INICIAR SESIÓNMasakit. Sobrang sakit ng mga narinig kong salita galing kay mama. Parang hindi niya ako anak kung makapagsalita.Wala daw akong kwentang anak. At wala daw akong ibang ginawa kundi bigyan ng problema ang pamilya namin. Iyon lang ang salitang paulit-ulit na umiikot sa isip ko habang naglalakad palabas ng ospital.Mas masakit pa pala ang masaktan ng sariling pamilya kaysa sa masaktan ng ibang tao.Hindi ko masisisi si Mama.Alam kong takot lang siya.Takot siyang mawalan ng anak.Takot siyang mawalan ng pag-asa.Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na masakit ang mga salitang binitiwan niya."Wala kang kuwenta...""Puro ka na lang pangako..."Napapikit ako.Pakiramdam ko, kung may puso mang umiiyak ng dugo, marahil ganoon na ang nararamdaman ko ngayon.Pero hindi puwedeng sumuko.Hindi ako puwedeng umiyak nang matagal.Dahil kung hindi ako kikilos...Sino ang kikilos para kay Miko?Si Papa?Na mas inuuna pa ang sugal kaysa pamilya?Si Mama?Na halos hindi na rin alam kung saan kukuha
Nang makita kong nakahandusay si Miko sa sahig, parang may kung anong pumutok sa loob ko."Mi-Miko!"Lumuhod agad ako sa tabi niya at marahan siyang inalalayan.Hindi siya sumasagot.Hindi rin siya gumagalaw."Mi-Miko, gumising ka."Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang mga kamay ko.Napatingala ako kay Papa. Nakatayo pa rin siya roon, hinihingal at halatang wala pa ring balak tumigil. May hawak pa rin siyang batuta.Sa sobrang galit at takot ko, kung anu-anong eksena sa action movies ang pumasok sa isip ko."Sabi nila, may pressure point daw sa leeg...""Kapag tinamaan, mahihilo ang kalaban...""Subukan kaya?"Hindi na ako nag-isip pa.Huminga ako nang malalim."Bahala na!"Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.Dahil hindi ko naman abot ang mukha mo...Napataas ako ng kamay....dito na lang!TOK!Tumama ang kamao ko sa tagiliran ng leeg niya.Napaatras siya ng dalawang hakbang.Napakurap.Napangiwi."Ano'ng..."Parang umiikot ang paningin niya."Aba...""May... bituin..."Big
Hindi ordinaryong katok ang narinig namin.Parang bawat kalabog ay kayang wasakin ang lumang pinto ng bahay namin.BANG! BANG! BANG!Napapitlag kaming dalawa ni Miko.Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya habang mahigpit siyang kumapit sa braso ko.Ramdam ko ang takot ni Miko, at maging ako man ay hindi rin ma alis sa isipan ko ang bagabag.Kung si papa man ito, sana hindi siya manggulo. Kasi sawang-sawa na ako sa mga pambubugbog niya sa akin.Wala na nga siyang naitulong sa pamilyang 'to, tapos puro sugal at pag-iinom pa ang iniisip."A-Ate..."Mahinang tawag ni Miko sa akin. Ramdam ko ang pangangamba niya sa boses palang.Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti kahit bumibilis na rin ang tibok ng puso ko."Don't worry, Miko."Hinaplos ko ang buhok niya."Nandito naman si Ate Kaye. Hindi kita pababayaan."Kahit ako mismo ay hindi sigurado sa mangyayari, kailangan kong magpakatatag.Kung may dapat matakot...Hindi dapat si Miko.Isa pang malakas na kalabog ang umalingawngaw
Hindi ko na alam kung mag-e-enjoy pa ba ako sa loob ng VIP room na iyon. Habang tumatagal, lalo akong nakakaramdam na parang hindi ako nababagay roon. Lahat kasi sila ay nagtatawanan. May mga nagkukuwentuhan tungkol sa trabaho.May mga nagkakantahan.May mga nagto-toast gamit ang kani-kanilang baso.Samantalang ako, tahimik lang.Paminsan-minsan ay napapangiti kapag may kinakausap, pero sa totoo lang, wala na ang isip ko sa club. Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang nangyari sa hallway.Ang malalim na tingin ni Dylan.Ang katahimikan niya.At ang paraan ng pagtingin niya sa akin bago ako bumalik sa loob kasama si Doctor Rigel.Napabuntong-hininga ako."Hindi na dapat ako nagpapaapekto.""Wala na kami.""Boss ko lang siya noon.""At ngayon... wala na siyang karapatan sa buhay ko."Pinilit kong ituon ang pansin sa mga taong nasa paligid.Ngunit habang tumatagal, lalo lang akong naiilang.Parang hindi talaga ako kabilang sa mundong iyon.Kaya tumayo ako at nilapitan si Doctor Ri
Pumasok ako sa isa sa mga pinakasikat na club sa siyudad kasama si Doctor Rigel.Kahit pangalawang beses ko pa lang makapasok sa ganitong lugar, hindi pa rin ako sanay sa malalakas na ilaw, nakabibinging tugtog, at halo-halong amoy ng pabango at alak.Napabuntong-hininga ako."Sana matapos agad ang gabing ito."Ang sabi ni Doc ay may nakareserba na raw na VIP room para sa mga bagong empleyado at interns ng hospital. Kami na lang daw ang hinihintay.Nakayuko lang akong naglalakad sa mahabang hallway.May mga taong nagtatawanan.May mga sumasayaw.May mga halatang lasing na.Ganito ba talaga ang club? Lahat na yata ng tao pumupunta riro para mag-enjoy. May katulad kaya sa akin? Na puno ng problema at kung ano oang ligalig na gusto ko ng takasan?Pero sa totoo lang, hindi ko maiwasang mapaisip na sana wala rito ang gagong lalaking 'yon. Porket mayaman gusto niya angkinin na niya ako? Hell no!"Sana wala rito si Dylan. Kasi kapag nagkataon... sigurado na namang magugulo ang gabi ko." mahi
Tahimik akong naglalakad sa makipot na eskinita.Bitbit ang maliit kong maleta sa isang kamay at ang bag ko naman sa kabila.Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta.Wala na akong trabaho.Wala na rin akong matutuluyan.Ang alam ko lang...Kailangan kong lumayo.Lumayo kay Dylan.Huminga ako nang malalim.Napatingala ako sa langit.Madilim na.Unti-unti nang nagsisindi ang mga ilaw sa mga bahay habang ang ibang tao naman ay abala sa pag-uwi mula sa trabaho.Samantalang ako...Pakiramdam ko ay nagsisimula na naman ako sa wala.Napangiti ako nang mapait."Kaya mo 'to, Kaye."Mahina kong sabi sa sarili."Kinaya mo dati.""Kakayanin mo ulit."Napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin.Sigurado akong wala roon si Mama.Alam kong nasa ospital na naman siya at binabantayan si Miko.Ganoon naman palagi.Halos doon na siya nakatira.Biglang nang ring ang cellphone sa bulsa ko.Napahinto ako sa paglalakad.Kinuha ko ito.Dr. Rigel.Napakurap ako.Binuksan ko ang mensahe."Pwede ka na ba







