Ysla
Ang biglang pagbuhos ng malamig na tubig sa aking katawan ay siyang tuluyang gumising sa aking diwa, tuluyang binanlian ng katotohanan. Parang agos ng tubig na bumaligtad sa ilog ang lahat ng kaganapan kagabi. Mga alaala na gusto kong ilibing sa pinakatagong bahagi ng aking isipan ngunit ngayo’y nagsisiksikan, nagpapakilala, pinipilit akong harapin ang bangungot ng nagdaang gabi.
Napakapit ako sa tiles ng dingding, huminga nang malalim, pero walang silbi. Sa labas ng banyo, may isang estrangherong lalaki. At ako… nandito, hubad sa ilalim ng tubig, gising ngunit parang lumulutang sa isang realidad na hindi ko matanggap.
Isang linggo na lang at ikakasal na kami ni Arnold. Isang linggo bago ako maging ganap na asawa niya. Bilang regalo, nagmungkahi ang aking tiyuhin na magbakasyon kami kasama ang aming mga kaibigan para naman daw ma-enjoy ko ang mga huling araw ko bilang dalaga.
At kapag sinabi nilang "mga kaibigan," kasama na roon ang pinsan kong si Lizbeth, ang kanyang nag-iisang anak. Wala naman iyong kaso sa akin. Simula pagkabata, itinuring ko nang kapatid si Lizbeth. Ang pamilya niya ang kumupkop sa akin, kaya paano ko iisiping may masama siyang balak sa akin?
Dinala nila kami sa isang resort sa Batangas. Masaya ang lahat, umiinom, sumasayaw, tumatawa. Pagdiriwang ito ng isang panibagong yugto ng buhay namin ni Arnold, kaya nagpakasaya ako. Uminom kahit hindi sanay, hinayaang malasahan ang tamis at pait ng alak sa dila ko. Ang huling alaala ko, kasama ko si Arnold. Siya mismo ang nagdala sa akin sa isang silid, hinaplos ang aking pisngi, at hinayaan akong mahiga sa kama.
Pero bakit ngayon… bakit ganito ang pakiramdam ko?
Nakatulog ako pero pakiramdam ko ay hidni pa nagtatagal ay nagising na rin ako dahil sa nanunuyo ang aking lalamunan, at parang may kung anong init na gumagapang sa aking katawan. Isang pakiramdam na hindi ko maipaliwanag, hindi ko maintindihan. Hindi ako mapakali. Para akong uhaw na uhaw, pero hindi ko alam kung ano ang hinahanap ng aking katawan.
Pagsalat ko sa aking tabi, napagtanto kong wala roon si Arnold.
Kahit na may kalasingan pa rin ako, bumangon ako at lumabas ng silid. Dahan-dahan akong naglakad, pilit na pinaglalaban ang hilo na aking nararamdaman. Pero bago pa ako makalapit sa pintuan palabas, napahinto ako sa aking paglakad.
Mula sa kabilang silid, may naririnig ako. Ungol.
Nagpanting ang tenga ko.
“Nold… ahh… sige, dilaan mo pa…”
May kung anong tila bumagsak sa akin na hindi ko maintindihan.
Boses iyon ng aking pinsan.
Pero… bakit pangalan ng fiancé ko ang binanggit niya?
Nanlalamig ang aking mga daliri habang dahan-dahan kong inilalapit ang aking mukha sa bahagyang nakaawang na pinto. Iginuhit ng dilim ang mga anino sa loob. Alam kong dapat akong lumayo, pero natigilan ako nang muling may magsalita.
“Shh… huwag kang masyadong maingay at baka magising si Ysla.”
Si Arnold.
Nanlabo ang paningin ko, parang isang panaginip. Hindi, isang bangungot ang naririnig ko ngayon.
“Ang sarap mo kasing kumain ng hiyas ko, eh… paano naman akong hindi mag-iingay? Ang galing-galing mong magpaligaya…”
Sumabog ang init sa aking katawan hindi dahil sa epekto ng alak kundi dahil sa galit, sa matinding pandidiri. Pilit kong nilabanan ang panginginig ng aking mga kamay.
Kakatok na sana ako upang kumpirmahin ang katotohanang hindi ko matanggap, pero biglang may nagsalita ulit.
“Hindi ba pwedeng makisali ako sa gagalaw kay Ysla mamaya? Hindi ko pa man lang natitikman, eh.”
Gusto kong sumuka.
“Akin ka lang, Arnold. At ako lang dapat ang titikman mo,” sagot ni Lizbeth, puno ng pagseselos.
