“What are you doing here?”Sa halip na sagutin ang tanong ni Philip, humakbang siya palapit sa akin. Tnaasan ako ng isang kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa paraan ng pagtitig niya ay parang nangungutya siya. “Jessy, right? You look losyang,” maarte niyang sabi. Umismid pa siya sabay irap sa kawalan.Hindi ako sumagot kahit kating-kati na akong sapakin ang bunganga niya. Hindi ako mapagpatol sa mga taong abusado sa akin. Nagsasayang lang ako ng oras. Pumikit ako. Nararamdaman ko ang isang kamay na nakalingkis sa aking baywang. Nahigit ko ang aking hininga nang dumikit siya sa akin. “Why are you here, Aica?”Nag-angat ako ng paningin kay Philip nang marinig ang sinabi niya. Sino naman kaya itong babaeng kaharap namin nagyon? Ipinilig ko ang ulo. Hindi ko alam pero bigla akong nagkainteres sa kanya. Hindi dahil sa tsismosa ako kundi biglang nabuhay ang natutulog kong dugo. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng babae. Muli niya akong pinasadahan ng tingin pero sa p
PhilipPASADO ALAS-OTSO na ng gabi pero hindi pa rin dumating ang taong kausap ko. Isang oras na akong naghihintay pero ni text o tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Naiinip na ako. Panay na rin ang sulyap ko sa aking suot na relos. “I’m so sorry, Mr. Montana. May emergency lang. By the way, I’m Cedric Ferrer,” pagpapakilala niya ulit sa sarili. Nagkausap lang kami sa cellphone pero hindi ko inaasahan na ganito pala siya sa personal. Medyo madaldal at pailalim kung tumingin. Nag-angat ako ng mukha. Tiningnan ko siya nang mabuti. Napahawak ako sa aking baba nang mapansin ang kakaiba niyang tattoo sa kanyang pupulsuhan. Parang ang weirdo lang dahil s*so ng babae ang naka-drawing doon. “So, ano’ng plano mo?” basag niya sa katahimikan. Mabilis nabaling ang atensyon ko kay Cholo. Sakto at sa akin din siya nakatingin. Sumilay ang kakaibang ngiti sa aking labi nang tumango-tango siya. Tila alam na alam niya ang laman ng isip ko.Tumikhim ako at muling ibinaling ang paningin sa
MATINDING takot ang lumukob sa aking buong sistema nang mapagmasdan ang maamong mukha ni Philip habang nakahiga sa kama na walang malay. Nasa hospital kami ngayon at kasalukuyang sinusuri ang kalagayan niya. Nasaksak siya ng kutsilyo sa tagiliran kahapon. Pauwi na sana siya nang bigla na lang harangin ng dalawang lalaki ang kotse niya. Mabuti na lang din, hindi isinama si Sam ng mga masasamang loob na iyon. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa ang totoong nangyari at kung anong motibo ng mga taong gustong pumatay kay Philip.“Ano’ng nangyari?”Nabaling ang paningin ko sa taong nagsalita. Hindi ko namalayan ang biglaang pagsulpot ni Cholo sa harapan ko. Lumapit siya sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Philip. Mataman niyang pinagmasdan ang kaibigan na tila kinikilatis ang buong katawan nito. Nagtagis ang bagang niya nang mapako ang kanyang mga mata sa sugat ni Philip. Hinaplos-halpos niya ito. Mahimbing pa rin ang tulog ni Philip.Mayamaya pa ay tumikhim ako para maagaw niya ang ate
Dalawang oras na simula nang makatulog si Philip pero ako—heto at mulat na mulat pa rin ako. Kahit anong gawin kong pagpikit, ayaw pa rin makisama ng mga mata ko. Hindi na rin natuloy ang lakad namin ni Merry dahil sa nangyari. Mabuti na lang at naiintindihan niya rin.Nakailang tayo na rin ako para uminom ng tubig sa kusina. Ngunit wala pa rin itong epekto sa aking katawan. Marahas akong bumuntonghininga bago nagpasyang tumayo. Baka sa silid ni Angelo ako makatulog. Naninibago ako sa kuwarto ni Philip. Baka isa rin ito sa dahilan kung bakit ’di ako makatulog.“Where are you going?” Nagitla ako nang bigla siyang magsalita sa likuran ko. Natigil ako sa paghakbang at mabilis na napalingon sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama habang mataman akong pinagmasdan. Hindi ko alam ang sasabihin kaya yumuko akong lumapit sa kanya.“Hindi ka pa natutulog? Ano’ng oras na ba?” tanong niya. Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng mini table niya saka tiningnan ang oras. Napako agad ang mga mata
