LOGIN
“Audrey, hija…” Sandaling napatigil si Audrey sa pagsusuklay ng kanyang mahabang itim na buhok sa harapan ng malaking salamin nang makarinig ng katok sa pintuan. Ang kanilang kasambahay iyon. “Nariyan ang kapatid mo sa baba at hinahanap ka.”
Sa narinig ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi ni Audrey. Kapagkuwan ay wala sa sariling tumulala at seryosong siyang tumitig sa salamin, sa kanyang mukhang hindi mahitsura dahil nasunog ito ng isang matapang na chemical. Ginapangan na naman siya ng insekyuridad, napakalayo nito sa kanyang dating mukha.
Dahil sa nangyari ay malimit na lamang niya kung tingnan ang sarili sa salamin, maging ang kanyang Kasintahang si Julian ay nandidiri sa tuwing magkasama sila nitong mga nakaraan.
Sino ba naman ang hindi mandidiri sa ganitong mukha? Kung hindi lang dahil sa anak niya at kay Julian, marahil ay winakasan na niya ang sariling buhay.
Inaasahan niyang sa tagal nilang magkarelasyon ay tatanggapin at mamahalin pa rin siya ng kasintahan sa kabila ng kanyang hitsura. Ngunit hindi, mali siya ng inaakala.
Napatalon si Audrey sa kinauupuan nang makarinig muli ng isang katok sa pintuan. Tumayo na siya at tumalikod sa salamin.
“Palabas na po, Manang…” malumanay at malambing na sagot ni Audrey habang naglalakad na sa may pintuan. Nang buksan niya ito ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa kasambahay. “Kanina pa po ba siya?”
Nakangiting umiling ang ginang. Sinabi nito kay Audrey kung saan naghihintay ang kapatid nitong si Adriana. Hindi nawala ang ngiting tumango si Audrey. Nagagalak kasi siyang makita ang kanyang kapatid, ilang araw rin kasi silang hindi nagkita kaya sabik siyang makita ito!
Oo at may kasungitan si Adriana ngunit mahal siya nito, at mahal na mahal din siya ni Audrey. Kahit magkaiba sila ng ina, hindi nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya rito.
Iniwan na siya ng ginang at hinayaang mag-isang salubungin si Adriana. Haplos-haplos ni Audrey ang kanyang malaking tiyan, napasinghap pa ito nang maramdaman ang pagsipa ng kanyang anak!
“Excited ka bang makita ang Auntie Adriana mo? Ako rin!” Kausap ni Audrey sa tiyan at humagikhik.
Ang sinabi sa kanya ng kanilang kasambahay ay nasa salas daw si Adriana. Ngunit nagulat si Audrey nang makitang nasa bukana ng engrandeng hagdanan ang kapatid at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Julian, ang kanyang kasintahan at ama ng kanyang ipinagbubuntis!
“Julian! Adriana!” Puno ng kagalakang tawag-pansin nito sa mga ito.
Sabay pa ang dalawang napatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ng mga ito at parang gulat pa na nakita siya.
“Julian! Akala ko ay hindi ka na magpapakita rito! Na-miss kita, na-miss ka rin ng baby natin!” Bahagyang naging emosyonal si Audrey na sinugod ng yakap ang kasintahan.
Nagbuntong hininga naman si Julian at halos masuka nang madikit sa kanyang balat ang madumi at pangit na balat ni Audrey. Kasabay ng pagkawala ng kagandanhan nito ay ang pagkawala din ng pagmamahal niya.
“Huwag mong mayakap-yakap si Julian!” Nagulat si Audrey nang marahas siyang hilahin ni Adriana palayo kay Julian, hatak-hatak nito ang kanyang kaliwang braso, ang mahahabang kuko ay bumaon sa kanyang balat.
“Adriana… nasasaktan ako!” Nasasaktang daing ni Audrey at pilit na binawi braso ngunit hindi ito binitawan ni Adriana, bagkus ay mas ibinaon pa nito ang kuko sa balat sa puntong dumugo pa ito!