Tila saglit na tumawa si Arnold. “Iyong-iyo lang naman ako. Ang sa akin lang… gusto kong makaganti. Ang arte-arte niya. Hindi pa man lang ibinuka ang mga hita para sa akin. Kailangan pang hintayin ang kasal.”
Napahawak ako sa aking bibig, nagbabakasakaling pigilan ang lumalabas na hikbi.
“Syempre,” sagot ni Lizbeth, malambing ang tono. “Gusto niyang mahumaling ka sa kanya.”
“Kaya lang, patay na patay na ako sa’yo,” sagot ni Arnold, “dahil sa galing mong chumupa.”
“Kaya huwag mo nang pagnasaan si Ysla. Hindi niya kayang gawin ang ginagawa ko sa’yo.”
Hindi ko na kaya. Nagsimula nang manginig ang aking tuhod.
“Isa pa,” dagdag ni Lizbeth. “Pagdating ng mga inupahan natin para gahasain siya, siguradong warak-warak na ang babaeng ‘yon.”
Parang hinila pababa ang kaluluwa ko.
Gahasa?
Tila huminto ang mundo. Nanigas ako, hindi na nakagalaw. Hindi ako makahinga.
“Bakit kasi kailangan ko pa siyang pakasalan sa kabila niyon?” tanong ni Arnold, na parang inis pa.
“Sundin mo na lang ang gusto ni Daddy,” sagot ni Lizbeth. “Para rin naman ‘yan sa’yo. Ikaw ang magmamana ng negosyo namin.”
“Pagpapasasaan na siya ng apat na lalaking inupahan natin, tapos papakasalan ko pa?” reklamo ni Arnold.
Humigpit ang hawak ko sa aking damit.
“Tumahimik ka na lang,” bulong ni Lizbeth. “Kaya nga nilagyan ko ng pampagana ang ininom niya kanina, tapos kaunting sleeping pills.”
Nagsimula nang dumaloy ang luha ko. Pamilya. Kaibigan. Pag-ibig. Lahat ng pinanghawakan ko, lahat ng pinaniwalaan ko ay isa palang malaking kasinungalingan.
“Kantut!n mo na ako, Arnold,” sabi pa ni Lizbeth. “Bago pa dumating ang mga lalaki.”
Napapikit ako nang mahigpit.
Hindi.
Hindi ako papayag.
Pinahid ko ang aking luha at dahan-dahang umatras. Kailangan kong makatakas. Kailangan kong lumayo bago pa mahuli ang lahat.
Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pinto ng cottage. Pinakinggan ang bawat yapak ng aking paa, siniguradong walang ingay hanggang sa tuluyan na akong makalabas. Naramdaman ko ang buhangin sa aking paa at nagpatuloy sa paglakad.
Pero bago pa ako tuluyang makalayo, nabangga ako sa isang bagay.
Isang matigas, matipunong katawan.
Muntik na akong mapasigaw, natakot na isa ito sa mga lalaki na inupahan nila Lizbeth para gawan ako ng masama. Nagpumiglas ako ng husto ng hawakan niya ang aking braso.
At ito na nga, narito ako sa silid ng lalaking nakabunggo ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil hindi ako napunta sa apat na lalaki kagaya ng plano nila Lizbeth at Arnold.
Ngunit dama ko pa rin ang kahihiyan sa alam ko ng nangyari ng nagdaang gabi.
Shit. Kasalanan ito ni Lizbeth. Kung hindi niya hinaluan ng kung ano ang inumin ko, hindi sana ako nauwi dito ngayon.
