Share

Chapter 9

CHRISTINE

"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'

Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.

Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon.

"I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyang iparating na mas okay nga kung mas delayed pa.

"Mas okay pa nga kung mas delayed pa yung paghahanap natin ng solusyon eh, para mas matagal pa tayong mastuck sa setup na 'to together," dagdag pa niya at inakbayan ako.

So ganoon nga talaga ang gusto niyang iparating?

"Kadiri ka talaga! So you mean, all this time, gingusto mo 'to? Pinagnanasaan mo na ba ako ha Kent Cruz?" Sabi ko saka agad na inalis ang braso niya mula sa pagkakaakbay sakin.

"Joke lang! Ito naman oh, hindi mabiro," sabi niya pero inirapan ko lang siya. "My point is wala pa talaga tayong clues sa ngayon so we just have to wait for another magic. Malay natin sa susunod, makakuha na tayo ng answers. And besides, hindi tayo mabubuhay ng matagal nito pag palagi mo akong sinusungitan. Alam mo, just consider this mess as a mission or a criminal case and tayo yung partners in crime," sabi niya.

"Bakit naman tayo pa sa lahat ng tao?" sumbat ko naman sa kaniya.

"Because destiny chose us?" sagot naman niya ng patanong. Hindi nalang ako nakasagot pa not because I agree to him but because I'm afraid that I might have the same question. Why did fate ever pushed us into this kind of misery?

"Nga pala, saan yung guitar?" pag-iiba niya sa usapan. Parang nasense niya rin siguro na hindi niya na dapat sinabi yung kanina.

"Nandoon sa cabinet sa labas, alangan naman dalhin ko dito sa loob ng library," sabi ko. "Para san ba kasi yun?"

"Wala lang. Palagi naman kasi ako nagdadala ng guitar dito sa school dati diba? Ang weird naman kung isang araw, wala na akong gitarang nakasabit sa likod," sabi niya na ikinainis ko.

"Seryoso ka? Pinabitbit mo sakin yung mabigat na bagay na iyon kasi weird kung hindi ko dalhin? Seryoso ka talaga doon?"

"Oh, bakit ka na naman masungit? Totoo naman ah, mawewerduhan talaga yung mga fans ko pagnakita nilang wala na akong dalang gitara. Plus, dagdag pogi points na rin yun," sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso may idinagdag pa siya.

"Di joke lang! Hindi naman pala yun dagdag pogi points kasi hindi mo naman makikita kasi ikaw mismo yung bumubuhat," sabi niya.

"Ewan ko sayo!" sigaw ko nalang sa kaniya, dahilan para mapatingin lahat ng nasa library samin. Sh*t nakakahiya. Sa ganitong sitwasyon siguro, approve ako na magkapalit kami ng katawan ni Kent kaso na sa katawan ko ako ngayon kasi kasama ko siya!

_

Papunta na ako ngayon sa Cafeteria para maglunch. Hindi ko mapigilang mainis kay Kent ngayon dahil ang bigat nitong guitara na nasa likod ko ngayon. Buti pa kasi yung bag, pwede ko iiwan sa locker kaso ito, kailangan ko talagang bitbitin kasi hindi ito kaysa doon.

Pagkapasok ko pa lang ay agad akong sinalubong nitong dalawang mga kaibigan ni Kent. Well, it looks like kailangan ko nang makibagay sa kanila kasi wala naman na akong choice. Kaso, dapat ganoon din si Kent kay Bea. Ayoko namang magtaka si Bea kung biglang hindi ko nalang siya papansinin.

"Oh, bakit bigla ka nalang nawala kahapon matapos mong sagot sagutin si sir? Akala ko ba, magccr kalang?" Tanong sakin ni Ethan.

"Ah haha, pasensya na mga bro ha. Biglang sumama yung pakiramdam ko kahapon eh kaya umuwi na ako," sabi ko naman at sapilitang tumawa kaso parang napatulala sila sa sinabi ko.

May mali ba akong nasabi?

"Pare, ano nga ulit tinawag mo samin?" Tanong ni Augustus.

Hala, mali ba yung sinabi ko? Pero yun yung kadalasan kong naririnig eh.

"B-bro?" sagot ko naman.

"Tinawag mo kaming bro? Eh ikaw nga mismo nagsabi dati nung bago pa tayo magkakilala na huwag ka naming tawagin niyan eh kasi sabi mo reserved lang yang call sign na yan sa kuya mo," sagot naman niya kaya kinabahan ako.

Sinong kuya yung tinutukoy niya? Is it Kyle? Tinawag niya akong bro kagabi eh nung kumain kami sa buffet.

"Ah, wala lang. For a change!" mabilis ko namang palusot. Napatango tango naman sila. "Pero, huwag na yun. Nasanay na tayo sa pare eh, diba mga pre?" sabi ko pa at nagsmile.

Napatango naman ulit sila.

"Tayo na, baka maagawan pa tayo ng table," sabi ni Augustus.

"Weh? Tayo maaagawan? Kasama kaya natin 'tong si Kent. Baka nga isang salita lang nito sa mga babae, bakante na lahat ng mga mesa dito eh," sabi pa ni Ethan at inakbayan ako. OMG! Hindi ako sanay makipaghangout sa mga lalaki swear.

Tumawa tawa nalang ako at saka naglakad na rin papunta doon sa tinuro ni Augustus na bakanteng table.

