Natapos kanina, inilipat na nang kwarto ang kaibigan ko. Maayos naman dito, may kalakihan at maganda ang loob. Kaya, magiging comfortable nga ang lagay ni, Pengpeng. Oo nga pala kanina pa si Mylene, nakahawak sa kamay ni Pengpeng comatoes ang kaibigan ko kailan kaya siya nagigising? Hindi mabigyan ng kasagutan ang katanungan ko sa isipan. Nag tataka ako kung bakit ito nangyayari at kung sino ang may gawa gusto ko nga na makakita ang CCTV na sinasabi ni, Anderson. Gusto kong malaman kung ano talaga ang totoo dagdag pa ang mga sinabi sa akin ni Mylene, kanina na gumulo din ang isipan ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang narinig ko lalo na wala rin naman akong nakikita na ebidensya siguro nga dala lang ni Mylene, sa galit kaya binintangan niya si Menda. Ilang oras na ang nakakalipas hindi parin nakakabalik si Anderson, nag paalam say kanina sa akin dahil may importanti daw siyang gagawin pero hindi naman naman nya sinabi kung ano. Maya-maya pa, umupo ako sa tabi ni Mylene, kahar
Bumukas ang pintuan, iniluwa nito si, Anderson. Ngunit, nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan, habang deretsong nakatitig sa amin. Bumaba lamang ang tingin ko, sa totoo lang parang pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat. Kung singaot ko lang sana ang mga tawag ni, Pengpeng, hindi na sana siya pupunta sa bahay. "I'm sorry, ito lang ang nakuha sa CCTV." Biglaang sambit ni, Anderson. Dahilan na nanlaki ang aking paningin. Kailangan kong makita ang CCTV, gusto kong malaman ang kung paano ito nangyari kay Pengpeng. Nagising si, Mylene. Malungkot ang kanyang mga mata. Dahil sa narinig namin, pareho kaming napatayo at sabay-sabay kaming lumapit kay, Anderson kasama si David. Inilapag naman ni Anderson, ang laptop na bitbit niya. Pagkabukas niya nito, tumumbad agad sa amin ang video. Seryoso kaming lahat, halos hindi ako mapakurap. Hindi naman pala ang driver ng motor ang may kasalanan kundi, isang van. Napansin ko sa kamay ni, David ang galit dajil sa kamao niyang nanyuyumo. "It
"Hindi, ayos lang ako, kaya ko pa.""Huwag ka nang makulit pa, Nelia. Pahinga ka na," singit naman ni David. Hindi naman ako makakalusot sa kanila, kaya, fine. Kailangan ko rin naman ng lakas para bukas. Pangako Pengpeng, gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng hustisya, magpagaling ka lang diyan. Nagbigay ako ng ngiti sa kanila. Nakakatamad umuwi sa bahay ni, Anderson. Medyo malayo rito sa hospital, kung pwede lang sana dito na lang. "Nelia, sa condo ka na magpahinga." Nanlaki ang paningin ko dahil sa sinabing 'to ni, David. Tumayo siya at ibinaba ang hawak-hawak niyang diyaryo na binabasa niya. "No." Malamig na boses ni, Anderson. Kasabay din nito ang pagtayo niya. Malamig ang titig nila sa isa't isa. Ano ba naman 'to, parang dumadagdag pa sila sa sakit ng ulo ko. "Why not? Alam mo naman na malayo ang bahay mo dito sa hospital. Gusto mo pang magbyahe si, Nelia?? Tsk! Isipin mo naman ang kalusugan niya, hindi ang kagustuhan mo, Anderson." Bumabalot ang malaim na boses sa tono ni
