LOGINAkala ni Elena “Lena” Santos ay simpleng trabaho lang ang pagtanggap niya bilang maid sa isang malaking mansion. Kailangan niya ng trabaho, kaya handa siyang sundin ang mga patakaran ng kanyang bagong amo—kahit pa ang amo niyang si Rafael ay isang malamig, tahimik, at misteryosong lalaki na tila may tinatagong malaking lihim.
View MoreHindi ko talaga inexpect na ang first day ko bilang maid ay sasalubungin ng isang lalaking
naka-towel lang. At mas hindi ko inexpect na ako pa ang magsasabi sa kanya na magbihis siya. “Sir, kung gusto n’yong pumasok ako sa bahay niyo, magbihis muna kayo.” Pagkasabi ko, biglang tumahimik ang buong paligid. Nakatayo ang lalaki ilang hakbang mula sa akin. Basa pa ang buhok niya, at may ilang patak ng tubig na gumugulong mula sa gilid ng leeg niya. Isang puting towel lang ang nakapalupot sa bewang niya. Agad akong umiwas ng tingin. Lena. Trabaho ’to. Huwag kang tumingin. Pero ramdam ko pa rin ang titig niya. “Bagong maid?” malamig niyang tanong. Bahagya niyang tinaas ang isang kilay habang sinusuri ako. “Opo.” Tumango ako at inayos ang strap ng bag ko. “Name?” “Elena Santos. Lena na lang po.” Bahagya siyang tumango. “Bakit ka nandito?” Napakunot-noo ako. “Para magtrabaho?” Saglit siyang natigilan. Tumaas ang isang kilay niya, na para bang hindi niya expected ang sagot ko. “Obviously.” Sagot niya. Bahagya kong ikinibit ang balikat ko. “Then bakit n’yo pa po tinanong?” Pagkasabi ko, agad akong napalunok. Ay. First day ko pa lang. Baka last day ko na rin. Tahimik siyang nakatingin sa akin. Wala man lang pagbabago sa mukha niya. Dahan-dahan siyang lumapit ng isang hakbang. “May rules dito.” Tumango ako. “Opo.” “Bawal ang bisita.” Itinaas niya ang isang daliri. “Opo.” “Bawal ang pictures.” Isa pang daliri. “Opo.” “Bawal pumasok sa private office ko.” Tumango ako ulit. “At pinakaimportante…” Huminto siya. Diretso ang tingin niya sa akin. “Bawal makialam sa personal life ko.” Bahagya akong napakunot-noo. “Hindi naman po ako interested.” Umangat ang isang kilay niya. “Good.” Tumalikod siya. Napabuntong-hininga ako. Okay. Buhay pa ang trabaho ko. Pero bago pa ako makagalaw, may maliit na kamay na biglang humawak sa palda ko. Napatingin ako. Isang batang lalaki ang nakatayo sa tabi ko. Mga dalawang taong gulang siguro. Magulo ang buhok niya at mahigpit niyang hawak ang isang stuffed dinosaur. “Hello,” bati ko habang yumuyuko. Hindi siya sumagot. Sa halip, lumapit siya at niyakap ang binti ko. Napalingon ako sa boss ko. “Sir?” Agad siyang lumingon. “Theo.” Yumuko siya para kunin ang bata. “Theo. Come here.” Umiling ang bata. Mas lalo pa siyang kumapit sa akin. Napangiti ako. “Parang ayaw po.” Tumingin sa akin ang lalaki. “Hindi siya ganito.” Bahagya kong hinaplos ang buhok ni Theo. “Baka gusto niya lang po ako.” “First day mo.” Sabi niya. “Opo.” Sagot ko naman. “Hindi ka niya kilala.” Ikinibit ko ang balikat ko. “Baka mabilis po siyang makiramdam.” Saglit siyang natahimik. Tumingin siya kay Theo. “Theo.” Umiling ulit ang bata. Napakagat ako sa labi para hindi matawa. Mukhang hindi sanay ang lalaking ito na hindi siya sinusunod. “Ano’ng pangalan mo?” tanong ko sa bata. “Theo,” sagot ng boss ko. Napatingin ako sa kanya. “Hindi po kayo ang tinatanong ko.” Bigla siyang natahimik. Bahagyang gumalaw ang labi niya, parang pinipigilan ang isang ngiti. Si Theo naman ay tumingala sa akin. “Lena.” Nanlaki ang mata ko. “Alam mo na pangalan ko?” Ngumiti siya. Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa hagdan. “Sandali lang—” “Sumama ka,” sabi ng lalaki. Napalingon ako sa kanya. “Po?” nagtataka kong sagot. “Gusto ka niyang ipakita sayo ang kwarto niya.” Sagot ng boss ko. “Bakit ako?” Bahagya siyang umiling. “Hindi ko alam.” Tumakbo si Theo paakyat habang hawak ang kamay ko. Napilitan akong sumunod. First day ko pa lang. Imbes na maglinis, nakikipaghabulan na ako sa batang hindi ko naman kilala. Pagdating namin sa second floor, itinulak ni Theo ang isang malaking p***o. Pumasok siya. Sinundan ko. Napahinto ako. Malaki ang kuwarto. May mga laruan sa sahig, books sa shelf, malalambot na unan sa sulok at isang malaking kama sa gitna. Pero kahit pambata ang kuwarto, parang kulang sa buhay. Tahimik. Sobrang tahimik. Umupo si Theo sa sahig at tinapik ang tabi niya. Umupo ako. Inabot niya sa akin ang dinosaur. “Para sa akin?” Tumango siya. “Thank you.” Sagot ko naman sa kanya. Ngumiti siya. Napangiti rin ako. Nasa pintuan si Rafael. Nakatayo lang siya roon habang pinagmamasdan kami. “Hindi niya ipinapahawak ’yan kahit kanino,” sabi niya. Tiningnan ko ang dinosaur. “Baka pinagkakatiwalaan niya ako.” Hindi siya sumagot. Saglit niyang tinitigan si Theo bago ako. Pagkatapos ay umalis siya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong iniisip ang lalaking iyon. Maya-maya, dumating si Mrs. Alma. “Miss Lena?” Tumayo ako. “Opo?” “Pakiayos muna ang kuwarto ni Sir Rafael pagkatapos mong dito.” “Opo.” Sagot ko kay Mrs. Alma. Ipinakita niya sa akin ang kusina, laundry area at iba pang bahagi ng bahay. Habang naglalakad kami, napansin ko kung gaano katahimik ang buong mansion. Napakalaki. Napakaganda. Pero parang walang totoong nakatira rito. “Matagal na po ba rito si Sir Rafael?” tanong ko. “Matagal na.” sagot ni Mrs. Alma. “May pamilya po siya?” Nag-atubili siya. “Wala.” “Si Theo?” “Inaanak niya.” Napatingin ako sa kanya. “Inaanak?” Tumango siya. “Oo.” “Bakit siya rito nakatira?” Huminto si Alma at napatingin sa akin. “Mas mabuting huwag mo nang alamin.” “Bakit?” Bahagya siyang umiling. “May mga bagay na ayaw pag-usapan ni Sir Rafael.” Tumango ako. “Sige po.” Hindi na ako nagtanong. Trabaho lang. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. Hanggang sa kailangan kong linisin ang kuwarto ni Rafael. Kumatok ako. Tok. Tok. Walang sagot. Kumatok ulit ako. “Sir?” Tahimik. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o. “Sir, papasok po ako.” Pumasok ako. Malaki ang kuwarto. Minimalist. Malinis. Halos walang personal na gamit. Maliban sa isang litrato sa bedside table. Kinuha ko iyon. Si Rafael. Kasama si Theo. Pareho silang nakangiti. Pero ang napansin ko ay ang kamay ni Rafael. May singsing. Napakunot-noo ako. May asawa siya? Agad kong ibinaba ang litrato. Pero biglang bumukas ang p***o. Napalingon ako. Si Rafael. At ngayon, hindi na kalmado ang mukha niya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Bahagya niyang kinunot ang noo habang nakatingin sa kamay ko. “Maglilinis po.” Sagot ko sa kanya. “Bakit mo hinahawakan ang picture?” Agad kong ibinalik iyon sa mesa. “Akala ko po kasi—” “Hindi mo dapat hinahawakan ang mga bagay na hindi sa’yo.” Napayuko ako. “Sorry po.” Kinuha niya ang litrato. Tahimik siyang nakatingin dito. Bago ako lumabas, napatingin ulit ako sa singsing. “Sir?” mahinang tanong ko. “Ano?” naiinis na sagot niya. “May asawa po kayo?” Biglang tumigil ang kamay niya. Tumingin siya sa singsing. Matagal. Pagkatapos ay tumingin sa akin. “Wala.” “Pero may singsing kayo.” Bahagya niyang pinisil ang daliri na may suot na singsing. “Dapat meron.” Hindi ko na naitanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil biglang may sigaw mula sa hallway. “Lena!” Si Theo. Tumakbo ako palabas. Nasa hagdan siya, umiiyak. “Anong nangyari?” Agad siyang tumakbo sa akin at yumakap. Sa likod niya, nakita ko si Rafael. At sa unang pagkakataon, nakita kong totoong nag-aalala ang mukha niya. “Hindi siya gumagawa nito,” sabi niya. Bahagya siyang lumapit at tiningnan si Theo. “Ano po?” tanong ko. “Hindi siya basta kumakapit sa kahit sino.” Hinaplos ko ang buhok ng bata. “Baka kailangan lang po niya ng kasama.” Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos ay bahagya siyang tumango. “Siguro.” Kinagabihan, inaayos ko ang mga gamit ko nang makarinig ako ng mga yabag sa hallway. Huminto ang mga yabag sa harap ng p***o ko. Pagbukas ko—si Rafael. Nakasuit na. Maayos. Malamig ulit ang mukha. “Lena.” Mahinanon na sabi niya. “Opo?” sagot ko habang mejo kinakabahan. Huminga siya nang malalim. “May kailangan akong sabihin sa’yo.” “Ano po iyon?” tanong ko. Diretso siyang tumingin sa akin. “Bukas dapat ang kasal ko.” Napakurap ako. “Po?” “Pero hindi na matutuloy.” Dugtong niya. “Bakit po?” Bahagya niyang pinisil ang panga niya. “Tumakas ang bride.” Hindi ako nakasagot. Hanggang sa biglang sumulpot si Theo sa likod niya. Tumakbo ito sa akin. Tumingala. At ngumiti. “Lena…” Hinawakan niya ang kamay ko. “Mama.” Nanigas ako. Napatingin ako kay Rafael. At sa unang pagkakataon—nawalan siya ng kontrol sa expression niya.Dumating ang resulta makalipas ang ilang araw.Ilang araw na parang hindi natatapos.Hindi ko kayang buksan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung alin ang mas kinatatakutan ko—ang malaman na si Theo ay tunay na anak ni Rafael, o ang malaman na may ibang sagot ang papel na iyon.Nasa mesa kami sa living room. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng mga laruan ni Theo sa sala. Para bang walang malaking desisyong naghihintay sa amin sa ibabaw ng mesa.Si Rafael ang may hawak ng sobre. Ilang segundo niya itong tinitigan bago siya tumingin sa akin.“Ready?”Umiling ako. “Not really.”Bahagya siyang napangiti. “Me neither.”Napatawa ako nang mahina, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. “Bilyonaryo ka pero takot sa isang sobre.”“Mas nakakatakot ito kaysa sa negosyo.”“Bakit?”Tinitigan niya ang sobre. “Dahil hindi puwedeng bilhin kapag nawala ito.”Napatingin ako sa kanya. May kung anong kumirot sa dibdib ko. “Hindi mo rin naman ako binili.”Tumingin siya sa akin. “Alam ko.”Sim