Nanlilisik ang matang tumitig sa kanya ang kapatid. Uminit ang sulok ng mga mata ni Audrey dahil sa sakit. “Talagang masasaktan ka dahil isa kang malandi at nakakadiring nilalang! Ang dapat sa'yo ay nabubulok at inuuod sa ilalim ng lupa!” Pagkasabi niyon ni Adriana ay walang kemeng itinulak niya si Audrey pababa sa engrandeng hagdan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Audrey sa pamimilog nang maramdaman ang sariling tumama sa bawat baitang ng hagdan. Ang kanyang malaking tiyan ay tumalbog-talbog at gumulong-gulong na parang bola.
Sa haba ng hagdan at sa dami ng baitang nito, ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang naramdaman ni Audrey ang paglapat ng katawan niya sa patag at malamig na sahig.
Hilong-hilo pa mula sa nangyari nang maramdaman ni Audrey ang matinding kirot sa kanyang puson. Para bang may kung anong gustong lumabas mula sa kanyang loob.
Halos hindi na niya magalaw ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Marahil ay may sugat din dahil kumikirot ngunit ang mahalaga ay ang sitwasyon ng bata sa kanyang sinapupunan!
Nalukot ang mukha ni Audrey nang muling maramdaman ang matinding kirot sa kanyang puson at balakang. May lumabas na kung anong mainit sa kanyang pagkababae, wala sa sariling sinalat niya ito gamit ang kamay at ganoon na lamang ang panginginig niya nang makita ang likidong kulay pula sa kanyang kamay!
‘Ang anak ko…’ usal ni Audrey sa isipan.
Hindi… ang baby ko! Ang anak namin ni Julian!
Bahagyang nagkaroon ng pag-asa si Audrey nang makita si Julian ilang metro ang layo sa kanya! Hindi nakatakas sa kanyang mga mata kanina ang pagbaba ng dalawa habang pagulong-gulong siyang nahuhulog sa hagdan.
Napakaraming katanungan ang nasa isip ni Audrey. Gusto niyang tanungin sa kanyang Ate Adriana kung bakit siya nito itinulak! Ngunit ang mas priyoridad niya ngayon ay ang kaligtasan ng kanilang anak.
Masakit man ang katawan ay sinikap ni Audrey na gumapang patungo sa kinatatayuan ni Julian. Hindi ito gumalaw na para bang nanonood lamang ng insektong gumagapang patungo sa mga paa nito.
Nang sa wakas ay marating na ni Audrey ang paanan ni Julian, agad niya itong niyakap.
“Parang-awa mo na, Julian. Tulungan mo ako, iligtas mo ang anak natin! Ang anak mo!” Hagulgol na pakiusap ni Audrey sa kasintahan. Nanginginig na ito sa sobrang sakit at sa dami ng dugong patuloy na umaagos palabas sa kanya.
Isang tikhim ang narinig niya kung saan. Kahit masakit ang ulo ay nagawa pa ring mag-angat ng tingin si Audrey upang tingnan iyon.
“Sinabi ko ng huwag mong hahawakan si Julian, hindi ba?! Gaano ka ba kabobo para hindi iyon maunawaan?” Halos umalingawngaw sa buong salas ang boses ni Adriana. “Mahal ko…” kapagkuwan ay malambing nitong inilingkis ang braso sa braso ni Julian, madrama nitong idinikit sa malapad nitong dibdib ang kanyang ulo. “Huwag ka ng mag-aaksaya sa batang iyan dahil hindi naman iyan iyo.”
Sa narinig ay puno ng pandidiri siyang tiningnan ni Julian. Nagtatagis ang bagang nitong marahas na binawi ang kanyang paa at saka walang pusong sinipa sa mukha si Audrey.
“Kailanman ay walang makatutulong sa isang pangit at malanding kagaya mo, Audrey. Lumayas ka sa harapan ko bago pa man madumihan ang mga kamay ko sa isang nakakadiring kagaya mo!” Galit na sigaw ni Julian.
