Share

Chapter 6

KENT

"Hays, ano ba yan Kent! Bakit mo kasi minadali. Dapat, suave lang yun eh. Ayan tuloy, mahihirapan ka na talaga sa susunod," sabi ko sa sarili ko habang nakatutok sa number ni Christine sa cellphone ko. "Tatawagan ko ba siya? Huwag nalang siguro muna."

Oo tama, nagpalit kami ng cellphone. Nasa akin pa rin yung cellphone ko kahit na sa katawan na niya ako.

Balak ko kasi sana siyang tawagan para magsorry sa nasabi ko kanina. Alam ko rin naman sa sarili ko eh na nagkamali ako doon. Kahit papaano, wala pa rin naman akong karapatan sabihin yun kasi kahit nasa katawan niya ako, sa kaniya pa rin naman 'to.

Andami ring nangyari ngayong araw. Ginawa namin lahat para kahit papaano, maging komportable naman kami sa sitwasyon naming ito. Gumawa pa nga siya ng rules eh.

Yung pinakauna, dapat di ko daw pwede hawakan yung katawan niya liban nalang kung naliligo. Yung pangalawa daw dapat matulog ako ng maaga kasi gigising pa daw ako ng alas 4 para magjogging, hays. Kaya pala ang ingay nung alarm clock niya kanina eh. Tapos yun, andami niya pang bilin sa akin tapos ang unfair lang kasi wala naman akong rules na binigay sa kanya pero sakin, napakarami. Nako! Kung hindi ko lang siya crush eh!

Na sa bahay na niya ako. Sabi niya rin pala dapat daw makabisado ko 'tong bahay. Kailangan ko na rin daw kumayod mag-isa kasi wala daw akong maaasahan dito. Luh, pano pagnagkasakit ako ha?

_

Na sa school na ako ngayon. Maganda naman yung umaga, napaka peaceful. Walang na yung magigising ka nalang bigla kasi ang iingay ng mga kuya mo. Wala na rin yung matagal na biyahe kasi medyo malapit lang yung bahay ni Christine sa school. At higit sa lahat, payapa akong nakakapaglakad ngayon papasok kasi wala ng mga babaeng haharang sakin at magsisigaw sigaw.

Kaso medyo nainis ako dun sa mga lalaking nakatingin sa akin ngayon. Yung halatang may pagnanasa talaga! Nako, hindi niyo pwedeng titigan ng ganyan yung crush ko ha, makakatikim talaga kayo sakin!

Hindi ko na lamang iyon pinansin ngunit nung naka ilang hakbang na ako, may isang lalaking humarang sa akin.

"Tine, sa kama tayo maglunch mamaya," sabi niya na ikinainis ko kaya nasuntok ko nalang siya ng hindi ko sinasadya.

Hays, lagot ako nito kay Christine. Sabi pa naman niya stay away from trouble daw. Pero nakakainis na eh! Binabastos na siya. Di ko namalayan na natumba pala yung lalaki at ngayon ay tinutulungan na siya ng mga kaibigan niya.

"P-pasalamat ka babae kang mangkukulam ka! Kung hindi, makakatikim ka talaga sakin," sabi niya na ngayon ay hirap pa sa pagtayo.

Hay nako. Ginamit ko nalang yung signature eye roll ni Christine tiyaka umalis na. Mabuti na lang, alam ko kung pano niya irapan yung isang tao. Kainis talaga yun ha, de bale sasabihin ko naman yun kay Christine. Sabi niya magkita daw kami bago pumasok sa first period doon sa bench kung saan kami una nagkita.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit binagabag ako nang makita ko malapit sa hallway ang mga babaeng estudyante na nagkukumpulan.

Hindi ko na lang sana iyon papansinin at magpapatuloy na sana ako para hanapin si Christine pero nagtaka ako kasi nakita ko sina Ethan at Augustus doon sa nagkukumpulan na mga estudyante kaya agad na akong pumunta doon. Hindi nalang siguro ako magpapakilala sa kanila.

"Can you like girls make ikot and then go away? You're too loud na eh," sabi ng isang pamilyar na boses na narinig ko mula doon sa mga estudyante.

B-boses ko ba yun? Tama! Boses ko nga! At si Christine yung nagsasalita ngayon.

Mabilis akong tumakbo roon para warningan sana siya na huwag naman ako gawing bakla pero pano yan? Di ako makalapit sa kanya sa sobrang dami ng tao. Hays. Hindi na nga ako yung na sa katawan ko pero ramdam na ramdam ko pa rin yung hirap ng pagiging gwapo. Bakit ba kasi ako pinanganak na ganito?

"Shoo! Go away," rinig ko pang sabi niya.

Hindi na 'to tama. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Lintek naman oh.

Pilit akong sumiksik sa mga nagkukumpulang mga tao. Nagbabakasakali rin ako na mapansin ni Christine kaso 'di niya ako makita. Nung nakalapit na ako sa kaniya, naramdaman ko ng nakabalik na ako sa sarili kong katawan.

"Pre, pumili ka nalang kasi ng isa sa kanila para wala ng aasa. Marami namang mga magaganda oh," sabi sakin ni Ethan.

"Oo nga pre, wala ka namang chance doon sa crush mo eh. Sukuan mo nalang 'yon," sabi pa ni Augustus.

