KENT
Okay, fine. Truth be told? Medyo nagulat ako dun sa sinabi ni Christine na upcoming performance pero pinilit kong huwag yun ipahalata sa kaniya.
"Halika, may ipaparinig ako sayong kanta," paguulit ko. Bakas sa mga mata ni Christine na para bang nagdadalawang-isip siya. Tahimik lang kami ng mga ilang segundo habang nakangiti ako sa kaniya pero kalaunan ay nagsalita rin siya.
"Ayoko," saad niya tsaka umalis. Mabilis siyang naglakad papalayo dahilan para makabalik na ako sa katawan niya. Sandali akong lumingon kay Christine na ngayon ay nasa katawan ko na. Walang kang emosyon na makikita sa kaniya ngayon. Kinuha niya lang yung guitar case tsaka isinilid na yung guitar.
_
Naghintay pa ako ng ilang minuto hangga't sa makita ko sina Ethan at Augustus. Agad akong tumayo para salubungin sila pero nagtaka ako kasi hindi nila kasama si Christine. Asan kaya siya?
"Uhm, excuse me, bakit hindi niyo kasama si Kent," tanong ko kina Ethan na ngayon ay napatigil sa paglalakad matapos ko silang harangin. Mukhang napatulala din sila sa sinabi ko. Saksi kasi 'tong dalawang 'to kung gaano kasnob si Christine sakin dati kaya baka nagtataka sila ngayon sa ginawa ko.
"U-uhm, hindi siya sumabay samin ngayon eh," pautal utal na sagot ni Ethan.
"Hindi na kami madalas magksama ngayon ni Kent. Parang bigla nalang siyang nag-iba eh. Di na namin siya masyadong nakakausap pagkatapos ng prom," sabi naman ni Augustus. So napapansin pala talaga nila?
"Saan siya ngayon?" tanong ko.
"Hindi namin alam pero huli namin siyang nakita kanina dun sa music room. Mga isang oras na din ang nakalipas," sabi ni Augustus.
Matapos sabihin ni Augustus yun ay hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong napatakbo ng mabilis patungo sa music room. Malakas ang kutob ko na baka nandoon pa rin si Christine hanggang ngayon. Pagkarating ko ay tila walang tao pero bukas ang mga ilaw at naka-on pa rin ang aircon.
Dahan dahan akong pumasok ng hindi pinapatunog ang pintuan. Nakapile na ang mga upuan. Tinakpan na rin ang piano at ibang mga musical instruments na nandito. Ibig sabihin ay tapos na magmeeting at magpractice ang music club pero bakit nakasindi pa rin ang mga ilaw?
Napatigil ako sa paglakakad ng may mapansin akong taong nakatayo sa awards museum. Isa itong room kung saan doon nakalagay ang lahat ng mga trophies, certificates at mga pictures and paintings ng lahat ng mga contest na naipanalo ng St. Luiz sa larangan ng musika at sining. Dahan dahan ko itong nilapitan at hindi nga ako binigo ng aking nararamdaman sapagkat ako ang taong iyon na nakatayo. Ibig sabihin, si Christine ang nakikita ko ngayon.
Parang may bagay doon sa awards museum na kanina pa niya pinagmamasdan. Lumapit ako sa kaniya dahilan para magkapalit kami muli ng katawan. Subalit sa di inaasahan, ramdam ko ang mga luha na ngayon ay pumapatak mismo mula sa aking mga mata. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Christine na patuloy sa pag-iyak sa sarili niyang katawan.
Tinignan ko ang bagay na kanina pa niya tinitignan at laking gulat ng makita kong yung bagay na iyon ay ang painting pala ng taong dati ko pang tinitingala at iniidolo na siya ring isa sa mga naging inspirasyon ko sa musika.
"Pasensya na at nagooverreact ako ngayon," biglang sabi ni Christine at ngayon ay tumabi na siya sa akin. Pansin ko rin na pilit niyang pinapatigil ang kaniyang mga mata sa pag-iyak.
