مشاركة

Chapter 46

مؤلف: xxxR_RUIZxxx
last update تاريخ النشر: 2026-08-23 06:44:16

“Pwede Ko Bang Hingin ang Kamay ng Anak Ninyo?”

Hindi alam ni Maeve na ang simpleng salo-salo na pinaghahandaan nila nang buong araw ay magiging isa sa mga gabing hindi niya kailanman makakalimutan. Para sa kanya, sapat nang makilala ng kanyang mga magulang ang pamilya ni Keiv, makapagkuwentuhan ang magkabilang panig, at makita niyang komportable ang kanyang pamilya sa mundong kinabibilangan ng kanyang boyfriend. Wala siyang ibang inaasahan. Wala siyang pinaghihinalaan. At lalong wala siyang id
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 46

    “Pwede Ko Bang Hingin ang Kamay ng Anak Ninyo?”Hindi alam ni Maeve na ang simpleng salo-salo na pinaghahandaan nila nang buong araw ay magiging isa sa mga gabing hindi niya kailanman makakalimutan. Para sa kanya, sapat nang makilala ng kanyang mga magulang ang pamilya ni Keiv, makapagkuwentuhan ang magkabilang panig, at makita niyang komportable ang kanyang pamilya sa mundong kinabibilangan ng kanyang boyfriend. Wala siyang ibang inaasahan. Wala siyang pinaghihinalaan. At lalong wala siyang ideya na sa gabing iyon, may isang lalaking ilang linggo nang naghahanda ng pinakamahalagang tanong na itatanong niya sa buong buhay niya.Matagal nang tapos ang hapunan ngunit nanatili pa rin ang dalawang pamilya sa maluwang na receiving area ng mansyon. May mga dessert at inumin sa gitna ng mesa, habang ang mga matatanda ay abala sa pagkukuwentuhan. Ang mga kapatid ni Maeve naman ay nakikipagbiruan sa ilan sa mga pinsan at kamag-anak ni Keiv. Ang dating kaba ng pamilya niya ay unti-unti nang nap

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 45

    Dalawang Pamilyang MagsasamaMaaga pa lamang ay parang may malaking selebrasyon na agad sa bahay ng pamilya ni Maeve. Hindi naman engrande ang okasyon para sa kanila—isang simpleng salo-salo lamang, ayon sa pagkakaintindi ni Maeve. Ngunit tila walang nakapagsabi niyon sa kanyang pamilya dahil mula pa kaninang umaga ay para silang naghahanda para sa isang napakalaking pagtitipon. Sa sala ay nakakalat ang ilang damit na pinagpipilian, habang sa kwarto naman ay abala ang kanyang mga kapatid sa pagsasaayos ng kanilang buhok at damit. Si Mang Nestor ay ilang ulit nang nagpapalit ng polo, habang si Aling Cora naman ay paulit-ulit na humaharap sa salamin upang tingnan kung maayos ba ang kanyang suot."Ma, okay na ba ito?" tanong ng isa sa mga kapatid ni Maeve habang nakasuot ng bagong plantsadong polo.Tiningnan siya ni Aling Cora mula ulo hanggang paa."Okay naman.""Sigurado ka ahh baka mukha akong alalay mo?""Oo nga.""Amoy mayaman na ba?"Napalingon si Maeve na kanina pa nakaupo sa isan

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 44

    Ang Lihim sa Likod ng Isang BataART LEO'S POVIlang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang gabing pilit niyang ibinaon sa nakaraan, ngunit hindi kailanman tuluyang nawala sa isip ni Art Leo ang ginawa niya kay Vanessa. Hindi niya ito tinitingnan bilang isang bagay na dapat pagsisihan. Sa halip, sa sarili niyang baluktot na pag-iisip, naghihintay lamang siya ng pagkakataong mapatunayan na may bunga ang lahat ng iyon. Kaya nang matanggap niya ang impormasyong matagal niyang hinihintay, isang malawak na ngiti ang agad sumilay sa kanyang mukha. Buntis si Vanessa. At sa isip niya, nangangahulugan lamang iyon na sa wakas ay mayroon na siyang bagay na maaaring maging dahilan upang hindi na siya basta maitaboy ng dalaga sa buhay nito.Agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at nagmaneho patungo sa bahay ng pamilya ni Vanessa. Hindi niya inisip kung gabi na ba o kung tama bang bigla siyang magpakita. Ang tanging nasa isip niya ay ang batang dinadala nito. Hindi dahil handa siyan

