Share

The Last Will

Author: Marghie
last update Last Updated: 2025-08-19 15:59:27

Nancy

Isubo mo! Hindi ba halos gabi gabi ay napapanaginipan mo na nakikipag sex ka sa boss mo? Ito na ang pagkakataon mo! I-deepthroat mo sya! Gawin mo ang mga hindi magawa ni Kylie! Isubo! isubo!

Huwag! Gusto mo bang mawalan ka ng trabaho? Masisira ang lahat ng pinaghirapan mo! Isa pa ay disente kang babae.

Nagtatalo ang demonyo at angel sa isip ko pero mas nanaig ang angel kaya lumayo ako at tumayo, ipinatong ko ang cellphone sa lamesa at inabot ang tuwalya kay Sir Dwayne.

“Sir, kailangan mo na po pong magbihis, puntahan na po natin ang papa ang ninyo,” wika ko.

Nanginginig ngunit mabilis na tumalima si Sir Dwayne. Habang nag mamaneho ako ay halos hindi siya makapagsalita. Alam ko kasi na close mag-ama.

Hindi rin mawala sa isip ko na nakita ko siyang walang saplot. Biglang sumakit ang puson ko. Ano kaya ang lasa ng alaga niya? Kakanin ko kaya isubo ‘yun ng buo? Bwisit! Nasa emergency na nga at nakuha ko pang mag daydream!

Nang marating naming ang hospital na pag-aari nila at agad bumaba ng sasakyan si Sir Dwayne, ako naman ay nagpark muna ng maayos bago sumunod sa loob.

Naabutan ko si Sir Dwayne at Madam Elena na magkayakap habang umiiyak. Tumayo ako sa tabi nila at naawa sa kalagayan ng mga ito.

Nakahiga sa kama si Sir Leo at puno ng ibat-ibang tube sa bibig. Nakapikit ito at maputla.

“I’m Sorry, ginawa po namin ang lahat pero malubha ang heart attack na dumapo kay Mr. Johnson. Isang buwan na lamang po ang sa tingin namin na itatagal ng kanyang buhay.” Wika ng mga doktor.

“Isang buwan? Siraulo ba kayo? Hindi namin kayo binabayaran ng malaki para hindi gamitin ang mga kukote ninyo! Mga bobo!” naiiyak na sigaw ni Dwayne. Tumingin niya sa akin, “Nancy, ipahanda mo ang private plane, daldalhin natin sa abroad si papa, baka doon ay mas matatalino ang mga doctor kesa sa mga pulpol na mga ‘to!”

“Dwayne, stop!” umiiyak na saway ng ina.

“Ma, hindi ako papayag na sasabihin nilang mamamatay na si papa!” sigaw ulit ni Dwayne.

Niyakap ni Madam Elena si Dwayne, “Tanggapin na natin. Ilang mild stroke na rin ang ilang ulit nagpahirap sa papa mo. Mahina na talaga ang puso niya, baka mas gusto na lang niya na magpahinga ng tuluyan. Isa pa ay mas delikado na ibyahe siya sa ganyang kalagayan.”

“Pero ma naman para saan ang pera natin kung hindi gagamitin, kung hindi kaya ni papa, okay, magpadala tayo ng mga doctor mula abroad,” sagot ni Dwayne.

Gustong gusto ko na yakapin si Sir Dwayne dahil ramdam ko ang paghihirap ng kanyang kalooban, kumikirot ang puso ko ng makita ang kanyang mga luha pero hindi pwede, sekretarya lamang niya ako.

“Sir Dwayne, natitiyak po namin na kahit may ibang doctor pa na tumingin kay Mr. Johnson ay pareho lamang ang sasabihin. Comatose at vegetative state na po siya, tanging ang mga machine ang nagpapatuloy ng kanyang paghinga ngunit kami po ay sigurado na hindi na siya magtatagal.” Saad ulit ng doctor.

*****

Tulala si Sir Dwayne maging si Madam Elena ng umuwi sa kanilang mansion, sumama ako dahil baka may ipag-utos sila. Pinaghain ko sila ng kape ng biglang dumating ang katulong at sinabing may bisita.

Pumasok si Attorney Bernard Sandoval. Ito ang abogado ng mga Johnson. Malungkot nitong kinamayan ang mag-ina. Nilagyan ko rin siya ng kape at tumayo ako sa gilid.

