Share

Chapter 10

Author: IamManuelll
last update Last Updated: 2020-07-30 10:44:10

CHRISTINE

Madilim ang paligid at naghahari ngayon ang dilim subalit nararamdaman ko parin ang matinding pananabik ng mga taong naririto ngayon. Bakas ito sa bulong bulungan na naririnig ko ngayon na animo'y hinihintay na nila ang unti unting pagliwanag ng paligid. At nangyayari na nga aming inaasam asam. Unti unti ng bumubukas ang mga ilaw na ngayon ay nakatutok sa entablado. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan sa mga tao habang hinihintay nila na magsalita ang announcer.

"And our last performer, but definitely not the least, please help me welcome, from St. Luiz High, Mr. Christian Del Rosario," narinig kong sabi ng announcer dahilan para kami lahat ay maghiyawan.

Dahan dahan ng lumabas si Kuya mula sa backstage at ngayon ay papunta na siya sa malaking grand piano na nasa gitna ng entablado. Habang naglalakad siya ay sinusundan siya ng spotlight hanggang sa makarating siya sa gitna. Nagbow siya sa amin lahat at ngayon ay papunta na siya sa piano.

Naghari muli ang katahimikan at ngayon ay hinihintay na lang namin ang pagsisimula niya sa pagtugtog. At namangha nga kaming lahat ng nagsimula na siyang magtanghal. 

Inumpisahan niya ang kanyang performance sa pagtugtog ng 'Nocturne op.9 No.2 ni Chopin.'

Maluha kong pinagmasdan si Kuya Christian sa pagtugtog. Bawat pikit niya sa kaniyang mga mata at bawat galaw ng kaniyang mga kamay ay bakas dito ang pagmamahal niya sa musika. Dati'y nakikita ko siyang parating kaharap ang kaniyang piano sa bahay at palagi siyang tumtugtog para sa akin. Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin sa paligid na ngayon ay tila nakikisabay sa musikang tinutugtog ni kuya.

Pagkatapos niyang tugtugin ang kantang iyon ay akala ng lahat na tapos na siya subalit nagkakamali sila. May isa pa siyang kantang tinugtog na nakapagpabagabag sa buong paligid.

"Anong title ng kantang yan?"

"Classical song ba yan?"

"Sinong nagcompose? Ang ganda naman," rinig kong bulong bulongan ng mga tao ngayon. Hindi sila mapakali habang pinagmamasdan si kuya. Pilit nilang inaalam kung anong title ng kantang siyang bumihag sa kanilang mga damdamin ngayon. Habang nababagabag sila, heto naman ako, payapa pa ring nakikinig kay kuya. Hindi katulad nila ay alam ko kung sino ang may gawa ng kantang iyan. Si kuya mismo. Siya ang nagcompose ng kantang iyan at hindi ko maitatangging napakaganda talaga nito.

Lumipas na ang oras at tapos na ang pagtatangal. Bagamat marami sila na nagtanghal kanina, may mga bata pa, may mga kasing-edad ko, at mga matatanda pero halos lahat ay nakatuon ang attention kay kuya. Yung iba, nagpapapacture, may iilang media men ding iniinterview si kuya. Pagkatapos nito, kami naman nila mom and dad ang lumapit para icongratulate si kuya.

"Kuya, congrats!"Sigaw ko sa kaniya sabay yakap ng mahigpit.

"Anak, you did well, ang galing mo talaga," sabi naman ni mom habang si dad naman ay niyakap din si Kuya pagkatapos ko.

"Tara, dinner tayo sa labas?" Sabi ni dad.

"Sige po!" sabi ko naman sabay ngiti kay dad. 8:30 na kasi at ngayon lang natapos ang show kaya medyo gutom na talaga ako.

"Sure dad. Pero hindi ako makakasama sa inyo, imemeet pa po kasi ako ng principal at teaching staff ng St. Luiz eh," sabi ni kuya kaya napapout ako.

"Sayang naman kuya, it's your day pa naman. We should celebrate because you had an excellent performance," sabi ko.

"Anong sayang ang pinagsasabi mo dyan? Sandali lang kaya yung meeting. What I mean is that mauna nalang kayo kung saan man tayo kakain tapos susunod nalang ako. Just text me the address. Hindi rin naman ako makakasama talaga sa inyo papunta dun eh kasi nagmotor lang ako papunta dito kanina diba?" Sabi naman niya, dahilan para manumbalik ang ngiti ko.

"Talaga kuya ha?" sabi ko.

"Sure! Order mo 'ko ng favorite ko! Alam mo na yun," sabi naman niya.

Lumipas ang iilang sandali at narito na kami ngayon sa restaurant. Tapos na rin kami magorder at ngayon ay hinihintay na lang namin si kuya. Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang phone ko at naglaro ng 'flappy bird.' Hindi ko na namalayan na nakakailang rounds na pala ako kasi masyado na akong nadala sa paglalaro. Hangga't sa dumating na yung order namin pero wala pa rin si kuya.

"Let's just wait for Christian first," sabi ni mom.

Tinignan ko ang oras at nakita kong 9:30 na pala. Sabi ni kuya, mabilis lang daw siya imemeet!

Hanggang sa napag desisyonan na naming kumain at natapos na namin ito pero wala paring kuya Christian na sumabay saming kumain. Ilang beses na rin siyang tinawagan ni dad pero cannot be reached pa rin siya.

Paalis na sana kami ngunit bigla nalang may tumawag kay Dad.

"Unknown number. Sasagutin ko ba?" sabi ni dad.

"Sige lang, baka importante," sabi naman ni mom. Hindi iyon naka loud speaker kaya hindi ko narinig ang tawag.

