Share

Bella - Martin 2

Martin

“Next week na lang siguro tayo lumabas, anak,” sabi ng aking ama sa kabilang linya, while clenching my jaw, pinipigil ang galit ko dito. “Maybe we can do it when your mother is busy sa mga walang katapusan niyang charity meetings,” I rolled my eyes habang pinapanood ang isang lalaki while hitting the girl in white dress na nakaupo sa bar area. Inalis nito ang kamay ng lalaki na nakahawak sa puwitan nito at tinalikuran ang lalaki. Bigla kong hindi napigilan ang pagtawa sa nakita ko, nalimutan ko nang kausap ko nga pala ang ama ko.

“Okay, Dad, sure, tawagan mo na lang ako sa Monday,” sa totoo lang hindi na talaga ako nakikinig sa mga sinasabi niya kaya nagpaalam na ako dito. Ito ang napapala ko sa paglipat at pagbalik sa Manila gaya ng gusto ng mama ko. She never liked that I live in a “small town” in Quezon Province, at ang daddy ko ay hindi masay na isa “lang” daw akong pediatrician. Di tulad ng iniisip niya na sana mas mataas ang status ko like isa akong neurosurgeon or something kung hindi rin pala ako sasali sa kanila sa aming family business gaya ng mga kapatid ko.

My parents promised me na magiging full support ang pamilya ko sa akin, gaya ng sarili kong pediatric clinic, at independence sa pamumuhay sa city, at isa pa, ang control sa sarili kong charity, ang Friendship That Lasts Foundation, na nagkakahalaga ng milyong dolyar. Napakalaking kapalit non para lang sa pagbalik ko sa Manila. Kaya naman hindi na rin ako nagdalawang isip na bumalik. Imagine napaka daming tao ang matutulungan ko gamit ang foundation na iyon.

Pero imbes na ma-enjoy ko ang buhay ng pagiging mayamang bachelor, I was caught in the middle of my parents’ argument at kung ano ang kailangan nila sa akin. Ang tagal kong namuhay sa probinsya, away from my family na hinayaan kong yung pagka miss ko sa kanila ang mamayagpag sa pagdedesisyon ko, na nakalimutan ko na what a pain in the ass my family were.

Pero at least, tapos na akong maghintay sa ama ko sa nakakadiri at nakakairitang lugar na ito. Imagine na napakaraming mayayamang lalaki na nagpupunta rito, pinoy man o foreigner, at mga babaeng naghahanap ng mayamang magagatasan. Just being here makes me feel nauseous at kinikilabutan ako sa lugar na ito. Hindi ako makapaniwala na gusto ni Dad na dito kami magkita. Ang akala ba niya gusto kong magpunta sa lugar kung saan niya kinikita ang mga babae niya? Nagsasama pa rin sila ni mom. I stared at my phone with a disgusted look na akala mo naman talaga ay makikita ni dad ang mukha ko kahit pa ibinaba na namin ang tawag at hindi ito video call.

I called the waitress and told her I’m going to pay my bill at iginala ang aking mata habang inaantay ang aking credit card.

Bumalik ang tingin ko sa babaeng naka white dress, na nakatitig sa phone nito at mukhang naiinis. Nag nagsimula na itong makipag usap sa phone, I mean kinakausap niya ang mismong phone niya na para bang buhay ito, kitang kita ko ang expression sa mukha niya, na hindi bagay sa perpektong histura nito kanina na halos akala mo sobrang cool at di makakabasag ng pinggan. Maging sa napaka gandang mukha nito hindi bagay ang naiinis. Hindi ko na naman mapigilan ang matawa. I signed my receipt habang pinanood pa rin siya.

Kakaiba ito. At alam kong hindi siya nabibilang sa mga babaeng naririto. She looks so alive. Unlike those women out there that the moment you laid eyes on them, you’d know that they were all here just to get and catch big fish.  Tumayo ako and I feel drawn to her at nakita ko na lang ang sarili kong naka sandal sa counter ng bar nang hindi nag iisip. Nagtext ito saglit at nang matapos ay inalagay ang phone ng nakataob sa harapan nito and she muttered something under her breath.

Bago pa man ako makapag isip, nang sasabihin dito na hindi magiging katulad ng style ng mga mayayamang lalaki na nakikipag - flirt dito kanina ay natawa ako at di ko napigil iyon at sinabing, “Inindian ka din ba ng kasama mo?”

Dahan dahan itong lumingon, at bakas sa mukha ang gulat na para bang nahuli ito habang may ginagawang kasalanan. Ang mga mata nito ay kulay light brown na kung hindi mo titigang mabuti ay hindi mo makikitang parang kulay honey ang mga gilid nito. Her eyes looked surprised and there’s a warmth in it that made me feel something. Parang nawalan ako ng balanse nang magtama ang aming mga mata.

