Share

Kabanata 27

"And that's for our meeting." Saad ng binata saka ipinatong ang mga kamay sa mesa.

"Thank you, Sir."

"Thank you po, Sir." Sabay-sabay na tugon ng mga empleyado habang nagliligpit ng mga gamit.

Nandito sila ngayon sa isang restaurant sa beach at pinagme-meetingan ang mangyayaring photoshoot para sa ilalagay sa magazine nila.

Tatlong araw na rin sila dito sa Boracay at enjoy naman silang lahat. Maganda ang tanawin lalo na tuwing sunset, marami ring pwedeng gawing activities lalo ang scuba diving.

Nagustuhan ito ni Carlo dahil marami siyang nakikitang mga ibat-ibang isda.

Marami pa silang ginawa at pinuntuhan, halos mapuno na ang selpon ni Leah dahil sa dami ng litrato nila.

Hindi doon mawawala ang binata. Kasama nila ito palagi at kasama rin ito sa mga litrato na nakukuha niya. At dahil doon ay, nakita niya kung paano magbonding ang dalawa. Masaya ang mga ito lalo na si Carlo.

At dahil sa ala-ala na iyon ay hindi mapigilan ni Leah makaramdam ng sakit. Napabuntong hininga na lamang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status