Share

One lust night
One lust night
Author: Draconalia

Chapter one

CHAPTER ONE

Agad na napatayo at tumakbo ang dalaga papuntang comfort room ng makaramdam na naman siya ng pagkahilo.

Naiiyak siyang tumingin sa salamin, binuksan ang gripo at nag hilamos. "Ano bang nangyayari sa’kin, bakit ako nagsusuka?" nauutal nitong saad habang nakatingin sa salamin at nakikita ang repleks'yon ng kaniyang mukha. She looks like in a total mess. Jeez.

Kumuha siya ng maligamgam na tubig at ininom 'yon. Sinuklayan niya ang sariling buhok at na pabuntong hininga.

"Ano ba 'yan," napatingin siya sa pinto ng apartment at napakunot ang noo ng makitang may maletang dala ang kaibigan.

Sinalubong niya ito at pumamewang. "Anong ginagawa mo rito?" inis na singhal niya rito.

"Hoy, bruha! Nakalimutan mo na ba?" nagkunwari pa itong nasaktan at humawak sa dibdib na ikinaikot ng mata niya.

"Pansamantala," humagikhik ito na parang bata. "Pansamantala muna ako rito," inirapan siya nito at nandidiri siyang tinitigan.

"Ano na naman?" walang buhay niyang tanong sa dalaga na akala mo ay nakakita ng napakabahong tae.

"Ang los'yang mo, be!" Lumapit ang kaibigan niya at akma siyang hahawakan ng bumaligtad na naman ang sikmura niya.

Tumakbo siya palapit sa lababo na ikinagulat ng kaibigan niyang si Jov. Nagtataka na rin ito ngayon kung anong nangyayari sa kaniya gayong wala naman itong ginagawang masama.

"Hoy! Anong nangyayari sa’yo?!" tanong ni Jov. Napailing na lang si Clara at sumuka nang sumuka.

Binuksan niya ang gripo at nilinisan ang bibig nang bumaliktad na naman ang kaniyang sikmura dahilan uoang mas kaoing magtaka si Jov.

"May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang kaibigan.

Naghilamos ulit siya, "Hindi ko alam, hindi pa naman ako lumalabas," nagkibit-balikat na lang siya.

Napailing-iling ang kaibigan niya, tumingin pa ito sa kanan at kaliwa bago siya muling hinarap. "Clara, ito seryoso..." Pinunasan niya ang mukha gamit ang damit at tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Buntis ka ba?" tanong nito sa kaniya.

Agad na kumabog ng malakas ang dibdib niya. Paano kung totoo ang sinabi ng kaibigan n'ya? Imposible.  

Hindi, hindi ako buntis. Pagpapakalma niya sa sarili. Napatango-tango siya sa naisip, kahit kaunting pag-asa ay namutawi sa dibdib niya dahil sa isiping hindi siya buntis.

"Jov, hindi ako buntis," malumanay niyang saad at uminom ng tubig. "Mabait ang boyfriend ko, hindi niya ako pipilitin." Pagpupumilit ni Clara at hindi pinaniwalaan ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

Tahimik siyang pinagmasdan ng kaniyang kaibigan. "Walang imposible," nagkibit-balikat ito at inilapag ang plastic bag na dala.

Agad na napatakip sa kaniyang ilong ng maamoy ang masangsang na amoy na iyon.

"Ano 'yan? Ang baho, Jov!" inis niyang sigaw habang ang isang kamay ay nakatakip sa ilong habang ang isa ay pumapaypay para mawala ang amoy na nalalanghap niya.

"Clara, kinakabahan na ako sa naiisip ko," Huminga ng malalim ang kaibigan niya. "Clara, hindi talaga ako mapakali, baka kasi buntis ka!" Napakagat pa ito ng labi at lumitaw na naman ang kabang itinabi niya kanina.

"Hindi nga! Ano ba, Jov! ‘Wag mo nga akong niloloko!" Galit na talagang sigaw niya dahilan upanh mapayuko ang kaibigan niya, "Hindi…" Maging siya ay kinakabahan at natatakot sa tuwing naririnig ang salitang iyon.

"Clara, hindi mo ba naiintindihan?" may bahid na pag aalala ang boses nito, "Nahihilo ka, nag susuka kada may maaamoy kang mantika o ano mang pagkaing mamantika, at higit sa lahat..." Napatigil ito sa pagsasalita.

Padabog niyang inilapag ang baso. "Kung ayaw mong tumahimik, umalis ka na lang," pinakalma niya ang sarili gamit ang paghinga ng malalim. Malakas lang ang topak niyan, kalma.

"Clara..." Napailing siya.

"Jov. Hindi ako buntis, pwede ba?" Nagsimulang manginig ang kaniyang kamay at boses dahil sa kaba.

"Clara, maki-cooperate ka naman, para sa’yo rin naman ito. Hindi mo ba binibilang ang araw?" Lumapit sakan'ya ang kaibigan. "Clara hindi ka pa dinadatnan."

