Share

Chapter 86.1

MABILIS na lumipas ang isang buong taon. Sa nakalipas na taon ay naging busy si Tanner at Anastasia na naging dahilan para hindi lalong matuloy ang kanilang kasal. Gustuhin man ng dalawa ngunit hindi nila magawa dahil na ‘rin sa dami nilang kailangang asikasuhin.

Bumibisita sila bawat bansa upang i-check ang underworld doon. Kung minsan ay nagtatagal pa sila dahil sa paglilinis ng rumi na mayroon doon. Sa kabila naman ng kanilang pag-alis alis ay kasama nila ang kambal at si Theo. Hindi lang iyon, maging ang kanilang mga kaibigan bilang sila ang bagong council ay dapat lang na magkakasama sila na ibinabalita ng personal ang bagong batas.

Sa paglipas na taon ay marami nang nangyari. Naunang ikasal si Serene at Lawrence, nito nga lang nakaraang buwan ay katatapos lang ‘din ikasal ni Jennie at Kevin. Pinagtatawanan nga nila si Tanner at Anastasia dahil sila pa ngayon ang nahuli na magpakasal. Iniilingan nalang ng dalawa ang birong iyon dahil alam nila pareho na may tamang panahon doon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status