NathanTahimik ang pasilyo ng ICU nang ihatid ako ng nurse. Tanging tunog lang ng makina at mahihinang yabag ng mga nagmamadaling doktor ang bumabalot sa paligid. Sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko na para bang may nagbabantang pwersa na gustong pumutol sa hininga ko.“Mr. Del Antonio, hanggang sampung minuto lang po muna ang pahintulot,” sabi ng nurse, sabay bukas ng pinto.Tumango lang ako, halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya.Pagkapasok ko, parang gumuho ulit ang mundo ko.Nandoon si Ysla, nakahiga sa kama na para bang hindi siya ang babaeng masayahin at puno ng sigla na nakilala ko. May benda sa ulo, tubo sa bibig, mga aparatong nakakabit sa katawan niya, at makina na nagbabantay sa bawat tibok ng puso niya. Ang mahinang beep... beep... ay tila ba musika at sumpa sa iisang tunog.Lumapit ako dahan-dahan, nanginginig ang kamay ko habang hinawakan ang malamig niyang daliri. “Ysla...” bulong ko, mahina, puno ng takot.Naupo ako sa gilid ng kama, halos map
Nathan“Hello,” sagot ko nang itapat ko ang cellphone sa tainga. Hindi ko sana sasagutin dahil hindi naka-save ang numero sa akin, ngunit landline 'yon.“Is this Mr. Nathan Del Antonio?”“Yes,” maikli kong tugon..“Nurse po ako sa Lanuza Medical Hospital po ito.” Ramdam kong tumigil ang mundo ko nang marinig ang pangalan ng ospital; bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kumakalam sa dibdib. “Nandito po ngayon si Ms. Ysla Caringal at nasa kritikal na kondisyon—”Parang bumuhos ang lahat nang sabay-sabay. Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ng babaeng nasa kabilang linya; naghalo-halo ang pumapasok sa isipan ko: Ysla. Kritikal. Ysla. Kritikal. Umiikot ang ulirat ko. Ang mga salita ng nurse ay naging tinig na malabong nagmumula sa malayo.Bigla akong nanlumo. Humahaba ang mga sandali, ang oras ay tila nag-inat. Nasa bahay na ako; nasa loob pa rin ng kwarto ni Lola nang tanggapin ko ang tawag. Hindi ko alam kung paano ako nakapagpaalam, isang makahina, maigsi na “Lola, aalis muna
Third PersonMasaya ang pagla-livestream ni Ysla. Ang kanyang ngiti ay hindi mapawi, at sa bawat awit na lumalabas sa kanyang labi ay ramdam ng lahat ng nanonood ang saya at husay niya. Sa bawat minuto, dumarami ang nanonood, at walang tigil ang pagbuhos ng moon gifts. Ang screen ay kumikislap sa dami ng nagdo-donate, tila ba nagsasayaw ang mga icon ng buwan kasabay ng kanyang tinig.Pinakamasaya sa lahat ay ang kaibigan niyang si Grace, na nakaupo sa di kalayuan sa kaniya, hindi mapigilan ang matuwa sa nakikita.“Grabe, my bestfriend,” bungad nito ng matapos ang streaming, kumikislap ang mga mata. “Talagang hindi na paawat ang mga followers mo! Kahit sina Mommy ay natutuwa sa nangyayari sa page natin. Aba, hindi ko na siya naririnig na pinipilit akong lumabas ng bahay.”Natawa si Ysla sa sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang, ilang beses na niyang narinig ang kwento kung paano madalas pagsabihan si Grace ng mga magulang nito dahil mas pinipili nitong manatili sa silid at mag-edit ng kani
Third Person“Isoli mo ang binayad ko sa’yo kung ayaw mong lumiit ang mundo mo!” malamig ngunit puno ng pagbabanta ang boses ni Mr. Bustamante sa kabilang linya.“Mr. Bustamante, nagkabayaran na tayo at—” pilit na paliwanag ni Sandro, nanginginig pa ang kamay habang hawak ang cellphone.“Wag mo akong subukan, Dela Peña!” singhal ng matandang negosyante. “Alam mong niloko mo ako. Hindi pala sa’yo ang share. Huling sabi ko na ito sa’yo.” At bago pa makapagsalita si Sandro ng depensa, basta na lang pinatay ni Mr. Bustamante ang tawag, iniwan siyang nakatulala at nanggagalaiti.“Bwisit!” napasigaw si Sandro sabay hampas ng kamao sa mesa. Umuga ang basong nakapatong malapit lang sa kanya kaya medyo natapon pa ang lamang tubig. Nagsisimula ng magtawagan ang mga negosyanteng pinagbentahan niya ng shares at ari-arian ni Ysla. Isa-isa nilang binabawi ang mga bayad, at ramdam niya ang unti-unting pagguho ng mundong akala niya’y hawak niya sa leeg.“Paano na tayo, Dad?” umiiyak na tanong ni Lizb
Nathan“Sir, nai-file na ang lahat ng kaso. Handa na rin si Atty. Rafael at ang hearing na lang ang hinihintay,” maingat na ulat ni Damien habang iniaabot sa akin ang folder ng mga dokumento. Kita ko ang bakas ng pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon doon.Tumango ako at bahagyang lumuwag ang pagkakakrus ng mga braso ko. “Kung ganon, may kailangan pa ba tayong gawin? May dapat ba tayong paghandaan bukod sa hearing?”Sandaling nag-isip si Damien bago muling nagsalita. “Ang bilin ni Atty. Rafael ay mag-ingat si Ma’am Ysla. Hindi raw natin alam ang mga galaw ni Sandro. Kapag gipit ang isang tao, kahit imposible ay gagawa ng paraan. Mas mabuti raw na lagi tayong nakabantay.”Bahagya akong napatingin sa labas ng aking opisina kung saan tanaw ang mga nagtataasan din na mga building. Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. “Tama siya,” mahina kong sagot, saka muling bumaling k
Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai