LOGIN“Hindi totoo iyan, Adriana! Anak ito ni Julian! Si Julian lang ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili!” Mas tumindi ang pag-agos ng likido sa pagitan ng hita ni Audrey nang sumigaw siya.
Tumawa si Adriana at bahagyang umuklo upang magpantay ang kanilang mukha ni Audrey. Imbes na maawa ay mapanuya pa siya nitong sinuri ng tingin.
“Talaga ba, Audrey?” Puno ng pang-uuyam na wika ni Adriana. “Well, gusto ko lang malaman mo na hindi.” Tumayo si Adriana at buryong pinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Isang walang kwentang lalaki lang naman ang nakasiping mo nang gabi ng kaarawan mo. Simple lang, pinainom kita nang pinainom hanggang sa malasing ka at mawalan ng malay. Habang nakikipagniig ka sa hindi kilalang lalaki, nandoon ako, kasama ni Julian at masayang pinagsaluhan ang malamig na gabi.” Kuwento ni Adriana. “Kaya walang kwenta iyang dinadala mo at dapat lang na mamatay kasama mo. Mga walang kuwenta! Isa pa, dapat lang sa'yo na masira ang mukha dahil iyan lang naman ang habol ni Julian sa'yo. Kung wala iyan ay wala ka ng silbi sa kanya, at tama ako. Wala ka na ngang silbi at kahit mamatay ka ngayon din, wala ng may pakialam sa iyo.”
Puno ng paninibugho ang puso ni Audrey sa lahat ng narinig. Malinaw na sa kanyang isipan ngayon ang katotohanan. Noong araw ng kanyang kaarawan ay nagulat na lang siya nang labis na malasing. Hindi siya manginginom at dalawang shot pa lang ay iniiwasan na niya agad ang alak. Pumasok siya sa silid na sa pag-aakala niya'y silid nila ni Julian. Kinabukasan ay hindi niya mahagilap ang nobyo, ang akala nito ay maagang pumasok sa trabaho. Ngayon alam na niyang pinagkaisahan siya ng sariling kapatid.
Hindi lubos mapaniwalaan ni Audrey na kayang gawin ito ng kanyang kapatid. Mula mga bata sila ay mahal niya ito kaya naman kahit anong gusto o hilingin ay ibinibigay niya ng walang kapalit.
“Bakit mo ginagawa sa akin ito, Adriana? Wala naman akong ginawang masama sa'yo, ah! Naging mabuti akong kapatid!” Hinampas ni Audrey ang dibdib dahil sobrang sakit nito.
“Hindi ka kailanman naging mabuting kapatid, Audrey. At ayaw kitang maging kapatid.” Nagngingitngit sa galit si Adriana. “Kaya dapat ka ng mamatay! Wala kang kwenta! Akin na ang lahat ng mga properties ng pamilya ninyo! Wala kang karapatan dahil isa kang disgrasyada! Mamatay ka na kasama niyang anak mo! Magsama kayo ng tatay mong mabulok sa ilalim ng lupa!” Parang asong ulol na sigaw ni Adriana at ginulo pa nito ang sariling buhok saka tumawa nang tumawa.
Namilog ang mata ni Audrey. Nagsimulang manginig ang kanyang mga labi. Bago pa man siya makapagtanong ay nagsalita na si Adriana.
“Oo, patay na ang iyong ama. At huwag kang malungkot, susunod ka rin naman kaagad.” Saad nito.
Umiling ng dalawang beses si Audrey.
“Hindi, hindi totoo iyan! Hindi pa patay si Daddy! Paano mo iyan nasasabi sa sarili nating ama?” Hagulgol na tanong ni Audrey.
“Tsk. Tanga, hindi ko naman siya ama! Si Uncle Lorenzo ang ama ko. Hindi makapapayag si Uncle na manatili pa kami ni Mommy sa puder ninyo. Nang malaman iyon ng iyong ama ay inatake siya sa puso at namatay. Alam mo kung anong reaksyon ko? Wala, dahil wala akong pakialam. Deserve niyang mamatay dahil kahit na si Mommy ang kasama niya sa mahabang panahon, ang walang kwenta mong ina na inuuod na sa ilalim ng lupa pa rin ang nasa puso't isip!
Tuluyan ng nadurog ang puso ni Audrey. Pagkatapos ng kanyang mga narinig. Ang pinakamasakit ay ang pagkawala ng kanyang mahal na ama!
