salamat naman at natapos din tayo sa isang 'to!" aniya sa inis-halakhak na tono, kasabay ng pag-ikot ng mga mata at pilit na ngiting may halong pagod. Naipikit ni Marga ang mga mata at lihim na nagpapasalamat sa maykapal na natapos din ang malaking unos na kinaharap nila for almost three days. Tatlong araw pa lamang mula nang magbukas ang kanilang branch ay agad silang nakatanggap ng reklamo mula sa isang customer kaugnay ng umano’y food poisoning. Ayon sa reklamo, nakaranas daw ng matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka ang customer ilang oras matapos kumain ng pagkaing binili sa kanilang restaurant. Bilang patunay, nagpakita rin ang customer ng medical laboratory result na nagpapakita ng findings na posibleng may kaugnayan sa kinonsumo nitong pagkain. Dahil dito, nag-demand ang customer ng danyos bilang