Share

Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)
Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)
Author: Lovella Novela

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-03-24 14:30:43

Ysla

Masakit ang ulo ko at tila umiikot ang aking paligid ng imulat ko ang aking mga mata. Sa palagay ko ay umaga na dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa siwang ng malaking kurtina mula sa harapan ko.

Inikot ko ang aking tingin sa paligid ngunit hindi ako nagtagumpay na makilala o maalala man lang kung kaninong silid ang kinaroroonan ko.

Bumangon ako at naupo sa kama. Malaki iyon at kung pagbabasehan ang itsura at gulo non ay halatang hindi lang ako ang nahiga dito.

Dahil sa naisip ko ay bigla akong napatingin sa aking sarili, narealize kong wala ako kahit na anong saplot sa aking katawan!

Nag-angat ako ng tingin at muling inilibot iyon sa paligid. Napansin ko ang ilang damit na nagkalat sa sahig na tila pamilyar sa akin. Doon ako biglang natauhan at naalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.

Hinawi ko ang comforter na nakatakip sa akin at umurong ng bahagya kaya nakita ko ang pulang mantsang nagpapatunay na tuluyan ko ng naibigay ang iniingatan kong pagkababae.

Ang tanging regalong maiaalay ko sa aking fiance sa gabi ng aming honeymoon.

Natakpan ko ng aking kamay ang aking bibig sa pagpipigil na mapasigaw.

Dahil sa sama ng loob at galit na naramdaman ko para kay Arnold na aking fiance at pinsan na si Lizbeth ay mabilis akong umalis ng cottage namin.

Ngayon ay unti unting bumabalik sa aking alaala kung paano ako napunta sa silid na ito.

Masakit man ang ulo at dama pa rin ang pagkahilo ay mabilis akong tumayo at isa isang dinampot ang sa pagkakaalam ko ay damit ko.

Hanggang sa bigla akong natigilan.

Naiunat ko ang aking likod sa pagkakatayo dahil pakiramdam ko ay biglang tumahimik.

Anong nangyari? Nakakabingi ang katahimikan.

Nasagot lang ang tanong ko ng bumukas ang pinto ng sa tingin ko ay bathroom. Narealize ko na kaya tumahimik ay dahil namatay ang shower kaya nawala ang lagaslas ng tubig na hindi ko pinapansin kanina dala ng pagkalito.

Hindi na ako nakatakbo palabas dahil nga hubo't hubad ako kaya agad ko na lang hinablot ang comforter na nasa ibabaw ng kama ngunit nakita pa rin ako ng lalaking kalalabas lang ng banyo bago ko pa man iyon maitapi sa aking katawan.

“You're awake,” sabi ng lalaki. Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib habang may mga pumapatak pa na tubig mula sa kanyang basang basa pang buhok na pinupunasan niya gamit ang maliit na tuwalya.

“Ah, eh, magbibihis lang ako tapos ay aalis na rin,” alanganin kong sabi.

Kunot ang kanyang noo na nakatitig sa akin. Bakit parang hindi siya masaya sa sinabi ko? Dapat ba ay hindi na ako nagsabi?

“Just like that?” tanong niya kaya nagulahan ako for a moment.

“W-What do you mean?” taka kong tanong. Bakit parang pinalalabas niya na siya ang agrabyado?

“After what happened last night ay aalis ka lang basta?” tanong niya na mas lalo kong ikinataka.

“Don't tell me gusto mong panagutan kita? I'm sorry, wala pa akong kakayahang bumuhay ng lalaki.” Yon naman ang totoo. Ako ay hamak na alalay lamang ng aking pinsan at substitute na rin sa kanyang pagvo-vlogging.

Dapat ay nakakatawa ang maging dating non sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Kumunot ang kanyang noo bago lumakad palapit sa kama.

Napaatras pa rin ako kahit na nasa kabilang side ako dahil baka kung ano ang gawin niya. Hindi lang siya malaking lalaki kung hindi malaki rin ang katawan. Ang abs niya ay nakakatakam tignan kung nagkataong sa ibang sitwasyon kami magkaharap.

Ang lapad ng kanyang shoulders na para bang kayang kaya niya akong isakay doon habang nakalublob kami sa swimming pool ay saglit na nagpawala sa katinuan ko kaya agad kong pinilig ang aking ulo.

Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table bago nag dial.

