Share

One Night With The Hot Doctor
One Night With The Hot Doctor
Author: Sweetpea20

Bella - Martin 1

Bella

“Darling, you look so beautiful,” sabi  ng  matandang lalaki, na mukhang foreign businessman, na smooth na smooth kung magsalita at halatang sanay na sanay na mambola habang nakasandal ito sa bar table.

I tilted my head to him at tinitigan ito, without giving anything away.

“Thanks for the compliment, but I have a company and he’s arriving any minute,”

Lumapit pa ito lalo sa akin at sinabing, “I might be the one you’re waiting for. My private jet is already waiting for us. So where do you wanna go? To Paris? London? Singapore? Rome? With that beauty, you deserve to have a vacation abroad,” ang mga salita nito ay nakakapangakit, however his hands on my ass are not. Alam kong gusto nito ang aking katawan, he thinks that I am selling my body. Pero hindi. I am working tonight, pero hindi ganitong klase na trabaho.

“No, Gracias,” sabi ko rito sa salitang Espanyol. Nilakihan ako nito ng mata at mukhang hindi nito naintindihan ang aking sinasabi. Sinubukan ko namang mag Portuguese “Nao, obrigado,” At mukhang naintindihan nito ang aking sinabi, pero hindi pa rin nito inaalis ang kanyang kamay sa aking puwitan.

Gamit ang aking hinlalaki at hintuturo, I politely twist his wrist, at inalis ang kamay nito na nakahawak sa aking katawan.

“I said, No, Thanks,” I said with a flat voice at lumingon sa bartender para tanguan ito at sabihing bigyan ako ng refill. Nang madala nito sa akin ang bago kong order na alak, lumingon ako sa aking giolid at nakitang umalis na ang matandang manyak sa tabi ko.

Mukhang nakinig din ito. Buti naman, dahil kung nagpumilit pa ito, baka hindi na ko maging mas mabait sa kanya at makita nito ang kanyang hinahanap. Pero dahil nga naka undercover ako ay kailangan kong umakto na parang hindi ako maangas at mukhang mahinang klase ng babae na hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili.

For the nth time tonight, iniisip ko pa rin kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. I can speak more than 5 languages at alam kong marami pa akong mararating gamit ang talentong ito, pero hindi ganoon ang nangyari sa buhay ko. Nabuntis ako ng maaga at simula noon ay inabandona ko na ang idea at panagarap na maging translator. However, being a beautiful woman na nakakapag salita ng iba’t ibang lengwahe ay isang magandang asset sa mga private investigation companies na nag-I-specialized sa pag huli ng mga babaerong asawa. And that, my friends, is my job for the night.

Isang mayaman at malungkot na misis ang nag bayad ng malaki sa amo ko para mangalap ng ebidensya na nambabae ang kanyang asawa. I dressed up like a whore, hapit na hapit na dress na kita na halos ang kaluluwa, naka stiletto shoes, pulang pulang lipstick, na paniguradong huhuli ng atensyon ng kahit sinong lalaking babaero.

This club is so shiny and glossy that everything in it shines like a diamond. From the shiny bar, ang itim at napakakintab na dingding plus the ceiling that is color silver. Ang mga bote din ng alak ay kumikinang sa mga istante na pinaglalagyan nito. Maging ang mga tao dito ay parang mga estatwang gawa sa ginto na nagkikinangan sa mga suot na damit at alahas ng mga ito. And they are all here, to look for someone perfect, in whom, will give them the perfect sex of their lives. Mga milyonaryo, bilyonaryo at ang kanilang mga kabit.

Yes, nandito ako, pero hindi para maging katulad nila, but as a fake gold digging bitch na naghihintay ng mga target na mahulog sa kanyang mga patibong.

Pero hindi ang lalaking lumapit sa akin kanina ang target ko. Kaya hindi ko pinatulan ang pambobola nito. Tinignan ko ang sariling repleksyon sa salamin sa bar. Ang aking buok na kulay chestnut brown ay kinulot na parang buhok ni Marimar. I turned my eyes into smokingly seductive, at ang pulang lipstick na ipinahid ko sa aking mga labi ay bagay na bagay sa aking kulay. Maganda sana ang ganitong look kung hindi lang ako magmumukhang pa-walk.

I wore a form-fiting white knee length dress na labas ang cleavage, and when I say cleavage, it means miles and miles of cleavage can be seen na kulang na lang ay maghubad na ako.