"Mylene, anong ginagawa mo!!!" Sigaw na lumabas sa bibig ko kahit nanginginig ang buong katawan ko. "Hindi... Hindi... Hindi ako ang may gawa... maniwala ka hindi ako!!!" Binitawan niya ang hawak niyang kutsilyo at napahagulhol sa pag-iyak. Damang dama ko ang takot sa kanyang mga mata. Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang buhok habang gulong gulo ang kanyang itsura."Mylene, kung hindi ikaw! Bakit??? Bakit ka nandiyan sa ibabaw ng katawan ng lalaking 'yan at may hawak ka pang kutsilyo! Bakut ka pumatay!!!""Hindi.. hindi ako ang pumatay... Hindi ako..." Sinubukan niyang lumapit sa akin, ngunit hinila agad ako ni, Anderson. "Tulungan niyo ako, pakiusap tulong..." Boses ng isang lalake. Napalingon lingon ako kung saan nang galing ito. Hanggang sa lumabas ang isang lalaking duguan, habnag gumagapang patungo sa aming dereksiyon."Siya! Siya ang may kasalanan, siya ang pumatay hindi ako! Please, Nelia... Hindi ako ang pumatay..." Nanginginig na boses ni, Nelia. Ngunit nakikita na namin
Nakarating kami sa korte, ngunit hindi pa nag-uumpisa. Tanging nakita ko si, Mylene sa harap na naka-suot ng dilaw. Mahina ang kanyang buong katawan dahil sa kanyang itsura. Parang hindi siya natulog, hindi naging maayos ang lagay niya. Maraming karayum ang tumutusok sa dibdib ko habang nakikita ko siyang nagkaka-ganyan. Wala naman talaga akong tiwala na nagawa niya ang bagay na 'yon, pero kailangan niya patunayan sa amin ngayon na wala siyang kasalanan. 'Mylene, sabihin mo ang totoo, huwag mo sanang gawin ang magsinungaling. Kahit na anong mangyari, patunayan mo pa rin sa amin na hindi nagkakamali ang pagtitiwala namin sayo. Binitbit ako ni Anderson upang umupo. Subalit, habang naglalakad kami, deretso pa rin ang tingin ko kay Mylene, at ganun din siya sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya na sinasabi niyang wala siyang kasalanan. Nakiki-usap ang mga mata niya na pagkatiwalaan ko siya. Humihingi siya nang tulong sa pamamagitan ng tingin niya. Ngunit, hindi ko siya matutulungan dahi
"Ano??? Hindi 'yan totoo! Hindi ko kayo mga kilala, bakit ba ganito ang ginagawa niyo sa akin! Maniwala kayo sa akin, hindi totoo ang sinasabi niya!" pagwawala na sigaw ni, Mylene. Deretso lamang ang aking mga mata nanakatingin sa kanya, alam ko naman na hindi niya magagawa ang bagay na 'to, pero bakit ganito na lang ang maririnig ko sa ibang tao??? Gusto lang ba nilang siraan ang kaibigan ko? Bakit? Sa anong paraan? Gulong-gulo na ang aking isipan, hindi ko na alam kung sino sa kanila ang paniniwalaan ko. "Tsk! Huwag ka diyan sumabat, dahil hindi naman ikaw ang kinaka-usap. Nagpapahalata ka talaga na guilty ka sa ginawa mo." "That's enough! Mr. Lemuel, ipagpatuloy mo." "Attorney, totoong inutusan niya kaming patayin ang kaibigan niya. Dahil, palagi daw silang hindi nagkaka-intindihan, gusto rin ni Ms. Mylene, na mapunta sa kanya ang pagmamay-ari ng kaibigan niya. Pero, hindi kami pumayag dahil labag ito sa kalooban namin. Kaya lang naman kami na roon sa condo niya, dahil siya m
"Sandali lang, hindi naman ata na pwedeng mo akong pagbintangan? Isa akong attorney at pumapanig ako sa batas. Wala kang karapatan para sabihin sa akin 'yan. Lalo na at wala kang proweba." "Kung ganun, huwag ka rin manghusga. Hayaan natin na ang batas ang bahala sa lahat. Kanina pa napapatunayan na ang babaeng 'yan ang may sala. Ngunit, bakit hindi ka naman naniniwala. May proweba na nga." "Tsk! Pareho tayong may proweba, may saksi kami. Kung may saksi ka rin, ilabas mo na. Pakinggan natin kung ano ang sasabihin." "Well, lumabas ka na diyan. Dalhin niyo rito ang saksi sa pangyayari." May lalaking biglang dumating kasama ang ibang polis. Ang hambog niyang lumakad. Sana lang, magsalita siya ng totoo. Sana, mapawalang sala ang kaibigan ko. Pumunta ito sa pwesto na maging pwesto kanina ni, Lemuel. Kalaunan, sabay na umupo ang dalawang attorney. Mas lalo akong kinakabahan sa nangyayari. "Mr. Zan, nangangako ka ba nagmasasabi ka ng totoo? Tinatanggap mo ba ang parusa kapag mapat
