Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2025-03-24 14:44:02

Ysla

“Sign this.”

Malamig at matigas ang tono ng lalaki nang ibigay niya sa akin ang isang papel, kasabay ng ballpen na ipinatong niya sa maliit na lamesa. Kakatapos ko lang maglinis at magbihis, at ngayon ay kaharap ko na ang estrangherong lalaking aksidente kong napag-alayan ng aking pagkababae.

“Ano naman ‘yan?” tanong ko, ngunit hindi ko man lang tinapunan ng tingin ang dokumentong inilapag niya.

“You'll know kung titignan mo.” May himig ng pagkainis sa kanyang boses, para bang siya pa ang naagrabyado sa nangyarin sa amin. Ganito na ba talaga kakapal ang mga lalaki ngayon?

“Ayaw ko,” matigas kong tugon. Kung akala niya ay basta-basta ko siyang susundin, nagkakamali siya.

Matalim niya akong tinitigan bago marahang tinaas ang hawak niyang remote control at itinapat iyon sa TV na nasa likuran ko. Isang pindot lang at biglang nagbukas ang screen, ngunit hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.

“Ohh… touch me, please. Don't stop…”

Nanlaki ang mga mata ko sa boses na iyon. Isang pamilyar na boses.

Boses ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapalingon sa TV. Nakatambad sa screen ang isang video kung saan wala akong saplot, nakapikit sa matinding sensasyon, nakahiga sa ilalim ng lalaking kaharap ko ngayon.

“How dare you!” galit kong sigaw, ngunit hindi man lang natinag ang lalaking may hawak ng remote.

“Read.” Ipinause niya ang video, saka itinuro muli ang dokumento sa ibabaw ng lamesa.

Wala akong nagawa kundi damputin iyon, nanginginig ang kamay habang unti-unting binasa ang nakasulat.

Marriage Agreement.

“Anong kalokohan ito?” tanong ko, sabay turo sa heading ng dokumento.

“I said, read. Ayaw kong magpaliwanag, kaya intindihin mo na lang. Lahat ng gusto mong malaman ay nandiyan na. At pagkatapos mong basahin, pirmahan mo.” Hindi man lang niya ako bibigyan ng pagkakataon para magsabi ng kondisyon ko? Ano ito, lahat ay pabor sa kanya?

Nanggigigil akong sinunod ang gusto niya. Isa-isang dumaan sa mata ko ang mga nakasulat sa dokumento, at lalo akong napuno ng inis sa bawat linyang binabasa ko.

Kagabi lang ay natuklasan ko ang pagtataksil ng aking pinsan at fiancé. Ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko. Matapos ang masakit na rebelasyong iyon, ang pinakaiingatan kong sarili ay tuluyang nawala sa piling ng isang lalaking hindi ko kilala na siyang kaharap ko ngayon.

At ngayon, paggising ko, kailangan ko pang magpakasal sa estrangherong ito para lang maiwasan ang pagkalat ng isang eskandalosong video.

Ganoon ba talaga ako katanga? Tumakas ako mula sa isang bangungot para lang mahulog sa isa pa?

Ayaw kong magpakasal sa lalaking hindi ko gusto. Pero ano ang magagawa ko?

Mahigpit kong hinawakan ang papel, halos lamukutin ko na sa sobrang gigil. Pero ang presensya ng lalaking prenteng nakaupo sa couch ay nagpapaalala sa akin na wala akong ibang pagpipilian.

“Burahin mo ang video," sabi ko. Kailangan kong makasiguro na hindi lalabas iyon. Kitang kita ang aking mukha, ni hindi ako makapaniwala na ang ungol na narinig ko ay galing pala sa akin.

“Sign that, pati na ang marriage contract natin. Then I'll delete it.” Matigas ang tinig niya, isang utos na hindi maaaring suwayin. Talagang ayaw niyang magpatalo at gustong makasiguro.

Dinampot ko ang ballpen, nagdadalawang-isip pa rin. Ngunit sa huli, walang laban akong lumagda sa kasunduan.

Kung tutuusin, wala namang masyadong nakasaad sa kontrata. Wala kaming kailangang ipaalam sa publiko tungkol sa kasal namin maliban na lang sa kanyang lola. Ngunit dahil legal na kaming mag-asawa, kailangan naming tumira sa iisang bubong.

“Come in.” Narinig kong sabi ng lalaki habang nakatapat sa kanyang tenga ang cellphone na hindi ko namalayan na tumunog pala or may tinawagan siya dahilan upang mapatignin ako sa kanya.

Pinindot niya muli ang remote at nag-off ang TV. Kasabay noon, may kumatok sa pinto at pumasok ang isa pang lalaki na may dalang brown envelope. Iniwan niya iyon sa mesa bago lumabas ulit.

“Fill out mo lahat ng kailangan and then sign. Siguraduhin mong tama ang lahat ng detalye dahil ayaw ko ng kahit na anong problema when it comes to legalities.”

Dinampot ko ang envelope at inilabas ang mga dokumentong nasa loob. Marriage application at iba pang legal forms, lahat may iisang layunin.