Kilalang-kilala siya ng kaibigan, sa sobrang close nila’y maging ang araw na dinadatnan siya ay alam nito.

Umiling-iling siya nang paulit-ulit. "Hindi. Hindi, wala lang 'to." Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luhang hindi bumagsak sa kaniyang mga mata gamit ang suot niyang damit. "Jov, kung gusto mong mag stay please... tumahimik ka,"  

Tinalikudan niya ang kaibigan at dumiresto sa kwarto, humiga sa kaniyang kama at nagkumot. Ilang segundo siyang tumitig sa pader habang yakap ang kumot. Nang maalala niya ang nangyari noong gabing iyon, parang gusto niya ng ibaon sa lupa ang kaniyang sarili dahil sa kahihiyan.

Isang ungol ang narinig niya nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Mariin siyang napapikit at unti-unting bumaluktot habang yapos ang kumot. Hindi niya na napigilan ang luhang tuloy-tuloy na naglandas sa pisngi niya.

Kasalanan niya lahat, bakit kasi nangyari ang gabing iyon? Feeling niya ay napaka dumi niyang babae dahil hinawakan, hinalikan at niromansa ang katawan niya at hindi naglaon ay bumigay na.

Sana walang bunga ang kahibangan na ‘yon. Piping dasal n'ya habang ang luha ay rumaragasa kasama ang puso niyang parang pinipiraso.

Ang hikbing pilit na pinipigilan ay lumabas nang maalala at marinig ang pagmamakaawang ginawa niya para lang makaraos ang init ng katawan. Ramdam rin niya ang bawat paghawak ng kung sino mang lalaki sa katawan niya. Apat na linggo na noong nangyari ang kababuyan na ginawa niya sa sarili, pero bakit ngayon lang sumagi ang nangyaring iyon sa isip niya? Ngayon lang na may katangahan na lumabas sa bibig ng kaniyang kaibigan.

"Clara... Ayos ka lang?" Hindi siya gumalaw at nagtalukbong ng kumot. "Papasok ako, ha?" rinig niyang sambit ng kaibigan mula sa kabilang bahagi ng pinto. Pinigilan niya ang pag hikbi pero huli na ang lahat, tumunog ang pinto senyales na pumasok ang kaibigan niya.

"Clara..." ramdam niyang umupo ang kaibigan sa uluhan niya. Ilang segundo siya nitong inalo gamit ang paghaplos sa buhok niya.

"Jov? Okay-," mahina itong tumikhim para maklaro ang lalamunan "Okay lang ako," aniya ngunit hindi ito sumagot at panay lang ang paghaplos sa buhok niya.

"Clara, nag-aalala ako sa’yo, hindi rin ako mapakali," narinig n'ya itong bumuntong hininga.  "Clara, wala akong nakitang sanitary napkin sa loob ng bathroom mo," ani Jov. Hindi siya umimik at pinakinggan ang sinasabi nito. "Clara... noong-" parang merong humampas sa kaniyang kaibigan kaya ito natigilan sa pagsasalita. Peke itong tumawa at marahang inayos

ang kumot niya. "Wala pala, matulog ka na." Imbis na sundin ang sinabi ng kaibigan, tinitigan niya ito nang may pagtataka.

"Ano? Ano 'yon, Jov?" tanong niya. Umiwas ng tingin ang kaniyang kaibigan, hindi ito makatingin ng diretso sa kaniya. "Magluluto muna ako." Utal nitong saad habang ang mata ay naglulumikot.

Hinablot niya ang kamay ng kaibigan ng akma itong tatayo.

"Huwag kang umalis." Humigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuan nito. "Jov, anong gusto mong sabihin?" matigas na pagkakasambit niya.

"Clara, kasi..." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito. "Clara..."

Umiling siya. "Sabihin mo, anong alam mo?" nagtagis ang bagang niya nang hindi ito sumagot. "Jov..."

Napailing ang kaibigan niya at napakunot ang noo niya nang mapagtanto na mumutla ito. "Clara..."

Inis niyang winaksik ang kamay nito. "Kung wala ka naman palang sasabihin umalis ka na lang." Tumayo siya at akmang kakaladkarin ang kaibigan nang may nakakatakot na katagang lumabas sa bibig nito.

"Clara, nakita kong sumama ka sa isang lalaki," Napalunok s'ya at mas lalong kinabahan.

Bakit hindi mo ako pinigilan? Piping tanong niya sa kaibigan na nakayuko ngayon habang kagat ang sariling labi.

"Ano ba, Jov?" Peke siyang tumawa. "Kumain na tayo." Hindi na niya inisip pa ang pagbabago ng kaniyang mood, baka kung saan pa ito mapunta.

Matiim na nakatitig sa beads na kulay pula ang isang lalaki habang unti-unting naalala ang pangyayari ng gabing iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status