Kitang kita ko ang pagbago ng emosyon sa mga mata nito from being warm and honest to cold at parang walang emosyon. She immediately put back the walls. At umayos ito nang upo upang mag mukha muling elegante at tumingin muli sa akin. “Excuse me?” sabi nito.

Her voice was rich at napakagandang pakinggan nito. Her voice hinted something sweet, na parang honey or chocolate.

Natawa ako sa sarili ko ng maramdaman ang pagnanais na marinig muli ang mga tinig nito, makitang muli ang warmth sa mga mata nito.

“Sorry, I’m Martin,” Inilahad ko ang aking kamay upang makipag hand shake sa kanya.

Tiningnan niya ito na para bang nagdadalawang isip siya na baka trick lang ito or something bago niya tanggapin ito with a surprisingly firm shake.

“Arabella,” she purred and started fluttering her eyelashes.

Despite the lenght of those eyelashes and her makeup that makes her look sultry, mukha itong fresh, young at playful. She began pulling her shoulders back and thrusted her chest out, pero ang mga mata nito ay pinanonood ako, like she’s trying to evaluate my reaction to her physical features. It was a dare and I’m trying my best to bite my grin back. Hindi ko tiningnan ang katawan nitong I-dinisplay niya.

“Mukhang parehas tayo ng na-receive na tawag hmm. Someone cancelled on me too,”

Her eyes were huge at parang gusto kong magpaka lunod sa mga matang iyon. Well hindi pala parang, gusto ko pala. Humakbang ako papalapit sa kanya at naamoy ko ang pabangong ginamit niya. She smelled like roses and something else na hindi ko mawari. Something earthy at kaakit akit. Inaakit ako nito, but unlike other men, hindi ako naakit sa katawan nito o ng cleavage nito. Naakit ako ng pabulong bulong nito, ng duda niya sa bawat taong lalapit sa kanya at ng kanyang mga mata.

The boobs and cleavage she had on display were just a test. Not a seduction. Ni hindi niya nga sinubukang mang akit. As far as I could tll, ni hindi niya sinubukang akitin ang kahit na sino.

Her red lips, smoky eyes, at ang cleavage niya, it was just a mask, at alam kong hindi niya rerespetuhin ang taong mahuhulog sa patibong niyang ito.

Pero, naakit ako sa kabila ng hindi pagtingin sa mask na nagtatago sa kanyang totoong pagkatao. I felt something exploding inside me like fireworks. At hindi ko ito mapigilan. Something told me na biglang nagbago ang buhay ko but there was no specific reason for it. I am a man of science and I shouldn’t believe or doing this thing. Hindi dapat ito nangyayari. Pero wala na akong pakialam.Her lips that looks so soft and kissable are still parted while her eyes are still holding my gaze. All I ever wanted to do is to lick those red lipstick off her lips so I could kiss and suck those pink lips of hers and make them mine.

Kumurap ito at biglang napailing and let out a throaty chuckle. Nakita ba niya ang aking saloobin, just like I saw hers? Tumingin ito sa kanyang phone at napansin ko siya na nag isip kung magiging honest ba siya o hindi sa sasabihin.

“Well, hindi siya kawalan,” she said and her sweet voice filled me up and it made me shiver. Gusto kong hawakan ang kanyang kamay, pero hindi ko pa din ginagawa. Kailangan kong maging maingat, since she was playing games. At kailangang mapantayan ko ang kanyang mga moves.

Tumango ako at sinabing, “Yeah, it was his loss, but maybe it will be my gain?”

Nanlaki ang mga mata nito at sumagot, “Yes. It was his loss, but maybe, I am married, at asawa ko pala ang hinihintay ko?”

Nilakihan ko din ito ng mata at sinabing, “Kung kasal ka na, ibig sabihin, hindi ka sinipot ng asawa mo?”

“Malamang hindi ako tumagal dito sa paghihintay ng dalawang oras, kahit asawa ko pa ang hihintayin,”

Nawala ang charm sa boses nito at napalitan ng sarkastikong boses. Real. I think naka score ako ng isan puntos doon dahil napalabas ko ang totoong siya. At napangiti ako ng malapad and I cocked my head to the side and asked, “So, walang asawa, but how about, boyfriend?” I raised my eyebrow while waiting for her to answer. Pero alam kong wala itong boyfriend. Dahil kung mayroon man, she wouldn’t step inside this place, and she wouldn’t flirt with me kung meron man itong boyfriend. I just knew it.