Haha, yan ang inaakala niyo. Ngayon pa ba ako susuko? Tinitigan ko si Christine na nakatayo ngayon sa gilid ko. Bakas sa mga mata niya na parang nahihilo siya ng konti.

"Wag na kayo magulo kasi di ako interesado sa inyo. Iisa lang ang binibigyan ko ng interes at hindi kayo yun," sabi ko habang nakatitig sa mga mata ni Christine.

Tamaan ka sana please! Haha!

Nakita ko namang unti unti ng umaalis yung mga fangirls ko. Hays, mabuti naman. Lumapit ako agad kay Christine tsaka inakbayan siya. Gusto niyang kumawala pero pinigilan ko lang siya at bumulong ako sa kanya.

"Chill ka muna, acting lang 'to".

CHRISTINE

Bastos talaga siya kahit kailan! Ano? Acting daw?

"Psst! Huy ba't di mo sinasagot yung tanong namin," sabi nitong kaibigan ni Kent na si Ethan.

Hay nako. Kanina pa kasi sila tanong ng tanong kung ano na daw kami ni Kent at bakit nagagawa na daw niya akong akbayan. Hindi ko nalang sila sinagot at sinubukan ko ng makinig sa teacher na nasa harap ngayon.

Hindi ko aakalaing ganito pala kahirap yung buhay ni Kent araw araw dito sa school. No wonder kaya tamad siya. Eh pano ba kasi yan? Yung math nila dito sa last section, iniisa isa pa yung 3 trigonometric ratios. Yung CAH or Cosine of Theta is equal to Adjacent over Hypotenuse pa yung discussion namin ngayon. And sabi daw, each ratio will be tackled for a week para mas maintindihan ng students. Eh kami nga sa first section, isang oras lang namin diniscuss yung tatlong ratios eh.

Nagdecide muna akong matulog sa sobrang pagkabored.

Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang na may kumakalabit sa akin kaya napasigaw tuloy ako ng di sinasadya.

"Ano ba! Nakikita mo bang natutulog yung tao?"

Hays. Si Augustus Santiago pala yung kumalabit sakin. Bakit ba kasi? Napatingin ako sa buong classroom na ngayon ay nakatitig sa akin. Yung iba, natatawa habang yung iba naman poker face lang. Pati si sir nakatitig din sakin ngayon?

OMG, dahil ba sumigaw ako?

Napatingin ako ngayon sa teacher na ngayon ay umiiling na.

"Stand up," sabi niya kaya agad akong tumayo.

"Sinong nagbigay sayo ng karapatan na matulog sa klase ko, ha Mr. Cruz!" Sigaw niya.

Patay, lagot.

"Wala kang respeto bata ka! Bobo na nga, hindi pa pinalaki ng maayos ng mga magulang. Halatang hindi tinuruan ng magandang asal," dagdag pa niya.

Hindi ko alam pero parang naaawa ako ngayon kay Kent sa mga pinagsasabi ng teacher niya. Wala naman siyang karapatan na sabihin yung mga bagay na yun tungkol sa kaniya at lalo na sa parents niya dahil hindi naman niya lubusang kilala si Kent.

"Sir, parang sumusobra naman po yata kayo sa mga sinasabi niyo," sabi ko. Hindi ko na kasi mapigilan eh.

"Aba sumasagot ka pa ngayon ha! Pwes, tingnan natin kung saan aabot ang angas mo pagkatapos mong maparusahan," sigaw niya.

Oh my gosh, anong parusa ang pinagsasabi niya? Squat? Magbibilad sa araw? Hazing? Firing squad? Garotte?

"Sige. Dahil mahilig ka na ngayon sumagot, tingan natin kung masasagutan mo 'to," sabi niya at itinuro yung isinulat niya sa black board.

I-isang problem?

Tiningan ko ang reaksyon ng buong klase pati nina Ethan at Augustus na mukhang nababagabag ng husto sa mathematical problem na sa board.

"OMG, ano yan?"

"Hala, good luck nalang sa kaniya".

"Pangcollege na ba yan?" Dinig kong bulong bulongan ng mga estudyante.

Hindi ko na sila pinansin at binasa na ang nakasulat sa board.

In a 45-45-90 triangle, let the Hypotenuse be equal to 32. What is the value of the shorter leg?

"Ano pang hinihintay mo diyan Mr. Cruz? Nagmamagaling ka na diba? Go ahead and show your solution and answer it here on the board," sabi niya at nagcross arms.

Seryoso? Yan na yan? Yan na ang tinatawag niyang punishment?

"Sir, do I really have to write everything on the board? Kasi if I were to answer it directly, the shorter leg will be equal to 16√2," sabi ko ng diretso.

Napasingkit naman ang mata ni Sir at agad siyang may isinulat sa papel na para bang sinosolve niya ang sarili niyang problem para icheck yung sagot ko. Nang matapos na siyang magsulat, biglang napalaki ang mga mata niya.

"P-paano mo n-nakuha ang tamang sagot in a few seconds?" Pautal utal niyang tanong na ikinagulat din ng buong klase.

"Sir, hindi po kasi tayo dapat nanghuhusga agad ng tao. We might already know that person and their capabilities, but that does not give us the right to judge their personal life," sabi ko at agad na kinuha ang bag ni Kent at pumunta sa harap malapit sa pinto. "And if you'll allow me sir, I need to go to the restroom," sabi ko at lumabas na sa classroom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status