“Mrs. Johnson, nabalitaaan ko ang nangyari kay Sir Leo. Alam kong hindi ninyo magugustuhan ang aking ibabalita pero tungkol ito sa last will ni Mr. Johnson.” Panimula nito.

“Anong last will hindi pa mamamatay si papa!” inis sabi ni Sir Dwayne.

“Sir Dwayne, nakausap ko po ang mga doctor ni Sir Leo, at ayon sa medical report ay hindi talaga maganda ang kanyang kalagayan. Kaya naman ay mabilis na akong pumunta dito sa inyo.” Sagot ni Attorney Sandoval.

“May problema ba sa last will?” mugto ang mata na tanong ni Madam Elena.

Napatingin si Attorney Sandoval kay Sir Dwayne at saka iniabot ang folder.

Galit naman itong tinignan ni Sir Dwayne pero hindi kinuha saka siya tumingin sa akin, “Nancy, halika dito.” Lumapit ako at umupo sa tabi ninya.

“Ang nilalaman ng last will ni Mr. Leo Johnson ay ganito, aking babasahin kaya sana ay inyong intindihin mabuti,” sabi ulit ng abogado.

Napatingin ako kay Sir Dwayne, bakit pati ako ay kinakabahan?

“Ako ay si Leo Johnson na may total net worth na 800 billion dollars total asset…”

Namilog ang mga mata ko 800 billion dollars? Mas malaki pala ang kayaman nito kesa sa nababalita noon sa T.V

Bigla ko na naman naisip ang titi ni Sir Dwayne na muntik na sumampal sa akin kanina, mas malaki rin sa personal kesa sa wet dreams ko.

Heh! Bakit ba hindi na mawala sa isip ko ang b****a niya? Kainis!

“Ang last will na ito ay ginawa ko ng una akong tamaan ng mild stroke, naisip ko na mabilis lamang ang buhay kaya naman gusto ko na magkaroon si Dwayne, ang nag-iisa kong anak at tagapagmana ng asawa bago ako mamatay, kung hindi siya magkakaroon ng sariling pamilya ay 95% ng lahat ng kayaman ko ay mapupunta sa charity. 5% lamang ang kanya. Sa mahal kong asawa na si Elena ay mayroon kaming pre-nuptial agreement noon pa man bago ikasal, kaya naman ang pera na naabot sa $10 billion dollars na pag-aari niya ay solo niya lamang at hindi kasama sa asset ko na mapupunta sa charity kung hindi matutupad ang aking hiling.”

Isinara ni Attorney Sandoval ang folder at tumigingin sa mag-ina na natulala. Malakas na pinalo ni Sir Dwayne ang lamesa at sumigaw, “Anong klaseng last will ‘yan! Ako ang tagapag mana pero may kondisyon bago ko makuha?”

Kahit si Madam Elena at napahawak sa noo, “Attorney, bakit hindi ko ito alam? Hindi naman ganito ang dating last will niya? 95% ng lahat ng asset? Oh my god!”

Napatango si Attorney Sandoval, “Pinabago ni Sir Leo ang kayang last will, hindi ko alam na hindi sa inyo sinabi.” Saka ito tumayo at seryosong tumingin kay Dwayne, “Hindi na maaaring mabago pa ang dokumento dahil comatose na ang inyong ama, ang maipapayo ko lamang ay sundin ito dahil kahit mag appeal sa korte ay sigurado akong hindi na ito maayos pa.”

“So kailangan ko na mag-asawa?” gulat na tanong ni Dwayne.

“Parang ganun na nga,” sagot ni Attorney Sandoval, “Maraming babae ang papayag na pakasalan ka Sir Dwayne pero… piliin mo ang karapat dapat. Tawagan ninyo nalamang ako kung may napili ka na ng mapapangasawa. Pero tumatakbo ang oras kaya naman huwag mo sanang hayaan na mawala ang lahat sa inyo. Although maganda naman ang nais ng inyong ama na itulong ang pera niya sa mga charity pero alam kong pinaghirapan ninyo rin ang kayaman ninyo.”

Tahimik ang mga sumunod na minuto mula ng maalis si Attorney Sandoval.

“Ahh! Bwisit!” inis na sigaw ni Sir Dwayne.

Malalim naman na ang iisip si Madam Elena, baka namimili ng babaeng pwedeng ireto sa anak.

Medyo nalungkot ako na mag-aasawa na ang boss kong lihim na minamahal. Ibig lang sabihin ay dapat ko na rin itigil ang pagpapantasya sa kanya.

“Si Janella! Tama! Papakasalan ko si Janella, siya lang ang nakikita ko na pwede kong maging asawa at least kahit papaano ay may feelings ako sa kanya.” Nakangiting sabi ni Sir Dwayne.

Napababa akong tingin. Tama nga ang hinala ko. May gusto si Sir Dwyane kay Janella. Sa isang daan na girlfriends niya kasi niya ay ni isa ay wala siyang naisip na alukin ng kasal.

“Hindi, ayoko.”

Sabay kaming napatingin si Sir Dwayne sa kanyang ina. Seryoso ang mukha nito na umiiling pa.

Ayaw niya kay Janella? Pero bakit?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Year Contract with my Boss   Miles Away

    Doc. LesleyNapakalaki ng mansion na binili ni Dwayne para tirahan namin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ganito kalaki. Parang ang lungkot tuloy. Kami lang naman ang titira dito: ako, si Baby Jake, si Manang Kendra, at si Giselle.Si Giselle... kawawa talaga siya. Pipi na siya, at wala pang mga paa dahil sa ginawa ni Shane. Pero kahit ganun, ang bait-bait pa rin niya. Nakakapag-communicate naman siya sa amin sa pamamagitan ng text o kaya sa maliit niyang white board. Ang bilis din niyang mag-adjust sa mga nangyayari.Pagpasok namin sa loob ng mansion, agad naming inayos yung mga gamit namin. Inayos namin yung incubator ni Baby Jake sa isang kwarto na malapit sa kwarto ko. Gusto kong malapit lang siya sa akin para mabantayan ko siya nang mabuti.Habang nag-aayos kami, hindi ko pa rin maiwasang mainis at malungkot. Inis ako kay Dwayne dahil hindi man lang siya sumama para icheck si Baby Jake. Hindi man lang siya nagbago ng isip na paalisin kami. Parang wala na talaga siyang pak

  • One Year Contract with my Boss   Legal Guardian

    Doc. LesleyPagkauwi ko sa mansion, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Baby Jake. Alam ko na sobrang nasaktan si Nancy nang malaman niyang pupunta na sa abroad si Baby Jake at doon na titira. Wala siyang magawa dahil nakakulong siya. Parang kinukuha sa kanya yung huling pag-asa niya, yung pinanghahawakan niya para mabuhay.Pagpasok ko sa kwarto, tahimik. Tanging yung mahinang tunog lang ng monitor ang maririnig. Lumapit ako sa incubator ni Baby Jake at dahan-dahan ko itong tinapik. Yung pagtapik ko ay para bang isang pangako, isang pangako na hindi ko siya pababayaan."Baby Jake," bulong ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita hahayaan na masaktan. Aalagaan kita. Pangako." Yung pangako ko na yun ay hindi lang para sa kanya, kundi para rin kay Nancy.Tinitigan ko yung maliit niyang katawan. Ang inosente ng mukha niya. Ang himbing ng tulog niya. Hindi niya alam yung gulo na nangyayari sa paligid niya. Hindi niya alam na ginagamit siya para saktan yung mga tao

  • One Year Contract with my Boss   Like an Orphan

    Doc. LesleyNawala bigla yung ngiti sa labi ko nang makita ko si Dwayne na naglalakad papasok sa mansion. May kakaiba sa aura niya, parang may mabigat siyang sasabihin. Hindi ko gusto yung pakiramdam na 'to. Parang may malaking pagbabago na naman na mangyayari sa buhay naming lahat."Lesley," bati niya, pero yung boses niya ay hindi katulad ng dati. Mas seryoso, mas malamig. "May importante akong sasabihin sa'yo."Kinabahan ako lalo. Umupo siya sa sofa sa living room, at sumenyas na umupo rin ako sa harap niya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita."Napagdesisyunan ko na, Lesley. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Baby Jake mula ngayon."Gulat akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla niyang sinasabi 'to. "Dwayne, anong ibig mong sabihin?""Alam kong ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko pagdating kay Baby Jake," sagot niya. "At saka, naayos ko na rin yung titirhan ninyo sa abroad kasama sina Giselle at Manang Kendra."Parang binuhusan ako ng malamig