She shook her head.

“Gusto mo bang umalis na sa lugar na to?”

Lumayo ito at nagsalita, “What? Hindi mo man lang ba ako aalukin na dalhin sa Paris gamit ang private jet mo? How bout jewelry? Apartment sa Taguig kapag pumayag akong maging babae mo? Those are the things I have been offered to by a lot of men tonight,” She scoffed.

Nagulat ako sa naramdaman kong galit at…. Protectiveness nang sabihin niya iyon. And I think, that’s it. I felt that I wanted to protect her from this place, sa mga lalaking nandirito mga lalaking katulad ng aking ama at mga kapatid. Mga lalaking kilala ko buong buhay ko.

“Iyan ba ang mga sinasabi nila sayo all night?”

“What?”

“Tuwing tinataggihan mo sila, did they think na… Sinusubukan ba nilang… sinusubukan ka ba nilag bilihin?”

“Napansin mo din?” she said na nakataas ang kilay nito na parang nang uuyam.

There was no way I’m going to tell her the rage and anger I felt whenever I watch them hit on her. Or kung gaano ako ka-proud sa kanya twing tinatanggihan niya ang mga ito. Again, I am a man of sciece and everything I feel right now, makes no sense, at all.

Nagkibit balikat ako at sinabing, “Mukha namang ayaw mo ang ginagawa nila sa iyo, but you seem to had it under control. Dahil wala akong ginagawa habang nag hihintay ma-indian, but watch you. You are very beautiful,”

She raised her chin up and started to put up her defenses back.

Nagkibitbalikat ito at sinabing, “I guess, Wala lang talaga akong magawa, kaya ko yun ginawa,”

“Pinanonood mo ang lahat, I saw you,”

Napapikit ito. “Gusto ko lang malaman kung ano ang meron at mga nangyayari,” she said in a sharp and edgey tone that makes me think she’s kinda pissed.

“As you should,” sabi ko sa kanya, habang iniisip ang mga maaaring gawin ng mga lalaking nandito sa bar sa kanya. “If I were you, hindi ako magtitiwala sa mga lalaking nandito sa bar na ito,”

“Hindi ka ba katulad ng mga lalaking nandito sa bar, Martin?”

Natawa aako sa tanong nito, at tumingin sa sarili ko sabay tingin sa mga lalaking naririto. With different ages, appearances and ethnicity, I had to admit na tama nga siya. Money, Power and Grooming. Kahit ako ay halos kapareho ng suot ng mga ito, wearing my suit, dressed up, gaya ng request ng aking ama. Siguro para lang matuwa man lang ito sa akin. “Well, matagal na panahon ang ginugol ko para subukang hindi maging katulad nila, Arabella,”

She pursed her lips, na para bang hahalik ito, then she raised one eyebrow and let out a skeptical ‘hmmm.’

Honestly, I like her.

“You are too good to be in this place, Arabella. Gusto mo ba kumain ng burger or something? May alam akong malapit na kainan na may masarap na burger and milktea. Since pareho naman tayong na-stood up ng mga kausap natin, maybe, we cn keep each other company,”

Lumingon ito sa kabilang side at nilaro ang stem ng kanyang martini glass, nag iisip. Sigurado akong isasali ako nito sa listahan ng mga creeps na tinurn down niya ngayong gabi, at nagulat ako when I felt my gut has sunk immediately. Gusto kong sabihin niya na yes. Gusto ko siyang mas makilala pa.

Instead, narinig ko ang malakas at steady niyang boses na sinabing, “I’d like to leave with you,” at inilagay ang dalaw*ng kamay sa bar saka tumayo. Pumihit ito at nagtungo sa akin, she w* so closed to my body that she w*s almost pressed against my body, and then puts her mouth ion my ear and said, “But I don’t w*nna eat burger,” sobrang lapit ng labi nito sa aking taingga and her voice is sultry and low that only I could hear her.

“Bihira ako mabigyan ng chance na magkaroon ng free night. Hindi rin ako madalas nakakakilala ng bagong tao. Gusto kong---” humina ang boses nito at huminto mag salita na para bang takot itong sabihin ang nais sabihin.

I moved my hands and put it on her waist, dahil gusto ko lang mahawakan siya. “What?” tanong ko sa kanya.

“Gusto kong… I’d like you to take me home,” bulong nito na para bang sikreto ang sinasabi nito.

“Okay,” bulong ko rin dito and I put my hand at the small of her back at I-ginuide ito palabas ng nakakadiring bar na iyon. Hindi na ako nag isip pa at pumara ng taxi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status