Share

Chapter 17

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa police station kung saan dinala si Alexander. Agad kaming sinalubong ng mga pulis nang makita nila kaming papasok sa loob.

"Magandang araw po. Ako po pala ang Deputy Chief dito." Bati ng matandang lalaki sa amin habang naglilinis ng kaniyang salamin. "Ikaw po ba ang anak ni Mr. Brooks?"

Tumango ako bago umupo sa bakanteng silya habang nakatayo naman si Miguel sa gilid ng pintuan.

"Tumawag po pala si Mr. Mercedez sa amin kanina. Ang sabi niya ay hindi raw intensiyon ng anak niya na gawin ang bagay na 'yon sa 'yo, Ma'am."

"What? Hindi intensiyon? He tried to raped me, Sir. Mabuti na lang at dumating ang bodyguard ko!" Galit na singhal ko.

"Magjowa naman daw po kayo at normal lang na gawin ang gano'ng bagay sa magkarelasyon."

"Magjowa? Hindi ko po siya boyfriend, Sir. Nanliligaw pa lang po siya sa akin at never ko siyang sasagutin pagkatapos ng ginawa niya sa akin!"

"Iyon po ang sinabi sa amin, Ma'am. Hindi naman po siguro magsisinungaling s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status