Share

Chapter 1

Author: EessaArkisha
last update Last Updated: 2022-11-26 03:48:20

"Sige na, Ai. This will be fun, promise!" Daisy said. Kanina pa siya nagmamakaawa sa aking samahan siya sa isang group date. May dalawang babae pa naman daw kaming kasama mula sa klase nila. Hindi ko lang alam kung bakit ako ang pinipilit niyang sumama kung pwede namang sa bloc na lang nila siya maghanap.

"Ayoko nga," I replied. Binilisan ko iyong lakad ko. Pupunta pa kasi akong Library kasi vacant time ko. Ito namang si Daisy ay kahit late na sa klase niya ay andito pa rin at sunod nang sunod sa akin.

"Aira naman," malungkot niyang sabi. "Samahan mo na 'ko, please? Kasama kasi iyong crush ko. Ipapakilatis ko sana sa 'yo," she added.

I stopped from walking. Huminto rin siya at tumingin sa akin, her eyes almost pleading. "At sa akin mo pa talaga naisipang ipakilatis? Sure ka?"

"Bakit hindi? Magaling ka namang mang-judge."

"Gaga ka."

Daisy laughed. "Totoo naman. At saka, ipapa-check ko rin kung may red flags ba. Magaling ka 'don eh."

"So basically, isasama mo lang ako doon para i-judge ang crush mo?" I asked.

"May ka-date ka rin naman! Sabi ng friend ko from College of Medicine daw 'yong sa 'yo," she said with a smile.

I snorted as I continued walking. Nakasunod pa rin si Daisy. "From Med? May time pala silang mag-date?" I murmured. I thought they're busy people. Nakikita ko kasi sa mga taga-Med na nakakasabay ko sa Library na ang kakapal ng mga librong inaaral nila.

"'Yong makaka-date mo, oo ata," she replied. "Ang sabi matalino daw 'yon kaya marami sigurong spare time para mag-date kasi hindi na kailangan ng much effort. Kaya nga pala sa 'yo 'yon pina-partner kasi matalino. Para naman match ang brains niyo." I felt Daisy hugged my right arm. "Sige na. Pa-birthday mo na sa 'kin oh."

"Gaano ba ka-importante 'yang date na 'yan para sa 'yo?" I asked.

"Importante, kasi dito nakasalalay kung sino ang magiging future daddy ng future babies ko," she replied.

I snorted again.

"Sige na oh. Kailangan maunahan ko parents ko kasi baka kung sino ipakasal nila sa akin in the future," she said with a pout. Ginamit pa talagang excuse parents niya. She forgot I know her parents. Hindi naman ganoon sila Tito at Tita. Madrama lang talaga itong si Daisy.

"Okay," I said. "But you have to go to your class. Late ka na naman. Hindi ka na nahiyang rumampa."

Daisy jumped and screamed in joy. "Thank you, Ai! You're the best!" She even hugged me. "Mamaya 'yon ha!" She added and then ran.

Sinundan ko siya nang tingin just to make sure she's really going to her building.

Itong babaeng 'to talaga!

•●•

"Naks, chocolates! Akin na lang 'to ah? Alam ko namang di mo rin 'to kakainin. Sayang naman," masayang sambit ni Daisy nang makita ang isang kahon ng tsokolate sa ibabaw ng table ko. Tapos na ata ang klase niya kaya sinundan ako dito sa Library. Sabay rin kasi kaming magla-lunch kaya parang sinundo niya lang ako dito. Minsan kasi hindi ko na namamalayan ang oras.

"Sa 'yo na," I just said and she happily put it inside her bag.

"Alam ko kanino galing 'to," she said. "Kay Charles 'no?"

"Yeah," I replied. Kinuha ko na iyong mga gamit ko saka tumayo. Tumayo na rin si Daisy at sumabay sa akin palabas ng Lib.

"Ai, don't you think it's best na sabihin kay Charles na wala naman siyang pag-asa sa 'yo? Feel ko kasi umaasa pa rin 'yong tao," Daisy said.

"Akala mo hindi ko siya diniretsyo? I already told him. Ayaw ko rin namang magpaasa ng tao. Pero ayaw niyang makinig. He's so persistent na minsan parang nakakatakot na," I replied. Bigla kasing nagdilim 'yong mukha niya 'nong sabihin ko 'yon.