NELIA POV. Nagising ako sa isang kwarto. Parang ito ang hotel ni, Anderson. Inisip ko kung ano ang nangyari, dito ko lang napagtanato na na-walan ako ng malay. Tiningnan ko ang oras, nasa 9:23 na ng gabi. Kanina lang umaga pa, tulog mantika ata ang nagawa ko. Nakaramdam ako ng sakit sa buong katawan ko. Wala naman akong ginawa, pero bakit sobrang sakit. Nahihilo ang ulo ko, na para bang lasing ako. Kahit, hindi naman ako nag-inom ng alak. Nagtataka ako, kung ano ang nangyari sa akin. Napalingon lingon rin ako sa loob ng kwarto, tila'y maingay ang CR. Siguro, nasa loob nito si, Anderson. Kung ganun bakit gising pa siya sa mga oras na 'to. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa banyo. Dahan-dahan kong pinilit ang buong katawan ko na bumangon at nagawa ko naman ito. Ngunit, hindi maalis na mapahawak ako sa dinadaanan ko habang nakahawak rin sa ulo ko. Hindi ko talaga maintindihan. Sa paglakad ko, hindi ko sinasadyang masagi ang isang vase. Malakas ang tunog na ibinigay nito. "Nelia, a
"Ohh, anyari do'n? Narinig lang naman niya na bulong bulongan ka ng iba, tapos magtataray siya?" Inis na wika ni Mylene. "Ahm, hayaan niyo na lang. Isa pa, ayaw ko din ng gulo. Iwasan natin ang gulo rito, nakakahiya inimbita niya tayo rito. Kaya, umayos na lang tayo sa galaw natin." Kalmadong aniya ko naman. "Ohh, siya sige. Hayaan na lang natin, total lumabas na rin siya baka mag-announce na siya sa gusto niyang sabihin." Dagdag pa ni Peng. "Oum, baka nga," sabay ngiti ko. "Huwag kang mag-alala, kahit ano pa ang sabihin niya o gawin niya. Kami ang bahala sayo Nelia," pag-aalala ni Mylene. "Oum," sabay tango ko. "Okay everyone, good evening. Now, mag-uumpisa na tayo. Narito na ang ating birthday girl, na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Nakikita naman sa kaniyang itsura na minana pa sa kaniyang Ina." Mahabang sanaysay ng isang lalaki sa harapan at nakangiti pa. "Sus, anong anghel ang sinasabi niya? Baka nga may sungay pa, tsk!" Pabulong na inis ni Peng. Agad ko naman s
"Hmm, hello po Tita." Mahinhin na wika ko. Ito ang Ina ni Menda. Katulad pa rin nang una, iba pa rin ang pakiramdam ko sakaniya. Sa Oras na ito, tila'y gusto ko siyang yakapin. Ang Gaan nang pakiramdam ko. Tama na nga self, mukhang may mali na sayo! "Nelia, mabuti na lang at naka-dalo ka. Akala ko bibiguin ako ni Anderson. But now, I'm very happy dahil nandito ka." Nakangiti na wika niya. Pakiramdam ko na dadala ako sa mga sinasabi niya. "Ahm, opo. Nag-usap po kami ni Anderson tungkol rito. Maraming salamat din po sa pag-imbita." Nakangiting wika ko rin sa kaniya. Ikinagulat ko ang biglang ginawa niya. Muli niyang ginawa ang paghawak niya sa mukha ko. Ginawa na niya ito sa hospital. Eiii KALMA lang self, wala naman ibang meaning ang pakiramdam na 'to! Please, lang tama na ginugulo mo lang ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas sa paghimas niya sa mukha ko. "Pasensya na po Tita. Ahmm, baka hinahanap na rin po kayo ni Menda. Sige na po, ayos lang po kami rito. Mag-iing