Tonight, I am Arabella, ang aking alter ego na kaakit akit at alam kong ang mga kalalakihan ay mabibihag ko sa alindog kong taglay ngayong gabi. I practiced this kind of scene everytime. Ang ngumiti ng kaakit akit, ang tumingin sa mga lalaki under my long lashes na para bang gusto kong matakam sila sa akin.

Gaya nga ng plano, nakita ko ang lahat ng lalaki na nakatingin sa akin at pinanonood ako. Well, maaring sa cleavage ko nakatuon ang pansin ng mga ito. And that was the point, wearing this kind of dress, I want to attract them with my sensuality and not attract them with my personality.

They are all devouring me with their eyes. Their looks are like hungry predator, ready to pounce their prey. They did not even bother to see me as a person. At alam kong pag ganito ang mga reaksyon nila, lalong nag didiwang si Arabella. I could wear Arabella, like the dress I wore tonight, and men would never know me.

Ito ang plano. Ang makuha ko ang atensyon ng mga kalalakihan lalo na ang atensyon ng target. His wife who had hired us para kumuha ng mga ebidensya na nangangaliwa nga ito, said, that I am her husband’s type. She said that the man liked the curvy and exotic type of beauty and that meant, me. Or Arabella, atleast. Kapag gusto nito ng blondinang Amerikana, nandiyan si Pia, para hintayin si Anthony Lawson. Mayaman ito at makapangyarihan at binibwisit nito ang kanyang asawa sa kanyang mga pinag gagagawa. His wife said that Anthony had made a plan to be here tonight, at hindi nito sinasabi sa kanya kung sino ang kikitain nito ngayong gabi. At sigurado siyang pupunta ito rito para kitain ang kabit nito o maghahanap ng bagong prospect. Arabella, Pasok! Ang pait ng grupo. Infidelity cases ang kinabubuhay ng kanilang investigation team. And she is sure as hell, not to ruin it.

Buti na lang talaga mahilig akong mag acting. I fluttered my eyelashes at uminom ako ng alak sa aking baso, na mukhang cosmopolitan pero sa totoong buhay, wala kahit isang patak ng alak ang iniino ko. It was fun to play Arabella for tonight, since si Arabella ay malayong malayo sa akin sa totoong buhay. Bella. At kung sakali mang hindi masunod ang mga plano at magkanda leche leche ito, I had my lady fingers inside my pouch.

Maraming beses na rin na nangyaring kailanga ko itong ilabas pero never ko pa naman itong ginamit. At sana, sana lang talaga, sa kasong ito, ay hindi ko kakailanganing gamitin ito.

I scanned the room to check if the target has arrived. I have a photgraphic memory and I knew exactly what the target looks like. I can see white men, Asian men, may matataba, matatangkad, maliliit but the man I am waiting for isn’t there yet.

The crowd was full of high class people. Ang mga ilaw ay malimlim at may discretion. Maririnig mo ang pag clinked ng mga baso at mga tawanan mula sa mga taong nagkukwentuhan. Lahat ay posturang postura na para bang lahat sila ay mga napaka importanteng tao sa buong mundo. Well, totoo naman. Pero nasaan na nga ba ang target?

Iniisip ko pa lang kung nasaan na ang target nang may lalaking pumasok sa pinto. Akala ko ay ito na ang target but the crowd parted at nang mapagmasdan niya ang lalaki ay nasabi niya sa sarili na hindi pa rin ito ang target.

I’ve been here for two hours at hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Malapit na ako mapagod magtaboy ng mga lalaking humaharot at bumobola sa akin.  I mean kay Arabella pala. Dahil hindi ako si Aeabella. Ako si Bella, at hindi rin ako sigurado if Mr. Right for me will be hitting Arabella too. I am not sure if a guy or a man who came to this bar ay magiging si Mr. Right.

Muli akong sumisim ng juice na iniinom ko at sinilip muli ang aking phone for the hundredth time. Buti na olang talaga at binabayaran ako para pumunta rito, kung hindi ay lalayas na ako at di na babalik pa. Pero sana lang din talaga, tumawag ang boss ko and call it a night para naman makauwi na ako at ma-take advantage ko ang pag aalaga ng kaibigan ko sa anak ko para matulog ng mahimbing ngayong gabi.