Upang maging asawa ko ang lalaking ito.

Nagsimula akong magsulat, pilit na itinatago ang inis at takot na bumabalot sa dibdib ko. Nang matapos, ibinagsak ko ang ballpen sa mesa, kasabay ng masamang tingin sa kanya.

Wala man lang nakasulat doon na kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya pero ako ay nandoon na lahat. Pakiramdam ko ay napaka-unfair ng nangyayari.

Walang imik niyang dinampot ang mga papeles at pumirma rin. Pagkatapos ay may tinawagan siya, kasunod ang isa pang pagkatok at muling pagpasok ng lalaking may dalang envelope kanina.

“Here. Make sure na matapos ang lahat by Monday.”

“Yes, Sir.” Matipid na sagot ng lalaki bago umalis ulit.

By Monday? Sabado pa lang ngayon! Ganon siya kabilis magdesisyon? Para siyang baliw!

Napako ang tingin ko sa lalaking kaharap ko. Hindi siya natinag sa pagtingin din sa akin, tahasang sinasalubong ang galit at pagkalito sa mga mata ko.

“I’m Nathan Del Antonio,” aniya, malamig ang tinig.

Napakunot ang noo ko. Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Parang pamilyar…

“Since pumayag ka na, ayaw ko nang makikitang may kausap kang ibang lalaki.”

“Teka lang, bago ka magsabi ng kung ano-ano, hindi ba dapat burahin mo muna ang dapat mong burahin?” taas-kilay kong sagot.

Sandali siyang natigilan bago may kung anong pinindot sa kanyang cellphone at inabot sa akin.

“Delete it yourself.”

Agad kong kinuha ang cellphone at hinanap ang video. Ilang saglit lang, natagpuan ko rin ang kababuyan naming dalawa.

Gusto kong panoorin para malaman kung ano pang kahihiyan ang ginawa at sinabi ko. Pero sa isang iglap, pinindot ko ang delete button.

Sapat na ang nakita at narinig ko kanina. Hindi ko kakayanin kung mapanood ko pa ulit iyon.

Bumuntong-hininga ako nang malalim bago ibinalik ang cellphone sa mesita. Pilit kong inaalo ang sarili na tapos na ang lahat, pero alam kong hindi pa.

Dahil nagsisimula pa lang ang bangungot ko.

Tinitigan ko ulit ang lalaking nagpakilalang si Nathan Del Antonio.

Saan ko nga ba narinig o nabasa ang pangalang iyon?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 82

    NathanTahimik ang pasilyo ng ICU nang ihatid ako ng nurse. Tanging tunog lang ng makina at mahihinang yabag ng mga nagmamadaling doktor ang bumabalot sa paligid. Sa bawat hakbang ko, mas lalong bumibigat ang dibdib ko na para bang may nagbabantang pwersa na gustong pumutol sa hininga ko.“Mr. Del Antonio, hanggang sampung minuto lang po muna ang pahintulot,” sabi ng nurse, sabay bukas ng pinto.Tumango lang ako, halos hindi ko na marinig ang sinasabi niya.Pagkapasok ko, parang gumuho ulit ang mundo ko.Nandoon si Ysla, nakahiga sa kama na para bang hindi siya ang babaeng masayahin at puno ng sigla na nakilala ko. May benda sa ulo, tubo sa bibig, mga aparatong nakakabit sa katawan niya, at makina na nagbabantay sa bawat tibok ng puso niya. Ang mahinang beep... beep... ay tila ba musika at sumpa sa iisang tunog.Lumapit ako dahan-dahan, nanginginig ang kamay ko habang hinawakan ang malamig niyang daliri. “Ysla...” bulong ko, mahina, puno ng takot.Naupo ako sa gilid ng kama, halos map

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 81

    Nathan“Hello,” sagot ko nang itapat ko ang cellphone sa tainga. Hindi ko sana sasagutin dahil hindi naka-save ang numero sa akin, ngunit landline 'yon.“Is this Mr. Nathan Del Antonio?”“Yes,” maikli kong tugon..“Nurse po ako sa Lanuza Medical Hospital po ito.” Ramdam kong tumigil ang mundo ko nang marinig ang pangalan ng ospital; bumilis ang tibok ng puso ko, parang may kumakalam sa dibdib. “Nandito po ngayon si Ms. Ysla Caringal at nasa kritikal na kondisyon—”Parang bumuhos ang lahat nang sabay-sabay. Hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ng babaeng nasa kabilang linya; naghalo-halo ang pumapasok sa isipan ko: Ysla. Kritikal. Ysla. Kritikal. Umiikot ang ulirat ko. Ang mga salita ng nurse ay naging tinig na malabong nagmumula sa malayo.Bigla akong nanlumo. Humahaba ang mga sandali, ang oras ay tila nag-inat. Nasa bahay na ako; nasa loob pa rin ng kwarto ni Lola nang tanggapin ko ang tawag. Hindi ko alam kung paano ako nakapagpaalam, isang makahina, maigsi na “Lola, aalis muna