Na una si Anderson sa birthday ni Menda. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong araw. Hindi ko naiintindihan ang tibok ng puso ko. Sobrang gulo, nag-aalangan tumuloy. Kaso nga lang naka-bihis na ako ngayon at nasa loob ng sasakyan. Naka-sandal lang ang ulo ko ngayon bandasa bintana, habang iniisip ang lahat. Hindi ko na nga alam kung ano ang uunahin ko. "Sana maging maayos lang talaga ang gbing ito." Mahinang sambit ko sa sarili ko. "Ma'am ayos lang po ba kayo?" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Wala akong gana ngayon na makipag-usap sa iba. Hayts, kami lang din naman ng driver ni Anderson ang nandito ehh. Sino pa ba ang iniisip ko. Hays, mukha na talaga akong tanga sa mga ginagawa ko ngayon. "Bakit kasi ganun..." sabay buntong hininga ko. "Ang alin po ba ma'am? May problema po ba ma'am?" Umaatras ang dila ko kasi hindi ko rin naman alam kung ano ag isasagot ko. Hindi naman sa snober, sadyang ewan. Nanatili na lang akong tahimik habang nasa malayo pa rin ang tingi
Maya-maya lang lumabas si Anderson. Bagong ligo siya pero hindi ko 'to pinansin pa. Syempre umarte pa rin akong hindi nasasaktan. Nakaka-pagod din ang magpanggap pero wala akong ibang pagpipilian. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan ko lang siya at hinihintay na may sasabihin siya. Nang kinapa niya ang kama, agad kong napansin ang invitation card. Hindi ko pala 'yon na-itago. Akmang kukunin ko na 'to, subalit inunahan niya ako kaya hindi na lang ako umimik pa. Unang tingin pa lang niya alam na alam na niya. "Invitation card? Sino nagbigay? Si Menda? Nagkita kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Ahmm, oum, pumunta siya rito kanina. Tapos sabi niya, may malaking importanteng bagay daw siyang i-announce sa birthday niya. Kailangan ko raw pumunta para malaman ko." Mahinahon na sagot ko. Nasa kumot lang ang tingin ng mga mata ko. "Okay...." Pansin ko ang malalim niyang paghinga. "May problema ba love?" "Ahmm, nag-aalala lang ako. Baka kung ano ang gawin niya b
BACK TO NELIA POV.Napa-kapa ako sa kama dahil sa pag-vibrate ng phone ko. Kahit inaantok pa ako, agad ko pa rin itong binuksan dahil iniisip kong si Anderson ang nag massage. Napangiti naman ako. Ngunit, nang tuluyan ko itong buksan. Laking gulat ko na lang ang nakita ko. Tila'y dinurog ang puso ko. Mga malamig na patalim ang tumarak sa dibdib ko. "Love, bakit ganun...." Mahinang sambit ko sa sarili ko. Dahan-dahan na tumulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na siya uulit, pero bakit sa litratong 'to makikita ko kung paano sila naghahalikan ni Menda. Hindi ko napigilan ang aking puso. Dahil sa sobrang sakit napa-iyak nang napa-iyak. Sana umuwi ka na lang, kailangan pa bang makipaghalikan sa iba bago ka umuwi. Masyado akong emosyonal ngayon. Sobrang sakit, sobra pa sa sobra.Mahigpit akong napayakap sa unan ko. Damang dama ang lamig na 'to. "Bakit ba ganun, bakit ganun. Anderson, siguro naman hindi totoo ang litratong 'to. Nilalandi ka lang ni Menda diba?" Kahit anong deny ko sa nak
"Nelia, alam mo naman na ex fiance ko si Anderson. Dapat alam mo na rin kung bakit ako nandito. Isa pa, you know na may nangyari na sa aming dalawa. So, may karapatan ako sa kaniya. Not only you Nelia." Mataray niyang wika at may kaartehan pa. Napakuyom ang aking kamao. Hindi ko gusto ang tinig ng pagkakasabi niya."Ano naman ngayon? Wala akong pake-alam kung ano ang meron ka kay, Anderson. Isa pa, ex ka lang diba? Asawa na niya ako ngayon. Kung isisiksik mo pa ang sarili mo sa aming dalawa. Isa ka lang kabet Menda." Nang gigigil na ako sa tulad niya. Kung pwede ko lang siya saktan nagawa ko na."Well, I don't care. As long as he's back in my life. Alam naman natin pareho na mang aagaw ka lang. Inagaw mo lang siya sa akin at marami ang nakakaalam sa bagay na 'yon." Tila'y bwenebwesit niya talaga ako ngayon. Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko dagdag pa ang babaeng 'to."Sabihin mo na lang kung bakit ka nandito. Wala rito ang asawa ko, kaya hindi mo siya malalandi. Tsk! Menda, alam