Hindi ako nagsalita.Hindi rin si Rafael.Pareho kaming nakatingin sa papel na nakahandusay sa sahig, na para bang umaasa kaming magbabago ang mga salitang nakasulat doon kapag sapat na katagal namin itong titigan.He is your son.Apat na salita. Pero sapat para guluhin ang lahat ng pinaniwalaan ko tungkol sa buhay ko.Parang biglang nagkaroon ng bagong hugis ang bawat alaala ko.Ang litrato. Ang nanay ko. Ang batang si Theo. Ang pagdating ko sa bahay ni Rafael. Ang dahilan kung bakit tila may taong naghihintay sa akin kahit hindi ko alam kung bakit.At higit sa lahat, ang kakaibang pakiramdam na matagal ko nang kilala si Theo kahit hindi ko maalala kung saan.Sa wakas, si Rafael ang unang huminga nang malalim. “Hindi puwede.”Napatingin ako sa kanya. “Bakit?”“Dahil kung anak ko siya…” Hindi niya itinuloy.“Then?”Tumingin siya sa akin, at sa unang pagkakataon, nakita kong wala siyang sagot.“Alam ko sana.”Mahina ang boses niya.“Alam ko sana kung may anak ako.”Hindi ko alam kung a
Hindi ako nakatulog. Hindi ko alam kung paano. Kahit ipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Rafael.Ang nanay mo.At pagkatapos noon, ang tanong na hindi ko kayang sagutin.Bakit? Bakit may koneksyon ang nanay ko kay Theo? Bakit may litrato?At bakit parang lahat ng tao sa paligid ko ay may alam tungkol sa nakaraan ko maliban sa akin?Hindi ko alam kung ano ang mas masakit—ang malaman na may bahagi ng buhay ko na hindi ko maalala, o ang posibilidad na sadyang may mga taong itinago iyon sa akin.Umaga na nang tuluyan akong bumangon.Tahimik ang bahay. Dahan-dahan akong pumasok sa kuwarto ni Theo. Natutulog pa siya.Payapa ang mukha niya, parang walang problema sa mundo.Lumapit ako sa kama at inayos ang kumot na bahagyang nahulog sa gilid. Ilang segundo ko siyang pinagmasdan.Paano ko haharapin ang batang ito ngayon?Pareho pa rin siya.Si Theo pa rin.Ang batang hinahabol ako sa bahay kapag hindi niya ako nakikita.Ang batang ngumingiti kapag tinatawag ko ang pa
Hindi ko na maalala kung gaano katagal kaming bumiyahe.Tahimik lang ako sa passenger seat, nakatingin sa madilim na kalsadang unti-unting nalalamon ng gabi. Sa labas, kakaunti na lang ang mga ilaw. Habang papalayo kami sa siyudad, mas lalong lumiliit ang mga gusali hanggang sa maging mga bahay na magkakalayo.Hawak ko pa rin ang litrato. Hindi ko na ito tinitingnan. Hindi ko na kailangan. Nasa isip ko na ang batang lalaki sa tabi ko. Ang batang hindi ko maalala. Ang batang tila may koneksyon sa isang bahagi ng buhay ko na matagal ko nang pilit ibinaon.Si Rafael naman ay halos hindi nagsasalita. Pero alam kong may gusto siyang itanong. Halata sa paraan ng pagkakahawak niya sa manibela. Mahigpit. Minsan, bahagyang gumagalaw ang mga daliri niya na parang pinipigilan ang sarili na magsalita.Sa huli, ako na ang unang bumasag sa katahimikan.“Rafael.”“Hmm?”“Kung may malaman kang hindi mo magustuhan…”Hindi niya ako tiningnan.“Sabihin mo.”Napalingon ako sa kanya.Parang alam na niya a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.