Share

Chapter six

"Bilisan mo naman! P*****a!" Inis siyang napakamot sa ulo habang naka pamewang, hinihintay na matapos mag sukat ang kaibigan niya.

Nasa isang mall sila ngayon at ang luka niyang kaibigan ay nag simulang mamili.

I mean she's rich.

Hindi niya alam kung bakit ba sumama ito sa pag ta-trabaho niya sa bar, kung tutuusin ay mayaman ang kaibigan niyang ito.

Maganda at may sariling kwarto pero mas gustong manatili sa tabi niya, napaka swerte niya talaga.

"Eto na po… Tsaran! ang ganda ko!" Nag pose pa ito ba parang may kumukuha ng litrato sakaniya.

Tumawa siya at tinignan mula ulo hangagang paa ang kaibigan.

"Ang ganda nga..."

"Alam ko,"

"Nung damit," Tumawa siya ng napaka lakas ng sumimangot ang kaibigan niya, nginisian niya ito at hinila palapit sa counter.

"May gusto kabang kainin?" Tanong nito habang nag babayad sa cashier "Thank you," Saad nito sa cashier at tumingin sa kaniya.

"Ano? may gusto ka bang kainin?" Agad siyang napa tango ng may makitang stall ng corn dog.

Napag mura pa niya ang kaibigan ng alalayan siya nito papunta sa stall.

Tumawa na lang si Jov at inintindi ang buntis.

"Gusto ko ng isa, yung may patatas!" Tumango tango naman ang kaibigan niya at nag bayad.

"Plain lang kuya," Natawa siya sa reaksyon ng tindero ng ngumiti si Jov, well maganda naman talaga ang kaibigan niya.

Naka titig ngayon ang tindero na sa tingin niya ay kolehiyo palang.

"Kuya yung order namin," Ngumiti siya ng tumingin ito sa kaniya, the man froze too, his eyes glimmer as he stare at her.

"Kuya may jowa na'yan!" Natatawang saad ni jov, napahawak pa ito sa d****b habang tuma-tawa.

"Ikaw? ay este, eto na po." Nagkakamot itong batok ng tinanggap ni Jov ang dalawang maliit na karton kung saan nakalagay ang corn dog.

"Oh!" Pagbibigay sakaniya ni Jov ng corn dog na may patatas.

 Ngiting ngiti niyang tinanggap ang karton at sinimulang lantakan ang pag kain.

"Ho?" Nanlalamig ang kamay niya habang naka tingin sa manager nila, umaasa na joke lang ang sinabi nito sa kaniya.

"Teka lang sir! Bakit ho?" Hinawakan niya sa braso ang kaibigan ng sumigaw ito.

Maaga silang pumunta sa club para lang maka usap ang manager o nag hahawak sa club na pinapasukan niya.

Hindi niya akalaing pagpunta niya dito para bumali ay matatanggal at ibibigay na ang huling pa sweldo sa kaniya.

Gusto niyang bumali para may maipadala at may maigastos sa pang araw-araw, pero ang binigay ay ang pang hulihang sweldo niya, paano na siya ngayon?

May bata siyang dinadala, paano na?

"Sir pag usapan naman natin 'to," Umiling ang matanda at marahang ipinatong ang kamay sa balikat niya.

"Pasens'ya na ihja, pero mas makakabuti ito sayo…" Mahinhing saad nito dahil narin sa katandaan.

Hindi natapos ang matanda ng biglang mag salita si Jov

"Jusko naman! Buntis ang kaibigan ko, maawa naman kayo!" Magsasalita pa sana ang kaibigan niyang si Jov ng putulin ito ng matanda

"Ayon na nga, nakuha mo ang punto ko. Buntis ang empleyado ko," Pinag diinan pa nito ang salitang buntis. "Kaya hindi puwedeng mag trabaho siya sa entablado at mag serve ng drink at isa pa, paano kung may mang bastos sa kaniya?" Napa yuko siya at napa iwas ng tingin.

Tama ang matanda… Mahirap na.

"Paano kung mapasama ang bata na dinadala niya?"

Napatingin siya sa tiyan at hinagod iyon, nag simula na namang manubig ang mata niya. 