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 43

    Isang Imbitasyong Hindi Niya Alam ang LihimKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa opisina na si Keiv. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng malaking desk ng kanyang ama, habang hawak ang isang tasa ng kape na ilang minuto na niyang hindi nagagalaw. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin niya. Sanay siyang humarap sa mga business meeting, investors, at mga taong kayang magbigay sa kanya ng matinding pressure, pero pagdating sa isang bagay na may kinalaman kay Maeve, bigla siyang nagiging isang anak na naghahanap ng tamang salita.Napansin iyon ng kanyang ama."May problema ba?" tanong nito habang ibinababa ang hawak na dokumento.Umiling si Keiv."Wala naman, Dad.""Then why do you look like you're about to negotiate a billion-peso deal?"Bahagyang natawa si Keiv."Mas mahirap pa yata rito."Napataas ang kilay ng kanyang ama."Love?"Tahimik na tumango si Keiv.Agad namang ngumiti ang kanyang ama."Maeve?""Yes."Ibinaba ni Keiv ang kanyang tasa at sandaling tumingin sa labas n

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 42

    Ang Isyu na Hindi Niya HinilingKinabukasan, maaga pa lamang ay nasa campus na si Maeve. Dahil wala naman silang major activity ngayong araw, ang nasa isip lamang niya ay tapusin ang ilang readings at makapag-review para sa quiz nila kinabukasan. Hawak ang ilang libro at notebook, tahimik siyang naglalakad papunta sa kanilang classroom habang paminsan-minsan ay tinitingnan ang cellphone niya. May ilang mensahe mula kay Keiv na binasa niya habang naglalakad.Keiv: Good morning, Mahal.Napangiti siya.Maeve: Good morning din. Huwag kang magpalate, kailan ka ba babalik dito sa unit? Wala tuloy akong kasabay...Agad na dumating ang sagot.Keiv: Soon, Mahal! By the way I'm already here.Napailing siya."Maaga pa nga."Pero bago pa siya tuluyang makarating sa building, napansin niyang kakaiba ang dami ng mga estudyanteng nakatingin sa kanya. May mga nagbubulungan. May ilan pang biglang tumitigil sa pag-uusap kapag napapadaan siya.Napakunot-noo siya.Ano na naman kaya 'to?Hindi niya iyon p

  • Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama   Chapter 41

    Ang Date na Hindi Naging SimplePaglabas nila sa sinehan, bahagyang huminga nang malalim si Maeve. Akala niya, tapos na ang pinaka-weird na bahagi ng date nila.Pero mali pala siya.Pagbukas pa lamang ng pinto ng private elevator, dalawang lalaking nakaitim na agad ang sumalubong sa kanila."Sir, clear na po ang route."Napatingin si Maeve kay Keiv."Route?""Maeve...""Keiv."Napabuntong-hininga ang binata."Please don't start.""Hindi ako nagsisimula. Nagtatanong ako."Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang malaking glass door papunta sa isang private lounge."What's that?""Restaurant.""Alam kong restaurant.""Then?""Bakit walang tao?"Napakamot si Keiv sa batok."Reserved.""Buong restaurant?""Yes."Napatingin si Maeve sa kanya nang matagal."Keiv.""Hmm?""Date lang 'to.""I know.""Hindi business meeting.""I know.""At hindi rin state visit."Napangiti nang bahagya si Keiv."I know that too.""Then bakit parang presidente ang kasama ko?"Napatawa nang mahina ang butler

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status