"Hala, anong gagawin mo?"

"Hindi ko nga alam eh. Kahit anong sabi ko ng 'no', para pa rin siyang walang naririnig. I mean, ganon ba kahirap intindihin ang 'no?'" Minsan nga gusto ko na lang siyang sigawan o pagalitan pero ayaw ko naman nang ganoon. Baka mamaya gantihan pa 'ko. Nakakatakot pa naman siya.

Bitbit ko iyong isa kong libro just when I realized na medyo maluwag pa naman ang bag ko kaya inilagay ko na lang iyon sa loob. "Hindi ko-"

I wasn't able to finish what I was about to say kasi may nabangga ako.

"Are you okay? I'm so sorry," sabi ng isang lalaking tinutulungan akong tumayo. He's wearing an all-white uniform which means he's from College of Med.

"Okay lang," sagot ko na lang. Pareho kaming hindi nakatingin sa dinadaanan eh. We're both at fault kaya I guess walang dapat magalit.

"Sorry talaga, Miss," the guy said again. Inabot niya sa akin iyong aklat kong nahulog sa bag ko pagkabangga namin. Hindi ko kasi naisara agad.

"It's really okay," I just said. He said another sorry before he finally walked away. Nagmamadali ata siya.

We were about to go when I saw something on the floor. Kinuha ko iyon and saw it was an ID. Tatawagin ko pa sana iyong lalaki pero wala na siya.

Tiningnan ko na lang iyong ID.

Zandrey Joseph L. Del Fuerto

He was really from the College of Medicine.

"Pogi ni Kuya," narinig kong komento ni Daisy. Sinilip niya na rin pala iyong ID.

"May crush ka na. Dadagdagan mo na naman?" I murmured. I continued walking saka itinago ang ID niya. Idadaan ko na lang 'to sa lost and found mamaya.

"Hindi para sa 'kin. Para sa 'yo," she replied with a grin.

"Hindi ko kailangan niyan," I just said. Hindi naman kasi ako interesado eh. For now, I'm busy with a lot of things. Ang dami ko pang plates na kailangan tapusin and next year, we'll start thesis. Masyado talaga akong busy na tao. Kailangan kong mag-excel to make my father happy.

"Ayaw mo talaga i-try magjowa?"

I shook my head. Of course, no. After seeing her cry for her ex last year? Ayokong maging ganoon.

"Okay. Pero g ka pa rin sa group date ha?"

I shrugged. "Basta ba last na 'yan."

"Can't promise you," she said with a grin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

•●•

Kakalabas ko pa lang ng classroom mula sa huling klase ko ay mukha agad ni Daisy ang sumalubong sa akin.

"Girl, bilis!" Hila niya sa akin. Kunot-noo na lang akong napasunod sa kanya.

"Anong meron?" I asked.

"'Yong date! Aayusan pa kita eh!" She answered. Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing a simple white shirt, pants, and flats. What's wrong with my outfit?

"Okay na 'ko dito," I said.

"Hindi! Magpapaganda tayo. Malay mo naman iyong ka-date mo mamaya ang para talaga sa 'yo. Dapat unang kita niyo, maganda at presentable ka," she mumbled. Pumasok kami sa CR saka ko lang napansin ang dala niyang paper bag. "Isuot mo 'yan ha?" Sabi niya pa nang iabot sa akin iyong paper bag.

Hindi na lang ako kumontra at kinuha na lang iyon. Nagpalit na lang din ako ng damit. Para namang may laban ako kay Daisy eh napakakulit nito.

It was a chiffon dress na hanggang tuhod ko ang haba at floral ang design. Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. It looked so chic.

"Oh ayan, ang ganda," Daisy said with a grin. Kakalabas niya lang din sa cubicle. She's wearing an off the shoulder long-sleeve dress na stripes naman ang design. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba 'non. I looked at her and gave a thumbs up.

"Libre ba 'yong food?" Tanong ko nang makalabas kami ng CR pagkatapos naming mag-ayos.

Narinig kong natawa si Daisy. "Pupunta ka lang ba doon para sa libreng pagkain?"

Tumango ako. Kung hindi man okay ang date ko, edi ikakain ko na lang. At least may libreng pagkain.