“I need a cleaner.” Yun lang at in-end na niya ang call bago ako hinarap.

“May papasok na cleaner, go to the bathroom and clean up, mag-uusap tayo pagkatapos mo habang nagbe-breakfast.” Ang seryoso ng kanyang mukha kaya hindi ko alam kung marunong ba siyang ngumiti. 

At tsaka teka, Is he expecting me to follow him? Ano ako, bale? Basta na lang susundin ang kung ano ang sinabi niya.

“Don't make me repeat myself, woman. Go and clean up or gusto mo lang talaga akong panoorin habang nagbibihis?”

Dahil sa huling pangungusap na sinabi niya ay agad akong nagpunta sa bathroom na pinanggalingan niya lalo at hinawakan na niya ang tuwalya sa kanyang bewang na tila may balak na itong tanggalin iyon sa harap ko.

Habang naliligo ay punong puno ng samu't-saring tanong ang aking isipan.

Unang una na ang kung ano ang pag-uusapan namin ng lalaki. Pangalawa ay kung sino siya. Pangatlo, nasaan na ang magaling na si Arnold at ang pinsan ko?

Hinahanap man lang ba ako ng lalaking inakala kong makakasama ko habang buhay?

At si Lizbeth? Paano niya naatim na gawin sa akin ang lahat ng ito kasama na pati ang kanyang mga magulang na inakala kong anak din ang turing sa akin ngunit hindi naman pala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gracie
Interesting
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 91

    YslaPatuloy kami sa kwentuhan ni Grace at kahit na nasa opisina si Nathan ay hindi naman niya nakakalimutan na i-text ako mayat-maya. Busy daw siya, pero gusto niya na maramdaman niya na kasama niya ako kahit wala siya through messages.“Love na love ka talaga ni Nathan ha, I’m sure hindi rin siya mapakali at gusto nang umuwi para makita ka.” May halong panunukso ang pagkakasabi ni Grace. Syempre pa, kinilig naman ako.Napahawak ako sa aking tiyan na agad niyang napansin. “Excited ka na ba?”“Oo. Hindi ko na mahintay ang paglabas niya sa mundo.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa biglang pagpasok ni Nathan sa isip ko.“Grabe ang nangyari sa inyo ng baby mo. Talagang sobrang salamat sa Diyos. Siguro yung kaba ni Nathan habang pinagmamasdan ka niya sa hospital na walang malay ay sobrang lakas.”“Kaya nga. Ngayon, hindi lang ang kumpanya niya at ang Cheatime ang kailangan niyang harapin. Pati ang pagsampa ng kaso sa pagkakaaksidente ko ay nadagdag na rin sa dal

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 90

    YslaIlang araw pa akong nanatili sa ospital bago tuluyang pinayagang umuwi. Sa wakas, nakahinga rin ng maluwag si Nathan. Pero kahit na naka-discharge na ako, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Halos ayaw niya ngang ilayo ang katawan niya sa akin ng higit sa tatlong hakbang. Para siyang sariling personal bodyguard na talagang bantay-sarado.Kasalukuyan kaming nasa lanai at nag-aalmusal. Maaliwalas ang hangin, malamig pa kahit sumisikat na ang araw. Naririnig ko mula sa loob ang tahimik na paggalaw ng mga katulong, at si Lola Andrea, sa awa ng Diyos ay nasa kanyang silid pa rin, malakas pa rin at paminsan-minsan ay nagpapatawag kung gusto niyang makibalita sa lagay ko.“May trabaho ka pa,” sabi ko habang naglalagay ng butter sa tinapay ko. “Kawawa naman si Damien. Baka mamaya tuluyan nang hindi magka-love life ‘yon dahil ikaw ang unang taong hinahanap niya araw-araw.”Tumigil si Nathan sa pagbabalat ng orange at tiningnan ako na parang sinasaktan ko siya emotionally. “Bakit pa