I hate you, ayoko sayo...

"Gusto ko lang naman maging maayos ang pagbubuntis mo Clara… Ihja, hindi biro ang pagdadalang tao, maliit nga iyan at walang kamuwang muwang, pero ihja…" Huminga ito ng malalim.

"Hindi mo dapat pinapagod at pinag aalala ang sarili mo, nagdadalang tao ka kaya alagaan mo ang sarili mo." Saad ng matanda at hinawakan ang balikat niya.

Pinahid niya ang luha at tumingin sa matanda. "Salamat ho," Ngumiti lang ang matanda at ibinigay sa kan'ya ang puting sobre.

"Salamat sa pagtitiwala sa mga kasamahan mo Clara, salamat sa pag ta-trabaho sa club na ito." Tumango siya at binigyan ng maliit na ngiti ang matanda.

"Walang ano man ho, salamat…" Tinalikudan niya ang matanda.

Baksak balikat niyang hinila ang kaibigan, baka ito ay mag iskandalo at mapahiya pa sila,mainit na ang ulo ni Jov kailangan na nilang umalis.

"Tara na." Sumimangot siya at mariing hinawakan ang kamay ng kaibigan "Tara na Jov!" sigaw pa n'ya ng hindi ito gumalaw.

"Eh! Bes kasi e!" Mahina siyang tumawa at pinahid ang luha sa mata.

Ngayong nagdadalang tao siya at napaka babaw ng pasensiya at ng luha niya.

Madali siyang mainis at madali rin siyang umiyak kahit sa simpleng bagay lang.

Nang maka pasok sila sa jeep ay tinawagan niya ang kaniyang ina. "Nay...Hintayin niyo nalang ho iyong pera."

"Sige, salamat." May sasabihin pa sana siya ng patayin nito ang tawag.

"Ok ka lang?" Tumango lang siya at sinandal ang likuran, madalas siya ngayong mapagod kaysa dati, na hindi niya nagustuhan.

Mas Lalo pang sumama ang mood niya ng may mag kasintahang magkahawak ang kamay na sumakay sa jeep, naglalandian na kala mo ay wala nang bukas.

Wala namang forever

"Tsk." Asik niya at tumingin nalang sa bintana 

ang sarap ihampas nung dalawa sa pader, naglalandian e nasa public, mga walang modo...

Huminga siya ng malalim at humilata sa sofa,itong mga nakaraang araw ay karamay niya na ang sofa na ito.

"Be! grabe ka kanina!" Tumawa ito "Kung maka irap kala mo may ginagawang masama yung mag jowa,"

"Talaga?" Sarkasmong tanong niya.

"Parang hindi niyo ginawa ni joey yon!" Nang aasar na tumawa na naman ito na kala mo ay katapusan na ng mundo "Sis, wag mag paka bitter." 

Ipinikit niya lang ang mata at pinakiramdaman ang paligid.

"Oo nga pala..." Natahimik ang kaibigan niya. "Wag na muna pala natin 'yong pag usapan..." Binuksan niya ang kanang mata at tinignan ang kaibigan na naka ngiwi habang nagtatanggal ng suot nitong sapatos.

"Ano 'yon?" Umiling ang kaibigan niya kaya sinipa niya ito "Sabihin mo na." 

Umiling lang ito at inihilig ang ulo sa sandalan ng sofa "Baka gilitan mo nanaman ang sarili mo." Umirap pa ito.

Kung tutuusin ay parang nang aasar lang ang kaibigan niya, pero seryoso ang sinasabi nito, ilang beses niya na bang pag patayin ang sarili dahil sa depresiyon na nararamdaman niya?

"Hindi," Umiling siya. "Sabihin mo na."

Huminga pa ng malalim ang kaibigan niya. "Paano mo sasabihin kay joey na buntis ka?" 

Napatigil siya, paano nga ba?

"Hindi ko alam…" Nag aalalang tinignan siya ni Jov. "Ewan ko?" Nag kibit balikat siya at pekeng tumawa.

Pinigilan niya ang namumuong luha sa kan'yang mata.

"Clara..." Pag tawag sa kan'ya ni jov.

Pinilit niyang ngumiti at tumayo sa sofa.

"Sa," Tumikhim siya ng mabasag ang boses niya "Sa k'warto lang ako." Tumango pa siya at tinuro ang pintuan.

"Sige..." Nginitian siya ng kaibigan at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

JOV

Pilit siyang tumayo sa pag kaupo sa sofa ng maka pasok si clara sa kwarto.

Kailangan niyang pigilan ang bunganga niya, hindi niya pwedeng biglain ang dalaga.

Lumapit siya sa pintuan at narinig ang mga hikbi ng kaibigan.

Kailan ba ito matatapos? Kailan siya mag iisip at hindi makatulog sa tuwing nakikita niya ang kaibigan niyang nasasaktan.

Kailan matatapos ang panggugulo ng konsensiya niya?

Huminga ng malalim at pilit na pina ngiti ang sarili.

Cooking, taking care of Clara, making sure that Clara wont harm herself is the thing she can only do.

"Useless," Paninisi sarili habang nag hihiwa ng sibuyas.

Nag hihiwa habang binabanggit ang salita ng pinanggalingan niya, cursing herself, telling herself that she's useless.

"Hoy!" Napatigil siya at kasabay ng pag lapat ng kutsilyo sa daliri niya.

"Ang sakit!" She screamed in pain,nahiwa ang daliri niya!

"Gaga, daplis lang 'yan!" Kinuha nito ang kamay niya at hinipan ang daliri niya.

"Ang sakit!" She cried.

"Gaga kasi!" binuksan nito ang gripo at sinahod ang kamay niya. "Para kang tanga..." Inirapan siya ni clara.

 Napa igik siya ng pigaain nito ang daliri niya.

Nag dugo iyon na ikina luha pa niya.

"Para kang tanga, iyan tuloy!" She's mocking her. "Nag bulong bulong kapa, kala mo ay kukulamin mo 'ko!"

Umiiling ito at nilagyan ng band aid ang daliri niya. "Hayan! ok na,gaga wag kang umiyak." 

"Morning" Andrew crashed in his office while humming and swinging his hips like a lunatic.

"F*cker," He tsked.

Pinagtuunan niya na ng pansin ang kaniyang ginagawa,sa sobrang dami ng pipirmahan ay hindi na siya makakuha ng tamang pahinga.

Araw-araw na pumipirma at umaatend ng mga meeting.

Walang katapusang trabaho para sakaniya.

"Oy!" Kunulbit siya ni andrew, bumaling ang tingin niya sa kaibigan.

Humagikhik ito na parang isang bata. "breakfast?" He rolled his eyes.

"What now?" He tsked. "Are you one of my suitors now?" He laughed sarcastically.

"Gago!" Nagulat siya ng hampasin siya nito ng naka rolyong papel sa ulo.

"Ikaw na nga ang binigyan ng kape." Sumimangot ito at kumain ng donut.

"Masarap yan,Walang lason," Umikot ang mata nito "Ano? nahanap mo na ba?"

Can't he just shut up?! f*ck it! hindi niya ba naiisip ang babaeng iyon tapos ngayon ay may isang tarantadong hahara-hara at makikipag usap kahit busy siya? D*mn!

"Shut up." Tumingin siya sa binata "And pissed off." Binigyan niya ito ng matalim na tingin at pumirma ulit.

"Come on bro," Marahas niyang kinagat ang donut na winawagay-way ng binata sa harap niya.

Tumawa ang kaibigan niya,nag e-enjoy na pag masdan ang nagagalit na leon.

"Ang wild naman..." He tsked, kinuha niya ang donut na kinagatan at sinimulang kainin iyon.

Segundo lang ang pagitan ng tumahimik ang kaibigan niya at nag salitang muli.

"Yung babae, kuwento mo sa akin." He started at him,blankly.

"She's hot..." Then he ignored his friend.

"Ha?" Umasik na naman ito.

"I said hot." Saad niya na ikina laki ng mata nito.

"Gago ka!" Humawak pa ito sa mag kabilang pisngi at habang nanlalaki ang mga  mata siyang tinignan "Gago, ano pa?"

Chismoso.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status