May ilang segundo rin akong natutulala habang nakatitig kay Merry. Kumunot ang noo ko at tila mabagal ang pagproseso ng sinabi niya sa aking utak. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi. Pero sa huli, pinili kong ngumiti kahit nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili na ayos lang sa akin kung anuman ang sasabihin niya. Pero nanaig sa akin ang kaba at takot. Hindi ko rin alam kung bakit, basta iyon ang nararamdaman ko. “Jessy, may kasalanan ako sa iyo,” ulit niya.Sa puntong ito, lalo pa akong kinakabahan. Lalong kumabog ang aking dibdib nang nagsimula nang tumulo ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Hindi ko alam ang sasabihin kaya nananatili na lamang akong tahimik. Gusto kong magsalita pero walang boses ang lumabas sa bibig ko. Para akong pipi sa lagay ko ngayon. Napalunok ako nang makita siyang seryoso at kinurot-kurot pa ang dalawang kamay habang walang patid ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Napailing ako. Nagpasya akong mag-ikot-ik
KALAHATING oras na akong naghihintay pero ni anino ni Merry ay hindi ko pa nakita. Nakailang bili na rin ako ng mineral water. Nangangalay na ang puwet ko sa kinauupuan. Tayo, lakad at upo ang ginawa ko ngunit wala pa ring Merry ang dumating. May usapan kasi kaming lalabas. Matagal-tagal na rin kasi noong lumabas kami. Nami-miss ko na rin lumabas kasama siya pero ganito pa ang nangyari. Nakaramdam na ako ng tampo sa ginawa niya. Hindi naman siya ganito noon. Nagtaka lang ako dahil wala namang bakas na makikita sa mukha niya na may tinatago siya sa akin dati o kahit noong nasa Baguio pa ako. Pero napapansin ko minsan na tahimik siya kapag magkasama kami. At kung minsan naman kapag hindi ko siya tinitingnan ay pasimple siyang tumingin sa akin. Pero pinagkibit-balikat ko lang iyon.“Jessy . . .”Dahan-dahan akong lumingon sa pinagmulan ng boses. Hinihingal siyang lumapit sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang pamumula ng kanyang braso. Kaagad napako ang mga mata ko sa kanya.
Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig. Maluha-luha kong tinitigan sa mga mata si Philip na ngayon ay titig na titig din sa akin. “Pakasalan mo ako ulit. And this time, I will promise you na hindi na mauulit ’yung nangyari noon.” Natameme ako. Gusto kong sumigaw dahil sa tuwa pero hindi maaari. May isang parte ng katawan ko ang hindi sang-ayon. Hindi ko alam kung bakit. “Pero. . . paano si Alma at Princess? ’Di ba kasal kayo ni—”“No. Kahit kailan hindi ako nagpakasal sa iba, dahil ikaw lang ang minahal ko nang sobra.”Tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Napapikit ako at napakagat sa labi. Pagmulat ko ay tumambad na sa harapan ko ang isang maliit na pulang kahon. Napatitig pa ako ro’n nang ilang segundo. “Marry me again, Jessy.” Binuksan niya ang kahon at tumambad sa harapan ko ang singsing na may diamond sa ibabaw. Hindi lang basta diamond. Kumikinang pa sa tuwing matutukan ng
Kalahating oras na kaming naghihintay sa labas ng ER mula nang makapasok si Princess. Hindi ko na alam ang gagawin lalo pa at hindi pa dumating ang ama niya. May emergency rin daw kasi sa kompanya kaya ’di rin niya ito maiwan-iwan. Pero nangako naman siyang darating siya kapag maresolba iyon agad.“What happen? Ano’ng nangyari kay Princess?” Napatayo ako nang marinig ang malakas na boses ni Alma sa harapan ko. Masama ang tinging ipinukol niya sa akin na animo’y kakainin na ako anumang oras. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang kasama niyang babae. Pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung alam kung saan, pero sigurado akong nagkita na kami before.“Aica, let’s go inside,” ani Alma bagay na nagpahinto sa akin sa pag-iisip.Aica? Siya ’yong babae na nakasalubong namin ni Philip sa mall? Sabi na nga ba, eh. Siya iyon. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha dahil siya ’yong tinutukoy ni Philip na kaibigan ni Alma. Tumingin ako sa ibang direksyon nang tingnan niya ako nang masama. Titig pa lan