"Ayos lang yun. No need to hold back your emotions. Natural lang na nagkakaganyan ka sa tuwing nirereminisce mo ang kuya mo," sabi ko dahilan para magulat siya.
"K-kilala mo ang kuya ko?" pautal utal niyang tanong. Bakas rin sa mukha niya na nalilito siya sa sinabi ko.
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong niya. "I do. Senior ko si kuya Christian sa music school dati at alam ko rin ang masaklap na sinapit niya right after his piano performance," sabi ko.
Nung una ay medyo nagulat siya pero nagsalita rin sya kalaunan "And you expect me to grow fond with music?" tanong niya. Ngayon ay mararamdaman mo ng galit siya.
"Look, I'm sorry for what happened to your brother pero hindi naman ang musika ang dahilan ng kaniyang pagkamatay," sabi ko.
"So ano? Sino? If hindi siya pumunta dun in the first place, walang aksidenteng mangyayari. Hindi sana siya mababangga!" sigaw niya sa akin.
Tila dahil sa sinabi ko, mas lalo na lamang bumigat ang kaniyang nararamdamang lungkot at poot. Walang tigil ang kaniyang mga luha sa pagpatak na animo'y ang kaniyang mga mata ay umuulan ng kalungkutan. Pagkatapos niyang sabihin yun, hindi ko na alam kung bakit pero nagulat na lamang ako nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko at bigla ko nalang siyang niyakap at pilit na pinapatahan.
Pero sa di ko inaasahan, ang mas ikinagulat ko ay bigla niya rin akong niyakap pabalik habang nakadikit ang kaniyang mukha sa aking dibdib.
"I miss him. I miss him so much," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.
"Naiintidindihan kita Tine, ilabas mo lang yang nararamdaman mo ngayon," sabi ko sa kaniya at tinapik ang kaniyang likuran. Hindi ko nakita ang kaniyang mukha pero alam kong umiiyak siya ngayon.
_
"Bakit mo ba kasi pinagleave si Mang Jose ng one month?" sabi niya sa akin.
Oo nga pala, pinag payed leave ko nalang kasi muna yung driver niya kasi ang plano ko talaga dati ay sasamahan kong umuwi si Christine kada hapon kaya sinabihan ko na si Mang Jose na magleave muna nung first day palang ng switching namin ni Christine. Haha, mukhang nagwork naman yung plano ko.
CHRISTINE
Hindi ko maexplain yung naramdaman ko kanina. I was lonely when I remembered kuya Christian. However, there's this feeling na medyo weird para sa akin. I was happy knowing na may taong nagcomfort sakin in in the middle of my pain. Yeah, I know that it was that annoying Kent Cruz whom I'm talking about but I just can't help it. I'm thankful sa ginawa niya kanina. And because of that, unti unti na rin akong napapaisip sa mga what ifs sa buhay ko na never kong naisip noon. What if totoo yung sinabi niya kanina? Na it isn't music's fault kung bakit namatay si kuya.
Well, speaking of Kent, Naglalaro lang siya ngayon ng cellphone habang heto naman ako, matiyagang naghihintay ng taxi. Naiinis talaga ako sa fact na pinagleave niya si mang Jose. Edi sana, sa kaniya nalang kami sasakay ngayon. Kakaunti lang din kasi ang mga sasakyan na dumadaan dito kaya medyo mahirap talaga makasakay. Lumipas ang iilang minuto at natanaw ko na rin sa wakas ang ilaw ng isang sasakyan.
"OMG! Sana taxi na 'to," sabi ko sa sarili ko. Well, sinadya ko talagang sabihin yun ng malakas para marealize naman nitong si Kent na nagsisikap ako ditong mag-abang habang siya diyan ay nagcecellphone lang. Pero parang walang effect naman yun sa kaniya kasi nakatutok pa rin siya sa cellphone niya.
