MasukDWAYNEMatapos makulong sina Shane at Janella, parang doon lang ako nakahinga nang maluwag. Isang taon kaming nabuhay sa takot, duda, at galit. Isang taon na parang hindi kami mapakali kung kailan sila susulpot at gagawa na naman ng gulo.Nasa sala kami noon ni Nancy. Tahimik ang bahay. Si BJ nasa kwarto, tulog. Sina Lesly at Giselle umuwi na rin.Lumapit ako kay Nancy. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.“Sorry,” sabi ko.Hindi agad siya nagsalita. Ramdam ko ang paghinga niya sa dibdib ko.“Sorry sa pagduda ko,” dagdag ko. “Nasaktan kita. Pinagbintangan kita.”Huminga siya nang malalim bago sumagot. “Wala namang may gusto ng mga nangyari, Dwayne.”Humawak siya sa braso ko at tiningnan ako sa mata. “Hindi ko ginusto ang gulo. Hindi ko ginusto na bumalik siya.”“Alam ko,” sabi ko. “Pero nagpadala ako sa galit. Akala ko niloloko mo ako.”“Nasaktan din ako,” sagot niya. “Pero mas pinili kong intindihin ka.”Mas lalo ko siyang niyakap. Doon ko narealize kung
JANELLANasa kwarto ako noon at nagsusukat ng damit. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Pinaghirapan ko ang mukha na ito. Lahat ng sakit tiniis ko para lang mabuo ang bagong ako.Habang inaayos ko ang damit sa harap ng salamin, biglang tumunog ang phone ko. Unknown number.Sandali akong nag isip kung sasagutin ko ba. Pero sinagot ko rin.“Hello?”May ilang segundo na tahimik. Tapos narinig ko ang boses.“Janella…”Nanlamig ako. “Tito Bernard?”Tumawa siya. Pero hindi normal na tawa. Parang baliw.“Tumawag lang ako para magpaalam,” sabi niya.“Ano? Anong pinagsasabi mo?” inis kong sagot. “Nasaan ka?”Tumawa ulit siya. “Huwag mo na alamin kung nasaan ako, ito na ang huling araw na magkakausap tayo.”Kinabahan ako. “Anong ibig mong sabihin?”“Alam na ng mga pulis ang totoo,” sabi niya. “Alam na nilang buhay kayo ni Shane. Alam na nilang nagpalit kayo ng mukha. Alam na rin nila Dwayne.”Parang nawala ang hangin sa dibdib ko. “Ano? Hindi pwede. Paano nila malalaman?!”“Eh di sinabi k
SHANENatutuwa ako habang umiinom ng alak sa sala. Tahimik ang buong bahay pero ang isip ko puno ng iniisip. Habang iniikot ko ang baso sa kamay ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sigurado ako ngayon nag aaway sina Dwayne at Nancy. Kilala ko si Dwayne. Seloso yun. Mainitin ang ulo. Konting duda lang, sasabog agad. At si Nancy naman, pag napuno, hindi rin magpapatalo.Iniisip ko pa lang na unti unti nang nasisira ang pagsasama nila, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko man sila nakikita, parang naririnig ko na sa isip ko ang sigawan nila. At sa gitna ng gulong yun, nandun ako. Ako ang dahilan.Bukod kay Nancy, ang gusto ko talaga na makuha ulit ay si BJ. Anak ko siya. Dugo ko siya. Hindi ko matanggap na ibang lalaki ang tinatawag niyang papa ngayon. Sa tuwing naiisip ko na si Dwayne ang kasama niya araw araw, kumukulo ang dugo ko.“Akin ang anak ko,” sabi ko sa sarili ko habang umiinom.Plano ko na kapag tuluyan nang maghiwalay sina Nancy at Dwayne, papasok ako. Magpapakita ako bila
NANCYHabang nag uusap kaming apat nina Dwayne, Lesly, at Giselle sa sala, ramdam ko ang bigat ng hangin. Tahimik si BJ sa tabi ko, halata sa mukha ng lahat ang takot at lungkot.Biglang may kumatok nang malakas sa gate.Sunod sunod. Mabigat. Parang may nagmamadali.Napatingin kaming lahat sa isa’t isa.“Sino yan?” mahina kong tanong.Bago pa kami makakilos, may sumigaw mula sa labas.“Pulis po! Buksan ninyo ang pinto!”Parang tumigil ang tibok ng puso ko.Tumayo si Dwayne at sumilip sa bintana. “Mga pulis nga.”Binuksan niya ang pinto at pumasok ang tatlong pulis. Seryoso ang mga mukha nila. May dala silang mga folder at isang maliit na sobre.“Ano po ang problema?” tanong ni Dwayne.Lumapit ang isang pulis sa amin. “May isang concern citizen po na nagbigay ng tip. Tungkol po ito kay Charles.”Nanlamig ang kamay ko.“Ano tungkol sa kanya?” tanong ko.Tumingin ang pulis sa akin diretso. “May impormasyon po kami na si Charles ay hindi talaga si Charles. Siya raw po talaga si Shane Linc
LESLYNagtaka ako nang marinig ko ang mahinang iyak sa sala. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si BJ na nakatayo sa harap ni Giselle. Si Giselle nakaupo sa wheel chair niya, hawak ang maliit niyang white board. Paulit-ulit siyang nagsusulat at binubura.WALA NA ANG PAPA MO BJ. PATAY NA SI SHANE!Malaki ang letra. Halos madiin ang pagkakasulat, parang gusto niyang ipaintindi talaga.Pero si BJ, pula na ang mata sa kakaiyak.“Hindi po!” sigaw niya. “Hindi po patay si Papa!”Lumapit ako agad. “Anong nangyayari dito?”Tumingin sa akin si BJ, umiiyak pa rin. “Tita Lesly… buhay po si Papa.”Nagkatinginan kami ni Giselle. Mabilis siyang nagsulat ulit.BJ, MALI KA. PATAY NA SI SHANE.Umiling si BJ. “Hindi po si Charles! Yung nasa kapit bahay natin… siya si Papa!”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.“Yung bagong lipat po,” sabi ni BJ habang pinupunasan ang luha niya. “Si Charles. Siya po si Papa.”Napahawak ako sa dibdib ko. “BJ, sigurado ka
BERNARDInis na inis ako simula nung araw na tinanggal ang benda sa mukha ni Janella at tumambad sa akin ang mukha ni Nancy.Hindi ito ang gusto ko.Hindi para dito ang lahat ng ginawa ko.Ako ang sumugod sa kulungan. Ako ang nagpasabog. Ako ang nagplano ng sunog para palabasin na patay na sila. Ginawa ko lahat yun para mailabas si Janella. Para magsimula kami ulit. Para maging kami.Pero ngayon? Wala na yung babaeng minahal ko.Tuwing tinitingnan ko siya, si Nancy ang nakikita ko.Hindi si Janella.Parang nabura na siya.Isang gabi, nakaupo ako mag-isa sa sala ng mansion ni Shane. Naririnig ko ang tawa nila sa taas. Parang walang problema. Parang laro lang ang lahat.Napailing ako.“Hindi ito ang usapan,” bulong ko sa sarili ko.Bumaba si Janella. O kung sino man siya ngayon.“Bakit ang tahimik mo?” tanong niya.Tinitigan ko siya. “Masaya ka ba?”“Syempre,” sagot niya. “Malaya tayo. May plano tayo. Malapit na masira ang pamilya nila Dwayne.”Napangisi siya.Dwayne na naman? Hindi tal

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





