Chapter 21CHLOE'S POV"T-Taurus?" Nabigkas ko na lamang na hindi inaalis ang mata ko sa gawi ni Taurus.Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman, kong saan kami naka tira?Bakit?Maraming mga katanungan ang nag lalaro sa isipan ko ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala na mayron siyang lakas nang loob na pumunta dito sa bahay namin. Nanatili ko lamang siyang inobserbahan na pormang-porma sa suot nito. Suot ang black pants at white tshirt at sa ibabaw naman ang isang black leather jacket na mag dagdag anggas na naka tayo siya sa harapan ko. Kahit simpleng pormahan lamang ang ipasuot kay Taurus, hindi mo talaga maikakaila na guwapo talaga ito.Hindi ko na lang pinansin ang pag titig nito sa akin at dali-dali naman na bumaba sa hagyan para lapitan ito. Nang maka lapit na ako sakanya; doon naman lumabas ang inis na nadarama ko."Anong ginagawa mo dito? Huh? Umalis kana." Pag tataboy ko sakanya para umalis na ito. Nakaka-hiya. Sinadya niya pa talagang pumunta at mag pakilala kay Ma
CHAPTER 20CHLOE'S POV"Mamayang hapon pala, dadaanan namin ang Lola mo, sasama ka ba sa amin?" ang tanong ni Mama ang mag patigil sa akin sa pag kain. Araw nang sabado ngayon at mag kakasama silang kumakain ng almusal sa hapag-kainan at nilingon ko ang mga magulang kong naka pang bihis ng damit na pag pasok. Ganito kasing araw may pasok din ako sa school at pareho din na mga magulang ko may pasok rin sa trabaho, linggo lamang ang bakanteng araw na nilalaan nila pareho na mag kakasama o pumupunta sila at namamasyal sa ibang lugar."Kayo na lang po siguro at tyaka marami pa kasi akong gagawin na assignment at activities sa school,"wika ko pa, na tinutuon ang atensyon ko sa pag kain."Sayang naman kong hindi ka makakasama sa amin." May pag hihinayang na tono sa boses ni Mama. "Gustong-gusto ka pa naman makita ng Lola mo no'ng mag kausap kami sa telepono no'ng isang araw," anito na na hindi na lang ako kumibo.Kong ako lang talaga ang tatanungin gustong-gusto ko talaga sumama sakanila,
Chapter 19CHLOE'S POV"Sige na, payag na ako na maging tayo." Mahina ko lamang na pag kakabigkas na makita ko ang ngisi sa labi ni Taurus. Dahan-dahan siyang humarap sa akin at hinakbang muli ang paa na kina-hinto naman nito sa harapan ko.Tuminggala ako dahil may katangkaran din siya kumpara sa akin at kahit naka ngisi nito sobrang anggas pa rin at sabayan pa ng guwapong mukha. "Pero sa isang kondisyon, huwag natin ipa alam kahit na sino ang tungkol sa atin, pwede ba iyon?" Nilapit ni Taurus ang mukha niya at kaagad din naman akong nanigas sa simpleng ginawa nito.Mula sa posisyon na iyon amo'y na amoy ko ang mamahalin na pabango nito.Hindi ko maikilos ang buong katawan ko at nanigas na talaga ako ng tuluyan. "Payag ako sa gusto mo babe, pero kiss mo muna ako." Pag tutukso nitong wika na kaagad naman akong kina-pula sa simpleng banat nito. Ano?Kiss?"Kainis ka talaga!" Asik ko na kaagad ko naman siyang tinulak palayo sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kong pisngi sa si
Chapter 18CHLOE'S POV"Good morning anak." Matamis na pag bati pa lang sa akin ni Mama na maka rating na ako sa dining area. Una ko kaagad nadatnan ang masasarap na almusal na hinanda sa lamesa at nandon na rin si Papa, na perinte lamang naka upo sa silya at umiinom ng paborito nitong kape. "Good morning din po." Wika ko na lamang na kina-upo ko naman sa silya. Pasado alas syete pa lang ng umaga at sabay-sabay na silang nag sasalo ng agahan.Naka suot na rin ako ng uniforme na pag pasok dahil maaga naman ang pasok ko ngayon na pasado alas nuwebe:trenta ng umaga. Samantala naman ang mga magulang ko, naka suot na rin na pag pasok nilang mga damit sa trabaho."Mukhang napaka aga mong natulog kagabi, hindi kana naka kain nang hapunnan." Patuloy na kwento ni Mama na nilagay ang huling niluto nitong hotdog sa lamesa. "Yayain ka sana ng Papa mo na manuod tayo ng movies na mag kakasama, kaso naka sara na ang pinto ng iyong kwarto.. Panigurado napagod kana naman mag aral." Patuloy na salita
Chapter 17CHLOE'S POVHanggang mag simula ang klase sa subject ni Mrs. Cheska malalim pa rin ang iniisip ko. Maraming mga katanungan ang bumabagabag ang isipan ko, na pangyayari nakita ko si Taurus na nag lalagay ng inumin sa ibabaw ng desk ko.Anong dahilan niya?Bakit ginagawa niya iyon?Noon paman talaga, gusto ko na malaman kong sino ang nasa likod ng pag lalagay at pag bibigay ng inumin sa akin at ngayon nalaman ko na talaga, kong sino siya.Simple na lang akong napa-lingon sa likuran ko, at tinignan si Taurus, na naka-upo sa silya at naka sentro ang atensyon nito sa pakikinig kay Mrs. Cheska, hindi nito napansin na may mga mata na kanina pang nag mamasid sakanya."Diba ang guwapo niya, Chloe? Hihi." Ang kinikilig na wika ng pinsan kong si Nadya ang nag patigil ng malalim kong iniisip. Pasadyang nilapit ang mukha ni Nadya sa akin at sabay naming pinapanuod na dalawa si Taurus.Umiwas na lang ako ng tingin at patay-malisya na lamang na binalik ko ang titig ko sa unahan. "Sa tingi
Chapter 8Taurus?Maski si Chloe hindi makapaniwala sa kanyang nakita na hawak-hawak na ngayon ni Taurus ang pulsuhan ni Tasya, para lamang pigilan ang kamay nitong isasampal sana sa akin.Nabigla din ang mukha ni Tasya at kahit na rin ang mga kasamahan nito, hindi inaasahan ang bigla-bigla na lang pag sulpot ni Taurus na pag dating.Ang gulat sa mukha ni Tasya, naging panandalian lamang at sa isang iglap naging malamig ang mata nitong binabawi ang kamay sa pag kakahawak sakanya ni Taurus. "Bitawan mo ang kamay ko, ano ba." Nainis na ang tono ng pananalita nito na hindi pa rin binibitawan iyon ng binata, malamig ang pakikitungo at paraan ng titig niya dito. "Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, bitawan mo ang kamay k—-Aray!" Daing ni Tasya sa sakit na walang pag aalinlangan na pinilipit ni Taurus ang pulsuhan na kina-lukot naman ng mukha nito sa sakit, at ang mata nama'y nag sasabi na nasasaktan na ito sa ginawa ni Taurus sakanya."T-Tama na, ano ba! Ang sakit na." impit na pakiusap