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 89

    YslaPakiramdam ko ay parang binuhusan ng tingga ang buong katawan ko—mabigat, nananakit, at para bang may kung anong humihila pabalik sa pagkakahiga ko. Pero nang marinig ko ang boses ni Nathan, ‘yong paos pero pamilyar na timbre na kay tagal kong nakasanayan, bigla akong parang umangat mula sa kailaliman. Nang maramdaman ko pa ang kamay niya—mainit, magaan, pero nanginginig nang kaunti—para bang gumaan ang lahat ng hindi ko maipaliwanag.Pero nang tuluyan kong makita ang mukha niya… doon ako nilamon ng lungkot.Pumayat ang pisngi niya, halos lumiit na parang hindi kumain nang isang buwan. Nangangalumata, nangingitim ang ilalim ng mata, at ang facial hair niya—dati ay laging trim at malinis—ngayon ay halos parang balbas ng isang taong nakipagsuntukan sa pagod. Para siyang nagbantay ng ilang gabi nang hindi umuuwi. At alam kong ako ang dahilan.Hindi ko isinatinig ang kahit isang napansin ko. Ayaw kong maramdaman niyang iyon agad ang nakita ko pagkadilat ko pa lang. Kahit hindi niya sa

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 88

    NathanDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata dahil sa banayad na paghagod sa ulo ko. Hindi agad sumagi sa isip ko kung gising ba ako o nananaginip pa. Magaan ang haplos at masyadong pamilyar para balewalain, pero masyado ring imposible para paniwalaan nang agad-agad.Sa loob ng ilang segundo, hindi ko muna tuluyang inangat ang aking tingin. Nanatili lang akong nakayuko, nakasubsob sa braso ko, habang pilit kong iniintindi kung totoo ba ang nararamdaman ko.Parang may mabigat na buhol sa dibdib ko na unti-unting humihigpit. Hindi ko alam kung matatakot ba ako… o iiyak… o tatakbo papalayo dahil baka isa lang itong malupit na ilusyon na gawa ng pagod at pag-aalala.Tumigil ang kamay.At sa pagtigil na iyon, may bahagyang pag-atras, parang natakot ang kamay na iyon na baka nagising ako.Doon mas lalo akong napahigpit ng kapit sa emotion ko, half terrified, half hopeful. Ang daming sensasyon ang sabay-sabay na umatake: Kaba na parang bubulusok palabas ang puso ko na may halong pag-a

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 87

    NathanAgad kong pinindot ang maliit na button na nasa kanang side ko para tumawag sa nurse's station. Halos nanginginig pa ang daliri ko, parang doon nakasabit ang huling piraso ng pag-asa ko. Hindi naman nagtagal at bumukas ang pintuan ng silid, kasunod ang mahinang tunog ng malamig na hangin mula sa hallway.“Mr. Del Antonio, may nangyari po ba?” tanong ng nurse, halatang nagulat sa ekspresyon ko.Tinignan ko siya at itinuro ang kamay ni Ysla na ngayon ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin na mas mahigpit kaysa kanina, na para bang may desperasyon na gusto niyang iparating.“I'll call her doctor.” Pagkasabi ay agad na umalis ulit ang nurse. Halata ang pagmamadali sa bawat hakbang niya, para bang ramdam din niya na maaaring ito na ang pinakahihintay naming senyales.“Hey, Ysla. It's me, Nathan…” bulong ko, halos pumipigil sa panginginig ng boses. Lumapit ako nang kaunti, inilapit ang mukha ko sa kanya na para bang mas maririnig niya ako kung mas malapit ako. Naghintay ako saglit at

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 86

    Third PersonHabang nagkakagulo sa social media dahil sa pagkakadakip kay Blythe Borromeo na kinikilalang magaling na designer at sa mag-amang Sandro at Lizbeth ay nasa hospital pa rin si Nathan at nagbabantay sa asawa.Ilang araw nang walang malay si Ysla at ang tanging pag-asang meron si Nathan ay ang ilang beses na nakita niyang gumalaw ang kamay nito. Bukod doon ay wala na.Sa kabila non, hindi pa rin sumusuko si Nathan pati na ang doktor ni Ysla naniniwala na muling magigising ang babae.“My love,” sabi ni Nathan habang pinupunasan ang kamay ng asawa. “‘Yan na ang itatawag ko sayo lagi para hindi mo makalimutan. Kung ayaw mo pang gumising ay okay lang, magpahinga ka muna.”Muntik ng pumiyok si Nathan kaya kailangan niyang tumigil sa pagsasalita. Ayaw niyang marinig siya ni Ysla na umiiyak lalo nakaratay pa ito. Hindi niya gustong pag-alalahanin pa ang asawa. “Habang nandito ka, ginagawa ko na ang lahat upang mahuli ang lahat ng may kagagawan nito sayo. Pangako ko sayo na hindi ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status