May dalang sasakyan si Daisy kaya nakapunta agad kami sa isang café kung saan daw ang 'date'. Isusuot ko sana iyong bag ko palabas ng sasakyan niya pero pinigilan niya ako. Maya-maya ay may inabot siyang maliit na bag. Lalagyan ko daw ng phone at wallet.

Sabay kaming pumasok sa café.

"Daisy!" Narinig kong tawag ng isang babae. Kumaway ito kay Daisy na sinagot naman ni Daisy ng ngiti. Hinawakan niya ako sa braso saka iginiyang maglakad palapit doon sa isang table sa corner na may walong upuan. May dalawang babae at tatlong lalaki nang nakaupo roon.

"Hello!" Nakangiting bati ni Daisy nang makalapit kami sa table nila. Naunang umupo si Daisy. She patted the chair next to her, telling me to sit there. Agad niya akong ipinakilala sa mga babaeng nandoon.

"Hello," nakangiting bati 'nong Jamie. Ngumiti at bumati sa akin iyong Nathalie. Kaya ngumiti lang din ako at bumati.

Nang mapatingin ako sa harap ko ay pansin kong lahat sila ay may kaharap na lalaki, maliban sa akin.

So ano 'to? Display lang ba ako dito? Wala ba akong partner?

Kakalabitin ko na sana si Daisy para magtanong kung may date ba talaga ako nang iyong mga lalaki naman ang nagpakilala.

Iyong kaharap ni Jamie na nasa isang dulo ay si Francis, kay Nathalie naman ay si Dominic. Iyong nasa harap ni Daisy ay si Jed. Ngiting-ngiti pa si Daisy habang nakikipagkamay doon kay Jed. So I figured he was the crush she's been talking about.

Masimulan na nga ang pag-judge.

"Bro, asan na ba si Zandrey?" Tanong 'nong Francis.

"I already texted him," Dominic replied. "Na-late daw siya kanina sa lab nila kanina kaya hindi daw siya agad nakauwi kasi tinapos niya pa iyong activity." Tumingin naman sa akin iyong Dominic sabay sabing, "sorry, Aira. Sa Med pa kasi 'yon."

"It's okay," I just said. Mas okay nga kung hindi na lang siya dumating para hindi ko na kailangang magsalita at mag-entertain.

Hintayin lang daw muna namin iyong Zandrey bago kami mag-order. Papunta na kasi daw.

The other 6 people in these table were busy chatting with each other samantalang ako ay busy naman kakainom sa juice ko. Ayoko namang makisali sa mga pinag-uusapan nila. Mukhang nag-eenjoy sila eh.

"Sorry, I'm late," I heard someone said. I looked up and saw the guy sitting in front of me. I hurriedly sat up straight. At ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko when I saw the guy from earlier. Hindi na siya nakasuot ng puro puti. He's now wearing a maroon dress shirt na nakatupi hanggang siko.

He smiled at me. "Hi."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Week Stand   Special Chapter: A Glimpse of that One Week and more

    TW: Abuse, ViolenceZandrey's POVI was almost running late for my next class. Naharang kasi ako nina Jed at Dominic. Nag-aayang makipag-group date. To avoid prolonging the conversation, I just agreed to go. There's no harm in it. Besides, I might benefit from it. In whichever way, I'm not sure. Lagi lang naman akong game sa mga buhay nila. Lately, all I did was study and go home when I have the chance. I can't mess this up. Not when I don't want to be under my dad's roof anymore. Kaya kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral. I know he has the wealth, but I don't really trust him in giving it to me as his heir. Baka may iba siyang anak, so I have to do well on my own. I don't really need his money.I passed by the Library since it was the closest route going to our building. But it was quite packed with students so I bumped into a girl."Are you okay? I'm so sorry," I quickly said. I helped her picked up her things that fell on the floor. When I looked up, I almost stopped.Man, she's

  • One Week Stand   Epilogue

    "Does your tummy still hurts?" Andren asked. He's holding a book while looking at me. Napansin niya sigurong napapangiwi ako."Konti. Pero hindi naman gaano," I replied."Mom, why don't you go to the hospital?" Andrew butted in. "Hindi pa naman siguro ako manganganak. Mararamdaman ko naman 'yon," I murmured. I inhaled-exhaled. This month's gonna be my month. We'll finally going to have our baby girl.Zandrey and I had been married already for 8 years. We already have three boys. And finally, after several years of waiting ay magkakaanak na rin kami ng baby girl. I was actually waiting for this. And it indeed came."Asan ba ang Kuya niyo?" I inquired. Andrew and Andren looked at each other. "Where's Andrei?" I asked again."Umakyat ng ligaw," Andrew replied laughingly. My eyes widened because of what I've heard. May nililigawan na ang anak ko nang hindi ko man lang alam? God, he's just sixteen!"What?" I asked, a bit panicking. Hindi pa siya pwedeng magkagirlfriend! Hindi pa siya pwe