  • One Year Contract with my Boss   Go away

    JanellaGulat na gulat ang mukha ni Dwayne nang marinig niya ang plano ko. Kitang-kita ko ang pagtataka, pagkalito, at bahagyang pagtutol sa mga mata niya. Pero hindi ako pwedeng magpatinag. Ngayon na ang tamang pagkakataon para tuluyan nang mawala si Baby Jake sa buhay namin."Anong ibig mong sabihin na ipadala sa abroad si Baby Jake?" tanong niya."Love," panimula ko, kunwaring pinipigilan ang mga luha. "Hindi ba't nasa kulungan naman si Nancy? Wala na siyang paraan para makalapit kay Baby Jake. At isa pa, binabayaran mo naman si Doc. Lesley ng napakalaking halaga, di ba? Pwede siyang maging legal guardian ni Baby Jake. Mas okay siguro kung sa ibang bansa na lang natin siya palalakihin."Pinahid ko ang mga mata ko gamit ang likod ng aking kamay, "Dwayne, isipin mo naman. Sa tuwing makikita mo si Baby Jake, hindi ba't lagi mong maaalala si Nancy? Yung babaeng pumatay sa mama mo? Hindi ka ba napapagod na maalala yung sakit? Ayaw mo bang makalimot at move on?"Alam ko na tinatamaan siy

  • One Year Contract with my Boss   Unwanted Child

    DwayneSimula nang makulong si Nancy dahil sa pagpatay sa mama ko, hindi ko na nadalaw si Baby Jake. Alam kong kasalanan ko rin, pero hindi ko talaga maiwasan. Tuwing nakikita ko siya, naaalala ko si Nancy. Naaalala ko ang krimen na ginawa niya.Nasa incubator pa rin si Baby Jake sa isa kong mansion. Pinatira ko doon si Doc. Lesley para siya ang mag-alaga. Binibigyan ko naman siya ng pera bilang personal guardian, kaya alam kong hindi ko pa rin naman masasabing napapabayaan.Mas focus ako ngayon kay Janella at kay Baby Dwayne. Inalis na rin sa incubator si Baby Dwayne at pwede na siyang buhatin. Masaya ako tuwing hawak ko siya. Pero tuwing naaalala ko si Baby Jake, nakokonsensya ako.Masama man, pero pati si Baby Jake nadamay sa galit ko kay Nancy. Nawalan ako ng pagmamahal sa kanya.Nakaupo ako sa tapat ng crib ni Baby Dwayne. Habang patuloy sa pagasalita si Janella ay lumilipad naman ang isip ko"Dwayne, kapag natapos na ang forty days ng mama mo, pwede na natin siyang pabinyagan pa

  • One Year Contract with my Boss   Like a dead

    JamillaNakahiga ako sa matigas na kama ng ospital, nakatitig lang sa kisame habang pinakikinggan ang paulit-ulit na tunog ng monitor sa tabi ko. Beep. Beep. Beep. Sa paningin ng mga doktor at nurse, isa akong pasyenteng gulay—comatose, hindi nakakagalaw, at tanging ang mga mata ko lang ang tila may buhay. Pero ang totoo, nararamdaman ko ang bawat hapdi sa katawan ko at naririnig ko ang bawat bulong sa paligid.Pinilit kong panatilihing relax ang mukha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang yabag ng sapatos na iyon... kilala ko 'yun. Si Janella.Pumasok siya sa kwarto at narinig ko ang pag-lock ng pinto. Lumapit siya sa gilid ng kama ko. Naamoy ko ang matapang niyang pabango na tila sumasakal sa akin. Ramdam ko ang pagtitig niya, kaya pinako ko ang tingin ko sa kawalan, walang emosyon, parang patay na dilat ang mga mata."Kamusta, ang traydor?" panimula ni Janella. May halong tawa ang boses niya, 'yung tawang nakakapangilabot dahil alam mong wala siyang pagsisisi.Hinawakan niy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status