Punong-puno ng galit ang mga mata ni Audrey. Gustong-gusto niyang tumayo at sugurin ang kapatid ngunit wala na siyang lakas. Sa wari niya'y magtatagumpay nga yata ang bruha sa masamang balak sa kanya at sa kanyang anak.
‘Kailangang maligtas ang anak ko…’ usal ni Audrey sa isipan.
“Parang awa mo na, Adriana… kahit sa anak ko na lang… maawa ka sa bata…” nanghihinang tuluyang bumagsak ang katawan ni Audrey sa malamig na sahig. “Nagmamakaawa ako, Adriana…” Bagama't puno ng galit ang nararamdaman niya rito ay nagawa pa din niyang magmakaawa alang-alang sa anak.
Hinang-hina na siya. Hindi na niya kaya ang sakit at kirot ng tiyan. Bumibigat na rin ang talukap ng kanyang mga mata. Nasa bingit na siya ng kamatayan. Kung mamamatay man siya, sana ay ang anak niya mabuhay.
Humugot ng malalim na hininga si Audrey, linikom ang natitirang lakas sa katawan alang-alang sa kanyang anak. Gamit ang mga ito ay matapang niyang inire ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Lupaypay ang mga kamay niyang bumagsak sa sahig. Ngunit bago tuluyang mawalan ng malay-tao at tuluyang sakupin ng kadiliman si Audrey, narinig niya ang pamilyar na galit na boses.
“At nagawa mo pa talagang tulungang magsilang ang babaeng ito? Paano mong nagawa ito?”
Si Julian. Tinig iyon ni Julian!
Ang anak ko, ang anak nila. Taimtim na nanalangin si Audrey na sana'y haplusin ng anghel ang puso ng dalawang taong ito at alagaan ang kanyang anak. Debaleng siya ang mamatay, huwag lang ang anak niya.
Subalit, pagkatapos ng sunod na mga salitang kanyang narinig ay tuluyan ng mawalan ng pag-asa si Audrey.
“Itapon mo ang babaeng ito sa dagat kasamaang kanyang bastardo at ipakain sa mga isda.”
Natauhan si Sierra mula sa kanyang pagkatulala. "Oo... medyo mainit." Dali-dali niyang ibinaba ang kanyang ulo para magtali ng buhol, bahagya pang nanginginig ang kanyang mga kamay.Pagkatapos niya itong itali ng ilang beses, aalis na sana siya sa kanyang yakap nang hawakan siya nito sa beywang."B-Bakit?" Utal niya itong tiningala."I want to... Kiss you." Hindi iyon tunog nagtatanong, kundi tunog imporma. Bago pa man makasagot si Sierra ay naramdaman na niya ang hintuturo ni Marco sa kanyang baba at inanggulo ang kanyang ulo upang masiil ng halik ang kanyang labi. Bahagyang naningkit ang mata ni Sierra, nawala saglit sa sarili niya ang katayuan nila ni Marco. Kaya naman naisip niya itong itulak, ngunit nang maalalang mag-asawa nga pala sila at may napagkasunduan, pinikit na lamang niya ang kanyang mata at sinuklian ang banayad na halik nito.Dahan-dahang binitawan ni Marco ang labi ni Sierra. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi nang makita ang pangangamatis ng mukha nito. Hu
"I'll leave this matter to you." Ani Marco kay Carlos. Tumango si Carlos. "Huwag ho kayong mag-alala boss, ako ng bahala."Tumango si Marco at inangat ang sarili mula sa pagkakaupo sa damuhan at tinungo ang sasakyan. Nakasunod si Sierra sa lalaki, nang masinagan ito ng araw ay doon napansin ni Sierra ang ibang kulay na humalo sa puti nitong damit. "May sugat ka!" Bulalas niya sa pag-aalala. Inalala niya kung paano, nang lumanding sila sa lupa kanina ay mahigpit siya nitong niyakap, sinisigurong hindi siya kailanman tatama sa kung saan. Marahil ay tumama sa bato o kung anumang matalas na bagay ang likod ng lalaki gayong una ang likod nitong tumama kanina!At talagang sinabi nitong ayos lang ito kahit na dumudugo ang likod nito! Ganoon ba talaga kataas ang pain tolerance ng lalaking iyon? "It's alright, get in the car," untag ni Marco nang makitang parang wala sa sarili si Sierra habang nakatitig sa kanyang likuran."Anong it's alright, it's alright ka riyan! No! We'll go to the hos