Papalapit na ngayon ang sasakyan at dismayado ako kasi hindi pala ito taxi. Ngunit nung malapit na ito sa amin, tila narealize kong medyo pamilyar sa akin yung sasakyan na dumadaan. Saan ko ba ito nakita?
Nagulat na lamang ako ng biglang huminto ang sasakyan sa tapat namin. Bumaba na yung nagdrive pero lalo kung ikinagulat ng makita kung sino yung bumaba.
Si Kyle!
Tila nagmamadali siya sa paglalakad at ngayon ay papalapit sa akin.
"I-ikaw ba yung babaeng---" hindi niya natapos ang sinabi niya sa akin kasi agad na nagsalita si Kent.
"Uy may taxi na pala babe, tara na," saad ni Kent na ngayon ay hindi parin alam ang nangyayari kasi nakatingin lang siya sa cellphone niya.
Sh*t! Ngayon pa niya talaga ako tinawag na babe! Kahit kailan talaga, pahamak ka Kent Cruz!
"K-kent?" Nalilitong sabi ni Kyle dahilan para mapatingin ngayon si Kent sa kuya niya.
"Girlfriend mo siya?" Tanong ni Kyle na ngayon ay bakas sa mukha ang lalong pagkalito.
KENT2 Years Earlier
CHRISTINE7 Months Later"Hey Christine, wanna party later?" tanong nung kaklase ko.
KENTLabis ang saya ko dahil sa nangyari pero mas masaya ako dahil masaya rin si Christine. Para bang ako yung prinsipe niya at siya naman yung prinsesa at nawala yung sumpa dahil sa true love's kiss.Nasa taxi kami ngayon pauwi sa bahay nila. Kinakailangan ko na siyang ihatid kasi normal na ulit kami at baka mapahamak pa siya."Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na normal na ulit tayo," sabi ni Christine at sumandal siya sa balikat ko.Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa mga nangyayari. Kahit ako rin naman ay hindi rin makapaniwala. Ang plano ko lang talaga ngayon ay surpresahin siya sa isang rooftop sa boulevard pero hindi ko akalaing ngayon na kami babalik sa pagiging normal."Ngi, wala pa pala sila mommy," sabi ni Christine habang binubuksan namin yung gate. "Nagtext kasi sila. Nasa police station pa raw. Ewan ko
CHRISTINEIsang araw na ang lumilipas mula nung magkita kami ni Kent. Mas lalo tuloy akong naguguluhan ngayon.Blinock niya ako sa lahat ng social media accounts niya. Cannot be reached na rin ang number niya.May nangyari ba sa kaniya na hindi ko alam? O may nagawa kaya akong mali? Kung puntahan ko kaya siya ngayon sa bahay nila?Agad akong naghanda at nagbihis. Nagluto na rin lang ako ng instant noodles. Maaga kasing umalis sina mommy at daddy kanina at sabi nila'y magtatake out na lang daw sila kaya walang ulam ngayon sa bahay.Akmang aalis na sana ako nang biglang mahuli ng mata ko ang sasakyan namin na ngayon ay pinapark na sa garage. Bumaba na si mommy at sumunod naman si daddy habang bitbit ang dalawang supot.Wala na tuloy akong nagawa kundi umupo nalang muna sa sofa."Halika na a
CHRISTINEMalakas ang simoy ng hangin subalit tila napakagaan nito sa tuwing tumatama ito sa katawan ko. Ang langit ay nababalot ng mga kumukutikutitap na mga bituin habang napapalibutan ang hugis C na buwan. Kung totoo man ang theory na lahat ng mga namatay ay nagiging bituin sa langit, tiyak na masaya
CHRISTINE"San mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko kay Kent. Nasa biyahe kami ngayon pero ni ilaw man lang ay wala akong maaninag dahil sa blindfold na tumatabon sa mga mata ko ngayon.Pero ni isang sagot din ay wala akong narinig mula sa kaniya.