Lumingon siya upang harapin ang nakangising si Adriana. “Honey, ayaw ko sa nakakadiring lugar na ito. Hihintayin kita sa sasakyan. Ikaw na ang bahala sa malanding babaeng ito.”
Laglag ang pangang sinundan lamang ng tingin ni Audrey ang papalayong likod ng kasintahan. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso at saka ito hinawa hanggang sa magkapira-piraso.
Ibang-iba na siya. Hindi ito ang lalaking kasama niya sa loob ng apat na taon. Nais pa siya nitong patayin!
“Nakakaawa ka naman, mahal kong kapatid…” Nang-uuyam na tinig iyon ni Adriana. “Huwag kang mag-aksaya ng panahon dahil hinding-hindi ka tutulungan ni Julian dahil akin siya! Iyang bastardong dinadala mo? Hindi niya anak iyan! Hindi siya ang ama!”
"I'll leave this matter to you." Ani Marco kay Carlos. Tumango si Carlos. "Huwag ho kayong mag-alala boss, ako ng bahala."Tumango si Marco at inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa damuhan at tinungo ang sasakyan. Nakasunod si Sierra sa lalaki, nang masinagan ito ng araw ay doon napansin ni Sierra ang ibang kulay na humalo sa puti nitong damit. "May sugat ka!" Bulalas niya sa pag-aalala. Inalala niya kung paano, nang lumanding sila sa lupa kanina ay mahigpit siya nitong niyakap, sinisigurong hindi siya kailanman tatama sa kung saan. Marahil ay tumama sa bato o kung anumang matalas na bagay ang likod ng lalaki gayong una ang likod nitong tumama kanina!At talagang sinabi nitong ayos lang ito kahit na dumudugo ang likod nito! Ganoon ba talaga kataas ang pain tolerance ng lalaking iyon? "It's alright, get in the car," untag ni Marco nang makitang parang wala sa sarili si Sierra habang nakatitig sa kanyang likuran."Anong it's alright, it's alright ka riyan! No! We'll go to the hos
Sa kanilang daan pauwi, maganda ang mood ni Sierra. Nakangiti niyang tinanong si Marco. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng rosas?" Umiling si Marco. "Kailangan bang may ibig sabihin?" Kunyaring tanong ni Marco. Of course he knows that every flower has their meanings. But he wants to hear those from her, he wants her to tell him more. Gusto niyang marinig ang boses nitong nagkukwento. Dahil gusto ng kanyang ina ang rosas, inaral niya na rin ito. "Oo naman! Bawat bulaklak may mga ibig sabihin. Kaya nga dapat kapag nagbibigay ng bulaklak, pinag-iisipang mabuti." Nakangiti niyang paliwanag sa lalaki. "Katulad naman ng rosas, ang bawat kulay ay may mga kaakibat na simbolo. Ang mga puting rosas ay sumisimbolo ng dalisay na pag-ibig, ang mga pulang rosas naman ay sumisimbolo ng madamdaming pag-ibig. Ang mga rosas na kulay rosas ay sumisimbolo ng panata ng pag-ibig, ang mga dilaw na rosas ay sumisimbolo ng walang hanggang ngiti, ang mga itim na rosas ay sumisimbolo ng
"This time, I wouldn't suppress myself of the things that I want to happen. Unlike what happened at the hot spring,"Nanigas sa kinatatayuan niya si Rianna. Nais niyang mangyari ang gusto ng lalaki ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi siya handa.Binasa ng maigi ni Deion ang mukha ng babae, kapagkuwan ay isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi. "I'm craving a cigarette. I'll have one. Huwag mong kalimutang isara ang pinto." Aniya at tinalikuran ito. "Deion? Are you okay?" Untag ni Sierra dahil tila mayroong malalim na iniisip ang lalaki.Nagising si Deion sa kanyang malalim na pag-iisip. Tiningnan niya si Sierra at saka nagkibit ng balikat. "Maybe.""Alam mo ba kung bakit?""Masyado bang mahigpit ang isang ama sa kanyang anak na babae sa panahon ng pagrerebelde nito?"Hindi agad makapagsalita si Sierra. "Are you asking me?"Ngumiti si Deion at sinabi, "Pasensya na, hindi ko alam kung ano ang gusto mong malaman."Humugot ng malalim na hininga si Sierra. Nagpunta siya rito para