  • One Week Stand   Chapter 145

    "You may now kiss the bride," the priest said. Dahan-dahan niyang itinaas ang belo ko and smile lovingly at me before brushing his lips to mine. "I love you so much," bulong niya when he hugged me. I returned his hug, even tightier."I love you more," I replied. I felt him kissed the top of my head."Hey, stop that. Picture muna," Daisy exclaimed after that long moment we just had. Naghiwalay na kami mula sa pagyayakapan and smiled at each other.We took pictures and a lot of pictures. We wanted to have as much documentation as possible. Masasabi kong ito na talaga ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko. I believe this is what Zandrey feels as well. Today, we just really happy because after everything we went through, all the backwards and forwards that came in between, we are finally here and are officially married.I am Maria Airaleen Alfonso-Del Fuerto now. And I think what a beautiful name that is.Who would have thought na ang dating "group blind date" lang sana at mau

  • One Week Stand   Chapter 144

    It took him weeks to fully recover from everything. He had to go to a lot of therapy to fully recover. Mabuti na lang at walang ibang na-damage sa kanya. He still has to stay at home for some more time though. But that's okay. As long as he's okay and still breathing.He already knew about my pregnancy . I will never forget the huge smile on his face when I show him a picture of the sonogram. Thank God my body also recovered kaya wala na akong problema sa pagbubuntis.We decided to have the wedding after I gave birth to the baby. Ayokong malaki iyong tiyan ko kung ikakasal ako. We agreed to it and I know we're all set for that. Kailangan din munang manganak ni Daisy because she still wants to be the one who will organize it for us.We're currently in bed, both ready to sleep when I felt him hug me. Nang lingunin ko siya, nakita kong nakangiti siya sa akin."I can't wait to marry you," he mumbled. Natawa na lang ako. We're still quite far from the date we initially set.I remember when

  • One Week Stand   Chapter 143

    Iyak ako nang iyak habang nagmamaneho si Thaniel. We were still an hour away from the hospital where Zandrey is. At hindi na ako mapakali. No one would tell me what's really his condition and my heart can't stay still. "Ai, please don't forget you're pregnant. Makakasama sa baby 'yan," Thaniel said, his eyes, still focused on the road. Ilang beses na niyang sinabi 'yon, pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung paano kakalma pagkatapos ng nalaman ko. I can't help but blame myself for everything that happened. Kung hindi ako nagmatigas, siguro ay walang away at hindi mangyayari ito. From time to time, I text Daisy or Dominic for update but none of them has replied to my messages. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Kung pwede lang paliparin itong sasakyan, kanina ko pa ginawa. Hindi ako relihiyoso. I don't pray as often. I don't call Him all the time, but at times like this, I have no one call but Him. Alam kong ang daming nangyayari t

  • One Week Stand   Chapter 142

    Aira's POV I decided to take a vacation. Alam kong hindi dapat ako nagbabakasyon ngayon sa dami ng mga dapat gawin sa firm. Pero kailangan ko 'to. I needed to go somewhere so I can clear my head. If I don't do this, I might explode, so I needed a relaxing place where I can fully be alone with myself and my thoughts. "Siguro ka bang okay ka lang?" Thaniel asked. I asked him for help in booking a room in his resort. It was very last minute and I hate to take advantage of our friendship, but I just really need this right now. "I'll be fine, Thaniel," I responded. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsidong okay lang ako. There was something in his face. I tried to smile at him pero mukhang naging ngiwi iyon. "Ang creepy," he commented. I rolled my eyes at him and he just laughed. "Siguradong okay ka lang mag-isa dito ha?" "Oo nga," I replied. "Just call me whenever you need anything, okay?" "I will." I shooed him away once again. Mukhang ayaw niya kasing umalis. Kailangan ko nang map

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status