Tinignan ko naman si Dad at bakas sa mukha niya nung una na nagtataka siya kung sino yung tumawag pero hindi naglaon ay nagiba ang emosyon ni dad. Bakas rito ang labis na pagkabalisa at tila may narinig siyang isang hindi inaasahan at hindi kapani paniwalang bagay.

"Bakit daw?" sabi ni mom.

"T-tara. Saka ko na lang sasabihin," sabi ni dad at mabilis na tumayo kaya wala naman akong nagawa kundi sumunod na rin, gayundin si mom.

Habang na sa biyahe, pansin kong iba ang daang aming tinatahak pero nagdesisyon akong wag nalang magtanong. Tahimik lang kami sa buong biyahe. Ngunit nagumpisa ang aking kaba ng makita kong sa parking lot ng ospital kami papasok.

Unti-unting may mga hindi magandang bagay na pumasok sa aking isip pero pilit ko itong inaalis sa aking isipan.

Hangga't sa marating namin ang isang silid na kung saan nakita ko si kuya na nakahiga. Tanging mukha nalang niya ang makikita kasi balot na ng isang kumot ang kaniyang katawan. Payapang payapa ang kaniyang mukha habang nakapikit. Kalmadong kalmado ito.

"Kuya, bakit andito ka pa? Kinain ko na tuloy yung inorder ko sayo," sabi ko at kinalabit siya ngunit hindi niya ako pinansin. Unti-unting namuo ang mga luha sa aking mata ng makita ko ang mga bahid ng dugo at sugat na nasa ulo ni kuya. Tila labis akong nagugulahan kung bakit siya nagkakaganito kaya pilit ko siyang sinisigawan ngayon at sinasabihang gumising na. Habang nakikita ko si kuya, hindi ko maiwasang sisihin ang bagay na pinakamamahal niya. Ang musika. Pilit akong inaawat ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon pero patuloy lang ako sa pagiyak at pagsigaw hangga't sa unti unting dumilim ang paligid at tanging itim na lamang ang nakita ko.

"Kent, okay ka lang? May sakit ka ba?" Dinig ko mula sa aking likuran.

Sh*t, nakatulog ba ako? Ang huli kong matandaan ay pumunta ako dito sa music room kasi pinapunta ako dito ni sir Clinton para magensayo.

"Kent?" Paguulit niya, dahilan para matauhan ako.

"N-no sir, I'm okay. Pagod lang siguro 'to," sabi ko naman at pilit na ngumiti.

"Okay, you can just take a break for today. Sabihin mo nalang sakin kung may napili ka ng kanta na tutugtugin," sabi ni sir Clinton.

Agad naman akong nag-thank you sa kaniya tsaka lumabas na ng music room. Agad kong tinext si Kent na puntahan muna ako doon sa bench malapit sa main hall kasi kailangan kong sabihin sa kaniya 'tong tungkol sa upcoming performance niya.

Agad naman siyang dumating matapos ang ilang minuto pero halatang hingal na hingal. Yuck, pinapawisan tuloy yung katawan ko!

"Ano nga ulit sabi mo babe?" Tanong ni Kent na ngayon ay nasa katawan na niya. Heto naman ako, damang dama ngayon ang pawis sa katawan ko ng dahil sa kaniya.

"Magpeperform ka raw 2 weeks from now sa isang competition," sabi ko naman habang hinahanap yung face towel sa bag ko.

"Edi, magperform ka para sakin," sabi naman niya na parang wala lang sa kaniya.

"Are you out of your mind? That's your precious business! Ipagkakatiwala mo talaga sakin na walang alam sa music?" Sumbat ko sa kaniya.

Akmang, aalis na sana ako dahil sa sobrang inis pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko katulad ng palagi niyang ginagawa dahilan para mahila niya ako papalapit sa kaniya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. "Look, I trust you okay? Tsaka, alam kong kaya mo. You're a fast learner kaya," sabi naman niya at di pa rin inalis yung kamay niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso matapos niya sabihin sa akin yun.

"Eh p-pano kung ayaw ko?" Pautal utal kong sabi. Huy, ano ka ba naman Christine! Compose yourself for heaven's sake!

"Edi kukulitin kita hangga't sa pumayag ka. Pumayag ka nalang kasi please?" sabi niya sakin at nagpout pa. Aba, hindi niya ako madadala sa mga paganyan ganyan niya! No way!

"Ayoko nga!" sabi ko tsaka inalis ko yung kamay niya sa mga balikat ko.

"Eh bakit ba?" tanong naman niya.

"Because all my life, I've always hated music!" sabi ko at tumalikod pero nung paalis na ako, napatigil ako bigla kasi nagsalita pa siya.

"If that's the case, I will make you love music," sabi niya. Tumingin ako muli sa kaniya na ngayon ay binubuksan na ang case ng kanyang guitara.

"Come, I'll let you hear something," sabi pa niya at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Hawak na niya ngayon ang kanyang guitara.

Napaisip naman ako at tinignan siya habang nakangiti sakin ng let-me-show-you-this-smile.

P-pero, ang tanong na siyang umiikot sa isipan ko ngayon ay 'kaya niya ba talagang ibalik ang pagmamahal ko sa musika matapos ang lahat ng nangyari noon? Sa lahat ng nangyari kay kuya ng dahil sa musika?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Our Theory of 11:11   Chapter 29

    KENT2 Years Earlier

  • Our Theory of 11:11   Chapter 28

    CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.

  • Our Theory of 11:11   Chapter 27

    KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko

  • Our Theory of 11:11   Chapter 26

    CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a

  • Our Theory of 11:11   Chapter 25

    CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya

  • Our Theory of 11:11   Chapter 24

    CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status