While roaming my eyes around, napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang table. Napansin ko na ito kanina pero hindi ko lang masyado pinagtuunan ng pansin dahil hindi ito ang aking target. Mukhang masyado itong busy sa phone niya. I pushed him out of my mind. Hindi siya ang target, he shows no sign of danger, at hindi rin ito ijnteresado sa akin. But for a minute, nakita ko itong nakatitig sa kanyang phone na para bang inip na inip na rin gaya ko at bumuntong hininga na sigurado akong narinig ko from there.

He ran his hand through his dark curly hair at ginulo ito. Contradicting sa suot nitong tailored suit. And then, he strucked me. Na para bang may mga kampanang tumunog sa aking tainga. Hindi ko maintindihan kung bakit. It made no sense.

Bigla itong tumingala at ang mga kulay berde nitong mata ay tumingin sa akin. I felt his intense gaze all over my body and yes, hanggang sa aking talampakan. He cocked his head at me at pakiwari ko ay parang gusto ko na lang matunaw. He was too handsome for a black guy, with those full beard that matches his handsome face, semi pointed nose, mapupungay na mata, at mga labing katamtaman lamang ang kapal. He looked like Blair Underwood. Pero as hamak na mas gwapo ito kaysa kay Blair Underwood. And it took me a second bago ko maalalang si Arabella nga pala ako ngayong gabi. Hindi si Bella kundi si Araballa.

Muli, ibinalik ko ang focus at ang katauhan ni Arabella and sent him a sultry and seductive smile before cocking my head at muling humarap sa bar acting as if hindi ako naapektuhan ng mga titig nito. Pero ang totoo, apektadong apektado talaga ako sa mga titig nito. Pero wala akong magawa dahil nasa trabaho ako. I am a professional. Hindi ang mga gwapong lalaki ang ipinunta ko rito.

Nagvibrate ang phone ko at dinampot ito with grace and elegance, gaya ng gagawin ni Arabella. I sipped my drink and glanced at the screen.

Bella, you’re off. Pwede ka nang umuwi. Tumawag ang asawa ng target at sinabing hindi ito umalis ng bahay.

“Dammit,” napamura ako sa nabasa ko. Napakatagal kong naghintay pero hindi pala ito dadating. Mga lintik. Ani ko sa aking isip. Hindi ko alam kung para ba kanino iyon. Para ba sa target, sa boss ko o sa asawa ng target.

“Well, atleast makaka pagpahinga ako, gagawa ng brownies, iinom ng champagne at hihilata buong magdamag habang natugtog ang mga kanta ng Boyce Avenue,”

I already had plans. But what are they again? Hindi ko na ata maalala. Inubos ko ang laman ng aking baso as if it were actually cosmo at hindi cranberry juice.

“I am a young single woman at ayokong umupo lang dito para maghintay na may isa pang asshole na lumapit sa akin,” I said to myself and glanced back at the table with the handsome black man, but he w* gone. Nadismaya ako ng mapagtanto na w*la na ang lalaki doon.

Gusto ko ba talagang makitang naroon pa rin ang lalaki? Gusto ko pa rin bang makipagtitigan dito? Maybe makipag flirt ng kaunti? Tinawanan ko ang sarili. For goodness’ sake, I’m a single mother na nagtatrabaho bilang isang private investigator para sa isang small time company, despite he outfit at sa sosyaling bar na kinaroroonan ko ngayon.

Sa Monday, babalik na ulit ako sa office para mag check ng mga phone records, magbenta ng mga listening device sa mga kasuspe-suspetyang mga tao at susunduin ang aking anak sa school nito wearing my jeans and sneakers. Hindi ako isang marangyang tao. Everything I am tonight are all fake and pretending.

 Napailing ako sa mga naiisip at bumalik sa pagrereply sa boss ko.

Got it. I-text mo ako pag may update or something came up. In case wala naman, I’ll see you on Monday then.

And I hit sent button, at bumuntong hininga na parang hindi ako isang glamorosang babae na nakaupo sa isang glamorosong bar at ibinaba ang aking phone. “Well, nasayang lang ang gabi ko,” I muttered.

“Did you got stood up, too?” tanong ng isang baritonong boses na nasa bandang kaliwa ko. A shiver went down my spine.

Lumingon ako para tignan ang mukha ng nag-ma-may ari ng boses na iyon and to my utter shock, it was him. Nawala ang lahat ng poise ko bilang Arabella nang makitang mas guwapo pa pala ito sa malapitan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status