"Ano ka ba, hindi ahh. Hindi ako buntis, sadyang gusto ko lang kumain ng mangga." Natatawang tugon ko rito. "Hayts, ano ba 'yan akala ko buntis ka na. Excited pa naman ako maging ninang." Sabay tikhab niya. "Ninang? Hahha ninang ka diyan, ang sabihin mo ninong." Bulalas ko rito. "Just support me sis, basta 'yan na ang usapan dapat lang na maging ninang ako ng magiging baby mo. Okay? Dahil kung hindi hmppp...." "Kung hindi? Ano naman? Tinatakot mo pa ako ahhh..." "Guys, were here." Biglaang singit ni Vince. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Isang palengke na maraming prutas. Hmmm, ang sarap naman atat na atat na talaga ako. Agad naman akong lumabas sasasakyan at sumunod naman sila sa akin. Dahil sa sobrang takam na takam na ako sa mangga. Mabilis kong inisa isa ang mga tindahan. "Nelia, magdahand dahan ka lang baka mamaya mapano ka pa!" sigaw sa akin ni Peng, ngunit hindi ko ito pinansin. "Ano ba 'tong bata namin ang likot likot naman ngay
Siguro nga mapaglaro ang tadhana. Pero, masaya naman na kaming lahat. Alam ko rin na masaya rin si David para sa akin."Ahmm, huwag mo na lang isipin 'yon Vince. Isa pa, hahah masaya naman kami ehh. Ayos lang din naman ang lahat para kay David. Isa pa, mas deserve niya ang ibang babae." Mahinahon kong tugon. "Well, that's true. And also I'm very happy with you Nelia. Malaki na rin ang pinagbago nang lahat. Like you. Then, I hope you'll not change. I mean, whatever that happened just stay of being you. Because your positive and still have a kind heart. Your genuine woman, and you deserve to love." Nakakataba nang puso. Malaki laki na rin ang pinagbago ni Vince."Thank you Vince. Ikaw din may mabuti ka rin' puso. And by the way kailan mo ba ulit popormahan si Mylene?" Biro ko pa sa kaniya."Shhh, napunta na naman sa amin ang usapan. She's happy about her life now. Baka kapag pumasok pa ako sa buhay niya magulo ko pa.""Aysus, papalusot ka pa diyan ehh...." "Ehem, Anong topic niyo diya
Parang ang dali lumipas ng araw. PANIBAGONG araw na naman ngayon. Sobrang masaya din ako today. "Love, kanina ka pa diyan sa bathroom, ayos ka lang ba diyan?" Pasigaw na wika ko, nang sa ganun ay marinig niya sa loob ang sinasabi ko. "I'm okay. Just wait a minute." Pasigaw niya rin' sagot. Inayos ko ang lahat rito sa loob nang kwarto. Habang hinihintay siyang lumabas. Ang tagal naman niya. Parang babae gumalaw ahh. Ano kaya itsura niya kung babae siya. Parang natatawa akonm kapag isipin ang itsura niya 'yon. Hmm, maganda din naman siguro. Baka ngaas maganda pa sa akin. "Honey, I'm done." Napaharap naman ako sa kaniya. Wow, bihis na bihis parang may lalakarin. Hmm, saan naman kaya. "Ohh, bakit ganyan ang suot mo? May lakad ka ba love?" Lumapit ako sa kaniya at maayos na inayos ang pulo niya. "Sa company lang naman. Don't worry, may importante lang na gagawin ako ro'n. I'm sorry honey, maiiwan na muna kita dito sa bahay." Malambing niyang wika. "Hindi ayos lang naman sa