Sumulyap si Marco kay Sierra, ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang naka-angat. Na para bang batid na nito ang nais niyang mangyari.Naramdaman ni Sierra na ang aura ng nilalang na nasa kanyang tabi ay gumaan, hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapairap. "Ang possessive naman." Bulong-bulong niya.Habang pinapanood ang interaksyon ng mag-asawa, mas lalong lumawak ang ngiti ni Deion. "Ano ang mga gusto mong malaman, Ms. Sierra?""Anything about Douglas Rodriguez," huminga siya sandali bago nagpatuloy. "I've heard that the relationship of Mr. and Mrs. Rodriguez is quite extraordinary. Mas maganda kung sa iyo mismo manggaling ang kwentong iyon tutal at sa mahabang panahon ay nasa industriyang pinangangalagaan mo siya napabilang."Tumango si Deion."Magkaklase sina Douglas at ang asawa niya sa kolehiyo, parehong nag-aaral ng acting. Nagkakilala sila noong first year college. Pagpasok sa industriya ng entertainment, mas umangat ang career ni Douglas kaysa sa asawa niyang si Jiara. K
Hindi pinansin ni Sierra ang pangalan ni Marco, bakus ay hinanap niya ang pangalan ni Deion at iyon ang in-add.Sa pinakamataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Deion, niligpit niya ang kanyang mga gamit at saka tumayo. "Let's go," anyaya niya sa katabing si Marco.Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang tumunog ang kanyang telepono. "Oh, bud. Your wife just sent me a friend request, should I accept it?" Imporma ni Deion sa kaibigan sabay pakita rito ng kanyang telepono.Sumulyap si Marco sa screen, 'Itsmesierra.m.' Iyon lamang ang nakalagay na pangalan.Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang gumalaw ang kanyang panga. "Your choice."Tumango si Deion at in-accept ang friend request. Napaisip siya kung ano ang susunod na gagawin, uunahan ba niya iyong batiin o hahayaan lamang itong magpadala ng mensahe?Ngunit bago pa man niya mapinalidad ang iniisip ay tumunog muli ang kanyang telepono sa isang mensahe.From itsmesierra.m: Hi, good day, Deion. Are you free now? Nasa lobby ak
Katulad ng...Paano mo ginagamot ang iyong mga binti?Bakit ako masyadong sentimental?Siya ngayon si Sierra. Ito ang unang pagkakataon na nagkita silang dalawa, at maraming mga tanong na nararapat itanong.Pagkatapos kumalma, dahan-dahang sinabi ni Jiara, "Matagal nang hindi nakikipagkaibigan si Riri. Sa totoo lang, kasing aloof at walang pakialam lang siya tulad ng kanyang ipinapakita. Dati siyang napakasaya, masigla, at outgoing. Ngunit may ilang mga bagay na nangyari sa kanyang pamilya na nagpabago sa kanyang personalidad. Kung makakasama mo siyang mabuti, malalaman mong napakabuti niyang babae."Nakita ni Sierra na natatakot si Jiara na hamakin niya si Rianna. "Talagang napakabuti niya. Auntie, huwag kang mag-alala. Dahil magkaibigan tayo, magiging magkaibigan tayo habambuhay."Tumango si Jiara, naantig. "Salamat, hija.""Auntie Jiara, maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari dito sa bahay?"Pagkasabi ni Sierra, nakita niyang nawalan ng kulay ang mukha ni Jiara. Kay