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 80

    Third PersonMasaya ang pagla-livestream ni Ysla. Ang kanyang ngiti ay hindi mapawi, at sa bawat awit na lumalabas sa kanyang labi ay ramdam ng lahat ng nanonood ang saya at husay niya. Sa bawat minuto, dumarami ang nanonood, at walang tigil ang pagbuhos ng moon gifts. Ang screen ay kumikislap sa dami ng nagdo-donate, tila ba nagsasayaw ang mga icon ng buwan kasabay ng kanyang tinig.Pinakamasaya sa lahat ay ang kaibigan niyang si Grace, na nakaupo sa di kalayuan sa kaniya, hindi mapigilan ang matuwa sa nakikita.“Grabe, my bestfriend,” bungad nito ng matapos ang streaming, kumikislap ang mga mata. “Talagang hindi na paawat ang mga followers mo! Kahit sina Mommy ay natutuwa sa nangyayari sa page natin. Aba, hindi ko na siya naririnig na pinipilit akong lumabas ng bahay.”Natawa si Ysla sa sinabi ng kaibigan. Sa totoo lang, ilang beses na niyang narinig ang kwento kung paano madalas pagsabihan si Grace ng mga magulang nito dahil mas pinipili nitong manatili sa silid at mag-edit ng kani

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 79

    Third Person“Isoli mo ang binayad ko sa’yo kung ayaw mong lumiit ang mundo mo!” malamig ngunit puno ng pagbabanta ang boses ni Mr. Bustamante sa kabilang linya.“Mr. Bustamante, nagkabayaran na tayo at—” pilit na paliwanag ni Sandro, nanginginig pa ang kamay habang hawak ang cellphone.“Wag mo akong subukan, Dela Peña!” singhal ng matandang negosyante. “Alam mong niloko mo ako. Hindi pala sa’yo ang share. Huling sabi ko na ito sa’yo.” At bago pa makapagsalita si Sandro ng depensa, basta na lang pinatay ni Mr. Bustamante ang tawag, iniwan siyang nakatulala at nanggagalaiti.“Bwisit!” napasigaw si Sandro sabay hampas ng kamao sa mesa. Umuga ang basong nakapatong malapit lang sa kanya kaya medyo natapon pa ang lamang tubig. Nagsisimula ng magtawagan ang mga negosyanteng pinagbentahan niya ng shares at ari-arian ni Ysla. Isa-isa nilang binabawi ang mga bayad, at ramdam niya ang unti-unting pagguho ng mundong akala niya’y hawak niya sa leeg.“Paano na tayo, Dad?” umiiyak na tanong ni Lizb

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 78

    Nathan“Sir, nai-file na ang lahat ng kaso. Handa na rin si Atty. Rafael at ang hearing na lang ang hinihintay,” maingat na ulat ni Damien habang iniaabot sa akin ang folder ng mga dokumento. Kita ko ang bakas ng pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang determinasyon doon.Tumango ako at bahagyang lumuwag ang pagkakakrus ng mga braso ko. “Kung ganon, may kailangan pa ba tayong gawin? May dapat ba tayong paghandaan bukod sa hearing?”Sandaling nag-isip si Damien bago muling nagsalita. “Ang bilin ni Atty. Rafael ay mag-ingat si Ma’am Ysla. Hindi raw natin alam ang mga galaw ni Sandro. Kapag gipit ang isang tao, kahit imposible ay gagawa ng paraan. Mas mabuti raw na lagi tayong nakabantay.”Bahagya akong napatingin sa labas ng aking opisina kung saan tanaw ang mga nagtataasan din na mga building. Naramdaman ko ang bigat ng responsibilidad. “Tama siya,” mahina kong sagot, saka muling bumaling k

  • Oops! Contract Marriage with a Stranger (Tagalog)   Chapter 77

    Nathan“Pupunta ako sa bahay nila Grace, may schedule ako ng live streaming para sa masked singer,” aniya habang abala sa pagscroll sa kanyang cellphone. Kita ko sa mukha niya ang halo ng excitement, talagang pagdating sa pagkanta ay nagkakaroon ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.“Magtatagal ka ba?” tanong ko habang palapit ako sa kanya, kahit ang totoo ay gusto ko lang malaman kung hanggang anong oras ko siya hindi makikita. Galing ako sa silid ni Lola para kamustahin and I'm glad na maayos naman ito. Higit na masigla lumpara sa karaniwan.“Uuwi din ako agad pagkatapos,” tugon niya, bahagyang ngumiti pero agad ding nagseryoso. “And please, stop sending me moon gifts.”Napataas ang kilay ko. “Alam mo naman na kaligayahan ko na iyon kaya ‘wag mo na akong pagbawalan pa,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga. Ewan ko ba sa kanya kung bakit palagi pa niya akong sinasaway tungkol sa bagay na ‘yon, gayong alam naman niyang hindi ako magpapaawat. Para bang isang bata na pinagkakai

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status