Sa kanilang daan pauwi, maganda ang mood ni Sierra. Nakangiti niyang tinanong si Marco. "Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay ng rosas?" Umiling si Marco. "Kailangan bang may ibig sabihin?" Kunyaring tanong ni Marco. Of course he knows that every flower has their meanings. But he wants to hear those from her, he wants her to tell him more. Gusto niyang marinig ang boses nitong nagkukwento. Dahil gusto ng kanyang ina ang rosas, inaral niya na rin ito. "Oo naman! Bawat bulaklak may mga ibig sabihin. Kaya nga dapat kapag nagbibigay ng bulaklak, pinag-iisipang mabuti." Nakangiti niyang paliwanag sa lalaki. "Katulad naman ng rosas, ang bawat kulay ay may mga kaakibat na simbolo. Ang mga puting rosas ay sumisimbolo ng dalisay na pag-ibig, ang mga pulang rosas naman ay sumisimbolo ng madamdaming pag-ibig. Ang mga rosas na kulay rosas ay sumisimbolo ng panata ng pag-ibig, ang mga dilaw na rosas ay sumisimbolo ng walang hanggang ngiti, ang mga itim na rosas ay sumisimbolo ng
"This time, I wouldn't suppress myself of the things that I want to happen. Unlike what happened at the hot spring,"Nanigas sa kinatatayuan niya si Rianna. Nais niyang mangyari ang gusto ng lalaki ngunit alam niya sa kanyang sarili na hindi siya handa.Binasa ng maigi ni Deion ang mukha ng babae, kapagkuwan ay isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi. "I'm craving a cigarette. I'll have one. Huwag mong kalimutang isara ang pinto." Aniya at tinalikuran ito. "Deion? Are you okay?" Untag ni Sierra dahil tila mayroong malalim na iniisip ang lalaki.Nagising si Deion sa kanyang malalim na pag-iisip. Tiningnan niya si Sierra at saka nagkibit ng balikat. "Maybe.""Alam mo ba kung bakit?""Masyado bang mahigpit ang isang ama sa kanyang anak na babae sa panahon ng pagrerebelde nito?"Hindi agad makapagsalita si Sierra. "Are you asking me?"Ngumiti si Deion at sinabi, "Pasensya na, hindi ko alam kung ano ang gusto mong malaman."Humugot ng malalim na hininga si Sierra. Nagpunta siya rito para
Sumulyap si Marco kay Sierra, ang sulok ng kanyang labi ay bahagyang naka-angat. Na para bang batid na nito ang nais niyang mangyari.Naramdaman ni Sierra na ang aura ng nilalang na nasa kanyang tabi ay gumaan, hindi niya tuloy mapigilan ang sariling mapairap. "Ang possessive naman." Bulong-bulong niya.Habang pinapanood ang interaksyon ng mag-asawa, mas lalong lumawak ang ngiti ni Deion. "Ano ang mga gusto mong malaman, Ms. Sierra?""Anything about Douglas Rodriguez," huminga siya sandali bago nagpatuloy. "I've heard that the relationship of Mr. and Mrs. Rodriguez is quite extraordinary. Mas maganda kung sa iyo mismo manggaling ang kwentong iyon tutal at sa mahabang panahon ay nasa industriyang pinangangalagaan mo siya napabilang."Tumango si Deion."Magkaklase sina Douglas at ang asawa niya sa kolehiyo, parehong nag-aaral ng acting. Nagkakilala sila noong first year college. Pagpasok sa industriya ng entertainment, mas umangat ang career ni Douglas kaysa sa asawa niyang si Jiara. K
Hindi pinansin ni Sierra ang pangalan ni Marco, bakus ay hinanap niya ang pangalan ni Deion at iyon ang in-add.Sa pinakamataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Deion, niligpit niya ang kanyang mga gamit at saka tumayo. "Let's go," anyaya niya sa katabing si Marco.Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang tumunog ang kanyang telepono. "Oh, bud. Your wife just sent me a friend request, should I accept it?" Imporma ni Deion sa kaibigan sabay pakita rito ng kanyang telepono.Sumulyap si Marco sa screen, 'Itsmesierra.m.' Iyon lamang ang nakalagay na pangalan.Nag-iwas siya ng tingin at bahagyang gumalaw ang kanyang panga. "Your choice."Tumango si Deion at in-accept ang friend request. Napaisip siya kung ano ang susunod na gagawin, uunahan ba niya iyong batiin o hahayaan lamang itong magpadala ng mensahe?Ngunit bago pa man niya mapinalidad ang iniisip ay tumunog muli ang kanyang telepono sa isang mensahe.From itsmesierra.m: Hi, good day, Deion. Are you free now? Nasa lobby ak