Agad kaming kumuha ng pagkain sa counter pagkatapos naming iwan yung mga gamit namin sa table. Medyo nagtaka ulit sila sa choice of food ko. Hindi daw kasi ako kumakain ng vegetables dati at puro karne lang daw yung kinakain ko kaya nagtaka sila kung bakit puro gulay yung nasa plato ko. Nagpalusot naman ako. Sabi ko it's for a change. Wala naman silang nagawa kundi hayaan nalang ako.

Nasa table na kami ngayon at kasalukuyang kumakain. Medyo naaawa ako sa mga nasa likod namin na nakatayo habang naghahanap ng makakainan. Eh pano, ang laki ng mesang napunta sa amin pero tatlo lang kaming nakikinabang. Mukhang nahihiya rin naman yung mga walang maupuan samin kaya parang wala din silang balak na na iapproach kami kung pwede ba makipagshare.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ngunit laking gulat ko ng makita ko ang sarili ko na papalapit kay Augustus. Ano na naman 'tong balak ni Kent?

"Excuse me, would you mind if we join you in this table?" sabi niya. Kasama niya rin si Bea ngayon at nakangiti sa amin. Mukhang nagbabakasali siyang makaupo dito. Ang inaalala ko ngayon ay kung ano na ang na sa isip ni Bea ngayon. Sino bang mag aakala na ako, na dating ayaw na ayaw diyan kay Kent ay siyang magvovolunteer para makipagshare ng table.

Hindi ko na namalayan na nasa katawan ko na pala ako ngayon. Tumabi kasi agad si Kent sa akin at ngayon ay magkatabi kaming kumain. Naiinis ako ngayon sa mukha ni Bea na ngayon ay halatang nang-aasar habang nakatingin sa akin. Mas naiinis ako sa fact na sa mata ni Bea, ako pa yung lumapit kay Kent. Nako, kung pwede lang sana! Sasabihin ko talaga sa kanila lahat na hindi lang ako ang may kayang kontrolin ang katawan ko ngayon.

Hindi ko na lamang siya pinansin at patuloy ng kumain pero mas lalo akong nainis ng makita kong ibang plato na pala itong ginagamit ko at puro karne pa! Ayoko pa namang kumain ng too much meat.

"Huwag kang magalala, hindi ko pa nasusubo yung kutsara," biglang bulong ni Kent. Napatango lang ako sa kaniya. Mabuti nalang din at hindi iyon nakita ni Bea. Kung nakita niya siguro yun, baka kung ano pang maisip niya. Worst is that kung ichichika niya sa akin yun, hindi niya malalaman na kay Kent pala siya nakikipagkwentuhan and baka baliktarin lang ako ni Kent.

Pilit ko nalang sinusubo yung karne. Masarap naman kaso mas gusto ko talaga yung gulay. Tatayo sana ako para kumuha nalang pero naalala kong hindi ko naman pwedeng isama si Kent dun para lang manatili ako sa katawan ko.

"Oh, ayan, sayo na. Mukhang gusto mo ng gulay eh. Halata namang vegetarian ka kasi ang ganda mo," biglang sabi ni Kent at inilipat ang iilang gulay mula sa plato niya papunta sa akin. Bigla namang napasigaw si Bea at sinabi pang 'her ship is sailing daw!' Pwe! Wala naman akong choice kundi kainin nalang yun total, sakin din naman galing yun.

After nun, hindi ko na alam kung nabusog pa ba ako kasi hindi na ako makapagfocus sa pagkain dahil sa mga nangyari.

_

Music class na ngayon at hindi na ako mapakali. First time kong mapasukan 'tong klaseng ito sa katawan ni Kent. Well, we all know na ito yung sole subject kung saan kinikilala si Kent bilang superior kasi bihasa naman talaga siya music. Kinakabahan ako ngayon. Okay lang sana kung math 'to, or science, or english, or history, or journalism! Papano kung bigla akong patugtugin ng instrument ngayon? Edi nganga!

Payapa namang nagdiscuss si Sir Clinton, yung Music and Arts teacher kaso nagulat ako ng bigla niyang banggitin yung pangalan ni Kent.

"Mr. Cruz! Did you bring your guitar?" Tanong niya.

OMG! Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Patutugtugin niya ako ngayon!

"Yes sir," sabi ko at napayuko.

Sana sinabi ko nalang na 'no, naiwan ko sir!'

"Then get out of here and proceed to the music room!" sigaw niya na parang biglang nagalit.

Anong ginawa ko?

"B-bakit po sir?" Pautal utal kong tanong.

"Haha! You should begin rehearsing now! Excused ka na sa klase ko kasi 2 weeks from now, you will be rocking the world of music again!" Sabi niya at ngayon ay parang excited na! Teka bipolar ba siya?

"You will be representing our school for the national competition on instrumental solo!" sabi pa niya na naging dahilan para maghiyawan ang buong klase.

"Congratulations Kent!"

"Woah, Good luck pre!"

Sigaw ng mga estudyante pero ni isang salita, wala akong narinig. Pinapakinggan ko lang ngayon ang puso ni Kent na hindi maawat sa pagtibok ng malakas dahil sa kaba ko. Napaisip ako at biglang napatanong sa sarili.

Magpeperform ako ng music? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status